Part 10

JEMA:


" ikaw na bata ka", kelan mo balak sabihin sa amin na si atty. Wong pala ang boyfriend mo?" si papa nung paglapit ko sakanila, nandito kasi sila sa living nag kukwentuhan at parang matagal na silang magkakilala kung mag usap.


" Pa hindi ko siya boyfriend ". mabilis na sagot ko pano biglang nanlaki yung mata ni deans, pati ako nagulat sa sinabi ni papa.


" eh ano?" manliligaw?. tanong ni mama kaya napasapo ako sa nuo ko.


" Ma, Pa", kakain lang po kame sa labas ok", walang kame at hindi siya nanliligaw  sa akin. paliwanag ko pero sabay na kumunot ang nuo nilang dalawa, si deans hindi ko alam kung nahihiya ba to o naiihi na hindi kasi mapakali sa upuan niya.


"Ano?, sabay nilang tanong kaya napatakip ako sa tenga ko, para naman kasing nasa kapitbahay yung tinanong nila sa lakas pati si deans nagulat din.


" Bakit may pabulaklak?" tanong ni papa kaya napatingin ako sa bulaklak na nasa tabi ni deans, wow my favorite flowers, teka para kanino ba yun?, napansin yata niyang nakatingin ako sa bulaklak na nasa tabi niya kaya tumayo siya.


" Dra. para sayo pala", nahihiyang sabi niya saka inabot yung hawak niyang bulaklak kaya ngumiti ako at inamoy yun, ang bango ha".


" Kelan pa nagkaamoy ang sunflower Jema?. tanong ni papa kaya napaikot nalang ako nang mata, panira nang moment ang dakila kong ama.


" Teka nga deans ikaw nga ang tatanungin ko", ikaw ba e liligawan tong anak ko?" seryosong tanong ni papa kaya napalunok si deans saka tumangin sakin, para siyang batang humihingi nang saklolo. Para kameng naka hotseat ngayon pareho kameng pinagpapawisang  dalawa.


" Sir/Ma'am actually  po gusto ko sanang magpaalam kung pwede kong ligawan si dra. Jema?. salitang sinabi ni deans dahilan para mapanganga ako",  seryoso ba siya?.


" Yun naman pala eh", ngayon palang pala manliligaw". si mama kaya napakamot ng batok si deans.


" Isang puntos sakin". si papa kaya nanlaki yung mata ko, pumayag siyang ligawan ako?" pero bakit ako hindi ko alam na gusto pala niya akong ligawan.


" Ako din". si mama kaya mas lalo lang akong napanganga, yung totoo matagal naba silang magkakakilalang tatlo?.


" O siya sige na lumakad na kayo sa pupuntahan niyo gumagabi na", Deans ibalik mo nang buo ang anak ko ha. may pagbabantang sabi ni papa saka tinapik yung balikat ni deans, nagpaalam na kame sakanila para makaalis na. Masyado na kameng nagigisa dito sa bahay.


habang nasa biyahe kame pareho lang kameng tahimik walang gustong magsalita, totoo ba yung sinabi niya kila mama at papa na liligawan niya ako?, o sinakyan lang niya yung mga sinasabi ng magulang ko.


"Dra. / Deans". sabay namin sabi at sabay din kameng napalingon sa isa't isa kaya sabay din kameng natawa.


" Jema nalang deans wala tayo sa ospital". Sabi ko sakanya nung makabawi ako sa pagtawa dahil sa nangyari.


" Jema", about sa sinabi ko kanina im serious, gusto kitang ligawan", can you give a chance?. seryosong sabi niya tama namang nakapag park na kame dito sa restaurant na kakainan namin.


" Deans", pwede bang pag isipan ko muna?. kagat labing sabi ko saka tumingin sakanya, nakatingin din pala siya sakin.


" Yes of course", hindi naman ako nagmamadali Jema, im willing to wait", nakangiting sabi niya kaya ngumiti din ako, hindi naman pala siya mahirap kausap.


" Shall we go inside?. nakangiting tanong niya kaya tumango ako, mabilis naman siyang nag alis ng seat belt at bumaba ng kotse, akala ko iniwan na niya ako pero umikot lang pala siya para pagbuksan ako nang pinto at inalalayan pababa ng kotse. Gentleman naman po.


" Deans nakapa expensive restaurant naman dito", pwede naman kahit sa simpleng lugar lang. bulong ko sakanya pero natawa naman siya ng mahina kaya nahampas ko siya sa braso.


" your special Jema kaya you deserved a place like this", can we just enjoy the night?. nakangiting sabi niya nung alalayan akong maupo, ano pa nga bang magagawa ko nandito na tayo e, nakapag pareserved kana sayang naman kung aalis pa diba, choosy paba ako hahaha.


" Alam mo deans yang mga banat mo puro pambobola", siguro madame kanang  dinala sa lugar na to noh. tanong ko sakanya pero kumunot yung nuo niya, o bakit may nasabi ba akong mali?


" Jema hindi ako nambobola", and honestly ikaw ang unang babaeng dinala ko dito maliban kay mommy", si dad at mom lang kasama kong pumupunta dito pag lumalabas kame. seryosong sabi niya kaya napangiti ako, ang special ko naman pala charr.


Habang naghihintay kame ng order nagkwentuhan lang kameng dalawa ng kung ano ano, about his work and my work. About sa likes and dislikes ,para kameng sumasagot ng slumbook ba ang tawag dun? para kameng bumalik sa HighSchool life, aaminin ko panatag ang loob ko sakanya i feel safe  habang kasam ko siya.


"Subukan mong tumawa deans magwawalk out talaga ako". banta ko sakanya nung sinabi kong mahilig ako sa mga fantasy books at marami akong collection about fantasy movie's.


"ha?" why would i?, actually we are the same, mahilig din ako sa mga fantasy books and movie's. nakangiting sabi niya kaya nakahinga ako nang maluwag, ngayon masasabi ko na normal ako dahil hindi lang ako yung professional na mahilig sa mga fantasy books and movie' s. Mukhang magkakasundo kameng dalawa.


"talaga?" o baka pinipigilan mo lang matawa. paninigurado ko sakanya kaya napakamot siya ng kilay.


" im telling the truth Jema", mahilig ako sa fantasy and maybe someday may sasabihin ako sayo about me", not now ha kaya wala munang tanong about that. ang daya naman may pa someday pa, magtatanong na sana ako kaya palang may pahabol naman na wala munang tanong", abogado ka nga talaga.


hanggang sa pagkain namin dalawa puro parin kame kwentuhan, mabilis kameng napalagay sa isa't isa, maraming bagay kameng napagkakasunduan.


" Deans ladies room lang ako before we go". paalam ko sakanya we decided to go home na kasi dahil pareho pa kameng may trabaho bukas.


" i will wait you here", nakangiting sagot niya kaya tumayo na ako, pero epic lang dahil nung maglalakad na ako papunta ng restroom bigla akong natapilok kaya napapikit nalang ako dahil alam kung anumang oras babagsak ako sa sahig.


" i got you baby". boses na nagpamulat sa mga mata ko, si deans habang hawak ako sa bewang, parang naulit na naman yung unang beses na niligtas niya ako. Pakiramdam ko tumigil na naman lahat ng nasa paligid ko o sadyang mabilis lang talaga yung kilos ng katawan niya.

Comment