Chapter 20

"Hello?" Sagot ko sa tumatawag. Napatingin ako sa wall clock ng aking kwarto sa condo. It's already 7:30 in the evening.


"Hi Architect! How are you!? When will you get back here? We miss you so much!" It is Engineer Peralta.


Tumayo ako para dumiretso sa kusina para makapagluto man lang. Wala pa ako sa labas ng pintuan pero amoy na amoy ko na ang mabangong niluluto. Nagmadali ako lumabas and then naabutan ko si Jacob, na nakatopless lang.


Nahiya ako sa suot kong oversized shirt, wala pa naman akong bra. Papasok na sana ako sa kwarto para makapag ayos man lang ng bumaling siya sa akin at inilahad ang upuan sa harap ng counter wala akong nagawa kundi ang lumapit na lang.


Ugh! This man! Hindi man lang ako inabalang ayusin ang sarili ko!


"Hello? Architect?" Nakalimutan ko pang may katawagan pala ako.


"Ah yes?"


"I'll call you later Architect! Be back!" Hindi ko na hinintay na mamatay ang tawag. Inilapag ko iyon sa may counter at naupo. Nilingon niya ako. Yumuko ako para sana pumikit pa.


Inaantok pa ako sobra. Kaninang 8:00 in the morning lang kami dumating. Ni wala ata kaming tulog hanggang sa marating namin itong Manila, panay lang usap namin sa loob ng kotse.


"Hi, how are you?" Napaayos ako ng upo ng ilagay ni Jacob sa harap ko ang Pasta. Tiningnan ko naman siya. Nagpout ako para ipakita sa kaniya na inaantok pa ako. Hinalikan niya ako sa pisngi kaya bahagya akong lumayo.


Tsk! Itong lalaki talaga!


"Jacob hindi pa ako nakakapag ayos!"


"So what?" Lumapit siya sa likod ko at ipinulupot niya ang kanyang kamay sa baywang ko. Napahiyaw pa ako ng bigla niya akong pwersahing iangat papunta sa may sala.


"You're smell so good huh?"Nakiliti ako ng amoy amoyin niya ang ang leeg ko ng naupo siya sala. Habang ako naman ay nakatalikod sa kanya at hinahawakan ng mabuti ang  kamay niya na pinagsiklop namin kanina.


Hinarap niya ako sa kanya. Ngumuso ako. Ang kanyang kamay ay naglandas sa aking buhok pababa sa leeg hanggang braso. Inayos niya ang takas na buhok at inilagay niya iyon sa likod ng aking taenga.


"Kamusta ang tulog mo?"


"Ayos naman" niyakap ko na lang siya.


"Hindi ka ba nagpahinga?" Tanong ko sa kanya ng wala sa sarili.


"Um yeah, pero umalis ako kanina para bumili ng lulutuin" sagot niya sakin. Bahagya akong lumayo sa kaniya, nahihiya ako sa ayos ko ngayon. Oversized shirt lang yung suot ko at wala pang bra. Umalis ako sa pag kakandong at naupo na lamang sa tabi niya.


Sumandal ako sa may Sala at marahang pumikit. Naramdaman ko naman ang pag galaw niya, iminulat ko ulit ang mata ko para makita siya. Naglalagay ng pagkain sa plate. Ilang minuto pa akong nakaganon ng maramdaman ko ang halik niya sa noo.


"Hey Let's eat?" Malambing ang kanyang boses. Umayos ako ng upo. Kinuha ko iyong plate at tinikman ang kanyang luto.


Ito ang pinakaunang putahe na inihanda at matitikman ko na niluto niya kaya lulubuslubusin ko na. Unang tikim ko pa lang ay nanunuot na ang sarap. Medyo naparami rin ang nakain ko kaya busog na busog ako.


"You're so hungry huh?" Natatawang tanong sakin ni Jacob. Hindi ko siya pinansin at kumain lang ng kumain. Tumayo siya at may kinuha. Nang makabalik, dala ang dalawang baso ng tubig. Inilapag niya ang isa bago naupo sa tabi ko.


"Hindi ko alam na marunong ka pa lang magluto hmm?" Tanong ko. Kinuha ko iyong tubig at sumandal sa kanya. Ipinulupot niya naman sa baywang ko ang isang kamay.


"Ah yeah, my mom teached me how to cooked when I was twenty-one, but now At the age of 27 medyo gamay ko na lahat." sagot niya. Tumango na lamang ako. Ilang minuto din ang aming ginugol bago natapos ang aming pagkain.


"Baby" tawag niya sa akin. Nakahiga siya sa lap ko habang ako naman ay nakasandal sa couch at nanonood kami ng tv.


"My mom called me, she wants to meet you" naibaba ko ang kinakain kong popcorn sa center table at umayos ng upo. Tumayo naman siya naupo ng maayos sa tabi ko saka ako niyakap.


"Jacob"


"She wants to see you, Angie. Also my Dad" napapalunok akong tumingin sakanya.


"Jacob what if-" di ko pa man natapos ay hinalikan niya ako sa noo.


"Don't worry she like you" alam kong pina gagaan niya lang ang saloobin ko. Totoong kinakabahan ako sa maaring mangyari.


"When?"


"Don't worry matagal pa iyon" saka ako niyakap ng maghigpit.


"Ah okay" nawala ang kaba sa sinabi niya. Ang akala ko kasi ay ngayong week.


When the day past, mas lalo lang bumigat ang mga trabaho na ibinibigay sa amin. Sa mga sumunod na buwan ay mas lalong bumibigat. Napakahirap nahihilo ako. Lalo na sa akin! Lalo't na ngayon at nasa hospital si Arch. Romero dahil na heart attacked. Mamaya nga pupunta ako kasama si Jacob para bisitahin siya. Matapos kasi ang gabing iyon, ilang buwan na rin ang nakalipas na pinagsaluhan namin ni Jacob hindi na kami nagkita pa although, meron naman kaming communication through chat, calls or text.


Damn! I missed that Man!


Mabilis kong tinapos ang lahat ng trabaho sa aking opisina. Alas singko na. Hinihintay ko pa rin ang tawag ni Jacob dahil susunduin niya ako.


Habang hinihintay ang lalaking mahal ko, inayos ko muna ang sarili ko sa harap ng salamin, na agad na mang pumasok si Nicole.


"Oh! Andge!? I thought you left already?" She asked me, while I'm putting some lipticks on my thin and pinkish lips.


"Ahh No, hinihintay ko pa si Jacob"


Lumabas na ako sa Comfort room at bumalik sa opisina. Kinuha ko ang phone kung my text ba. And Then tama nga ako at may text na si Jacob! Sa pagmamadaling mabasa ang kanyang mensahe bahagya ko pang naihagis ang cellphone ko kaya nalaglag iyon. Mabilis ko iyong pinulot at pinagmasdan ng mabuti kong meron bang basag. Sa kabutihang palad at wala naman. Shet! Since highschool ko pa iyon at hindi ko pa pinapalitan! Ganon ako kaingat sa bagay! Ako lang naman ang hindi iniingatan!


Jacob:
I'm on my way baby, Just wait for me. Don't leave okay?


Basa ko sa mensahe niya. Inayos ko na ang mga gamit. Ngayon ko lang napansin na patay na lahat ng ilaw sa labas ako na lang pala ang tao! Tiningan ko ang wall clock damn! Alas sais e medya na! Baka kanina pa iyon naghihintay! Tinakbo ko ang hallway papunta elevator sa kadahilanang miss na miss ko na ang lalaking nagpapatibok ng puso ko! Nang makapasok sa elevator pinindot ko iyong ground floor at ilang minuto lang ang hinintay ko hanggang sa narating ko na.


"Good Evening Architect!" Bati sa akin ng guard pagkalabas ko ng tower.


"Good evening po! Alis na ako!"


"Ingat po!" Sigaw niya. Lumapit ako sa may hagdan at doon ko nakita ni isang bakas ng Jacob ko ay wala! Naghintay pa ako ng ilang minuto baka natraffic lang iyon. Pero sa paghihintay kong iyon bumuhos ang malkas na ulan at inabot ako ng ilan pang minuto.


Kinakabahan na ako kanina pa ako rito naghihintay! Kinuha ko na ang phone ko, kung tingnan kong meron siyang txt or kung sa parking lot pala siya naghihintay sa akin! Pero wala! Wala siyang txt!


Me:
Jacob, where are you?


Me:
Please reply me.


Me:
I love you.


Sinubukan ko na rin siyang tawagan pero out of coverage area. Ano ba ang ngyayari!? Kinakabahan na ako! Kahit na sobrang lakas ng ulan pinili ko pa rin lumuaob para lang makakiha ng taxi! Pupuntahan ko na lang siya sa penthouse niya.


Agad akong pumara ng taxi at pumasok sa loob noon. Sinabi ang pupuntahan. Hindi ko malaman ang tibok ng puso ko. Halos isang oras akong naghintay roon pero walang Jacob! I tried to called him again pero out of coverage area parin! Asan kana ba!? Mabilis akong bumaba at ng taxi at nagbayad.


Sa bawat hakbang ko papuntang penthouse ni Jacob. Mas lalo akong kinakabahan hindi ko mawari kong ano ang dahilan noon. The guard greeterd on me. Isang pekeng ngiti lang ang naibalik ko. Pumasok ako sa elevator at pininidot ang 15th floor kong saan ang penthouse ni Jacob.


My heart pounded beat so fast when I reached his floor. Sobrang kaba ang nararamdaman ko. I don't care if what will happen next! I just wanted to see him now!


Lakad takbo ang ginawa ko para lang marating ang bungad ng kanyang tinitirhan. Hindi na ako nag atublimg ayusin pa ang sarili ko At ng marating iyon mabilis kong pinihit ang door handle. Hindi nakalock kaya pumasok na ako.


Nang nakapasok na ako, sobrang dilim sa loob nangapa pa ako hanggang sa narating ko ang sa may veranda. Ang iba't ibang kulay ng syudad ay nagmimistulang christmas light sa aking paningin this is my favorite place after all. Ilang beses na rin akong nakapunta rito pero parang first ko pa rin ito. Bumaling na ako sa likod. Sa sobrang laki kaylangan ko pa ring mangapa, kinuha ko ang cellphone sa loob ng bag ko para gamitin iyon bilang flashlight.


Tinahak ko ang daan papunta sa kaniyang kwarto. Bukas ang ilaw at nakaawang pinto. Mas lalo lang ako kinakabahan. Hindi ko alam kong ano ang gagawin ko kung bubuksan ko ba or hindi pero mas pinili ko na lang ang lisanin iyon.


Tumalikod na ako, at sa pangalawang hakbang ko pa lang ay narinig ko na ang isang pamilyar na boses na kanina ko pa hinihintay.


"Yes I love you, Louisse" parang nanigas ako sa kinatatayuan ko. Dahan dahan ulit akong lumapit sa harap ng pinto, nanginginig ang aking kamay habang unti unti iyong itinulak ang pinto para makita ang kung ano ang ngyayari sa loob.


Nang makapasok ako, ang luhang kanina pang nagbabadya ay mabilis na umagos sa aking pisngi na tila bang talon. Gusto kong magalit sa lahat! Seeing my man, kissing another girl breaks my heart so much! I never thought he can do this to me.


"Jacob" yun ang unang salita na lumabas sa bibig ko. Napahawak ako sa labi ko nag kumikibot kibot na hindi ako gumawa ng ingay habang tinitingnan sila, tuloy tuloy ang agos ng luha ko. Parang tinutusok ng napakaraming kutsilyo ang dibdib ko.


You said you'll never hurt me.


Hindi ko naisip na ang lalaking mahal ko ay lolokohin ako ng ganito!Sobrang sakit! Para akoong binuhusan ng sobrang daming yelo, hindi ko pa rin maihakbang ang parehas kong mga paa at patuloy silang pinagmamasdan na naghahalikan.


Mas lalong akong naiyak ng hawakan ni Louisse ang ibabang parte ni Jacob na kahit kailan hindi siya pumayag gawin ko iyon! Mas lalng nagdilim ang paningin ko ng hatakin ni Louisse ang si Jacob papalapit sakanya.


Kung mahal mo ako bat hindi ka umangal?

Napahikbi ako sa isipin iyon. Tumalikod na ako at dahan dahan umalis para ewan sila. When my man, called me. Parang bigalang dinamba ang dibdib ko ng paulit ulit ng tawagin niya ako mas lalong nag unahan ang pagtulo ng luha ko ng yakapin niya ako ng sobrang higpit.Damn! I missed him so much! Sa sobrang pag kamiss ay nasaktan ako!


Hinawakan ko ng paunti unti ang kanyang kamay at pilit na inaalis ang kamay niya.


"Andge" gusto kong maupo sa sobrang bigat ng nararamdaman ko. Gusto ko siyang sampalin pero mas nananaig ang pagmamahal ko kesa sa ginawa niya. Dahan dahan akong humarap sa kanya at tiningan siyang mabuti. Hindi ko mabasa ang gusto niyang iparating.


Mas lalong bumuhos ang luha ko ng tumulo ang luha niya sa pisngi. Walang ano ano ay niyakap ko siya ng sobrang higpit. Ginantihan niya naman iyon.


"Kahit sandali lang Jacob, hayaan mo ako" pakiusap ko mas lalo kong isinubsob ang pisngi ko sa dibdib niya.


"Let me explain" sabi niya. Dahan dahan kong inangat ang paningin ko sa kanya at nagulat ako ng tuloy tuloy rin ang luhang umaagos sa mukha niya.


Hinaplos ko iyon. Pinagkatitigan siya ng maigi.


Jacob I'm sorry


"Shhh you don't have to be sorry" pa aalo ko sakanya. Gustong gusto ko siyang murahin pero hindi ko magawa. Patuloy pa rin sa pagbuhos ang luha ko at paunti unting umatras sa kaniya at tumakbo palayo.


"Angie! Wait!" Pigil niya pa sa akin.


"Angelica Lim!"

Comment