Chapter 3

Maaga akong nagising kinabukasan. Kahit na puyat ako. Medyo masakit nga yung ulo ko ngayon. Tumayo na ako sa pag kakahiga at dumuretso sa Banyo at naligo. Sabit sa kabilang balikat ang towel. Dala ang aking phone at plinay ang paborito kong music.


"When my love is all I have to give without you I don't think I can live. I wish I could give the world to you... All I really Have to give to you.." sabay ko sa lyrics ng kanta. Namg dahil sa wattpad kadalasan sa mga kantang mayroon ako ay galing sa mga story na nababasa ko noon.Habang nagbabad sa bathtub, inererelax ko na muna ang aking sarili. Jusko po sana hindi ako lutang mamaya.


Nang matapos ako maligo ay lumabas na ako nagbihis as usual dress na naman ang isusuuot ko at flatted shoes lang. I wore my aviators, mainit kasi ngayon.


Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.Hmm okay lang naman as if makikipag date ako kay Mr. Lim! Ay nakalimutan ko icheck yung mga messages ko.


Kinuha ko ang phone ko sa banyo na naiwan ko pala at pumunta sa message. May mensaheng galing sa mga kaibigan ko. Kay mama. Kay Anna at Dr. Españo.


Inuna ko na muna yung kaya Anna baka ito na yung mga details.


Anna:
Architect, doon na lang daw po kayo sa Trinoma. 8:00 am daw po.


Me:
Ang layo naman? Nasa Makati ako.


Anna:
Susunduin daw po kayo ni Engr. Lim.


Matapos ang text na yun ni Anna lumabas na ako ng condo at dumiretso sa elevator.


Fuck! Bat sobrang layo naman!? Makati ako at malapit iyon sa MOA! Nababaliw na ba talaga iyong si Engr.!?


Nasa labas na ako ng tower ng may kumaway sa akin na nakaitim na lalaki. All in black siya pati na rin yung suot niyang shades. May patay ba!? Nakakaloka!


Lumapit siya sa akin."Ikaw po si Architect De Leon?" Tanong niya sa akin. Tumango naman ako.


"Sakay na po Architect." Lumapit ako sa isang Black Limousine at pinagbuksan ako sa back seat.


"Thank you" napahawak ako ng mahigpit sa bag na nakasabit sa balikat ko saka iyon binalingan ng mag vibrate naman.


I took my phone to see my messages. And Yeah It was him again. Dr. Españo tsk. Napailing pa akong binubuksan iyon at umayos ng upo.


Ken E:
Angelica pls? Talk to me Darling. I miss you so much.


Ilang beses ko ba siyang paulit ulit na bustedin para matigil na?


Halos mag iisang oras din ang naging biyahe namin hanggang sa marating namin iyong Trinoma. Kung saan maraming magnanakaw! Hinatid ako ng bodyguard hanggang sa loob ng restaurant sa Trinoma. Itinuro niya sa akin si Engr. Lim.


Naglaglag ang panga ko sa nakita ko. Isang lalaking sobrang gwapo, mapupungay ang mata ang mga kilay niyang parehas ni Daniel Padilla! Fuck it can't be! Ang gwapo niya. Mga around 27 I guess!?


"Architect, Engr. Lim is waiting for you" napalingon ako sa isa sa mga sumundo sa akin ng tawagin niya ako. Tumango na lang ako at pumasok sa loob ng Restaurant. Napalunok pa ako ng papalapit na ako sa kanya.


"Good morning, take your seat please" tumayo siya para alalayan akong makaupo sa harap niya. Nagpa salamat naman ako. Inayos ko ang aking sarili, saka huminga ng malalim at pinagkatitigan niya naman ako.


Nag order siya ng makakain namin. Hindi ko alam na ganito pala kakisig itong lalaking nasa harap ko ngayon! Nakakalaglag panty! Napaka gentleman! Naku! Pag nag kataon jojowain koto!


Ano ba Angelica! Umayos ka nga! Baliw ka na naman!


"So how's my design Architect?" Tanong niya sa akin. Habang ako naman ay napapalunok pa sa mga tanong niya. Ikwenento ko sa kanya lahat ng mga naging proseso at mga deals namin para project ng kanyang bahay.


Ilang oras rin kaming nag usap. Nag karoon din kami ng closure, nagkakwentuhan pa tsk.


"So kamusta naman yung trabaho mo kung ganoon?"


"Nako Engr. Nakastress sobra lalo na kapag wala ako sa mood mag sketch ng mga bahay kaso kailangan!" Natatawang kwento ko.


"Nah! Stop calling me Engineer. Jacob na lang" iritadong usal niya. Napayuko ako.


"Nako Sir! Hahaha ikaw ah!"


"Wag na sabi! Masyadong magalang!" Paranggalit na sabi niya. Natahimik tuloy ako. Kumain na lang ako ng order niya.


"By the way, can you tell me what's going on in your life?muntik ko ng maibuga ang kinakain ko sa harap niya. Gulat naman siya napatingin sa akin na agad sumenyas ng waiter. Tumayo siya para lapitan at haplusin ang likod ko.


"Are you okay?" Nag aalalang tanong niya. Hindi ko magawang sumagot agad dahil naubo pa ako sakto naman ang paglapit ng waiter at inabot sa akin ang towel na mabilisang tinaggap ko naman.


"Yes I'm so sorry Engr." Paumanhin ko pa matapos ilapag ang towel sa mesa at umayos ng upo.


Pinakatitigan niya ako ng maiigi sa bahagyang natawa.


"Pwede ko bang malaman ang mga ngyayari sayo sa ngayon?" Ngisi ngisng tanong niya pa.


Seryuso!?


"Ofcourse Engr." Tumalim ang tingin niya sa akin ng banggitin ko ulit ang title niya.


"Ahh Ofcourse Jacob!." Bawi ko sa sinabi ko kahi na kinakabahan na ako. Para siyang dragon na mangangain ng tao. Napaka moody.


"So what's your full name then?" Anak ng.


"Angelica Jade De Leon, from Sorsogon City, but I came here in Manila to do my job and earn money. So that's why I'm here in front of you hahahaha" natatawang aniya ko. Bahagya naman siya natawa. Umupo ako ng maayos at sumuluyap sa labas ng restaurant. Kitang kita ko kung paano kami pagtinginan ng mga tao.


"Is that Engineer Lim?"


"Yes! Ohhh who's that girl!?"


"She's so lucky to have Engineer in his life!"


Dinig na dining ko an mga sinabi ng mga magkukumpulang babae sa labas. Agad na namang kumunot ang noo ko. Ano ba to artistahin? Napasulyap ako sa kaharap ko ng tinig tinig siya sa akin.


"Hmmm Sorsogon is too far from here right?" Nangingiting sabi niya.


"You're a Bicolano! That's nice!" Ngumiti ako sa kanya at uminom ng juice.


"So can you tell me what's the beautifull spot in Sorsogon Hmm? Is Sorsogon is your hometown?"


"No Jacob. Actually I'm From Bulusan, Province of Sorsogon. Yes! Madaming spot ang pwedeng puntahan doon!"


"Like?" Taas kila na tanong niya at tumingin sa akin ng seryuso.


"One of the famous spot in Sorsogon is Bulusan Lake"


"Where Bulusan Lake, Located?"


"Actually nasa San Roque iyon. Bulusan Lake is a Luzon Island in the Philippines. It lies at heart of Bulusan Volcano National Park which covers a land area 3,672 hectares. It has an elevation of 360 metres and is located on the Southest flank of Mount Bulusan, an active Volcano" paliwanag ko. Tumango tango naman siya. Buti na lang at nasaulo ko yung nasa google.


"May beach ba doon?" Natawa ako sa tanong niya akalain mo yun! Ang yamang tao pero hindi alam ang mga mayroong beaches dito sa Pilipinas.


"Seryuso Engr.!? Hahaha ang yaman mo pero wala kang alam? You should visit on my hometown!"


"Tsk! Porket mayaman lahat na pupuntahan!? Mag babakasyon man ako sa ibang bansa kaya sa boracay."


"Merong Beach doon Dancalan at Miliga biga beach. And you know what? Dancalan is one of the most famous beaches in Sorsogon. Ganon din Miliga biga kaso hindi masyado matao dun. Oo may naliligo pero ang may nga lakas loob lang maganda doon mag picture! Sabi sabi kasi ng mga matatanda marami na daw ang nawala doon. Maraming Engkanto at pag gabi daw may nagpapakita na Barkong Bulusan which is barko iyon mg mga Hapon. Lumubog daw kasi ang Barko ng Hapon doon at lahat ng tao ay namatay."


Kitang kita ko sa taong ito kong gaano siya kainteresado aa mga pinasasabi ko.


"If I have time, I will go there in visit the places you telling me right now" tumango tango ako. Natapos ang pag uusap namin ni Engr. At palabas na kami sa Mall. Ihahatid niya ulit ako pabalik sa Makati.


Nasa loob na kami ng kanyang sasakyan ng biglang tumunong ang phone ko.


"Hello! Angie this is Sam!"


"Hello ate ah yeah!"


"Mga 11:30 na tayo magkita ah!? I'm on my way there. Ingat!" At ibinaba niya ang kanyang tawag.


Napalingon ako kay Engr. Lim ng tumikhim siya. Umayos naman ako ng upo.


"Ahh Engr. Hanggang doon na lang po ako sa boundary ng Makati" sabi ko. Umiling naman siya.


"No. Ihahatid ka namin. San ka ba?" Kinalabit niya ang driver at agad namang tumango ito.


"Sa Greenbelt po"


"Okay" tumungo ako pakatapos. Natapos ang pag uusap namin ni Engr. Hiningi pa nga niya yung number ko kaya ibinigay ko na lang. Pababa na ako ng kanyang sasakyan ng hawakan niya ang braso ko. Napatingin ako doon at agad niya namang binitawan iyon.


"Thank you and take Care" ngumiti ako sa kanya. Pumungay naman ang kanyag mga mata, medyo nakaawang ang bibig parang gusto may sabihin.


"Thank you" sobrang napasarap ang usapan namin ni Engr. Kaya medyo natagalan kami.


Pumasok na ako Mall at hinanap si ate Sam. Isang maputing babae ang kumakaway sa akin. Hinawakan ko ng mahigpit ang bag ko at lumapit doon.


"OMG! Angie! You're so stunning with your dress!" Humalakhak siya at mahigpit akong yinakap. Yumakap rin ako pabalik inaya niya ako papasok sa isa na namang Restaurant doon. At naupo kami.


"How are you!? You didn't tell me you're a Professional Architect right now! Kung hindi pa ako pumunta sa Bookstore at makita ang magazine na may picture ka doon hindi ko pa malalaman!" Nag pout ako. Tinawag niya ang crew at agad naman iyong lumapit sa amin. Nag order kami.


"At hindi mo rin sinabi sa akin na isa ka sa nagdesign ng skyscraper doon sa Dubai! Bigtime kana ngayon!"


"Tsk Ate hindi naman no!"


Nag usap na kami tungkol sa mga past namin at sa mga kalokohan noong higschool.


Nalaman ko rin na si Fatima ay may anak na ngayon. Na aswa niya pala yung kapatid ni Kuya si David.


"Dati rati ayaw niya dun! Halos isumpa niya na lahat wag niya lang maging jowa si David tapos ngayon may asawa na pala!" At nagtawanan kaming dalawa. Napasandal ako doon sa upuan.


"They are both happy now Angie, at may tatlo na silang anak!" Masaya siya sa mga ikenekwento niya.


I''m just wondering paano niya kaya iyon nakayanan? Tatlong anak? May sarili na pala silang negosyo doon sa amin. Sikat na Restaurant.


Natapos ang usapan namin ni ate at binigyan niya ako ni invatation para sa kasal nila ni kuya. Bago kami mag hiwalay yinakap ko siya ng mahigpit at ganon din siya.


How I miss this girl! Naalala ko tuloy yung tumakas pa kami ng School noon para lang bumili ng malaking kwek kwek sa Sapngan! Kaso pagdating doon wala pala kaya hotdog na lang binili nila at ako naman ice candy!


Doon sa amin gaganapin ang kasal at kailangan ko palang umuwi nito sa Bicol. I should tell my boss that I will take a leave for 2 weeks. Namiss ko na rin sila mama, papa at Tin. Ganon na rin sila lola at ang iba ko pang mga pinsan.


Kamusta na ba ang negosyo nila mama doon? Yung babuyan? At sari sari naming tindahan na noon kumukupit pa ako ng tig pa 500 pesos para bumili ng libro! Ito na siguro ang tamang oras para pag bayaran ang mga ginastos nila sa akin para makapagtapos lang ng pag aaral. Tinext ko naman sila mama kung kamusta na sila doon. Nagreply naman agad siya ng ok lang.


Nakauwi na ako sa condo. Humilata agad ako sa sofa at ipinikit ang aking mata para matulog. Sobrang nakakapagod ang araw na ito. Halos libutin ko na ang buong Manila. Tsk!

Comment