Chapter 13

Nagkulong lang ako sa loob ng kwarto ko, sa ilang araw na iyon ay wala pa rin kaming imikan ni Engr.


Pumunta ako sa dalawa kong lola para bisitahin sila at itreat sa Sorsogon. Linebre ko sila ng mga damit, gamit at iba pa. Pinagpipilitan pa nga ni Mama na isama ko si Jacob, pero agad naman nitong nakuha na hindi ko siya gustong makasama. Nanood naman kami ng sine, kasama ang mga bata.


Hindi na sumama si Jacob sa amin at mukhang nakakahalata na nga na iniiwasan ko siya.


Namili rin kami ng gagamitin para sa fiesta katulad na lang na mga sangkap, mga inumin at mga panghimagas.


Sinabi ko kasi kila mama na tutulo g ako sa pagluluto ng mga putahe sa fiesta, tiyak na uuwi sila Tita Bebe, kasama sila ate Rizza.


Nagkausap usap rin kaming mag lo lola at nagkatuwaan. We took a selfie and posted it on Facebook and Instagram. Marami ang naglike At comment. Pero ni isa ay wala akong pinansin bukod sa mga kaibigan ko.


Sa tatlong araw na iyon. Ginugol ko lang ng aking sarili sa loob ng kwarto at panay sketch lang ng mga bahay kahit na bakasyon ko naman. Pag gabi naman ay ganon lang din o kaya tumatambay ako sa terrace para makapag isip isip.


When I'm bored, I do something make me busy. Sketching, Dancing or whatever as much as I am enjoying it.


Tinanong naman ako ni Mama ng paulit ulit kong ok lang ba ako, ang palagi ko naman sagot "ok na ok" gabi gabi rin nag tetxt sa akin si Jacob na mag usap kami pero hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit ayaw kong makipag usap sa kaniya. Sa twing magkakasabay kami ng paglabas sa kwarto, inuunahan ko siya. Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bat ganon na lang ang nagiging reaksyon twing nandiyan siya.


Inlove na ba ako?


Sa tatlong araw na lumipas ay walang siyang ginawa kundi ang mamilit sa akin.


"Happy Fiesta" Mula sa labas rinig na rinig ko na ang boses na iyon ng aming kapit bahay.


Nag aayos ako ng aking sarili at mamaya baba na rin para manood ng parada sa kanto. Napasulyap ako sa wallclock it's already 7:00 am in the morning. Parang kailan lang ng kami ang nag paparada At sumasali ng competition.


Bumaba ako at lumabas para matulungan sila Mama sa paghahanda ng mga pagkain. Kanina pa ako gising. Nakaligo na rin, at naka pagluto.


Inayos ko iyong telang inilapag sa labas ng aming bahay at iniligay doon ang mga iba't ibang putahe. Katulong ko si Tin at sila Ninang.


Dito sa amin kapag fiesta, tulong tulong. Ilalabas ang mga lamesa sa kalsada at doon ilalagay ang lahat ng putahe. May makiki kain, wala rin naman kaming pakialam kung umuwi pa sila ng mga ulam. Basta ang importante ay nabusog at nag enjoy.


"Tulungan na kita" si Jacob na nakahubad at nababalandra ang kanyang katawan. Napatingin ako roon.


"Angie" muling tawag niya sa akin. Binaling ko ang ang paningin ko sa harap. Kinuha niya sa akin ang dalang kaldero na naglalaman ng kanin. Agad ko namin iyong ipinunta sa tagiliran ko.


"A-ah H-hindi na kaya ko na t-to" utal utal kong sabi. Ambang aalis na sana ako ng pigilan niya.


"I said I will help you, just let me do this"


"Engineer, I said no" mariing sabi ko. Umigting naman ang kanyang panga.


"Sige na Angie, patulungin mo na iyang si Pogi!" Sila Tito Jerry, na nakikinig pala sa usapan namin.


Naghiyawan naman ang mga tao sa paligid namin. Napairap tuloy ako sa kawalan:


"Ayieeees!"


"Go Angie! Jowain na yan!"


"Architect! Engineer ang ganda ng combination!"


"Jowain na yan!" Lahat sila ay iyon ang isinisigaw. Ngiting ngiti naman si Jacob, sa pang aasar sa amin. Iniwan ko siya roon at dumiretso sa kusina.


"Ma, manonood pala kami mamaya ng Dlc competition sa Municipyo" paalam ko kay mama na kausap sila Tita Marites, Hindi niya ako pinansin, kaya hinayaan ko na lang.


Pumasok sa loob si Jacob na nakadamit na. Tumalim ang kanyang paningin ng mag tama ang aming mata. Nagsitindigan amg balahibo ko! What the fuck!


Dala ang aking cellphone umalis ako ng bahay at pumunta ng kanto para mag abang na lamang ng parade.


Sobrang aliwalas ng paligid, masyadong maraming tao. Galing pa kasi sila sa simbahan at katatapos lang ng first mass. Hindi naman ako nakapag simba dahil 6:30 na ako nagising. Puyat na puyat ako simula ng mangyari iyong halikan ako ni Jacob.


Isang linggo na ang nakalipas pero hanggang ngayon hindi parin maalis alis sa isipan ko. Nagkagulo na ang mga tao, nagtutulakan at nagsisitakbuhan. Hudyat na paparating na ang parade.


Tatlong paaralan ng elementarya ang kasali sa compettion. Nag gagandahang mga damit ang suot nila ganon rin sa limang highschool. Dala ang aking cellphone at kinuhan iyon ng mga litrato. Natigil ang pagkuha ko ng mag text si Gwen sa akin.


Gwen:
Girl! Kunan mo ng pictures yung mga kasali sa DLC at isend mo iyon sa akin.


Me:
Okay.


Inabot ng bente minutos ang panood ng parada. Maraming school kasi ang kasama at nag sayawan pa kasama ang mga kandidata ng Ms. Bulusan na siya ang pinakahuli.


Napalingon ako sa likod ko at naabutan ko sila Lance, nahila hila si Jacob.


"Kuya bilis na!" Si Zion na patakbong lumapit sa akin.


"Tapos na" sabi ko.


"Ayan tuloy tapos na!" Reklamo ni Shen at Zion. Bahagyang napatawa si Jacob. Umupo siya ng kaunti para magpantay ang tingin nila, at may ibinulong.


Ang kaninang mga nakangusong bata dahil hindi nakanood ng parada ay napalitan ng ekspresyong masayang masaya.


"Yeheeeey!" Sabay sabay silang tatlo. At hinatak naman si Jacob papunta sa tindahan nila kuya Oweng.


Napatingin ulit ako sa papalayo ng mga nagpaparade at sayawan.


Hindi pala ako nakapanood noon tsk! Yun pa naman ang inaabangan ko.


Umuwi na ako ng bahay at tumulong. Kumain muna ako ng pang tanghalian bago umalis. May mga bisita na ang ang nagsisipuntahan sa bahay namin galing sa simbahan para makikain at makisaya. Ganon din sila mama tulong tulong kami sa pag aayos ng mga pagkain sa labas ng bahay. Kahit na bukas pa talaga ang Fiesta. Sa ngayon ay Desperad pa lanag kaso ngayong araw gagaganapin ang lahat ng event pati na rin ang Beer Plaza.


Kasama ko si Julius pumunta ng Auditorium para manood ng competition. Binati naman ako ng mga nakakakita sa akin. Lahat sila na mamangha hindi ko rin sila maintindihn bat ganon.


"Be mamaya pumunta ka ng bahay! Inuman tayo, nagtetxt rin si Vinace na sasama siya." Si Juius.


"Oh? Nandito si Vinace?" Gulat na tanong ko sa kanya.


"Hindi niya ba sinabi sayo?"


"Hindi"


Kinginang babae iyon! Hindi ako sinabihan na uuwi pala siya! Nakakainis idi sana nagsabay na lang kami!


"Angie!" Napalingo ako sa sumigaw Si Ate Kristine. Kasama sila ate Joseren. Nanlaki ang mata ko at patakbong lumapit sa kanila.


"Ate tin! Ate Joseren!" Bati ko sa kanila ata agad naman nito akong niyakap.


"Kumusta Architect De Leon!?"Inaya nila kami sa unahan para makapanood ng maayos.


"Okay naman Dr. Fragio" at nagtawanan kami. Hindi pa nagsisimula ang event. Nag usap usap muna kami tungkol sa aming mga trabaho at ginagawa sa buhay.
Si Julius naman ay tahimik lamang habang nagkukulikot ng kanyang cellphone. Baka kachat si Sam.


Umakyat na sa stage ang emcee at nag announce na in 5 minutes ay magsisimula na ang competition.


Napahawak ako sa bulsa ng aking pantalon ng mag vibrate iyon. Kinuha ko iyon at tiningnan kung sino ang tumatawag.


Si Jacob.


Napahakawak ako sa dibdib ko habang tinitingan parin ang kanyang pangalan sa screen at sinagot iyon.


"H-hello?" Medyo kabadong kung tanong. Nagsimula na ang event. Naroon na ang first performer nagreready na sa kanilang salute. Naglakad paunahan ang majorette kasama ang band leader na magkahawak kamay.


"Where are you?" Sa kabilang linya ay maingay. Mayroong nagsisigawan, nagtatawanan at iba pa.


"Sa Auditorium kasa si Julius at sila Ate tin"


"Saan banda?"


"Sa unahan" pagkasabi ko nun ay ibinaba niya ang tawag. Ibinulsa ko na lang iyon at nanoood na.


Natapos ang dalawang school magperfom at ang pinaka hihintay na ng lahat ang susunod. Kung saan, dati ay miyembro ako.


"Whoooooooaaaah!!""


"Go B N H S!!!"


"B N H S!!!!"


Lahat sila ay iyon ang sigawan. May mga dala pang pukpok at kung ano ano pa na pwdeng makalikha ng ingay sa Auditorium. Ang nasa taas naman sa may bubong at sa stage ay nagsisipalakpakan.


Nagsalute na ang majorrete kasama ang band leader. Parang dati lang na ako ang kasali. Sobrang kaba ang nararamdaman ko noon ng magpeperform kami sa tuwing magsisigawan ang mga tao. May time pa ngang sumunod ako kay Ate Bethany kahit na sa unahan lang ang pwesto ko. Kailangan dapat nakangiti kaso hindi ko maiwasan ang ngumuso dahil sa sobrang sakit ng sikat ng araw lalo't na mag aalas dos iyon.


Maganda ang kanilang tugtog lalo na sa baton. Sa baton hindi ako masyado marunong kumembot dahil hindi naman ako sanay roon. Nasa kalagitnaan na kami ng panonood ng makaramdam ako ng kamay sa baywang ko.


Nilingon ko ito at laking gulat ko ng nasa tabi ko na siya at seryusong nakatingin sa akin. Nagsitindigan ang balahibo ko, kumabog ng husto ang puso ko parang sasabok. Mas lalo akong kinabahan ng hapitin niya pa ako para magkalapit kami ng husto.


"Sobrang laki ng Auditorium para mahanap ka" bulong niya sa aking taenga. Napakurap naman ako, nag evil smile siya at shet aaminin ko! Sobrang gwapo niya para akong ice cream na paunti unting natutunaw.


Lumayo ako sa kanya ng kaunti at tumingin kay Julius na seryuso pa rin. Napasinghap ako sa kawalan.


"Don't force me, just let me do this." Naistatwa ako sa sinabi niya. Although hinayaan ko na lang siya kung ano man ang gusto niyang gawin sa akin.


Lahat na tapos magperform at ang hinihintay na lang namin ay ang champion. Ang limang paaralan ay nasa unahan na at kami namang mga nanonood ay nasa unahan rin sa baba ng stage pero sa labas ng bakod.


Napasulyap ako kay Ate Tin, ate Joseren na pangisi ngisi lamang habang dinu duro duro ako at ang kasama kong lalaki.


"Magkekwento ka samin! Angelica!" Patawa tawang ukol ni Ate Joseren at kumaway sa amin bago lumayo.


Haysst magpapaliwanag na naman ako.

Comment