Chapter 24

Hindi ko alam kong ano ang magiging reaksyon ko sa mga sinabi niya. Muli ay nilapit niya ang kanyang mukha at dinampian ako ng halik saka ako iniwan na nakamaang sa kawalan. Hinawakan ko ang labi ko. Nangungunot ang noo kong tinitingnan siyang papalayo at pasakay sa itim na kotse.


Iniangat ko ang tingin ko sa langit sa pumikit at doon nagpakawala ng buntong hininga. Naiinis ako sa sarili ko! Bat ang bilis bilis niyang magawa yun sa akin? Kunot noo akong naglakad sa itim na kotse ng tumunog ang cellphone. Nagmadali akong kinuha iyon sa bulsa ko ng hindi tinitingnan ang caller saka sinagot.


"Hi Angieeeee!" Mahabang tawag niya sa pangalan ko. Pinagbuksan ako
ng body guard ni Jacob saka ako pumasok sa loob. Ngiting ngiti si Jacob, ng lingunin niya ako pero nawala ang ngiting iyon ng makitang may katawagan ako.


"Hey Andge!" Muli ay tawag sa akin sa kabilang Linya.


"Yes?" Nangangapa pa rin ako sa boses na iyon. Hindi ko matandaan.


"Hindi mo na ba ako matandaan?"


"Sorry, hindi na eh"


"Grabi ka naman! Dati lang ay mahal na mahal mo ako!" Napamaang ako at napatingin sa cellphone ko saka ko binalik sa taenga.


"Paul?!" tumaas ang boses ko sa pagkakasabi nun. Nangingiti akong lumingon kay Jacob, na hindi na maipinta ang mukha para bang gusto niya akong saktan.


"Yeah! This is me Paul! By the way Happy Birthday!" Masayang bati niya sa akin.


"Ahh so sweet of you naman Paul! Thank you!" Sinadya kong banggitin ulit ang pangalan ni Paul at iloud speaker iyon.


"You're welcome Happy Pill!" Napapa lunok akong tumingin kay Jacob, na seryuso ng nakatingin sa labas. Hindi niya ako pinapansin mas mabuti kong ganon, magagawa ko ang gusto ko.


"Tsk Senpai" iling iling sagot ko saka tumawa.


"Umuwi kana dito, I have a gift for you. Let's have a date to-" hindi ko na natapos pang pakinggan ang sinasabi ng kaibigan ko ng kunin yun sa akin ni Jacob at patayin iyon. Nanlilisik siyang tumingin sa akin, pinilit kong abutin ang cellphone ko pero ibinigay niya iyon sa driver na agad namang tinggap nito.


"Ano bang ginagawa mo?!" mariing tanong ko at nakikipaglabanan ng tingin sa kanya. Bumilis ang tibok ng puso ko ng may pindutin siyang button doon sa inuupan niya at bumungad sa amin ang kurtenang itim para matakpan ang loob ng kotse kong saan nakaupo kaming pareho ni Jacob. Kitang kita ko ang mukha niyang seryusong nakatingin sa akin.


Napaatras ako at napasandal sa pintuan, ng unti unti siyang lumapit sa akin hanggang sa maitukod niya ang pareho niyang kamay sa magkabilaan kong balikat. Ikinukulong ako. Napaiwas ako ng tingin at bumaling sa madilim na parte ng inuupan namin. Hindi ko na maaninag ang labas ng kotse sa sobrang dilim at kapal ng kurtinang naka harang sa driver's seat at backseat.


Dumaosdos ako para mailagan siya na kanya namang ikinangisi, ngayon ay parang pabor na pabor sa kanya ang pwesto namin dalawa. Nakahiga ako habang siya naman ay nakaibabaw sa akin.


"Jacob, ano ba ang ginagawa mo?" kinakabahang tanong ko, bahagya ko siyang itinulak sa dibdib. Pero masyado siyang malakas para magawa ko iyon. Hinaplos niya ang buhok ko patungo sa pisngi habang nakatingin sa akin. Bumaba ang kanyang kamay patungo sa ilong ko hanggang sa labi na pinagkatitigan niya.


Pumikit ako at nailayo ang mukha ko ng ilapit niya ang mukha niya sa akin. Hindi niya pwedeng gawin iyon! May kasalanan pa siya! Hindi ako pwedeng maging marupok! Bahagya ko siyang itinulak pero hindi siya nagpatinag, sa halip ay ipinantong niya ang kanyang sarili sa akin at isinubsob ang ulo sa leeg ko. Hindi ako nakakilos.


"Are you making me jealous?" nanlulumong tanong niya. Hindi ko magawang sumagot dahil nawawalan ako ng hininga sa sobrang bigat niya napahawak ako sa dibdib niya at pilit na itinutulak. Mas lalo niya namang idiniin ang sarili niya sa akin.


"J-jacob" uutal na sabi ko. "I-i can't b-breath" pagkasabi ko nun ay umangat siya ng kaunti na napaibabawan niya na naman ako. Hinihingal akong tumingin sa kanya at pumikit.


"Angelica, are you making me jealous?" bagaman kunot noo ay seryuso pa rin siyang nakatingin sa akin. Napahawak ako dibdib ko ng mas lalong bumibilis ang paghinga ko. Napaayos ako ng upo at naisandal ko ang aking sarili sa upuan habang pumipikit pikit. Shit what the hell is happening to me?!


Hinawakan niya ang pisngi ko at kamay. Pilit kong inaaninag ang mukha niya pero para akong mawawalan ng hininga. Napahawak ako sa parehong kamay niya.


"I can't breathe" hinihingal na tugon ko. Parang umiikot ang paningin ko sa ngyayari.


"Jun, stop the car" pigil niya sa driver na agad naman itong tumugon. Pinindot ulit ni Jacob, ang button at agad naman nagliwanag ang paligid. Inabot niya sa akin ang tubig saka ako uminom.


Nanghihina akong tumingin sa kanya. Hinaplos niya ang pisngi ko saka ako hinalikan sa noo.


"Are you okay?" Nag alala tanong niya. Sa halip na sumagot, lumapit siya sa akin pinahiga ako sa kanyang dibdib.


"Y-yung tanong mo" pinilit kong aninagin ang mukha niya at hinaplos iyon gamit ang kamay ko. Para akong nahihilo na ewan! Ano ba ang ngyayari sa akin? Kanina pa man ay hindi ako nagkakaganito.


"No it's fine don't answer it, just rest okay?" Pilit siyang ngumiti para nagdilim naman ang paligid ko at unti unti akong nakatulog sa dibdib niya habang hinahaplos ang buhok at braso ko.


"Ma, she's fine, nagpapahinga po siya yes" unti unti kong iminulat ang mata ko. Nakatingin ako sa kamay kong nakapatong sa dibdib? Naiangat ko ang paningin ko at Jacob?! Napaatras ako ng kaunti. Tumingin siya sa akin ng nag aalala.


"I'll call you later" saka ibinaba ang cellphone. Tumingin ako sa paligid nasa parking lot kami, hindi ko alam kong saang lugar ba ito. Tumingin ako sa driver's seat pero wala yon doon.


"Asan tayo?" Tanong ko, pilit na binubuksan ako pinto. Napapabunton hininga naman siyang tumitingin sa akin.


"Why it is locked?! Jacob, opened the door" utos ko sa kanya. Tumalim ang tingin ko sa kanya na agad niya namang ikinakilos. Nang maramdaman kong pwede na mabuksan ang pinto ay dali dali akong lumabas.


"Hey, you're still not okay" suway niya sa akin ng mapahawak ako sa ulo ko. Agad naman siyang lumapit sa akin para alalayan ako.


"Sir!" Naiangat ko ang ulo ko sa tumawag. Tsk yung driver pala may hawak na mga paper bag. Mabilisan naman niya itong ipinasok sa loob at nagtatakang tumingin sa akin.


"Ma'am ayos lang po ba kayo?" Hindi ko siya sinagot sa halip ay umayos ako ng pagkakatayo ng medyo um okay na ang pakiramdam ko. Kumukulo ang tiyan ko sa gutom at naiihi na rin.


"Hey Andge!" Pigil niya sa akin ng astang aalis ako.


"What!?" Maarteng sabi ko at hinawi ang kamay niya saka duruderesetsong naglakad hanggang sa marating ko ang entrance ng Mall tsk! Nasa SM Sorsogon pala kami!


"You're not okay Angelica!" Galit na sabi niya sa akin. Nanlilisik ang paningin ko ng lingunin siya na agad niya namang ikinagulat.


"I'm fine okay!" Nang gagalaiting tugon ko sa kanya. Humarap na ako sa entrance at ganoon na lang ang gulat ko sa mga taong nakatingin sa amin at nabubulong bulungan pa. Hindi ko sila pinansin at dumeretso na ako papasok  sa loob. Kinukuha ko ang cellphone ko sa bulsa saka tinext si Mama na nasa Sorsogon na ako. Simula pa kahapon ay hindi na tumawag pa si Mama, kahit na text lang. Si Tin naman ay tinatawagan ko pero hindi rin sumasagot. Ano ba ang ngyayari sa kanila!? Inis kong naibulsa ang cellphone at nagpatuloy na lang sa paglalakad.


Nagtungo ako sa Cr, at umihi. Ilang minuto pa ay inaayos ko ang sarili ko sa salamin saka tinawagan si Mama. Hindi pa rin sinasagot ilang beses ko pang inulit pero hindi niya pa rin sinasagot. Huminga ako ng malalim saka lumabas ng Cr, ganoon na lang ang gulat ko ng nandoon si Jacob, nakasandal sa pader at naghihintay sa akin. Napaayos siya ng tayo ng makita niya ako saka lumapit at hinawakan ang braso ko.


"Are you okay?" Nag aalalang tanong niya.


"What do you think?" Napamaang siya sa sagot ko. Hindi ko na siya sinagot at  nagmadaling maglakad. Naramdaman ko naman ang mabilisan niyang pagsunod saka umakbay sa akin. Hinayaan ko siyang gawin iyon. Habang nakasakay kami sa escalator patungo sa second floor hindi maiwasan ang samo't saring mga papuri.


Napatingin ako doon dalawang lalaki na nasa unahan namin.


"Ang ganda niya Bro" sabi ng harap kong lalaki sa right side.


"Yeah I know" sabi naman nung isang lalaki na medyo payat na matangkad.


"I bet she's taken"


"Can't you see bro? Nakaakbay nga diba?" Sabi naman nung payat na tangkad. Hindi ko sila pinansin, sa halip ay ng marating na namin ang pangalawang floor ay naghanap na ako ng pwedeng makainan. Naiinis kong nililingon ang paligid. Nandoon pa rin ang mga bulong bulungan pero this time hindi na parehas ng kanina.


"Diba si Architect De Leon yan?" Parang nandidiring sabi nong isa akala ko naman sobrang ganda tsk!


"Where?"


"Ayan oh" tinalikuran ko sila, sumunod naman si Jacob sa akin. Nandoon ang tilian ng mga kakabihan ng bigla ay akbayan niya naman ako at nagpaunang naglakad.


"Omg! Si Engineer Lim!"


"Hala ang tagal na nila diba?!"


"Hindi mo ba narinig ang issue!?"


"Oo nga Thea, hindi mo ba narinig?!"


"Iniwan daw yan ni Architect si Engineer, 2 years ago ba?"


Naiinis akong tumingin sa mga taong iyon na agad naman nilang ikinagulat. Bakit ba hindi na lang nila pakialaman ang sariling buhay nila!


Akay akay ako ni Jacob, ng pumasok kami sa kilalang restaurant. Inalalayan niya naman akong umupo ska siya naupo sa harap ko. Nag order siya ng makakain habang ako naman ay inilabas ko ang cellphone ko. Bumungad sa akin ang napakaraming notifications at sunod sunod sunod pa rin iyong tumutunog.


Binuksan ko ang notifications, maraming nagmention sa akin. Binuksan ko ang isa mga nag mention sa akin. Nagugulat pa ako dahil dahil dalawang minuto palang iyon ng mapost ay 2.1k na ang mga nagreact at comments ganon na rin sa shares. Napatitig ako sa litrato namin ni Jacob sa escalator, naka akbay siya sa akin habang ako naman ay nakatingin sa kawalan. Ang sumunod namang pictures, magkaharap kami pero hindi mo masabi kong nag aaway ba or ano. Inangat ko ang ang ulo ko at pasimpleng sinulyapan si Jacob, nahawak na rin ang cellphone at kunot na kunot ang noo. Napatingin ako sa cellphone niya na parang mababasag na sa sobrang higpit ng pagkakahawak.


Itinuon ko na lang ang paningin ko sa cellphone. Pumunta ako sa messages. Kahit na bago itong acc ko, since last month ko lang naman ito ginawa ay hindi pa rin ako natanggal sa gc namin. In-add ni Vinace. "Gaguhan Forever" although nandoon pa rin ang isa kong acc, na minsana ko na lang gamitin.


Carla Ricero:
Guys nandito na ba si Angie!?


Harvey Satimbre:
Hindi ko alam sis yun na nga din yung tanong ko.


Cyril Fullo sent a photo.


Inopen ko yun. Kaming dalawa ni Jacob na magkaharap pero pareho ng tutok sa cellphone.


Rafael Furing:
Hala totoo nga ngayon lang yan pinost diba?


Harvey Satimbre:
Guys nandito nga siya! Nakita siya ni Kenneth kasama yung boyfriend.


Kath Monteo:
Guys kalma, hayaan natin si Angie.


Crystal Geva:
Anong kalma Kath, ang pinagsasabi mo?! Ilang years siyang hindi nagparamdam! Tapos ngayon?!


Hindi ba nila alam na online ako? Napapout ako sa sariling isipin. Naiserve na ang pagkain. Napapahiya akong nag angat ng tingin sa seryusong pagmumukha ni Jacob, nilagyan niya ng pagkain ang plato ko at sumenyas na kumain na. Naibaba ko hawak kong cellphone sa mesa.


Alam kong may kasalanan ako pero hindi ba nila pwedeng isipin ang sitwasyon ko?


No Angie, hindi mo pwedeng kwestyunin ang mga sinasabi nila. Ikaw ang umalis at piniling magpakalayo layo. Kasalanan mo dahil hindi mo ipinaalam sa kanila. Kaya nga may kaibigan ka diba? Para sa oras ng kailangan mo ay may matatakbuhan ka.


Hindi na ako magtataka kong ilang araw na naman akong hindi papansinin ni Lala. Tumunog ang cellphone ko sa tabi at nag flash doon ang name ng kapatid ko.


"Kamusta si Papa?" Paunang tanong ko habang ngumunguya unti unti na naman nangilid ang luha ko. Pinipigilan.


"Hinihintay ka niya" saka ibinaba ang tawag. Tinapos namin ang pagkain at saka nagmadaling makalabas sa mall at patakbong pumunta sa parking lot.

Comment