Chapter 9

Nandito ako ngayon sa may Ancestral Ale Bar at nag mi-mix ng mga inumin ng customer.

Pagkatapos ko ay nag serve naman ako sa may table number 7 at table number 9.

Marami na ding mga tao dito dahil gabi na rin at maya maya pa ay tinawag ako ni Soleil na i-serve sa vip room itong mga order.

Pagkarating ko sa vip room nanlaki ang mga mata ko at napatungo ako habang papalapit sa kanila.

Anong ginagawa ng mga professor dito?!

Hindi naman ako nagpahalata sa kanila at buti nalang medyo madilim dito sa loob at mabilis kong na i-serve naman yung mga order nila at napansin ko din hindi na sila naka suot ng pang professor. Halos makita ko na yung cleavage nila! Jusko!

Umalis na ako sa vip room baka makilala pa nila ako eh at ayaw ko naman malaman nila na nagtatrabaho ako dito.

Pagkarating ko naman sa bar counter ay tinulungan ko naman si Soleil at pagkatapos ng apat na oras ay nakita ko namang lumabas yung limang professor sa vip room.

Sinundan ko naman ng tingin yung limang professor at dumako naman yung tingin ko kay Ma'am Calister.

Napanganga naman ako lalo ng makita kong sobrang sexy at ang ganda niya sa suot na yan.

Pumunta sila sa may gitna at doon sumayaw nakita ko naman pano gumiling si Ma'am Alvarez ganun din yung mga kasama niya lalo na si Ma'am Calister! Fuck!

Mukha tuloy akong manyak na nakatingin kay Ma'am Calister.

Yung sayaw kasi nila ay pang sexy dance at nakikisabay sila sa tugtog kaya ganun sila sumayaw.

Para akong nanlalambot sa kinatatayuan ko dahil parang nang aakit si Ma'am sa sayaw niya!

Pagkatapos ko sa work ay umuwi na ako dahil gusto ko na matulog.

Nadatnan ko naman si ate sa may sala na nanonood ng movie kaya naman nakinuod din ako.

Saglit lang akong nanood at umakyat na din ako sa kwarto ko.

Kinabukasan ay pumunta ako sa may library ng school at nag advance reading nanaman.

Hindi daw makakapasok si Ma'am Calister kaya pumunta muna ako dito.

Habang nag a-advance reading ako ay hindi ko namalayang nakatulog pala ako dito. Halos 3 hours ang tinagal ko dito at lumabas naman na ako.

Habang naglalakad ako ay hindi ko maiwasang mailang dahil ang daming nakatingin sa akin! Yung iba nag tatawanan pa at bumubulong hindi ko alam kung anong meron bakit sila nagtatawanan.

Kaya naman pumasok ako sa cr at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang sarili ko sa salamin!

"Hayop! Sino namang walang hiya ang naglagay ng bubble gum sa buhok ko!" Inis na sambit ko habang tinatanggal yung mga bubble gum na nakadikit.

At dahil nahirapan ako tanggalin ay kumuha ako ng gunting sa bag ko at buti meron akong dala kahit maliit lang.

Kung meron man nangtitrip sa akin dito ay hindi nakakatuwa! Hahanapin ko kung sino ka! At kung sino din ang bumato sa ulo ko!

Galit akong lumabas ng cr at naglakad sa hallway.

"Anyare dyan sa mukha mo?! Biglang tanong ni Allison nang makita niyang salubong ang dalawang kilay ko.

"Bakit galit ka? Inaway ka ba ng bebe mo?" Natatawa namang sambit ni Chloe at sinamaan ko naman siya ng tingin.

"No!" Galit na sabi ko habang magkasalubong parin yung dalawang kilay ko.

Eh ano nga?!" Naiinis na ring sambit ni Yuna.

"May taong nag dikit ng bubble gum! Sa buhok ko!" Galit kong sabi.

"At sino naman?! Tanong ni Samira.

"Hindi ko alam!" Inis na talagang sambit ko.

"Wala ka bang nakaaway?" Tanong naman ulit ni Samira.

"Wala akong kaaway okay at hindi ko alam kung pinag titripan ako nung hayop na yun! At hindi ko rin alam kung sino din yung hayop! na nag bato sa ulo ko." Sunod sunod kong sabi.

"Saan kaba kasi galing?" Si Allison.

"Sa library." Maikling sabi ko.

"Nag advance reading ka nanaman noh!" Seryosong sambit ni Chloe at tumango naman ako.

"Eh kung nasa library ka naman pala bakit hindi mo nakita kung sino may gawa niyan?!" Sabat pa ni Yuna.

"Nakatulog ako." Ngusong sambit ko.

"Ehh?!" Silang apat.

Bigla namang sumulpot si Trina sa tabi ko kaya medyo nagulat ako.

Nag usap naman kaming lahat tungkol sa nangyari sa akin sa library at sinabi ko yun kay Trina.

Dahil wala naman kaming klase ay sinama muna kami ni Trina sa may mall dahil bibili daw siya ng mga kailangan para sa clinic at inutusan lang daw siya.

Pumunta naman kami ng parking lot at tuminging nagtatanong naman ako kay Trina at nakatingin din siya sa akin.

"My car Volvo XC90." Ngiting sambit naman ni Trina at ang ganda ng kotse niya kulay blue.

"May kotse ka pala?!" Nagugulat na tanong ko at natawa naman siya ng bahagya at ang ganda niya doon ah!

Sumakay na kami at nandito ako naka upo sa may tabi ng driver seat at umalis na kami.

Nagkwentuhan naman kaming lahat sa loob ng kotse at hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko dahil yung mga kaibigan ko pala ay mayayaman! Nahiya naman ako sakanila kasi mahirap lang ako.

Pagkarating namin sa mall ay dumeretso kami sa bilihan ng mga bandage at kumuha si Trina at kumuha din siya ng mga betadine, alcohol, bulak at iba pa.

Pagkatapos namin mamili ay nag aya naman silang lahat na kumain sa restaurant at nahiya naman ako lalo kasi hindi ko pa naranasang kumain sa mamahaling restaurant at hindi lang iyon dahil wala rin akong pera hindi pa ako nakaka sweldo.

Agad naman kaming inasikaso ng waiter at ibinigay na yung menu sa amin at naghanap ng oorderin. Nagulat naman ako pagkabukas ko ng menu dahil ang mahal ng mga pagkain! Nahiya naman akong u-morder at tinabi ko nalang yung menu.

"What did you choose?" Tanong ni Trina sa akin habang nakatingin at umiling naman ako.

"Why?" She asked. "Wala akong mapili eh tsaka ang mahal." Nguso kong sambit.

"Don't worry I will pay." Ngiting sambit ni Trina. "I will order yours." Dagdag pa niya at tumango nalang ako.

Comment