Chapter 17

Agad namang binuksan ng mga kaibigan ko yung nilapag na pagkain ni Trina at nag uunahan pa ito sa pagkuha.

Nang makakuha na sila ay agad namang kumain yung apat.

"Gutom na gutom!" Biglang sabi ko dahil ang bibilis nila kumain ngayon.

"Oo eh gutom na gutom!" Sabat naman ni Yuna habang ngumunguya.

Napailing nalamang ako sa apat at tumingin naman ako kay Trina at nakita kong nakatingin siya sa akin.

Ngumiti naman ako sakanya at ngumiti din siya pabalik at inaya ko naman siyang kumain na kami.

Nagulat naman ako ng biglang dumampi yung thumb ni Trina sa gilid ng labi ko at pinunasan iyon.

Nag thank you naman ako sakanya at nginitian siya at nagpatuloy lang sa pagkain.

Napalingon naman ako sa mga kaibigan ko na busy pang kumakain at dumako naman yung mga mata ko sa kabilang table at nakita ko naman si Ma'am Calister kasama yung apat na professor at nakita kong salubong nanaman ang mga kilay nito at seryosong nakatingin sa akin.

Problema nito?!

Iniwas ko naman yung mga tingin ko at inubos ko na yung pagkain ko.

Nagpaalam naman yung apat na kaibigan ko dahil mag papractice daw sila ulit at ganun din si Trina.

Naglakad naman ako papunta sa may gym at nakita ko naman sila Reggie, Alex at Luke na naglalaro ng basketball.

Pinanood ko naman silang maglaro at naririnig ko naman yung sigawan ng mga babae.

"Go! Alex!"

"Go! Go! Go! Luke!"

"Nice one! Reggie!"

"Akin ka nalang! Please!"

"Wahaha! Ang gagaling niyo!"

"Ang pogi nila!"

Iyan ang mga naririnig ko at sobrang ingay nila. Nang matapos na sila maglaro ay nakita naman nila ako kaya pinuntahan nila akong tatlo.

"Jia." Ngiting bati ni Luke at ngumiti naman yung dalawa sa akin.

"Naglalaro pala kayo ng basketball." Ngiting tanong ko habang nililibot yung paningin ko sa gym.

"Oo naman at kung gusto mo pwede ka naming turuan." Nakangiting sambit naman ni Alex.

"Sige ba sabi nyo yan ah." Masayang sambit ko sa kanila.

"Sure no problem." Sambit naman ni Reggie.

"Sa susunod na bukas na pala yung contest kaya mag ready tayo." Excited na sambit ni Luke.

"Paiingayin natin ang buong auditorium." Sabi ni Alex habang nangingiti.

Nagpaalam na din ako sa kanila after namin mag usap at lumabas na ng gym at habang naglalakad ako ay nagulat naman ako nung pag liko ko dahil nakita ko naman si Ma'am Calister at yung boyfriend niya na naghahalikan.

Saglit pa akong nakatitig sa kanila at hindi makaalis sa kinatatayuan ko nagulat naman silang dalawa nang makita ako sa harap nila at tumingin naman ako kay Ma'am at nag tama naman yung paningin naming dalawa. Hindi ko naman pinahalatang nasasaktan ako kaya ngumiti naman ako sa kanilang dalawa at napapayukong umalis.

Habang naglalakad ako papalayo bigla namang may humablot sa akin.

"Ano ba!" Sigaw ko sa humablot sa akin.

"Ang pangit ng mukha mo beh!" Sabi ni Yuna. "Sorry nakita kasi kitang umiiyak habang naglalakad." Dagdag na sambit pa ni Yuna.

Dumating naman sila Samira, Chloe at Allison.

"Anong nangyari sayo?" Nagtatakang tanong ni Chloe at tinignan ko naman siya.

"Wala." Pagtatanggi ko pero pinilit naman nila akong tanungin.

"Ano nga kasi nangyari?" Nag aalalang tanong ni Allison.

"Sabihin mo na Jia." Sambit din ni Samira.

"Nasasaktan ako." Sabi ko habang umiiyak.

"Saan?" Tanong nilang apat.

"Nasasaktan ako sa nakita ko." Isa isa ko silang tinignan habang sinasabi yan. "Nakita ko si Ma'am Calister naghahalikan sila ng boyfriend niya at hindi lang iyon nakita ko rin sila sa parking lot na naghahalikan. Mahal ko na si Ma'am!" Naiiyak na sambit ko sa kanila. "H-hindi ko alam kung kailan ito nag simula hindi ko alam kung p-paano nangyari 'to ang alam ko lang n-nahuhulog na ako kay Ma'am." Nauutal na sambit ko sa kanila at tuluyang umiyak.

"So may boyfriend pala si Ma'am." Hindi makapaniwalang sambit ni Chloe habang nakatingin sa akin at tumango naman ako bilang tugon.

"Don't cry na." Pagcocomfort na sabi ni Yuna at tinapik tapik pa ang balikat ko.

"Pwede bang wag nyo munang sabihin." Sambit ko sa kanilang apat.

"Sure." Sambit ni Samira at tumango naman din yung tatlo.

"Nandyan yung limang professor." Biglang sambit naman ni Allison habang nakatingin mula sa likuran ko at tumingin din naman yung tatlo mula sa likuran ko.

"Mauuna na ako." Tinignan ko naman silang apat at tumango naman sila.

Ayaw kong makita si Ma'am Calister at nasasaktan ako dahil sakanya kaya umalis na ako.

Hindi ko sya kayang harapin at alam ko naman wala akong chance sakanya at may boyfriend siya.

Ayaw kong sabihin sakanya ang tunay kong nararamdaman dahil kapag sinabi ko ay wala ding mangyayari at alam kong hindi niya yun kayang suklian at hindi kami parehas ng nararamdaman at mas masasaktan lang ako.

Nandito ako ngayon sa may Ancestral Ale Bar nagpapakabusy mag trabaho at iniiwasan ko naman isipin yung nangyari kanina.

Pagkatapos ko namang mag trabaho ay pumunta ulit ako sa may convenience store at bumili naman ako ng chuckie at sandwich.

Kumain naman ako nun at pagkatapos ko ay lumabas na ako at bumili naman ako sa may nagtitinda ng mga candy at bumili ako ng max na red at isang sigarilyo.

Sinindihan ko naman iyon at naninigarilyo naman akong nakaupo sa may tabi ng puno.

Malalim ang iniisip ko habang naninigarilyo ako at hindi ko naman namalayan na tumutulo na yung mga luha ko.

Hindi ko kaya yung nararamdaman ko at hindi ko alam kung bakit kay Ma'am Calister pa ako nahulog. At alam ko rin na bawal mag jowa yung student at professor at ayaw ko namang matanggal sa pagiging professor si Ma'am Calister ng dahil lang sa akin.

Natatakot akong malaman ng ibang tao kapag nalaman nila na mag jowa yung student at professor. Itatago ko nalang 'tong nararamdaman ko para kay Ma'am at ayaw kong malaman niya na nasasaktan ako kasi wala naman akong karapatan sakanya.

Mas bagay sila nung boyfriend niya parehas mayaman at maganda ang buhay kesa naman sa akin na mahirap lang ako at hindi gaano maganda ang buhay.

Comment