Chapter 50

Nagising naman ulit ako ng 6:00am at pumunta ulit ng kwarto at tinignan ko ulit si Ma'am Calister at nakita kong tulog pa rin ito.

Binuksan ko naman yung box na bigay sa akin ni Raven at tinignan kung anong laman nito.

Isang blue long sleeve button down shirt na may stripe na may kasamang white short at undergarments.

Meron pa akong nakitang sulat at binasa ang nakalagay doon.

"I want to see you wearing this, I love you" From: R

Naligo naman ako kaagad at nilabahan din yung sinuot ko at pagkatapos sinuot ko naman yung binigay ni Raven at lumabas ng banyo habang nagpupunas ng buhok.

Umupo naman ako sa may couch at tinignan ang kaliwang binti kong may nakalagay na leg brace.

Matatanggal na ito ngayong sabado.

Tumayo naman ako at naghanap ng suklay pagkatapos ay pumunta naman ako sa tapat ng ref para kumuha ng tubig.

Pagkatapos kong uminom saktong pagharap ko ay kakagising lang ni Ma'am Calister at papikit pikit pa siya at mukhang antok pa.

"Good morning Ma'am." Ngiting bati ko at iniwas ko naman yung mukha ko sakanya dahil makikita niyang medyo mugto pa ang mga mata ko.

Kaya naman umalis ako kaagad sa harapan niya at nag kunwaring may hinahanap.

Nakita ko namang pumunta siya ng banyo at pagkatapos lumabas din siya ulit.

"Let's go down." Biglang sambit niya at kaagad na sumunod ako.

Nauna naman akong pumasok sa elevator at nakatungo lang ako, pagkarating namin sa may ground pumunta naman kami sa may kainan dito sa loob.

Binigay naman ng waiter yung menu at naghanap naman si Ma'am ng o-orderin niya.

Nakanguso naman akong naghahanap ng akin at napansin ko namang tapos na si Ma'am Calister at nakatingin siya sa akin!

Tinaas ko naman yung hawak kong menu para hindi niya makita yung mukha ko.

Nakakailang yung mga tingin niya!

"Have you chosen anything yet?" Biglang tanong niya.

"Y-yeah." Sagot ko at dahan dahan ko namang binaba yung menu at nakatungo lang ako.

Naramdaman ko namang pumunta yung waiter sa may harap namin at tinuro ko naman yung gusto kong pagkain at pagkatapos umalis na din yung waiter.

Tumingin naman ulit ako kay Ma'am Calister at nakatingin pa rin siya sa akin!

Bwiset naman oh! Bakit ganyan siya makatingin may dumi ba sa mukha ko?!

"Baka matunaw ako niyan Ma'am hehe." Biro ko naman at ngumiti ng konti.

Hindi siya natawa! Kainin sana ako ng lupa ngayon na!

Nawala naman yung mga tingin niya sa akin ng may tumawag sa phone niya at sinagot ito.

Bigla namang may naglapag ng milk sa harapan ko at tinignan ko kung sino ito.

"May nagpapabigay po sainyo." Sabi nung waiter na babae at tinuro naman niya yung babaeng nakatayo doon sa may counter.

Tinignan ko naman siya mula sa likuran ni Ma'am Calister at ngumiti naman ako sakanya.

"Pasabi sakanya salamat." Sabi ko sa may waiter at umalis na siya para bumalik kay Raven.

Nakita ko namang sinabi nung waiter kay Raven yung sinabi ko at tumingin ulit si Raven sa akin sabay ngiti.

Napadako naman yung mga tingin niya sa suot ko at mas lalong lumawak pa ang mga ngiti niya ng makitang suot ko yung binigay niya.

Napatingin naman ako kay Ma'am Calister at nakita ko namang nakakunot ang noo nito sabay baba ng phone niya at bago pa man siya lumingon sa likuran niya ay nakaalis na si Raven.

"Who are you smiling at?" Nakakunot na tanong ni Ma'am.

"Nothing Ma'am." Mabilis na sagot ko sabay kuha ng milk at ininom iyon.

"Who gave you that?" Tanong ulit ni Ma'am pero nakataas ang isang kilay niya.

"Ahhh this, a friend." Sagot ko naman at nakita ko naman parang nainis siya.

"Who's friend?" Tanong nanaman niya ulit.

Daming tanong ah!

"Secret." Sagot ko sabay ngiti at narinig ko namang may sinasabi siya na hindi ko naman maintindihan.

Pero makikita mo ang inis sa mukha niya at tumingin naman ulit siya sa akin at sinamaan ako ng tingin!

Luh! Inaano ko naman siya!

Dumating naman yung mga order namin at nag simula naman akong kumain.

Nakita ko namang nakakunot pa rin ang mga noo niya habang kumakain,  natawa naman ako sa isip ko dahil makikita mong inis siya.

"What are you laughing at?!" Masungit na tanong niya.

"Nothing Ma'am." Nakangiting sambit ko.

Ang sarap niyang asarin hahaha!

Sinamaan naman niya ako lalo ng mga tingin at lalo akong natatawa sa may isip ko.

Pagkatapos namin kumain binayaran naman agad ni Ma'am yung inorder namin at tumayo naman siya at naglakad kaya sumunod naman ako sakanya.

Ang bilis naman niyang maglakad!

Halos matumba na ako sa bilis ng lakad niya kakasunod sakanya, hindi niya ba alam naka suot pa ako ng leg brace.

Hayst!

Nawala naman yung atensyon ko kay Ma'am Calister kakasunod sakanya nang makita ko yung fiance ni Ma'am at sinundan iyon kung saan siya pumunta.

Sinundan ko naman siya papuntang parking lot at nanlaki naman ang mga mata kong hinalikan ng fiance ni Ma'am yung babae.

Nagulat naman yung dalawa nang makita akong nakatayo at nakita ko naman ang mga reaction nila.

Nagulat din ako ng magsalita yung fiance ni Ma'am Calister.

"Ava." Sambit ng fiance ni Ma'am at makikita mong nagulat din ito.

Lumingon naman ako sa may likod ko at nakita ko naman si Ma'am Calister na nakatingin sa fiance niya.

Naglakad naman si Ma'am papalapit sa dalawa at bigla niyang sinampal ng malakas yung fiance niya.

"This is the second I saw you kissing other girl Jack!" Malakas na sambit ni Ma'am at makikita mong nanginginig na yung mga kamay niya.

"Let me explain Ava please!" Nagmamakaawa na sambit nung lalaki.

"I don't need your explanation! And I don't want to see your face ever again!" Galit na sambit ni Ma'am at nakita ko namang tinanggal ni Ma'am Calister yung singing sa daliri niya at binigay iyon sa lalaki.

"Please Ava!" Pagmamakaawa nung lalaki.

"I will not marry you Jack! We're done!" Malakas na sambit ni Ma'am at tinalikuran yung lalaki.

Sumunod naman ako kay Ma'am Calister papunta sa condo unit niya.

Pagkapasok namin sa loob dumeretso naman si Ma'am Calister sa may kwarto at sinarado ang pinto.

Pinihit ko naman yung door knob pero naka lock ito.

Kumatok naman ako pero hindi pa rin niya binubuksan yung pinto.

Nag antay naman ako ng ilang oras para lumabas siya pero hindi pa rin niya binubuksan yung pinto.

--

Nagpasya muna akong bumili ng mga groceries pagkatapos bumalik naman ako ulit sa condo ni Ma'am.

Nagluto naman ako ng pagkain at kinatok ko ulit yung pinto ni Ma'am.

"Ma'am labas kana po diyan kumain kana po." Sambit ko pero wala pa rin siyang response.

Iniwan ko naman sa may lamesa yung pagkain at humiga muna sa may couch.

Hindi ko namalayang nakatulog pala ako at nakita ko namang naubos ni Ma'am yung pagkain na niluto ko para sakanya.

Lumipas pa ang dalawang araw ay ganun lagi ang ginagawa ko, hindi pa rin lumalabas si Ma'am sa kwarto niya at kumakain lang siya kapag tulog ako.

Nag iwan naman ako ng sulat at nilusot iyon sa may ilalim ng pinto ni Ma'am.

Nandito ako ngayon sa may hospital kasama si Raven dahil ngayong araw tatanggalin yung leg brace ko.

Pagkatapos tanggalin ginalaw galaw ko naman yung binti ko at unti unti naman akong tumayo at naglakad.

Nang makita ng doctor na okay na ay pwede na daw akong maglakad lakad at nag thank you naman ako.

Gumala naman kami ni Raven sa may mall at alam yun ni Loraine at alam din niyang sinamahan ako ni Raven.

Pagkatapos naming gumala kumain naman kami sa restaurant at after namin kumain hinatid na din ako ni Raven dahil gabi na din.

10:00pm na ng gabi ng makarating ako sa condo unit ni Ma'am at pagkabukas ko ng pinto medyo madilim at ang tanging ilaw lang ay yung nasa may balcony.

Tinignan ko naman yung lamesa kung kinain ba ni Ma'am yung iniwan kong pagkain dito, nang makita ko ay nakahinga naman ako ng maluwag.

Kumatok naman ako sa may pinto at wala pa ring response ni Ma'am at triny kong pihitin yung door knob kung bukas ito.

Nang malaman kong bukas ito pumasok naman ako at sinarado yung pinto, medyo naka bukas yung kurtina kaya may liwanag konti sa loob ng kwarto na nagmumula sa may labas.

"Ma'am?" Tawag ko sakanya pero walang sumasagot.

"Ma–." Naputol yung sasabihin ko ng masagi ko yung bote at kinuha iyon.

Lumapit naman ako sa may liwanag at tinignan yung hawak kong bote.

Alak?!

Humarap naman ako para hanapin siya at nakita ko namang nakatayo siya sa may harapan ko at nakita ko ang itsura ni Ma'am, naka suot siya ng white long sleeve button down shirt at naka short pa ito ng maikli.

Napalunok naman ako dahil ang ganda ganda niya sa suot na yan kahit lasing siya.

Unti unti naman siyang lumapit sa akin pero may hawak ulit siyang bote ng alak.

Nang tutunggain niya ulit ay agad kong kinuha yung hawak niya at nilagay iyon sa may tabi.

"Stop it Ma'am you're drunk." Sambit ko.

"Give it back!" Lasing na sambit niya.

"No!" Asik ko at inalalayan ko naman siya papuntang kama para ihiga.

Nung ihihiga ko na siya sabay naman kaming bumagsak sa may kama at nasa ibabaw niya ako.

Comment