Chapter 15

Nang matapos ako sa paglalagay ng yelo sa mukha ko lumabas naman kaming dalawa ni Soleil at pumunta naman siya sa bar counter.

Nag serve naman ako sa mga ibang table pa at busy ako sa mga ginagawa kong pagtatrabaho dito.

Nag overtime nalang din ako dito para dagdag kita at wala naman akong gagawin bukas dahil puro practice lang sa contest at busy din naman ang mga kaibigan ko.

Umabot pa ako dito ng madaling araw at nag chat nalang ako kay ate at sabihin kila mama at papa na nag overtime ako at para hindi na din sila mag alala.

"Sabay na tayo umuwi Jia." Sambit naman ni Soleil habang nag pupunas ng lamesa.

"Sige mag papalit lang ako." Sambit ko at tumango naman siya.

Maya maya pa ay lumabas na kaming dalawa ni Soleil at pumunta naman kami sa may tindahan.

Bumili naman siya ng dalawang sigarilyo na marlboro blue at sinindihan niya yung isa at tumingin naman siya sa akin.

Naninigarilyo pala ang isang 'to.

"Gusto mong i-try?" Tanong niya habang nakatingin pa rin sa akin.

Tumango naman ako at dahil curious ako kung anong pakiramdam kapag naninigarilyo.

Kinuha ko naman yung inabot niya sakin at nilagay iyon sa bibig ko nagulat naman ako ng bahagya ng lumapit siya sa akin at tinapat naman niya yung sigarilyo niya sa sigarilyo ko at sinindihan iyon.

Medyo naubo pa ako dahil first time kong manigarilyo at natawa naman siya ng bahagya dahil sa akin.

Tinuruan naman niya ako kung paano manigarilyo at naiintindihan ko naman yung mga tinuro niya.

Pagkatapos namin manigarilyo ay bumili naman siya ng dalawang max na red at binigay niya sa 'kin yung isa.

At dahil wala ng masakyan pa ay naglakad naman kami ni Soleil.

Medyo may kadiliman sa part ng dinaanan namin at habang nag lalakad kami ni Soleil bigla namang may humarang na tatlong lalaki sa amin at mukhang mga manyak ito.

"Hi mga Miss." Sambit nung lalaking mukha namang manyakis at malagkit na tumingin pa ito sa aming dalawa ni Soleil paibaba sa suot namin.

"Pwede bang sumama kayo sa amin?" Nangingiting tanong naman nung isang lalaking mukha namang paa.

"Hindi pwede uuwi na kami at umalis nga kayo sa harapan namin!" Inis na sambit naman ni Soleil at ako naman ay kinakabahan.

Si Soleil hindi ko alam kung kinakabahan din ba ito o hindi at dahil nga dalawa lang kami ni Soleil na babae baka may mangyaring hindi maganda dito.

"Sumama na kayo sa amin para masaya." Nangingiting sambit naman nung isa pang lalaking mukhang ugok.

"Hindi nga pwede! Naiintindihan nyo ba?!" Galit na sambit ni Soleil at sumeryoso naman ng tingin yung tatlo at biglang natawa.

"Tara na uwi na tayo." Pag aaya ko kay Soleil at nung akmang maglalakad na kami ay bigla naman kaming hinawakan nung dalawang lalaki.

"Ano ba! Bitawan mo nga ako!" Sigaw kong sambit habang nag pupumiglas sa humawak sa braso ko at ganun din si Soleil na nag sisigaw na bitawan siya.

Lumapit naman samin yung isang lalaki at lumawak yung mga ngiti niya habang hawak hawak pa rin kaming dalawa ni Soleil nung dalawang lalaki.

"Dalhin niyo na sila." Sambit ng lalaking nasa harapan namin habang nakatingin siya sa dalawang kasama niya.

Nang akmang maglalakad na kami ay bigla kong siniko ng malakas sa tiyan yung lalaki kaya naman nabitawan niya ako at narinig ko naman itong umaray at bigla ko rin sinipa ng malakas yung binti ng lalaking nakahawak kay Soleil at nabitawan naman niya ito.

Lumingon naman yung lalaking nasa harapan namin at bigla ko itong sinuntok sa mukha.

"Aray!" Sigaw na malakas nung lalaking sinuntok ko.

Hinawakan ko naman sa kamay si Soleil at hinila siya papalayo at sabay kaming tumakbo.

"May araw ka din sa akin!" Dinig kong sigaw pa nung lalaking sinuntok ko.

Hingal na hingal kaming dalawa ni Soleil nang makalayo kami sa tatlong lalaki.

"Muntik na tayo don!" Hingal na sambit ko habang nakahawak pa sa dibdib ko.

"Oo nga eh." Sambit naman niya habang magkawak sa mga tuhod niya.

"Bakit parang hindi ka kinakabahan kanina o kaya natatakot?" Nagtatakang tanong ko ng maging ok na yung paghinga ko.

"Natakot at kinabahan din ako kanina noh! Hindi ko lang pinapahalata kasi lalo tayong tatakutin nun!" Sambit naman niya at tumango tango naman ako. "Kailangan mo mag tapang tapangan para hindi nila makitang natatakot ka sa kanila." Dagdag pa ni Soleil at nag sabi nalang ako ng ahhh.

Bumili muna kami saglit ni Soleil ng tubig dahil hiningal kami kakatakbo kanina at nanunuyo na yung lalamunan ko.

"Doon kana matulog sa bahay namin Jia at gabing gabi na din." Sambit naman ni Soleil.

"Sige sige." Yun nalamang ang sinabi ko at nag chat naman ako kay ate na hindi ako makakauwi ng bahay at makikitulog nalang ako sa bahay ng kaibigan ko.

Hindi ko pa pinapakilala si Soleil sa mga kabigan ko at sa magulang ko pati na din kay ate. Tsaka ko na siya ipapakilala kapag nalaman na nila na nag tatrabaho ako sa bar.

"Pasensya kana Jia ah maliit lang bahay namin." Sambit ni Soleil nang makarating kami sa bahay nila.

"Ok lang Soleil hindi naman ako maarte." Sambit ko at pumasok na kaming dalawa sa loob.

Maliit lang yung bahay nila nang makapasok ako pero makikita mong malinis ito at yung sala nila ay sakto lang at karugtong nito yung kusina nila na sakto lang din ang laki.

"May bisita ka pala anak." Sambit ng mama ni Soleil.

"Magandang gabi po." Nangingiting bati ko.

"Siya nga pala si Jia Ma." Pagpapakilala sa akin ni Soleil.

"Ang ganda mo naman iha." Nakangiting sambit ng mama ni Soleil at ngumiti lang naman ako ng sinabi yun ng mama niya.

"Maganda talaga si Jia Ma." Nakangiting sambit din ni Soleil.

"Oh siya magpahinga na muna kayo." Sambit naman ng mama ni Soleil at nag thank pa ako sa mama niya.

Umakyat naman kaming dalawa ni Soleil at pumasok sa kwarto niya sakto lang din ang laki ng kwarto niya pero mas malaki ng konti yung akin.

Sabay na kaming humiga ni Soleil at magkatabi kami, natulog naman na agad kami dahil sobrang antok na din namin at pagod pa galing sa trabaho.

Comment