Chapter 38

Naglakad naman ako pabalik sa mga kaibigan ko at nakita naman nila ako kaya tumakbo sila papalapit sa akin.

"Paano ka nakasakay doon?! Biglang tanong ni Samira.

Napangiti naman ako at natawa sa reaction nila.

"Nilandi mo siguro yung lalaki doon noh?! Para makasakay ka?" Nalalaking mata namang tanong ni Allison at mas lalo akong natawa.

"Ano nga kasi Jia! Gustong gusto kong sumakay doon eh!" Nakabusangot namang sambit ni Yuna.

"Baliw hindi ko nilandi yun noh." Natatawa namang sambit ko.

"Eh ano nga?! Paano ka nakasakay?!" Inis na tanong ni Chloe.

"May black card ako." Nakangiting sambit ko naman at nagkatinginan naman silang apat at tumingin naman sa akin ng nanlalaki ang mga mata.

"Seryoso ba yan?! Sabay na sabay nilang tanong at tumango naman ako at pinakita ko sakanila yung black card.

Nakita ko namang pumunta din si Trina at Soleil sa akin.

"Kamusta si Raven?" Tanong naman ni Trina sa akin.

"Mataas yung lagnat niya at may pilay yung kaliwang paa niya ginamot ko na rin yung mga sugat niya." Sagot ko naman at napatingin naman sa akin si Soleil.

"May black card ka pala?! Nagugulat na tanong ni Soleil. "Paano ka nag karoon niyan?! Dagdag na tanong pa niya.

"Bigay sa akin ito ni Raven." Seryoso ko namang sambit at lalong lumaki naman yung mga mata nila sa sinabi ko.

"So si Raven yung may ari ng beach resort na ito?! Nagugulat namang tanong ni Trina at tumango naman ako.

"Kaya nga ako nag tanong kanina kung bakit tayo nandito eh." Sambit ko naman.

"Siguro hindi alam ni Ma'am Alvarez na yung Reyes ang may ari nito. Since ito yung magandang beach resort kaya siguro ito yung pinili ni Ma'am." Sambit naman ni Trina.

Bumalik naman kami at pumunta sa mga professor hindi muna ako naligo sa dagat at kumain nalang muna ako ng hapunan.

Tahimik naman akong kumakain sa may gilid ng kubo samantalang yung mga kaibigan ko at yung apat na professor ang iingay. Sila Trina at Soleil naligo naman ulit sa may dagat at nag pipicture picture sila.

Napapatingin naman ako kay Ma'am Calister at pinipilit siyang kumanta ng mga kasama niya at umaayaw naman ito at salubong ang mga kilay.

Umalis naman ako at may kinausap na isang babae na nag aassist at inutusan ko naman siya na bantayan si Raven at pinadala ko din sakanya yung pagkain para kumain si Raven mamaya.

Tinext ko naman si ate Addison at sinabing nandito ako sa beach resort at kasama ko yung mga kaibigan ko at yung limang professor.

Pagdating ng 10:30pm ay pumasok na ako sa may kwarto at humiga tumagilid naman ako pakanan at nag anday ako ng unan para may kayakap.

Pinikit ko naman yung mga mata ko at narinig ko namang nag bukas na yung pinto at sinara at dinig ko rin ang pag lock ng pinto at kinakabahan naman ako at bumibilis yung tibok ng puso ko.

Naramdaman ko namang humiga na siya sa tabi ko at hindi ko alam kung nakatagilid ba ito patalikod sa akin o kung nakaharap naman ito sa akin habang ako ay nakatalikod.

Hindi na ako nag isip pa at natulog nalang naramdaman ko namang nilalamig na ako at kinapa ko naman yung kumot at binalot yung sarili.

Kinabukasan nagising naman ako at napamulat nagulat naman ako dahil nakayakap ako kay Ma'am!

Bumangon naman ako kaagad at nagpunta ng banyo at sinarado iyon.

Shit! Ang likot ko siguro matulog.

Naghilamos naman ako at nag toothbrush muna at pagkalabas ko ng banyo nakita ko naman siyang nakatingin sa akin.

Nakaganyan siyang tumingin sa akin at nag iwas naman ako ng paningin at dali daling lumabas ng kwarto nakahinga naman ako ng maluwag.

Arrgghhh! Bakit ba ang ganda ganda niya!

Nagpunta naman ako sa may kubo at nagluto naman ako ng umagahan at sumunod naman si Soleil na kakagising lang din at tinulungan naman niya ako sa pagluluto.

Habang abala kami sa pagluluto kumakain naman kaming dalawa ni Soleil habang nag luluto maya maya pa ay dumating na yung mga kasama namin.

Pagkatapos ko sa ginagawa ko umalis naman ako at sinundan ko yung nag aassist kay Raven at tinanong ko siya kung kumain ba kagabi si Raven sabi niya oo daw.

Tinulungan ko naman yung nag aassist at sabi ko ako na mag dadala ng pagkain ni Raven ngayon at nagpasalamat ako sakanya dahil binantayan niya si Raven kagabi.

Nagpunta naman ako kaagad sa kwarto ni Raven dala dala yung pagkain.

Pag bukas ko ng pinto nakita ko namang gising ito pero nakahiga siya napatingin naman siya sa akin.

Lumapit naman ako sakanya at nilapag yung dala dala kong pagkain sa may bed tray table niya.

"Kumain ka muna." Sambit ko naman sakanya at pinaupo ko naman siya ng maayos habang inaalalayan siya.

"Rylee can we talk?" Tanong naman niya.

"Later." Maikling sagot ko at kinuha ko naman yung pagkain niya at sinubuan ko naman siya.

"Thank you for taking care of me." Seryoso naman niyang sambit at ngumiti naman ako ng konti.

"Kamusta yung pakiramdam mo." Tanong ko naman at concern lang naman ako sakanya.

"Fine." Sagot naman niya.

Pagkatapos ko naman siyang pakainin pinainom ko naman siya ng tubig at gamot para mabilis siyang gumaling dahil may konting lagnat pa siya.

"I want to go out and talk to my staff." Sambit niya at inalalayan ko naman siyang makasakay sa likod ko dahil hindi siya pwedeng maglakad dahil may pilay ang kaliwang paa niya at wala pa siyang saklay.

Dinala ko naman siya sa mga tauhan niya at pinaupo ko siya sa may upuan aalis na sana ako nang pigilan ako ni Raven at naupo nalang sa tabi niya.

After kausapin ni Raven yung mga tauhan niya sinabi ko naman sakanya na gustong sumakay ng mga kaibigan ko sa seaplane at pumayag naman si Raven.

Pinatawag naman ni Raven yung mga kaibigan ko at sinama niya din yung limang professor at nauna naman silang pumunta doon at sumunod naman kaming dalawa ni Raven pero hindi na siya nakasakay sa likod ko dahil may saklay na siya.

"Sure ka bang kaya mong mag palipad? Yung paa mo may pilay." Nag aalalang tanong ko naman.

"Kaya ko Rylee don't worry nandito ka naman eh." Nakangiting sambit naman niya.

Napansin ko naman yung mga kaibigan ko at yung apat na professor na excited sumakay at napansin ko din si Ma'am Calister na salubong nanaman yung mga kilay niya nang makalapit kami sa seaplane.

Hindi ko na pinansin iyon at inalalayan ko naman si Raven sumakay hanggang sa upuan at kaming dalawa ni Raven ang mag papalipad dahil malaking seaplane ang ginamit namin at kasya yung 15 na tao dito.

Sumakay naman yung mga kaibigan ko at yung limang professor at magkakatabi naman yung mga mag couple. Hindi ko alam kung sila na ba ng mga kaibigan ko o hindi kasi wala naman silang sinasabi.

Comment