Chapter 29

Pagkatapos namin mag usap sa library lumabas naman kami.

"Ahh Jia sino nga pala yung babaeng tumatawag sayo kanina?" Tanong naman ni Chloe habang naglalakad kami.

"Si Raven my ex girlfriend." Napatigil naman sila sa paglalakad at tsaka ako tinignan.

"Ex mo?!" Malakas na sambit ni Yuna at tumango naman ako.

"Ilang taon naging kayo?" Tanong naman ni Allison.

"5 years." Sambit ko naman.

"5 years?! Ang tagal nun ah!" Malakas naman na sambit ni Samira.

Magsasalita na sana ako ulit nang marinig naming nag uusap yung mga professor at dinig na dinig naming lahat dahil ang lalakas din ng mga boses nila.

"I like Yuna!" Si Ma'am Carter.

"I like Samira!" Si Ma'am Hidalgo.

"And I like Chloe!" Si Ma'am Alvarez.

"I like Allison!" Si Ma'am Walter.

Tinignan ko naman yung mga kasama ko at nagkakatinginan sila sa isat isa mukhang nagulat sila sa narinig nila.

"Ikaw sinong gusto mo Ava?! Malakas na tanong ni Ma'am Alvarez.

"Nothing." Malamig na tugon ni Ma'am Calister.

Naglakad naman kaming magkakaibigan at nagulat naman yung mga professor nang makita kami maliban kay Ma'am Calister.

Napatingin naman ako kay Ma'am Calister at nag tama naman yung paningin naming dalawa.

Bumilis naman yung tibok ng puso ko at para akong hinihila nito papalapit sakanya dahil yung kulay ng mga mata niya ang ganda.

Nakakatunaw yung mga tingin niya!

Nawala naman yung paningin ko kay Ma'am Calister nang makita ko si Raven.

Hindi ba ito napapagod kakahanap sa akin?!

Lumapit naman ito at tinignan ako at tumingin din naman siya sa mga kaibigan ko at sa mga professor at binalik ang tingin sa akin.

"Please?" Pakiusap naman ni Raven at tumingin naman ako sa malayo.

Kumunot naman ang noo ko nang makita ko sa di kalayuan yung babaeng nakatingin sa amin at nakangisi pa ito at hindi ko alam kung sino ito at hindi ko masyadong mamukhaan.

Kinilabutan naman ako dahil ang creepy niya nakita ko namang umalis siya kaagad.

Maya maya pa ay bigla namang sumulpot yung isang babae at tinignan ko naman siya.

"Nandito ka lang pala babe." Sambit naman nung babaeng pumulupot sa braso ni Raven at napatingin naman siya sa aming lahat.

Ito lang naman yung girlfriend niya.

Tinignan ko naman si Raven at tumingin din naman siya sa akin blankong naglakad ako papalayo sumunod naman yung mga kaibigan ko.

Nakita naman ako ni ate Addison at lumapit naman siya sa akin at napatingin naman siya sa mga kaibigan ko.

"Hi!" Nakangiting bati ni ate Addison.

"Hello po." Sambit naman ng mga kaibigan ko.

"Ilang taon kana po?" Tanong naman ni Yuna.

"I'm 23." Nakangiting sambit naman ni ate Addison. "Kumain na ba kayo?" Tanong naman ni ate Addison.

"Opo tapos na po kaming kumain." Sambit naman ni Chloe.

Pinakilala ko naman yung mga kaibigan ko sa ate kong si Addison at dumating naman yung tunay kong mga magulang at niyakap ako.

"Thank God! Nakita ka rin namin." Masayang sambit ni mommy at niyakap ako ulit.

Pinakilala naman ni ate Addison sa tunay kong mga magulang yung mga friends ko.

"Ang gaganda naman ng mga friends mo anak." Masayang sambit ni daddy habang nakatingin sa mga kaibigan ko.

Sandaling nag usap naman kaming lahat at nag paalam na din yung mga kaibigan ko.

"Saan ka pala tumutuloy anak?" Tanong naman ni mommy at sinabi ko naman kung saan.

"Kailangan namin silang makausap." Sambit naman ni daddy at sabay sabay kaming naglakad papuntang parking lot.

Nang makarating naman kami sa parking lot namangha naman ako sa kotse ng mga magulang ko dahil ang ganda ganda at mukhang mamahalin talaga.

Sumakay naman ako sa backseat at katabi ko si ate Addison habang bumabyahe kami nag tatanong lang naman yung mga magulang ko sa akin kung anong naging buhay ko.

Nang makarating naman kami sa bahay kumatok naman ako at nagbukas naman yung pinto at bumungad sa akin sila mama at papa at si ate Jell at mukhang gulat na gulat sila.

"Anak." Sambit naman ni mama at napatingin naman siya sa mga kasama ko.

"Kayo po ba yung nag alaga kay Jia." Tanong naman ni mommy.

"Ahh opo kami nga po, sino po sila?" Tanong naman ni mama.

"Kami po yung tunay na magulang ni Jia." Nagulat naman sila mama at papa sa sinabi ni mommy.

"Pasok po muna kayo." Sambit naman ni papa at pinatuloy yung tunay kong mga magulang ko.

"Nandito po kami para makilala ko po kayo at upang mag pasalamat sainyo dahil inalagaan niyo po ng mabuti yung anak ko." Sambit naman ni mommy.

"Ahh wala po iyon Ma'am." Nangingiting sambit naman ni mama.

"Paano po napunta sainyo si Jia?" Tanong naman ng daddy ko at tinignan ko naman sila mama at papa na inaantay yung sasabihin dahil gusto ko rin malaman kung bakit.

"May isang matandang babae po kasing nag iwan sa tapat ng bahay namin at hindi po namin alam kung sino po iyon. Kinuha po namin siya at nakita ko po sa may basket may papel at ang nakasulat doon Jia Rylee ang pangalan pero walang apilyedo kaya Jia Rylee ang pinangalan namin sa bata at kinupkop bilang anak." Seryosong sambit naman ni mama at makikita mong parang malungkot ito.

"So may kumuha pala sa anak natin." Napapaisip namang sambit ni daddy.

"Kukuhanin niyo na po ba si Jia?" Malungkot na tanong ni mama.

"Si Jia malaki na yan at may isip na kung saan siya mas comfortable at masaya ay doon din kami at least nakita nanamin ang anak namin." Sambit naman ulit ni daddy.

"Pwede po kayong sumama sa bahay namin kung gusto niyo po." Sambit naman ni mommy.

"Maraming salamat po." Sambit naman ni papa. "Ahh ito nga pala si Jell ang anak namin." Pagpapakilala naman ni papa sa tunay kong mga magulang si ate Jell.

"Ang ganda mo iha." Nakangiting sambit naman ni mommy.

Sinabi ko naman kila mama at papa at sa mga tunay kong mga magulang na nag tatrabaho ako sa bar. Nagulat naman sila sa sinabi ko at hindi naman ako pinagalitan at sinabi ko ding niyaya lang ako ni Soleil at pinakilala ko naman si Soleil sa mga magulang ko at kila mama at papa kahit hindi pa nila ito nakikita.

Comment