Chapter 32

Ilang araw na ang nakakalipas pero ni isa sa kanila wala pa ring nagigising. "Hayyyyy", malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Kasalukuyan akong nasa office ko. Ngayon lang muli ako nakapasok dito at wala pa ring nagbago.

Napatingin ako sa pintuan ng may kumatok ng tatlong beses bago iyon nag bukas. "Good morning, Sir", sabay nilang bati sakin. Tumango muna ako. "Mag siupo kayo", utos ko sakanila. Sumunod naman sila at umupo sa harap ng mesa ko. "Pinatawag ko kayo dahil may importante akong sasabihin sainyo", nakinig lang naman sila kaya nagpatuloy lang ako.

"Alam kong hindi na lingid sa kaalaman niyo ang nangyayari tungkol sa pamilya ko", tumango naman sila. "Gusto kong iparating niyo sa lahat ng employees dito na KUNG ANONG MERON SA LOOB NG HOSPITAL NA ITO AY MANANATILING SA LOOB LAMANG, naiintindihan niyo?", makahulugang wika ko.

"Yes Sir", tumangong sambit ng Head Nurse ng hospital na ito. Napangiti naman ako din. "Dahil hindi lamang ako ang malalagot dito kundi lahat tayo", nakangiting wika ko. "Naiintindihan namin, Sir Itan", sagot naman ng Head Doctor. Napangiti ako dito ng mahimigan ang paggalang.

"Sige na bumalik na kayo sa trabaho niyo, maraming salamat", sabay naman silang tumayo at tumango bago nilisan ang office ko. Sa loob ng office ko hindi hamak na mas mataas ako sa kanila pero sa labas naman, isa lamang akong ordinaryong binata.

Iginala ko ang paningin ko sa kabuuan ng office ko at nahagip naman ng mata ko ang family picture namin. "Hello beautiful lady", nakangiting wika ko habang pinagmamasdan ang larawan niya. Hindi ko mapigilang maluha habang nakatingin sa larawan niya. Walang kupas,maganda ka pa rin.

Binigyan ko muna ang sarili ko ng sapat na oras bago naisipang tumayo at lumabas sa opisana ko. Naglakad ako patungo sa kwarto nila K. Sinunod nga nila ang sinabi ko, pinagsama sila sa iisang kwarto. Kumatok ako ng tatlong beses bago pumasok. Hindi pa ako nakakapasok ng tuluyan ng may makaagaw sa atensiyon ko.

Hindi ako pwedeng mag kamali, I know it's her. Napako ako sa kinakatayuan ko at hindi makagalaw ng tuluyan na itong humarap sakin at ngumiti. Nababasa ko sa mga mata niya ang magkahalong lungkot at tuwa. Namalayan ko na lamang na tumulo na ang luha ko at dahan dahang lumapit sa kanya at walang sabing niyakap ito ng mahigpit.

"I miss you", gumagaral na sambit nito. Tuluyan ng bumagsak ang mga kuha ko at hindi ko na yon mapigilan. Niyakap ko ito ng mahigpit, sa ganoong paraan ko na lamang mapapalakas ang kalooban ko. "Ma....Mama you've came back", nahihirapang sambit ko. "A...anak ko", mas lalong humigpit ang yakap ko ng bitawan niya ang katagang iyon.

"Patawad ngayon lang nakabalik si Mama", marahan niya akong hinarap sakanya at pinunasan ang mga luha kong hindi matigil sa pagbagsak. "Apakalaki na ng binata ko", nakangiti niyang sambit habang tinititigan ang mukha ko. Mas lalo lang akong naiyak ng matitigan ang mga naggagandahang mga mata niya. "Mama", ulit na sambit ko. "Nakabalik ka na", medyo kalmadong wika ko.

"Mmm patawad ngayon lang ako", sumisinghot niyang wika. Alam kong hindi ka lumayo, alam kong nasa paligid ka lamang. "Hindi ko man lang kayo naprotektahan", napatingin siya kay Akisha at bahagyang ngumiti. "She's beautiful, she looks like an angel", sambit niya sabay tingin sakin. Namana niya sayo ang kagandahang yun Mama.

"I'm sorry, hindi ko man lang kayo naprotektahan at nasamahan lumaki", nakangiti ngunit mahihimigan dito ang lungkot. "Don't say that Ma, alam kong nasa paligid ka lamang namin. Nagmamatyag. You've always guide us even though na kahit nasa malayo ka", nakangiti kong sambit habang nakatingin sa mahimbing na natutulog kong kapatid.

Ramdam kong nakikinig silang lahat sa usapan namin ni Mama. "Aminado akong matalino akong tao pero....", mayabang na wika ko at natawa naman ang mga kasamahan ko don. ".....pero hindi ko akalain na natriple ang talino ko na taglay niya", inginuso ko ang kapatid ko. Aminado kaming lahat don na wala ni isa sa amin ang makakatalo sa taglay niyang talino.

Nakaupo na kaming lahat habang pinag mamasdan ang dalawang taong nakahiga sa bed. "Nakokonsensiya nga ako sa tuwing nakikita ko siyang nakatingin sa malayo at mababasa ko ang kalungkutan sa mga mata niya. Hindi niya yun ipinapakita pero nararamdaman ko kung gaano kalalim ang lungkot na nararamdaman niya", malungkot na kwento ko, nakinig lang naman sila.

"Sa sobrang talino niya tumitiklop na lang kami sa tuwing mag sasalita siya", wika ko sabay tingin ng deretso sa aking Ina. Nagulat ako ng makita ko ang mga luhang nagbabagsakan mula sakanyang mata habang nakatitig ito sa kapatid ko. Hinahagod hagod naman ni Papa ang likuran niya para patahanin siya. Ibinalik ko ang tingin sa kapatid ko dahil ayaw kong mahawa sa emosyon na inilalabas ng aking Ina.

"Sa...salamat dahil hindi ka umalis sa tabi niya", rinig kong wika niya, nilingon ko naman ulit ito. "I'm so useless, napakawalang kwenta kong Ina kasi hindi ko man lang kayo nagabayan at naprotekt...." "Never say that again Ma", seryosong wika ko na siyang nakapagpatigil sa kanya. "Alam kong hindi ka umalis sa tabi namin kahit kailan, alam kong binabantayan mo kami mula sa malayo. I'm so proud of you kasi kahit sa malayo mo lang kami nakikita, hindi mo pa rin kami iniwan", tuloy ko.

"I'm so grateful kasi lumaki kayong maunawain at matatalinong bata", buntong hiningang sambit nito. "Kung alam mo lang, Ma", nakangising wika ko. "What do you mean?", nakakunot ang noong tanong niya sakin. Bahagya naman akong natawa sa naging reaksiyon niya. "Walang makakatalo sa taglay niyang talino, hindi ko nga malaman kung paano niya nalaman na buhay ka", deretsong wika ko habang nakatingin sa mga mata niya bago tumingin kay....."K", mahinang usal ko at agad na tumayo para lapitan ito. Nasanay na kami sa K, hindi niya yun tunay na pangalan pero dun kami nasanay.

Parang kabayo ang puso ko dahil sa sobrang bilis nito. Nagsipagtayuhan din ang mga kasama ko at agad na lumapit sakanya. Hindi ko malaman kung anong sasabihin ko dahil deretso itong nakatingin kay Mama.

K's Pov

"I'm so grateful kasi lumaki kayong maunawain at matatalinong bata", buntong hiningang sambit nito. Nakinig muna ako sa usapang iyon at pinakiramdaman ang aking sarili dahil baka panaginip lamang ang lahat. "Kung alam mo lang, Ma", it was Itan and I'm hundredly percent sure about this.. "What do you mean?", tanong ng kausap niya at bigla naman akong kinabahan don. Kakaibang kaba na hindi ko maipaliwanag sa oras na ito.

"Walang makakatalo sa taglay niyang talino, hindi ko nga malaman kung paano niya nalaman na buhay ka", sigurado akong kapatid ko ang nagsalita pero hindi ako sigurado kung tama ba ang iniisip ko. Hindi ko alam kung nananaginip ba ako o ano. Kung panaginip man ito sana hindi na ako magising. Iginalaw ko ng marahan ang hintuturo ko para pakiramdaman ang paligid.

Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at hinanap ang nagmamay ari ng tinig na iyon. "K", rinig kong tawag sakin ni Itan. Hindi ko ito nilingon sapagkat isang tao lamang ang nakaagaw sa buo kong atensiyon. Kung panaginip man ito huwag niyo na akong gisingin. Napanood ko ang pagbagsak ng mga luha niya kasabay ng pag ngiti niya. It's you.

Comment