Chapter 18

Itan's POV

"K sandali", pigil ko sa braso ng kapatid ko. "What?", inis niyang tanong. "Why did you do that?", turo ko sa pinto. Lumingon muna ito dun bago nag salita. "Ang aling?", walang gana niyang tanong. Calm down Itan habaan mo ang pasensiya mo.

Napapikit na lamang ako. "Say sorry", "Kanino?", "Sa kanila!", sigaw kong turo sa pinto. Ngumisi lamang ito bago ako tinalikuran. "Kiri...", "Oo mamaya! Iihi lang ako!", sigaw niya sakin. "Huh?", "Kanina pa ako naiihi kaya umalis ka na!", sigaw niya muli.

Napakamot na lamang ako bago tumalikod. "Dito lang ako babantayan kita", wika ko pero hindi ako nakakuha ng sagot. Narinig ko na lamang ang paglayo niya. Normal ka namang iniri ni Mama pero bakit may pagka-abnormal ang ugali mo.

Ilang minuto na ang nakakalipas pero wala pa rin siya. Hindi ko alam pero kinabahan ako bigla. "K are you done?", nakatalikod kong tanong pero walang sumagot. "Akis..", "Lumuhod ka kung ayaw mong maputulan ng hininga itong kapatid mo", tila napako ako sa kinatatayuan ko ng mafamiliaran ang boses na iyon.

Unti unti akong lumingon at kita kong hawak nila si K sa leeg at may nakatutok na patalim. "Let her go", kalmado kong utos  sa isa sa mga kambal. Tatlo lang ang nandito pero alam kong marami sila sa paligid.

"Luhoddd!!!", sigaw ni Gio. Alam kong siya iyon, may tattoo ehh. "Fuck you bitawa....", "Luhodddd!", ulit niya. Bumaon yung patalim sa gilid ng leeg ni K. Kita ko na rin na may pulang likidong umaagos rito.

Bingi ba mga kasamahan namin kaya hindi man lang makatunog. "Tangina mo Gio, pakawalan mo siya!", galit kong sigaw. Bullshit naman mga kasamahan ko ohh, signal ko na yun na may nangyayaring masama dito sa labas.

Aira's POV

"Mag sikilos kayo", bulong kong sambit pagkabalik ko sa loob. Tangina kasing Keiro na yan. "Bakit?", si Gab. "May mga bwisita sa paligid", ngising sambit ko bago lumapit sa mga armas. Nagsipagsunuran na rin sila.

"Asaan yung chismoso?", si Gab pa rin. "His name is Keiro, naglilinis na siya", sambit ko at ikinasa ang silencer na sniper na hawak ko. "Tulungan niyo si Keiro sa labas", utos ko.

Nagsipagtanguhan lang sila bago nagsilabasan. Dapat tinapos na namin kayo. Tangina hindi man lang kami nakapagpalit. Hindi pa sapat yung tulog namin.

Itan's POV

"Bitawan mo ako", walang ganang sambit ng aking kapatid ngunit hindi nakinig si Gab. "Punyeta ka bitawan mo ako kanina pa ako naiihi!", sigaw ni K. What the...ibig sabihin hindi pa siya nakapag bawas.

"Wala akong pakealam kahit maiihan mo pa ang panty mo!", inis na sagot ni Gab. "Dapat tinapos na namin kayo ehh", kamot ulong singit ko sa kanila. Nakangiting nilingon ako ni Gab "B.O.B.O niyo kasi hahahahaha boys labasssss!", sigaw niya ngunit walang nagsilabasan.

"Boyssssa laba..." "Ginagawa na silang punching bag ni Keiro", singit ni Aira. Galing ito sa loob. Napangisi akong lumingon kay Aira, tumango naman ito sakin. "Punyeta!", malakas na mura ni K kaya napatingin ako sa kanya agad.

Hindi ko namalayan ang nangyari basta nagbaligtad na ang lahat. Nakaluhod na si Gio at namimilipit sa sakit dahil kulang na lang putulin ni K yung kanang braso niya. Hindi ko rin namalayan na hawak na ni Gab si Florencio.

"Sinabi ko nang bitawan mo na ako kanina dahil naiihi na ako pero hindi ka nakinig kaya ayun nagtampo yung ihi ko!", sigaw niya sa tenga ni Gio. Napakamot na lamang ako sa ulo. Sinipa niya sa likod si Gio. "Ipasok niyo sila sa loob! Mga punyeta!", sigaw niya. Dali dali kaming kumilos ni Aira para kunin si Gio.

Leo's POV

Kasalukuyan kong pinapanood yung chismosong bakla, Keiro yata pangalan. "Ang lakas talaga ng loob niyong sundan kami. May lahi ba kayong aso kaya naamoy niyo kung nasaan kami.", walang gana niyang sambit at sinapak sa mukha yung isa. "Susugod na nga lang kayo, hindi pa isang batalyon ang isinama niyo", tuloy niya.

Naagaw ng atensiyon namin ang mga yabag na papasok. "Itali niyo ang kambal na yan!", sigaw ng anak ni señor na babae. Mababasa ko sa mata niya na badtrip siya. Nahagip ng mata ko ang sugat sa leeg niya, hindi ba niya yun nararamdaman.

"Mga inutil! Kumampi pa talaga kayo sa mga taong nang aalipusta sainyo!!", natatawang sigaw ni Gio. Isang malutong na sapak ang dumapo sa pisngi niya na siyang nakapagpatulog sakanya.

Nakanganga kong tinignan ang sumapak sakanya, ang babaeng anak ni Señor. "Punyeta ka dahil sayo nagtampo ang ihi ko! Paano kung nag kasakit ako huh!", sigaw niya sa mukha ng walang malay na si Gio. Ano dawwwww. Dahil ba sa ihi kaya siya badtrip.

"Kayo", turo niya saming lahat (mga kasama niya). "Itan kunin mo ang isang bag at magtungo kayo sa kwarto, magpalit na kayo at ihanda lahat ng gamit at aalis na tayo", malamig niyang utos. Wala ni isa samin ang nakakilos.

"Bakit K..paano sila?", tukoy niya sa mga nahuli namin. "Hmmpp hindi na ako magtataka kung ilang minuto lang andito na ang ibang tauhan ng matandang yon kaya magsipagsikilos na kayo", sagot niya. "Paano ka?", tanong ng kuya niya.

"Sumunod na lang kayo", nagkatinginan kaming lahat bago sumunod. "Hoyyy Itan yang kapatid mo babae ba yan", sambit ni Keiro habang nakaturo sa may pinto. "Lalake siguro yan kaso hindi lang natuloy", sagot ni Itan bago sila nagtawanan.

"Bilisannnn niyooo!", "Ano ba!", gulat na wika ni Keiro habang yung iba pinagtawanan siya. "Ano ba K ugali mo na yon noh, ang manggulat", inis niyang turo sa babaeng anak ng señor. Bakit K ang tawag sakanya.

"May lahi kalang talagang bakla!", yung Aira. Nagtawanan naman sila pati kami nahawa. "Tapos na kayo?", putol samin nung K.

Aira's POV

"Kung tapos na kayo tara na", sambit ni K bago kami iniwan. "Ano hindi yun magpapalit", wika ni Keiro. "Tara", si Itan. Naghihintay na ito sa may sasakyan niya. Malayo ang tanaw. Malapit ng magbukang liwayway.

"Mag kandungan kayo dahil hindi tayo kakasiya dito", si K bago pumunta sa driver seat. Nagsipagsunuran naman kami. Keiro at Ako sa harapan, syempre nagsiksikan hindi nagkandungan. Itan at Jess, Gab at Leo, Hiro at Jack.

Para silang sardinas sa likod. "K saan tayo niyan tutuloy?", nahihirapang tanong ng kuya niya. Hindi naman sumagot si K bagkus mas binilasan pa ang pagpapatakbo.

Comment