Chapter 28

"Shit!!", malutong na mura ko ng madatnan naming duguan na ang hawak namin. Lumapit ako kay K at inilayo sa taong yun. "Akisha, ano ba!! Kumalma ka!! You almost killed her!!", sigaw ko dito. Kinilabutan ako ng bigla itong tumawa.

Nababaliw na ba ang kapatid ko. "Ang sugat sa mukha ng babaeng yan hindi pa kumalahati sa sugat sa puso ko, Itan", malamig niyang wika habang nakaturo sa taong nakagapos na siyang dahilan ng pagkabitaw ko sakanya. "Fuck you bitch, kayo ang nauna kaya nararapat lang sayo yan!", nanghihinang sigaw ng babae.

Tumawa lang si K at patakbo itong lumapit sa babae at tinutukan ng baril sa ulo. Saang lupalop niya hinugod ang baril. "At kamalas mo dahil ikaw ang magbabayad hahahahaha", shit nababaliw na nga ba siya.

"Anak, Akisha put that gun down please", pakiusap ni Papa. Patabinging sinilip ni K si Papa at nginisihan ito. "Pa don't worry hindi ko siya papatayin hahahahaha", kinikilabutan ako sa tuwing tatawa ito. Tila hindi siya ang akong kapatid. Ibang Akisha ngayon ang kaharap namin.

"Iputok mo kung kaya m.....", "Kkkk!!", malakas na tawag ko ng iputok niya ang baril sa likod ng babae. "Hahahahhahahahhahahaha gusto mong iputok ko ang baril pero takot ka naman haytttt", nakangising wika nito. Nilingon ko ang mga kasamahan ko pero lahat sila nagugulat at kinikilabutan.

Wala man lang nag atubiling lumapit kay K para awatin siya, lahat kami natatakot lumapit. "Kayo ang naging dahilan kung bakit durog na durog ako!!", naiiyak niyang sigaw sa mukha ng babae. "You deserve that!", matigas na sagot ng babae. Nginisihan lang siya ni K bago ito humarap sakin.

Naiyak na lamang ako bigla ng makita ang itsura ng kapatid ko. Tahimik itong lumuluha habang nakangisi. "Ngayon kuya sabihin mo mismo ngayon sakin na kumalma ako", lumuluhang wika niya. " K", umiiyak na tawag ko sa pangalan niya.

"Akala niyo kasi bakal ako....akala niyo kasi gano'n ako katibay...akala niyo kasi hindi ako nakakaramdam ng pagod at sakit pero deep inside I'm dying. All I want is a one big and happy family pero wala ehhh ipinagdamot yun ng panahon....ipinagdamot ng matandang yun........ipinagdampt NIYO", umiiyak niyang wika. Yumuko ito at mapait na ngumiti. Tila isang karayom na tumusok sa aking puso ang huling katagang binitawan nito.

Lahat kami nahahawa na sakanya pati yung nakagapos. "Napapagod din ako...pagod na ako sa gulong ito...gusto ko ng magpahinga...I'm tired...pagod na pagod na ako", umiiyak na nakayuko niyang sambit.

Nanginginig na ang tuhod ko, hindi ko man lang ito magawang lapitan. "Pa ang laki ng tampo ko sainyo, alam niyo ba iyon??", binigyan niya ng pekeng ngiti si Papa.

"All this time alam niyo palang hawak ako ng matandang yun pero you never did a way para bawiin ako....mas ginusto niyo pang kilalanin ang lalaking yan as a son", mapait itong lumingon kay Prince at mapait na ngumiti.

Hindi makatingin si Prince kay K. "Sa tingin niyo kapag napatay ko ang babaeng nasa likuran ko ay gagaan ang loob ko?? No!! Alam niyo kung sino ang mag papagaan sa loob ko, iharap niyo siya sa akin", hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng kaba at panlalamig.

Nanginginig ko itong nilingon. "Yes I know that she's alive", natigilan na talaga ako. Hindi na ako makagalaw. Ramdam kong natigilan din sila Papa. "Ano pa ang kailangan kong malaman, isampal niyo na sakin ngayon ng sa gano'n minsanan lang ang sakit...pagod na kasi yung puso ko ehh", humihikbing wika niya.

Akisha I'm sorry. "Ilang years akong nangungulila sa yakap ng isang Ina...naiinggit ako sa tuwing may nakikita akong mag-inang magkayap diyan sa daan...All this time buhay pala siya pero anong ginawa niyo itinago niyo ang buong katotohanan sakin!!", bigla niyang sigaw samin.

Paano niya nalaman...

Gio's POV

Kanina pa ako nag lilibot sa buong mansiyon pero hindi ko siya mahanap. Nasaan ka na ba kasi. "Nakita niyo ba si Zakira?", inis na tanong ko sa nakasalubong kong tauhan namin. "Boss hindi ehh", kamot ulo nilang wika.

"Mga bobo!! Mga wala kayong silbi!!", sigaw ko sa mga ito. "Sorry Boss", nakayuko nilang sambit. Nilagpasan ko na ang mga ito baka masapak ko lang sila ng wala sa oras. Nagtungo ako sa office ni Lola at basta na lang pumasok.

"I can't find her", inis kong wika. "Is this your office?", masungit na tanong niya sakin. "I'm sorry but La, Zakira is missing", napipikon kong wika. Nag susuntukan na ang mga kilay ko. "Baka nag shopping with her friends", "Ng hindi dala ang kotse? La, kahit isang kanto lang ang layo niyan, hindi niya yun kayang lakarin dahil sa kaartehan", kunot noong sagot ko.

Pareho kaming napalingon sa taong nagbukas bigla ng pinto. "You need to see this!", galit na wika ng kakambal ko. Mahigpit niyang hawak hawak ang kanyang telepono. "What's the matters?", curious na tanong ko.

Padabog niyang nilapag ang kanyang telepeno sa desk ni Lola. "Hawak nila si Zakira", matigas nitong wika. Mabilis na kinuha ko ang telepono. Napahigpit ang hawak ko dito ng mapanood ang video. "You can't kill her", inis na bulong ko. kumikibot kibot pa ang gilid ng aking labi.

"La, anong gagawin natin?", nababasa ko ang takot sa kakambal ko. Marahil dahil ito sa bunso namin. "Wala, as long as hindi siya pinapatay", ngising wika ni Lola. What the fuck. "Your kidding right? Ehhh halos patayin na nga lang siya ohh. Look La, look!", pasigaw kong wika.

"Babawiin ko siya!", inis na sambit ko bago ko sila tinalikuran. "Sasama ako", inis na pahabol ng kambal ko. Malalaki ang mga hakbang ko na umalis sa office ni Lola. "The two of you come back herreeee!!", dinig kong sigaw ni Lola pero hindi ko ito pinansin.

Nagmadali akong nagtungo sa motor ko at umalis, bahala na yung kambal ko...isa lang nasa isip ko yun ay ang kapakanan ni Zakira. Wait for kuya.

Keiro's POV

Gulong gulo na ako sa sitwasyon namin. Hindi ko alam kung paano napadpad ang babaeng yan dito. Gulat na lamang ako ng may nabihag sila at ang babaeng yan yun. Para akong nanonood ng drama at si K ang bida samantalang kami mga tangang extra.

Narealize ko lang ang lahat ng ilahad ni K ang kamay kay Leo. Ngayon lang pumasok sa isip ko na wala pala siya kanina. Hindi ko man lang napansin na hindi siya naisama sa amin kanina para pahirapan. Pero paano, sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip.

Kinuha ni K ang cellphone kay Leo at sinimulang mag-video.

Comment