Chapter 17

Keiro's POV

Kasalukuyan kaming nasa labas ni Itan. "So paano ka napadpad sa kuta?", curious na tanong ko. "Lumipad ako", sagot niya. "Pareho lang kayo, diyan ka na nga pakyu", inis na wika ko bago nagmartsa papasok.

Bwisit mag kapatid nga sila. Hinubad ko yung jacket ko at ikinumot yun kay Aira. Tinignan ko saglit si Kireniah at kahit tulog ito mababasa ko sakanya ang lungkot at pangungulila.

Mapait na napangiti na lamang ako bago nagtungo sa bintana. Hindi ko man lang namalayan ang oras, alauna na pala ng madaling araw. Galit ang nararamdaman ko sa matandang yun. Harap harapan niyang pinatay ang mga magulang ko.

Kinuha niya pa lahat ng ari arian namin. Bakit anong nagawa namin sayo. Kinuyom ko yung kamao ko dahil sa galit. Oo ampon lang ako pero parang tunay na magulang na ang turing ko sa kanila. Ngayong alam ni K ang lahat, sinisugurado kong masusunog ang kaluluwa mo sa impyerno.

Malaking ang tiwala ko kay K, alam kong siya ang makakapagtumba sayo. Buhay ang kinuha mo, buhay din ang kukunin ko sayo. Pinunasan ko ang luha ko, luha dahil sa galit.

Na putol ang pag inisip ko ng malalim ng may matanawan na anino sa paligid. "Putangina naman ayy ohh mga extra", mahinang kong wika. Binilang ko sila gamit ang mga mata ko. Lima lang pala akala ko naman kung madami.

"May tao sa labas", aba malakas talaga ang pakiramdam ng lalakeng ito. Pasimple akong napangisi at nagpanggap na walang alam. "Ikaw na ang bahala sa kanila, matutulog na ako", sambit niya bago tumabi sa kapatid.

Pakyu ka sa ulo Itan, mura ko sakanya sa isipan. "Pakyu ka din. Papasukin mo na sila bago magising itong katabi ko", nakapikit niyang sambit. Wow ano yun magic kaya nabasa niya yung nasa isipan ko.

Kumuha ako ng silencer at kalmadong lumabas. Nagpanggap akong nagpapahangin lamang. "Anong ginagawa mo dito?" "Wahhh", kabadong hiyaw ko. "Hindi ko aklain na may 1/4 na kabaklahan sa dugo mo", sambit niya. "Ki..kireniah naman. Anong ginagawa mo dito?", hawak ang dibdib na tanong ko.

"May tao sa paligid", mapupungay ang mga matang sambit niya. Nakanganga ko itong tinignan. "Hoyy kayong lima lumabas kayo diyan!", napapalunok ko na lamang itong pinagmasdan. Paano niya nalaman. Bakit pa kasi ako magtataka eh may lahi yata silang manghuhula.

"Anong meron?" "Isa ka din!", sigaw ko kay Aira. "Tangina ba't ka naninigaw", bulyaw niya sa mukha ko. "Hehe sorry mahal", ngising sambit ko pero inirapan niya lang ako. "Hoyyy sabing lumabas kayo diyan. Natutulog 'yung tao tapos gigisingin niyo lang!", inis niyang sambit.

"Hindi ka nila ginising", ngising bulong ko dito pero hindi ako pinansin. "Labassss!", mahabang sigaw niya. Parang mga tutang nag sipagsunuran naman itong mga 'to. Iba ka talaga K.

Nahugot ko yung baril ko ng mamukhaan itong mga ito at itinutok yun sa taong pinakagitna. "Kayo na naman", walang gana kong sambit. "Anong nangya....teka teka teka", pumagitna samin si Itan.

"Tumabi ka diyan...sabi mo tatapusin ko sila kaya tumabi ka", inis kong sambit. "Anong tatapusin! Sabi ko papasukin!", inis niyang wika. "Hoyyy hindi ako bingi", sigaw ko. "Maglinis ka ng tenga", asar niya sakin. "Tama yung narinig ko kani
.." "Tangina niyo magsitigil kayo!",
sigaw yun ni K.

Wala kaming nagawa kung hindi ang yumuko. Oo lahat kami pati yung lima at si Aira. "Kayong lima sino kayo at anong ginagawa niyo dito", turo niya sa lima. "Nakatayo", bulong ko. Nakita ko itong lumingon sakin.

"Tauhan sila ng Ama natin", si Itan ang sumagot. Gulat akong nag angat ng tingin sa lima at gano'n din si Aira. "What the..", mahinang bulong ko. "Naparito kami dahil pinapabantayan kayo sa amin", singit ng nasa pinaka gitna.

Tumalikod si K at nag salita. "Papasukin niyo sila dahil kanina pa ako pinapapak ng lamok", wika niya bago pumasok. Nagkatinginan kaming lahat bago sumunod.

Gab's POV

Kasalukuyan kaming magkakaharap nina Itan. Ramdam ko ang titig sakin ng malditang babae. "Hindi ako manghuhula para alamin ang pangalan niyo", malamig na wika niya. "K calm down", si Itan. K? Hindi ba't Akisha nag pangalan niya.

Tumikhim si Itan bilang senyales na dapat mag salita na kami. Tumikhim ako bago sinalubong ang tingin niya. "We met again", ngising sambit niya. Tumango ako bago nagsalita.

"I'm Gab, kanang kamay ng papa mo", sambit ko. Oo kilala ko siya pero hindi ang buong pagkatao niya. Hanga ako sa katalinuhan niya. Matalino ako pero umurong yun dati dahil lang sa hikaw.

"I'm Leo, kaliwang kamay ng papa mo" "I'm Jack" "Hiro here" "Ako si Jess", pagpapakilala ng mga kasama ko. "Teka nga...teka...bakit parang ang gulo", singit nung lalakeng tumutok samin ng baril.

Bakla ba ito. "Hindi ako bakla", napapalunok ko itong tinignan. Paano niya nabasa ang laman ng utak ko. "Nung time na sumugod kayo sa kuta...pakana ba iyon ng aking Ama", naibalik ang buo kong atensiyon kay Akisha.

Natahimik naman yung mga kasamahan niya. "Oo Lady A, utos yun ni Señor. Gusto niyang malaman kung ano ang kalagayan niyong dalawa", tinignan ko si Itan. "Anong Lady A?", chismosong tanong ng lalake. Tumikhim ako bago nag salita muli.

"Siya si Lady A, Akisha Mir..." "Patay na ang babaeng tinutukoy mo" "K", awat sakanya ni Itan. Tinignan niya si Itan ng masama. "Matagal ng patay si Akisha Miriah Marie!", malamig niyang sambit sa buo niyang pangalan bago ito nagmartsang lumabas.

Napalingon ako sa mga kasamahan niya na pawang nakayuko, isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Itan bago ito tumayo at sumunod sa kapatid.

"I'm sorry about that", tinignan ko yung babaeng nag salita. Napatitig akong napatingin sa maamo niyang mukha. "Gusto mo mabulag?", ngising tanong nung chismoso. Hinarang yung mukha niya sa babae. "Huh", yun lang nasambit ko.

"Isang titig mo pa sa mahal ko tatanggalin ko yang mga mata mo", malamig niyang wika bago hinatak yung babae patayo at lumabas. "Woahhh hindi ko akalain na ganito sila", natatawang sambit ni Leo.

"Parang nawala yung utak ko", singit ni Jess. "Nagpakilala tayo tapos sila hindi", si Jack. "Mukhang sakanila ko lang naramdaman ang takot lalong lalo na sa babaeng anak ni Señor", ngising wika ni Hiro na nakatingin sa pintong nilabasan ng apat.





Comment