Chapter 10

Nasa canteen kami ni Aira, kasalukuyang nag memeryenda. Kakatapos lang ng third subject namin sa umaga pero hindi pa rin ako makamove on sa nangyari kanina sa Math subject namin.

"Uuyyy bilisan mo, 15 minutes lang ang break time natin hindi 30 minutes", sarkastikong sambit ni Aira. Hindi ko pa din nagagalaw yung egg sandwich na binili niya.

Hindi pa rin ako makapaniwala. Sobrang talino niya, dinaig niya pa yung top 1 namin.

Flashback (hahahahaha for the first time)

Nang matapos si Sir sa pagcheck ng paper namin, tinawag niya si Grace. President ng klase. Sinimulan ni Grace ang pagdictate ng mga nakuhang score. Saan ka nakakita ng short quiz na out of 55.

Nagpatuloy lang siya sa pagdictate hanggang sa..... "Aquino, 55", nakita ko pa ang pagkamangha sa mga mata niya. "Salvador, 47 and Gomez 49", pagtatapos niya. "Congrats Mr. Aquino", pumapalakpak na tumayo si Sir.

"Okay class goodbye", sambit niya bago umalis. "Wow ang talino, gwapo na nga matalino pa", bulungan ng mga babae sa harapan. Pakiramdam ko nakatingin ito sakin kaya naman nilingon ko ito.

Napataas ang kilay ko dahil titig na titig siya sakin. "Nagkita na ba tayo?", walang alinlangang tanong niya. Mas lalong tumaas ang kilay ko dahil...... hindi man lang siya nag dalawang isip na sabihin iyo..... no nagkakamali lang ako.

Oo matalino siya pero imposible namang namukhaan niya pa ako nung time na yun. "Never mind miss mataray", ngising sambit niya. "A..an", "Here invited ka sa celebration ko next week", putol niya sa akin.

Konting konti na lang mahahalikan ko na yung invitation. "Ano ba piling close ka!", pasigaw na paghawi ko sa invitation. Nakaagaw kami ng attention, ako lang pala. Nakakabadtrip, hindi ko maintindihan sarili ko. 

"Cute", bulong niya bago ito yumuko at nagpanggap na natutulog. Tatayo na sana ako ng biglang dumating yung next subject namin kaya wala akong nagawa kung hindi ang maupo ulit at makinig.

End.

"Malayo na ba ang nalakbay mo K?", sarkastikong pukaw niya sakin. "Medyo", sagot ko. Napasinghal lamang ito bago ako hinatak papatayo. "Anong plano mo?", pabulong na tanong niya.

Siya na yung kumakain ng sandwich. Nagkibit balikat lang ako. Walang gana akong umupo sa tabi ni Aquino. Hindi ko ito tinignan. At bakit naman sana. 

Para akong bulkan na handa ng sumabog. Bwisit naman ayy ohh. Hindi pwedeng maapektuhan ako ng presensiya ng lalaking ito. Dumating na yung next teacher namin at nag discuss lang ng nagdiscuss.

Wala akong maintindihan. Maghapon akong lutang hanggang sa matapos lahat ng subject namin.Kasalukuyan kong inaayos ang mga gamit ko ng may naglapag ng kung ano sa mesa ko.

Tinignan ko ito bago binalingan si Aquino. Invitation yun. "Your welcome", ngiting sambit niya bago umalis. Fuck, ang mga ngiti niya. Napailing na lamang ako bago dinampot ang invitation at isinilid sa loob ng bag ko.

Hinihintay na ako ni Aira sa labas. "Pumunta ka", napangisi na lamang ako dahil utos yun hindi tanong. Nagsimula kaming naglakad patungo sa parking lot.

As usual nauna siya bago ako. Walang gana akong umupo sa sofa pagkauwi. Wala man akong ginawa maghapon ngunit pakiramdam ko pagod na pagod ako. "Pampakalma", abot niya sa isang lata ng beer bago tumabi sakin.

Sininghalan ko lamang ito bago inabot ang beer. Sabay kaming napatayo ng may kumatok sa pinto. "It's me" "Pasok", sagot ko. "Sino nanggahasa sayo hahahhaha", tawa tawang sambit ni Aira.

Walang emosyon akong nakipagtitigan kay Keiro. Hindi man lang niya binalingan si Aira. At seryoso itong naka titig sakin. "Pinapatawag ka", yun pa lang sinasabi niya pero parang alam ko na kung ano tinutukoy niya.

"Lahat tayo", wika niya bago tumalikod at umalis. Nagkatingin kami ni Aira bago sumunod na lumabas. Kanya kanya kaming sakay sa motor. Nauna na si Keiro.

Nakakapagtaka lang dahil hindi man lang niya kami hinintay dahil datidati hinihintay kami. Pagdating namin sa kuta. Sinalubong kami agad ng guard. "Second floor, main room", sambit niya. Tumango lang kami.

Sabay kaming nagtungo ni Aira sa MR. Walang imik at parehong pinapakiramdaman ang paligid. Sabay naming tinulak ang malaking pinto. Kumunot ang noo ko dahil halos lahat andito.

Tumango kami bago nagtungo sa kanya kanyang upuan. Magkakrus ang mga braso kong tinignan si Lola. Sinalubong ko ang malamig niyang tingin. "Kailan mo balak tapusin ang misyon mo", hindi yun tanong. Sarkastiko akong napangisi sa kawalaan. 

Ramdam kong nasa akin lahat ng mata nila. "If I'm not mistaken, kung tutuusin tapos ko na ang misyon ko", ngising wika ko. Padabog itong tumayo at tinignan ako ng masama.

"Kiriniah ano ba sa tingin mo ang misyon na binigay ko sayo huh! Oo ang manmanan sila pero hindi ko akalain na hindi mo nakuha ang ibig kong sabi...", "Gusto mong patayin ko ang Mayor", walang gana kong putol sa pagiging sarkastiko niya.

Oo alam ko yun yung misyon na kailangan kong tapusin. Ramdam kong hinawakan ni Itan yung kamay ko. Nanginginig siya at nanlalamig. "Very good akala ko naging boba ka na", sarkastikong sambit niya.

Sa isang pitik niya lang nagsilabasan ang limang body guard na may kanya kanyang hawak na case, case ng baril. Hinigpitan ni Itan ang pagkahawak sa kamay ko. "Lahat yan sniper per....", "I will pick number 2", putol ko sakanya. nakabadtrip, hindi ko alam tangina bakit ganito nararamdaman ko. 

Kailangan kong magpigil. Nilapag ng body guard yung case sa harapan ko. "Finish him bago matapos ang taon", sambit niya bago umalis kasama yung limang body guard.

Dun lamang lumabas lahat ng kabang pinipigilan mula kanina. Tumayo ako at walang ganang dinampot yung case. Aalis na dapat ako ng pigilan ako ni Itan, tinignan niya ako ng nagmamakaawang tingin. Ngumiti lang ako. "I'm fine", sambit ko at binawi ang aking kamay.

Nagtungo ako sa kwarto. Hindi ko alam para akong maiiyak. Walang lakas akong napaupo sa kama ko. Bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Bakit parang may mali. Next week ang celebration ni Aquino. Kayang kaya ko yun tapusin kahit ngayong araw ngunit....... "Bullshit, what is this urghh", mahinang inis na bulong ko habang sabunot sabunot ang buhok.

Tumayo ako at nagtungo sa verenda. Pumikit ako at dinamdam ang hangin na tumatama sa aking mukha. What's wrong with me. Narinig kong bumukas yung pinto at may mga yabag akong naririnig papunta sakin.

Napangiti ako sa kawalan dahil ramdam kong nag aalala sila sakin. "Ako na ang gagawa kung gusto mo", "Kaya ko ito Aira", sagot. "Anong bagay ba ang hindi mo kanyang gawing Kiriniah Zoe at ako ang nagawa", tawatawang sambit ni Keiro.

Napangisi na lamang ako dahil alam kong pinapatawa niya lang ako. "Ako na bahala sa penalty", "No Itan, tatapusin ko ito sa mismong celebration", malamig kong wika. "K", "I'm fine don't worry. Sa lunes na ang celebration, tatapusin ko ito ng AKO lang", sambit ko bago sila tinalikuran at iniwan.

Hindi ko sila tinignan sa mata dahil ayaw kong makita nila na kinakabahan ako. Kinuha ko yung baril na nilapag ko sa kama bago umalis. Ayaw ko mag stay dito kaya uuwi na lamang ako.

Hindi ako nag paalam dahil ayaw ko munang may kinakausap. Pag dating ko sa bahay natulog agad ako.




Comment