Chapter 1

Tahimik akong nagmamasasid sa may kalakihang bahay na nasa harapan ko. Ayaw ko sanang tanggapin ang misyon na ito na binigay ni Lola pero wala akong magawa. Kasama ito sa nilagdaan kong papeles bago ako makapasok sa organization.

Bakit nga ba ako pumasok sa organization na ito, even me I don't know the answer. Basta isang araw pagmulat ng mga mata ko nakasali na ako sa organization, ni hindi ko nga namalayan na may papeles na akong nilalagdaan.

Yes bawal akong tumanggi sa lahat ng misyon na ibibigay nila sa akin or else magbabayad ako ng penalty. Saan napupunta ang penalty, of course sa charity. Hindi samin napupunta ang penalty kun'di sa mga bata.

Bumalik ako sa wisyo ng namataan ko ang paglabas ng isang itim na kotse. Nagtago ako bigla sa likod ng punong katabi ko nung sila ay dumaan. Kumunot ang noo ko ng biglang bumukas ang bintana sa likod at may ngumising binata sakin.

"What the fuck", mahinang mura ko. It can be, sana hindi siya nakahalata. Kinuha ko yung baston ko at napaggap akong bulag. Mukhang napaniwala ko naman siya dahil nakita kong sumimangot ito.

Tuluyan na silang nakaalis at ako naman ay dali-daling tumakbo papunta sa pinagparkan ko ng motor at hinubad ko ang jacket ko at itinapon yun sa isang malaking lata na basurahan at walang alinlangang sinunog ito, dinamay ko na rin pati shade at wig.

Hinintay ko muna itong masunog ng tuluyan bago sumakay sa motor ko at pinaharurot palayo para sundan sila. "Bwisit", mura ko habang nag mamaneho. Paano ko sila susundan, panigurado nakalayo na yung mga yon.

Itinigil ko yung motor ko sa gilid at pinindot ang maliit na mikropono sa tenga ko na nakakonekto sa kuta. "GTI301, trace it", wika ko. "Copy Ma'am", sagot ng nasa kabilang linya. Wala pang isang minuto nag salita na ito muli.

"Maddela Street no.7, tapat ng Noodle House Restaurant", sambit nito. Pinatayan ko na siya agad at pinaandar muli ang motor ko papunta sa lugar na iyon. Nagpark ako sa hindi kalayuan bago bumaba.

Inayos ko ang crop top kong damit at high waist kong pantalon at napangisi ako ng makita ang boots ko na kulay itim pa rin. May pinindot akong maliit na button sa gilid nito at naging kulay puti ito. Well technology.

Taas noo kong tinahak ang daan papunta sa restaurant. Nakita ko ang hinahanap kong kotse sa parking lot.
"Perfect", bulong ko sa hangin.

Nakangiti akong lumapit sa restaurant at magiliw naman akong binati ng guard bago pinapasok. As usual nakaagaw ako ng atensiyon. Nilibot ko ang paningin ko pero hindi ko sila mahanap.

Hindi ko inalis ang matatamis kong ngiti sa aking labi kahit nangangalay na ako para walang makahalata. "Good day Ma'am. Welcome to Noodle House Res...", "VIP please", putol ko sa waitress na lumapit sakin.

Nakita ko itong lumunok bago ngumiti. "This way Ma'am", nilahad niya sakin ang kamay sa isang pinto. Sinabayan niya akong maglakad papasok dito. Namangha ako sa ganda ng loob ng VIP room.

Agad ko silang nakita kaya naman pinili ko ang mesang katapat nila. Syempre nakatalikod ako sa kanila. Umupo ako ng normal at nagpanggap na walang pakealam sa paligid. "Call me if you're ready to order, Ma'am", magiliw nitong sambit. Tumango lang ako bago ito umalis.

"Dad, I told you ayaw ko magpaparty", wika ng binata. Kumunot ang noo ko at nakinig lang sa usapan nila. Sumenyas na ako para tawagin ang waitress para walang makahalata. Nakangiti itong lumapit sa'kin.

"Are you ready to order Ma'am?", magalang nitong tanong. Tumango ako ng hindi inaalis ang pandinig sa naguusap sa likod ko. "But son..", "Here's you're menu Ma'am", magiliw na sambit ng waitress. Kinuha ko ang inaabot niyang menu at binasa iyon ng nasa kanila pa din ang pandinig.

"It's you're special day", wika ng Mayor. "Give me special pancit bihon", sambit ko. "How about drinks Ma'am?", "Give me Orange",
"I will repeat your order Ma'am", tumango ako. "One special pancit bihon and one orange juice", wika niya. Tumango ako.

"I be back in five minutes Ma'am, thank you. Enjoy your stay", tumango lang ako bago ito umalis. "But Dad I don't want it", pakiusap ng binata. May lumapit sakin na waiter. "Here's your appetizer Ma'am, enjoy your stay", ngiti nito sakin. "Thank you", "You're welcome Ma'am", tumago lang ako bago ito umalis.

"Please son, ple...", "Fine", nauubusan ng pasensiyang sambit ng binata. "Thanks son", "Whatever Dad", sambit ng binata at sabay silang nagtawanan. Saktong dumating ang order ko at sinimulan ko ng kumain.

Halos sabay sabay kaming natapos sa pagkain, halos sabay sabay na nagbayad at halos sabay sabay na lumabas. "Thank you for coming Sir.Please come again", nakangiting sambit ng waitress sa kanila. "We will", magiliw na sambit ng Mayor.

Halos magkasunod kaming lumabas. Nauna lang sila. "Thank you for coming Ma'am. Please come again", magiliw din nitong sambit sakin. Tumango lang ako bilang sagot. Tuluyan na silang nakalabas at gano'n din ako.

Maghapon ko silang sinundan at buti na lang hindi sila nakahalata. Pagod akong umupo sa couch pagdating ko sa kuta. "What's up sis", nakangising sambit sakin ni Itan. My elder brother.

Tumabi ito sa'kin at inakbayan ako. Hinayaan ko lang siya dahil wala ako sa mood makipag away. "How's your mission", napaupo ako ng tuwid ng umupo si Lola sa harapan namin.

"Goods but...", "What?", nakataas kilay niyang tanong sakin ng naputol ang sasabihin ko. Nag silapitan ang mga pinsan ko. Mga chismoso't chismosa talaga.

Ngumisi ako at tinignan si Itan. "Ano nginisingisi mo diyan huh", nanginginig niyang sambit. Ngumisi lang ako at mag kakrus ang mga braso kong tumingin kay Lola.

"Mukhang mali ang ibinigay niyang impormasyon", walang gana kong wika. Tinutukoy ko si Itan. Kumunot ang noo ni Lola and I'm sure hindi lang noo niya ang kumunot.

"What do you mean?", takang tanong ni Aira, pinsan ko. Nasa likod siya ni Lola. "Mayor have a son", "What?", sabay sabay nilang tanong habang si Lola nakakunot ang noo na nakatingin sakin.

"Narinig niyo ang sinabi ko. May anak si Mayor but...", tumingin ako kay Itan. "But ang binigay mong impormasyon ay mali", ngising wika ko. Napalunok ito habang nakayuko. May hindi ka sinasabi. 

Comment