Chapter 19

"What do you want? Shrimp? Allergic ka ba rito? May pasta rin naman. Pero baka mabusog ka. Try others na lang muna. Want steak?


"Ang dami naman.."


"It's not... At saka, sayang binayad nina Rajih, sulitin na lang natin."


"Marinig ka pa nila.."


"No, they won't." sumulyap si David sa likuran namin kung saan naglalaro na ang iilan sa pinaka gitna.


Napatingin din naman ako at napangiti. Naglalaro kasi si Jose kasama 'yung apat. Kuhang-kuha na nila loob ng kapatid ko kaya ayun, magaan na ang loob sa kanila ng bata.


Nakatutuwa ngang makita iyon, e. Oo, nakikita ko na si Jose na naglalaro kasama mga kapotbahay namin doon sa may likod ng pabrika pero ngayon? Ibang-iba ang ngiti sa mukha niya. Iba rin ang tawa niya. 'Tila ba bago lang sa kaniya ang paglalaro.


Siguro dahil na rin sa mga bagong tao sa paligid niya.


Kumuha na lang ako ng tinapay dahil hindi naman talaga ako nagugutom.


"Iyan lang?"


"Oo.. Hindi naman ako gutom masyado.."


Sumaglit sa akin ang mata niya. Akala ko may sasabihin pa pero bigla siyang umalis at pagbalik niya ay may dala-dala na siyang dalawang bugkos ng pagkain sa dalawang plato.


"'Yan din ang sabi mo kaninang tanghali, impossible na hindi ka pa rin gutom?"


Gusto kong matawa dahil mukhang inis na ang mukha niya sa akin. "Come on, Odyssey. Wala namang masama kung ubusin mo 'yung catering na kinuha nina tita.. Matutuwa pa nga sila kung kumain ka.."


"Masyadong marami, hindi ko mauubos."


"Then I'll eat the leftovers for you," sinenyas niya ang table na inupuan namin kanina at nauna na.


Nanatili ako sa huli kong posisyon. Masasabi ko bang... okay na talaga kaming dalawa? Nandito na kami sa Cebu at ilang oras na nang malaman niya ang dahilan kung bakit ako umiiwas sa kaniya. At ilang oras na rin simula nang mawala ang pader na nabuo sa pagitan naming dalawa.


Gusto ko na matuwa dahil... nagkamali lang pala ako ng interpretasyon. Na kahit sinabi at pinangako na niya na wala talaga siyang nobya... sino ang babaeng iyon kung ganoon?


Pinsan? Hindi ko alam.


Kapatid? Wala akong nakikita o naririnig na binabanggit niyang kapatid noong nasa bahay pa niya ako. Wala rin namang mga litrato bukod sa magulang niya at sa banda at siya mismo.


Pero bahala na... ayoko na rin maramdaman iyon kaya hinayaan ko na lang... Tutal.. ang saya-saya na tingnan ni David nang bumaba kami para saluhan ang iilan.


"Ossey! Come here!" sigaw ni David sa may table.


Tumango ako at sumunod na sa kaniya. Pinaghila niya ako ng upuan saka tumabi sa akin. "Ito muna kainin mo para hindi ka mabusog.."


May tinulak siya sa malinis na plato palapit sa akin. "Tell me if it's good.."


Kumunot noo ko pero tinulak niya lang lalo sa akin iyon. Kinuha ko ang kubyertos saka ngumuya roon. Gumuhit naman sa labi ko ang sagot at nakita ko kung paano siya kiligin doon.


"Good?"


"Y-yeah.. First time ko makakain nito.." kumuha pa ako ng isa.


Binanggit niya kung ano iyon at tinulak naman ang iilan. Natutuwa ang puso ko, parang hinahaplos iyon kapag nakikita ko siyang nakangiti kaya pinaboran ko na lang lahat ng ginawa niya.


Sumuko na lang ako nang maramdaman ang pagkabusog. Hinanap ko kaagad si Jose dahil baka basa na siya sa pawis pero hayun, masaya pa rin na nakikipaglaro.


"Tubig.." aniya.


Linagok ko iyon saka pinunasan ang labi. Hindi ako makagalaw masyado dahil namimilipit ang sikmura ko. Mabilis lang talaga ako mabusog, hindi ako katulad ng kapatid na matagal bago mabusog. Naiisip ko nga na baka dahil nasanay ako na hindi kumakain masyado at binibigay sa kapatid para siya ang mabusog para sa buong araw.


Ngayon... ako naman na ang busog at kahit papaano... pakiramdam ko ay nabigyan ako uli ng karapatan maging normal kagaya ng iba..


"Masarap lahat?"


"Hindi ko naman siguro makakain kung hindi, hindi ba?"


Humalakhak siya saka binalingan ng tingin ang lima. Siya naman ang pinanood ko at saglit na natahimik. Tumatawa siya dahil muntikan nang matumba si Rey at Sean kay Jose pero nahila siya ni Raj para hindi mangyari iyon.


Ganoon ang posisyon niya, masayang nakikipagtawanan, ngumingiwi at kumukuha ng litrato. Ibang-iba sa huling kita ko sa kaniya na malungkot, ayaw ngumiti at tila ba inagawan ng laruan.


Dahil ba sa akin iyon? Bakit naman kung ganoon? Kasi noong hindi niya pa alam ang dahilan, ganoon na siya kalamig. Pero nang malaman na, nagbago na siya at bumalik siya sa kung ano siya noong una kaming nagkakilala.


Ayokong umasa pero.... kusa na iyon ginagawa ng sariling nararamdaman.


"Guwapo ko ba?" biglang bawi niya ng titig ko.


Ramdam ko ang pag-init ng pisngi dahil sa paghuli niya ng pagtitig ko sa kaniya. "K-kapal mo naman..."


Tumawa siya at kumuha ng isang tinapay sa harap namin. Doon ay tumingin akong muli at nasa akin nga ang mata niya. Tumingin ako sa harap at umayos ng upo.


"G-gusto mo ba na... tanungin ko si Jose kung..."


"Na?"


Suminghap ako. "K-kung bakit parang hindi ka niya ka-vibes? Tama ba ako ng salita? Narinig ko lang sa TV noon, baka mali ako.."


Sumilay ang ngiti sa kaniya. "Tama naman.." tumigil siya. "And about that? Don't bother.. Okay lang naman sa akin."


"Okay lang sa'yo na hindi niya pansinin?"


"Kung ayaw niya muna... huwag pilitin. Baka lalo akong hindi pansinin.."


"Malay mo.."


"Malay ko what?"


"Wala.." iling ko. "Pero ayaw mo ba na itry ko? Ramdam ko rin kasi, e. At saka, gusto ko na ituring ka rin niya kagaya ng sa kay Sean o Rey ngayon, oh... Lalo na't ikaw ang nakahanap sa kaniya noon, 'di ba?"


"Ayoko manumbat, Ossey.."


"Hindi naman sa ganoon pero.." paano ba 'to?! "Ikaw bahala.. Basta kapag talagang hindi ka na pinapansin, kakausapin ko sa ayaw o gusto mo, okay?"


Pumungay ang mata niya nang bitawan ko iyon. "If that what makes you happy, who am I to resist?"


Hindi ko naintindihan pero pakiramdam ko okay lang ang sinabi niya. Sa susunod nga, kapag magkaharap kami ay magsusulat ako ng signage sa noo ko na 'NO ENGLISH', hindi naman sa nakaka-insulto pero... hindi ko lang kasi maintindihan!


Lumipas ang ilang minuto at tumigil ang ang lima sa paglalaro. Si Sean ang naunang umayaw dahil halos maiyak na siya sa pagod. Sumunod si Rajih at si Rey. Ang kapatid ko ay parang hindi naubusan ng energy!


"Jose! Halika na rito!"


Napukaw ko ng atensyon ang iilan naming kasamahan pero nang makita nila si David sa tabi ko ay nag-iwas din ng tingin. Pinakilala na ni Rajih sila sa akin kanina pero hindi ko na tanda.


Si Jose lang inaasahan ko pero napansin kong nakabuntot si Raj sa kaniya!


"Pahingi tubig.."


Inabot ko naman sa kaniya kaagad iyon at tama lang ako ng hula, pawis na pawis na siya pati ang likuran niya!


"Kung hindi lang sinabi ni Daboy na kapatid mo siya, iisipin ko na anak mo siya, Ossey.." si Raj. "No offense ah!"


Umangat ang tingin ko at ngumiti, "Okay lang. Hindi lang ikaw ang unang nakaisip noon.."


"Pare, nasaan gitara?" si Raj kay David.


Saglit silang nag-usap at binihisan ko naman ang kapatid ng bagong damit. Nandito kami sa likuran ng hotel kung saan gaganapin ang birthday ni Rajih bukas. May malaking tent sa ibabaw namin at sa likod namin ay ang maliit na stage para sa gaganapin bukas.


At ilang hakbang lang ay dagat na ang makikita.


"Rajih, advance happy birthday pala.." sabi ko nang matapos bihisan si Jose. "Wala akong regalo, sorry, biglaan naman kasi."


Kausap niya si David at may tinitipa sa phone. "Naku, don't worry about it! Okay lang! Didn't I tell you na okay na kung kasama kayo?"


Ngumiti ako nang matamis, "Pero next time, sigurado mayroon na.."


"Kahit huwag na pero ikaw bahala!" hinila niya ako para sa isang yakap at nakaramdam ako ng pakiramdam na may bago na talaga akong kaibigan.


"Kumain ka na ba, Ossey?"


"Kanina pa.. Ang tagal n'yo maglaro.."


"Sila kasi... Hindi papatalo si Kuya Rey.."


"Pareho lang kayo ni Rey, ayaw patalo, hindi na bago."


"Hater ka talaga 'no?"


"Ate mo ako, hindi ako hater mo.." ngiti ko at inaya na siya na kumuha ng pagkain.


Lumipas ang ilang oras at pinapanood ko lang na mag-usap ang lima at nakikitawa sa kanila. Doon ko naisip.... ano kaya kung ganoong buhay din ang nakalakihan ko? Siguro magiging kasing saya ko sila at walang iniintindi kundi sarili o kasiyahan para sa pansarili.


Oo, marami akong pagsisisi sa buhay ko pero pinipilit ko naman na huwag hayaan na ihulma ako mga iyon bilang masama at wala nang pag-asa na klase ng tao sa buong mundo.


Oo, naging marahas ang mundo sa akin at siguro paraan lang iyon para mas lalo akong magsikap, kung hindi na talaga para sa akin ang kaginhawaan, kahit papaano ay para sa kapatid ko na lang.


Basta talaga hindi ko pa natutupad lahat ng pangako ko sa kaniya, hindi ako puwedeng lumisan. Hinding-hindi pa puwede.


Dumaan muli sa isipan ko ang balak ko sa papeles ni Jose. Napatingin ako sa lima na masayang nagtatawanan sa isang balita na hindi ko makuha... paano ako makakapagpaalam sa kanila na... aalis kami para... sa papeles ng kapatid?


Si Wis... hindi niya alam na may tinatakbo akong papeles para sa pag-aaral ni Jose. Hindi naman sa kailangan niya malaman pero... may parte sa akin na kailangan niyang malaman kahit nasisiguro ko naman na hindi na rapat.


Suminghap ako at sinuklay ang daliri sa buhok ng kapatid. Humihikab na siya at mukhang dinalaw na ng antok dahil sa pagod.


Bahala na... basta may pera naman ako ngayon ay titingnan ko na lang siguro kung kailan ang sapat na oras para lumuwas at kunin ang papeles..


Nangako ako... nangako ako bago sumampa sa barko roon sa Maynila na... hinding-hindi puwedeng dumaong akong muli roon na hindi hawak ang papeles na iyon...


Hinding-hindi ko na hahayaan na pag-akitan ako muli ng pagkakataon sa buhay. Pangako iyan.


***


"Need help?"


Nagsisimula na umalis ang iilang kasamahan namin dahil masyado na ring late. Maaga pa kami bukas para maghanda sa birthday ni Rajih. Si Rajih ay nauna na dahil gusto niya na energetic siya bukas. Tawa pa nga ako nang tawa dahil nag-away pa si Sean at Rey dahil gustong uminom ng isa pero sabi ni Wis na KJ si Sean at pinigilan pa sila.


Mga 'to... parang mga bata...


"Pretty sure hindi mo siya kayang mabuhat mag-isa?"


Nakatayo na sa likuran ko si David at hinihintay na lang ako na tumayo rin pero nakatulog na si Jose sa lap ko kanina pa. Gustuhin ko man na ako na lang para walang abala pero mukhang tama siya...


"Sige.. Salamat.."


Walang kahirap-hirap niyang nilagay sa balikat si Jose. Sinigurado ko muna na maayos silang dalawa bago iwan ang tent at pumasok sa loob.


Hindi ko na sinubukan sabihin kung saan kaming kuwarto napunta, alam na rin naman niya. Tahimik ang pasilyo na dinadaanan namin at tanging sapatos at maliliit na halinghing ng tulog ang naririnig.


Pinapanood ko ang walang bakas na hirap na paglalakad ni David. Hindi hamak na mas matangkad siya sa akin, lahat naman sila matangkad pero kung pagtatabihin sila ay siya ang pangalawa at si Wis ang nangunguna.


Maganda rin ang hubog ng kaniyang katawan. Napaisip tuloy ako kung... paanong wala pa siyang naging nobya? Kung okay lang, tatanungin ko sina Sean kung sakali... nakakahiya naman kung sa kaniya ako mismo magtanong...


Huminto sila sa tapat ng kuwarto at dali-dali ko namang binuksan iyon. Pinauna ko na sila at binilinan na sa kama na niya ideretso ang bata.


Ang dapat ako na maghuhubad ng sapatos ay siya na rin mismo gumawa, naiwan akong pinapanood sila. "Is this good?"


Umungol si Jose bago yakapin ang isang unan saka bumalik sa himbing ng pagkakatulog. "Salamat, David.."


Tinapunan niya ng huling tingin ang bata bago tumungo sa pinto, "Sure thing... Una na ako, pahinga ka na rin.."


"Salamat.. Ikaw din.."


"Oo naman.."


Walang nagsalita. "Sige na.. U-una na ako.." sumenyas pa siya sa labas.


Sumunod ako sa kaniya at hinawakan ang pintuan. Pinanood ko siya na ipamulsa ang kamay. Bakit ang guwapo pa rin niya kahit malalim na ang gabi?


"Bukas uli... Handa na kayo dapat, ah? Island hoppin gagawin bukas.."


"Ano 'yun?"


"Bibisita sa kalapit na isla... Doon tayo bago hanggang matapos ang tanghalian.. Saka tayo babalik dito para magready sa birthday ni Rajih."


Kinagat ko ang labi at prinoseso ang narinig. Hindi pa ako nakakalapit sa kalapit na dagat maliban na nang bumaba kami sa port doon sa kabilang bayan. Kung ganoon, ilang dagat din ang mapupuntahan namin..


"Matutuwa si Jose kung ganoon.." ngiti ko.


"Matutuwa ka rin..." balik niya. "Good night, Ossey... Thank you for today.."


Hindi ko man maintindihan ay tumango na lang ako. Pinanood ko siyang tumalikod at dapat liliko na siya nang tawagin ko siya uli. Wala naman akong balak sabihin pero gusto ko sa huling pagkakataon ay gusto kong makita ang ngiti niya.


Nagtagumpay naman ako dahil nangingiti siya nang lingunin ako. Ramdam ko ang kuryente sa katawan bago sinara ang pintuan.


Hay. Wala naman sigurong masama maramdaman ito, hindi ba?


***


"Saglit lang! Baka madapa ka, Jose! Ano b—"


Hindi ko na natuloy ang sasabihin dahil tuluyan nang nakawala si Jose sa akin at tumakbo kasama sina Sean. Kinawayan nila ako at ngumiti lang ako saka hinayaan na isama ang kapatid.


Masaya ko silang pinanood na lumapit sa dagat at umiling na lang.


Saglit kong inayos ang sarili dahil sumilay na muli ang araw sa aming lahat. Kaarawan na mismo ni Rajih ngayon pero wala naman siya sa paligid nina Sean doon sa dagat, tanging si Rey lang ang kasama niya.


'Di bale, babatiin ko na lang siya mamaya.


Nang maayos ang sarili, nilibot ko ang tingin at nakita na nag-aayos ang iilan na kasamahan namin. Agad kong namataan ang isa na nahihirapan isalansan ang iilang bote sa lalagyan kaya lumapit naman ako kaagad.


"Tulungan ko na po kayo.."


Kinuha ko ang ilang bote na hindi pa niya nagagalaw saka tinanong kung saan ko ilalagay ang mga iyon. Nang ituro niya kung saan ay tinulungan ko na siya mismo.


Kitang-kita ko sa gilid ng mata na pinapanood niya akong isalansan ang iba. Ano na nga uli ang pangalan niya? Naipakilala sa akin ni David kaso hindi ko na maalala!


"Ang bait mo naman, hija.." puri niya. "Ossey ang pangalan mo, hindi ba?"


"Ah.. Opo... Kayo po? Pasensya na po, nakalimutan ko kaagad.."


Tumawa siya. "Kuya Rem. Manager ako ng lima. Hindi ka maayos na naipakilala ni David kahapon kasi nakatitig lang siya sa'yo.."


"P-po?"


Umiling siya at nagpatuloy sa paggalaw. Ano raw?


"Tulak natin 'to rito para makita kaagad at hindi magkaroon ng aksidente.." turo niya sa gilid at tinulak naman namin iyon.


Tagumpay naming naigilid ang iilan. "Ang dami 'no? Birthday naman ni Raj, hinayaan ko na lang."


"Iinumin po nila lahat 'to?"


"Natin, hija.." tawa niya. "Hayaan mo na, minsan lang humingi ng pabor ang bata at saka lahat naman na sila nasa tamang edad.."


Ngumiti ako at pinagpag ang kamay dahil nalagyan ng ilang buhangin iyon. "Ang gandang bata mo naman, hija..."


"S-salamat po.."


"Totoo... Parang may lahi ka ata? Anong lahi?"


"Hindi ko po alam, e.." nahihiya kong tugon. "Pero salamat po sa puri.."


Malawak siyang ngumiti. "Ano na nga uli pangalan ng bata na kasama mo? Jose? Tama ba ako?"


Agad akong tumango. "Guwapo ring bata... Mga ganoong mukha silang lima noong mga kabataan nila.."


Bumugso ang tawa sa amin. "Parang si Rey lang din, makulit. Nakikita ko kakulitan ng kapatid mo sa kaniya.."


Pinagsalikop ko ang dalawang kamay. "Pasensya na po sa kapatid ko... makulit talaga iyan kapag naglalaro.."


"Naku, okay lang! Kung alam mo lang kung kailan may huling paslit dito?" sumulyap siya sa dagat, ganoon din ako."Mabuti nga hindi nagsasawa ang lima dahil sila-sila pa rin ang magkakasama... hindi na kataka-taka kung ganoon na lang sila kakulit kasama ang kapatid mo.."


Hindi ko iyon alam pero natuwa naman ako.


Ilang segundo ang katahimikan bago binalik sa akin ang tingin. "Ah, hija?"


"Po?"


"Salamat nga pala.." kinuha niya ang palad ko saka marahan na pinisil.


"Para saan naman po?"


"Sa ano... kay David?" ngiti niya. "Thank you kasi tinulungan mo siya noon.."


Kinagat ko naman ang labi at hindi alam ang sasabihin. "O-okay lang po... Libre naman tumulong sa mga nangangailangan, hindi ba? Walang anuman po.."


Pinanood ko siyang huminga nang malalim. "Hanggang ngayon nga... hindi ko alam.. namin... kung bakit... nangyari iyon? Lalo na... lalo na 'yung kung bakit siya napunta sa inyo?"


"Nabanggit kasi sa akin ni Louise kung saan mo siya nakita... at sa labas ng bahay mo nakita, tama ba? Hindi niya pa rin nasasabi kung... bakit siya nandoon sa inyo.."


H-ha?


"Alam mo ba kung bakit siya nandoon?"


"H-hindi rin po..." kabado kong sabi. "P-paanong hindi ninyo po alam?"


"He's not singing when we asked him to... Akala ko alam mo rin kasi nga.. sa inyo nakita?"


Wala akong masagot kasi totoong hindi ko naman alam kung bakit siya nandoon. Sa dahan-dahan na pagtangay ng hangin sa ala-alang iyon, hindi ko na iyon naiisip pa..


"Nagkakausap naman kayong dalawa.. hindi ba niya nabanggit?"


"Hindi po, e.." iling ko. "At saka, hindi ko na po kasi tinatanong... o inuungkat dahil okay naman na po siya.. Maayos na po siya uli... Iyon na po ang importante ngayon.."


Paulit-ulit siyang tumango. "Tama... Tama... Pero as his second parent, gusto ko lang malaman kung sino ang gumawa sa kaniya noon... Kawawang bata... Kung wala ka roon, baka... baka apat lang sila na nandito..."


Nakaramdam naman ako ng lungkot pero hindi ko na lang pinahalata. "Ngayon lang nangyari 'yan sa aming lahat... mas malala pa sa nangyari kay Louise noong nag-aaral pa sila.."


Binalot kami ng maalat na hangin. Pinapanood ko ang pag-angat ng dibdib niya at ang peklat sa kaniyang mukha. Nang kumalma siya ay binalik ang ngiti sa labi saka tumango sa akin.


"Sige.." singhal niya. "Basta salamat pa rin, ha? Hindi mapapantayan ng libo-libong salamat namin ang ginawa mo pero iyon ang isa sa alam naming paraan para pasalamatan ka.. Ang ganda-ganda mong bata... tapos ang bait mo pa?"


Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi mapakali. Namumula ang mga pisngi.


"Daig mo pa ang mga nauna.." halos bulong niyang sabi sa hangin.


Bago ko pa matanong kung ano ang kaniyang ibig sabihin, nakapasok na siya muli sa building. Daig ko pa ang mga nauna? Nauna na ano? Nauna kanino? Kay David? Sa kanilang lima?


Hindi ko maarok.


***


"Odyssey! Tara na rito, oy!"


"Ossey, sayang pagkakataon! Cherish everything!"


Mariin akong umiling at binaon na lang ang paa sa buhangin. Hawak ko ang payong sa kaliwang kamay at naglalaro ng buhangin sa kabila.


"Kayo na lang!" sigaw ko sa kanila.


Nandito na kasi kami sa karatig na maliit na isla. Talagang isla lang siya dahil hindi siya kagaya roon sa kung saan kami nanunuluyan, tanging nakaangat na buhangin lang at ang dagat ang kasama namin.


Kanina pa rin naglalaro sina Jose kasama ang banda. Kanina pa rin nila ako pinipilit na sumama pero... hindi ko naman akalain na ganito kainit ang araw dito sa Cebu?


"The water's good.. don't wanna try?"


Masyado akong nalunod sa iniisip na hindi ko napansin na kinuha na ni David ang payong sa akin at siya ang nagpayong sa puwesto ko. "Try it, dito muna ako.."


"Bakit ka umalis doon?"


Pumapatak sa gilid ko ang tubig dagat galing sa buhok at basang suot niya ngayon. Hindi gaya kina Louise, Rey at Rajig na walang suot pang-itaas, si Sean at David naman ay may damit na suot.


Sanay naman ako makakita ng ganoon dahil nga sa kalsada na ako halos lumaki pero... iba kasi sila... kilala ko sila at parang... hindi angkop na makita ko ang katawan nila.


"Hindi nga... Okay lang talaga ako rito.." sabi ko. "Ikaw? Hindi ka sana umalis doon.."


"Bakit ayaw mong maligo? May dala ka namang damit?"


"Kay Jose ito.." lagay ko sa lap ng bag. "Mamayang hapon na siguro ako magbababad sa dagat.. ngayon.. ang saya ninyo panoorin sa dagat."


Umukit ang ngiti sa mukha niya at bumaba ang tingin sabay iling. Sana nga 'no may pagkakataon tayo sa buhay natin na kahit saglit lang mabasa natin ang isip ng taong kasama natin. Kasi kung puwede ko iyon gawin, nabasa ko na siguro ang iniisip niya.


"Hoy! Huwag kayong mag date rito!"


Napatingin naman kami sa sumigaw at si Rey iyon na matalas ang tingin. Tumawa naman ako at si Jose ay mataman ang tingin sa katabi.


"Gago! Inggit ka lang!"


"Kapal ng mukha mo, ah!" umakyat ang kaba ko nang biglang umahon si Rey at lapitan si David. Akala ko kakasa siya ng suntukan pero tinulak niya lang ito dahilan para mabitawan ang payong at nagpagulong-gulong sila sa buhanginan.


Natawa na lang ako.


"Parang mga bata.." si Wis!


Pinanood ko siyang mahiga sa tabi ko at gamit ang dalawang kamay para iharang ang sinag ng araw sa mata. Roon ay mas nakita ko ang tattoo sa kaniyang kamay at daliri.


May tattoo siya na logo ng banda nila at sa harap ng kaniyang siko ay may pangalan na matagal ko nang gustong mabasa pero nahihiya ako magtanong.


"Avrienne.." bulong ko habang binabasa iyon. Sino iyon? At bakit nakaukit sa kamay niya iyon?


"Ossey! Rajih's not taking nos today!"


Napatayo ako bigla nang hatakin ako ni Rey. "K-kayo na lang!"


"Come on!" puno ng buhangin ang damit niya ngayon. "Minsan lang 'to at saka wala namang monster diyan, kanina pa sinasabi ni Jose na may monster pero sabi namin wala! So come join us!"


"Hindi naman iyon ang pakay ko rito.." mahina kong bulong. "Sapat na sa akin na mapanood kayong nagtatampisaw.."


Biglang lumitaw si David sa kaniyang likuran, pinapagpag ang mga buhangin sa buhok. "What do you mean?"


Nagkibit-balikat ako. Alam ko na mukhang KJ ang inaakto ko ngayon pero... wala naman kasi talaga akong gusto magtampisaw ngayon! Puwede naman mamaya!


"You're saying you're just here to watch us?"


Tumango ako. "E 'di para mo na ring sinabi na nagpa-init ka ng mainit na tubig pero hindi mo ginamit iyon para magkape!"


Biglang tumawa si David at Wis sa aking baba. "Korni mo Maestro, fuck you," si David.


"Ikaw, fuck you. Ikaw hayok na hayok iimbita si Ossey at Jose na sumama pero hindi mo mapilit na magswimming sa dagat!"


Umawang ang labi ko at napailing na lang. Ewan ko ba sa mga magkakabanda na ito. Paano pa kaya kung totoo silang magkakapatid?


"Dami mong alam!" sabay hila nito sa kaniya gamit ang braso sabay tapon sa bahista sa may dagat.


Ilang segundo rin ay tumayo si Wis at lumangoy para habulin kung saan na lumalangoy si Rajih. Pinanood ko namang lumapit si David sa akin.


Totoo ba? Gustong-gusto niya na sumama kami rito? Pero bakit... bakit noong inimbita ako ni Rey, wala siya kasama niya? Bakit hindi na lang pala siya nag-imbita, hindi ba?


Labo rin nito, e. Mas malabo pa rin ang mga lalaki.


"Ignore everything he said." ngiti niya. "But taking a dip for good two minutes is not bad, Ossey. Pretty sure, masyadong masaya si Jose ngayon at hindi ka niya naiisip pero sigurado na gusto ka rin niyang magswimming.. I'm confident you're not depriving yourself with things like this, eh?"


'Yan na naman siya. Sabing huwag puro Ingles! "I can sense that you have other objectives why you chose to come with us but hey! Sayang pagkakataon! Walang beach sa Manila! Kaya tayo nandito to relax so let yourself be relaxed! Sasamahan ko kayong dalawa, Odyssey... Just
.. be with us for now... is that alright?"

Comment