Chapter 13

"Hanap na kaya tayo uli ng trabaho?"


Maingay ang buong paligid pero narinig ko pa rin si Jose na sinabi iyon habang nakasandal siya sa likuran ng pintuan namin. Kasalukuyan akong nagtutupi ng mga damit kasi kakatapos ko lang din sila labhan kaninang umaga.


"Ganitong oras? Mukhang imposible.." tawa ko.


"Bukas kasi! May pera ka pa ba? Bente na lang pera ko... Mauubos na rin iyong bigas, hindi ko kaya magdalawang buwan na nandito tayo na walang pagkain.."


Saglit akong tumigil sa ginagawa. Tinapik ko ang higaan naming dalawa at naupo naman siya roon. "May naitabi pa naman ako... sapat na 'yun muna sa'yo.."


"E ikaw?"


"Ikaw mas importante sa akin.." sabay gulo ko sa buhok niya.


Pagalit niyang inalis ang kamay ko roon, "Pwes importante ka rin naman, Ossey, sige na? Huwag na tayo maghahanap ng kagaya rati.. Siguro naman may mga matitino namang iba?"


Lagi namin pinag-aawayan ang patungkol doon. Kasi totoo naman... siya lang naman importante sa aming dalawa na makakain ng sapat. Mas bata siya... Dapat lang na siya ang mas makakakain sa aming dalawa...


Isa iyon sa mga iniisip ko noong nawala siya... nakakakain ba siya nang maayos? May pagkain ba siya? Halos isipin ko na lahat ng masasamang bagay at mabuti na lang 'yung kumupkop sa kaniya noon... pinakain siya nang maayos.


Hindi ko na ipagkakait sa kaniya lahat ng mga pinagkait sa akin noon. Sanay naman na ako. Siya? Hindi at hindi dapat masanay na walang makain.


Gusto ko na rin naman na bumalik sa dati.. matapos kaming ihatid ni David, hindi ko na nga siya nakita pa pero nagpadala siya ng pagkain kinabukasan tapos... ayun na.


Bakit pa ako aasa muli sa kaniya kung natupad na niya ang pangako at sa oras na hawak ko na ang kapatid ay wala na siyang kaso sa akin?


Dumito muna kami sa pabrika.. halos isang buwan na puro paglalaro lang ang kaniyang inatupag.. Mabuti na rin iyon dahil kahit papaano, napatunayan namin na talagang walang humahabol at hababol pa sa amin.


Natulog kaming dalawa na dala ang kaisipang iyon. Siguro nga kailangan na naming bumalik sa pagtratrabaho, wala naman kaming aasahan na iba... hindi naman kami puwede umasa kay David...


Ano ba niya kami, hindi ba?


Pero sa kabila ng lahat, kasama na siya sa dasal ko na sana.. pagpalain pa siya lalo at maging matagumpay siya sa trabaho... hindi rin nakaligtas na pinagdasal ko na sana tamang babae ang makita at mapasakaniya...


Dahil deserve naman talaga niya iyon...


"Miss, tumatanggap ka ng labada?"


Malapit na magtanghali ngunit wala pa rin akong nakukuhang puwedeng pagkakitaan. Si Jose ay wala na rin dahil ayaw ko man uli mahiwalay, kailangan para may iba siyang pagkaabalahan.


Tumigil ako sa isang tindahan para tanungin iyon. Ngunit iilang kabahayan na ang napuntahan ko, alam ko na kung anong isasagot nito.


"Nagpalaba na ako kahapon, e!"


Malungkot akong tumango at nagpasalamat pa rin. Patuloy pa rin ako sa paghahanap ng puwedeng pagkakitaan, sinubukan ko sa bubugan ngunit wala pa sila roon, baka sa susunod pa na buwan sila babalik.


Nagbakasakali na ako sa ibang puwedeng gawin, tumulong sa pag-aayos ng mga gamit, saglit na pagbabantay ng tindahan, pag-aalok ng puwedeng maalok ngunit wala talaga.


Kung wala kami pareho makuha para mamayang gabi, sigurado na siya lang makakakain sa aming dalawa. Wala namang kaso sa akin.


"Baka naman may extra raket ka riyan?" sandal ko sa poste. "Wala na akong pera.."


Humalakhak ang kausap. "Alam mo, magtinda ka na lang kaya ng mga gamit mo? Doon ka magsimula.."


"Magtinda? Wala kami halos gamit sa kuwarto, tinda pa kaya silang lahat?"


Akala ba niya hindi ko na naisip iyon? Kung sabagay, puwede naman pero mukhang sa Pasko pa mabibili iyon. Sino ba naman may gustong bumili ng mga gamit na gamit na tinitinda sa bangketa?


Sigurado iisipin nila na nakaw iyon kaya doon binebenta... sigurado naman na na sa mall sila bibili ng mga gamit.


"Kahit pang ngayong araw lang, kahit one hundred lang kita, okay na 'yun.."


Lumuhod ako para kumuha ng tinda nitong rambutan. Sinipat niya pa ako ngunit nabuksan ko na iyon. "Saglit, parang may nabanggit sa akin si Anny kanina.."


"Sinong Anny?"


"Kapitbahay ko.." saglit siyang tumigil. "Alam ko, nagtitinda siya sa isang kainan na sikat 'yung may-ari.."


"Tapos?"


"Aalis ata mamayang tanghali dahil aayusin niya iyong requirements para patungong abroad? Si gaga may balak pumuntang Bahrain! Naghahanap ata sila ng saglit lang na cook o kaya waitress sa kainan.."


Nabuhayan ako ng loob. "Anong oras na, baka may nahanap na sila.."


"Malay mo wala? Puntahan mo na kaya at nang makita mo? Sabihin mo lang pangalan ko, sigurado alam na niya kaagad.."


Tinanong ko naman kaagad kung saan at anong buong pangalan ng Anny. Okay sana kaso... ang layo naman pala. Sinubukan kong manghiram ng pamasahe pero hindi ako binigyan! Kung hindi raw ako kumuha ng paninda niya, papahiramin niya ako.


He! Wala ngang lasa 'yung rambutan!


Lumayas na lang ako sa harapan at tiniis ang init sabay simula ng paglalakad. Kaya ko naman magtricycle pero paano kung may nahanap na pala sila? Sayang pamasahe. Kamalas-malasan pa dahil ngayong araw ay bawal lumabas mga pedicab.


Huling pagkakataon ko na talaga ang kainan na iyon at sana naman... sana naman makiisa sa akin ang tadhana.


Wala pa ako sa kalahati pero ramdam ko na gumuguhit ang uhaw sa lalamunan. Saglit akong tumigil sa isang kainan para humingi ng tubig, mabuti na lang mabait iyong nagtitinda kaya agad din napawi ang nararamdaman.


Tumuloy uli ako hanggang sa hindi ko napansin na nasa harapan na nga ako ng sinasabi niya na kainan. "Saksarap.." bulong ko sa sarili.


Ang kainan ay nababalot lang ng kulay pula at dilaw, sapat lang para makita at agad mapansin ng mga tao. Malaki rin ang karatula nila kaya bakit hindi ko kaagad nakita iyon?


Nakaramdam ako ng gutom nang makita ang menu nila pero agad ko ring iniling iyon dahil hindi iyon ang punto ko. Si Jose dapat ang makakakain, okay lang kahit huwag muna ako.


"Hello.." bati ko nang makalapit.


Agad naalarma ang isang lalaki roon at tinanong kung ang order ko. Doon tumaas ang dugo ko dahil oo nga, kainan pala 'to, kaya siguro akala niya kukuha ako ng tinda nila.


"Ah! Sorry... may itatanong lang sana ako.." at saka ko sinabi ang pakay. Hindi ko alam kung anong meron pero ang babait ng mga tao ngayong araw.


Sana araw-araw para hindi rin hassle sa mga katulad namin na pinipilit magpakatatag kahit labag na sa amin mabuhay at magpatuloy pa.


"Interested ka? Nandiyan siya sa loob, kaysa magluto, inaayos ang papeles niya.." sambit niya. "I can call her para kayong dalawa magkausap.."


"Sure! Salamat.."


Saglit siyang nawala at nang bumalik, may kasamang babae na sobra ang pagka puti, dagdag na sa kulay pula nilang uniform.


Agad akong nagpakilala kahit na hindi naman dapat. Sinabi ko rin ang dapat sabihin at mabuti na lang nakuha niya rin iyon.


"Naku! Akala ko nga wala siyang masasabihan!" tumawid na siya mula sa kabila papunta sa harapan ko. "Marunong ka ba magluto? O kaya mag-ayos? May isang oras pa ako at siguro sapat na iyon para alam mo gagawin ngayong araw?"


Hindi ako mapakali. "S-saglit... payag ka na ako muna humalili sa'yo?"


"Kung alam mo lang! Pangarap ko na kaya magtrabaho sa ibang bansa!" parang bata nitong bitaw. "Maganda naman bayad dito pero iba kapag sa ibang bansa ka e!"


Hindi niya nasagot ang tanong ko. Mukha namang ako na ang napili niya at tinanong kung puwede lang daw ba sa kasama niya. Nag-alanganin pa siya pero sinabi ko na hindi naman talaga ako tatakbo kung sakali.


"Ches, may tiwala ako sa sinabihan ko, hindi naman niya ako bibigyan ng substitute kagaya ni.. Ossey, right?" tanong niya na hindi ko nasagot. "Kung may mawala man, bayaran ko na lang kapag sumahod ako roon!"


Sumaglit sa akin ang dapo ng tingin. "Pangako, gusto ko lang talaga magkaroon ng kita ngayong araw. Hindi ko isusugal ang pangalan ng kapatid ko, sa kaniya kasi mapupunta ang kikitain ko.."


"Bakit? May sakit ba siya?"


Pinagkrus ko ang dalawang palad, "Wala naman pero... wala na rin kasi akong mahahain kung wala akong makuha.."


Ayokong magmukhang kawawa pero pesteng boses 'to, "Kahit konti lang, kahit siya na lang muna, hahanap ako uli bukas.."


Hindi ko inaasahan na magtutubig ang mata nilang dalawa sa sinabi ko pero iniling ko na lang. "Sige, may tiwala na ako sa'yo.."


"Salamat!" masaya kong usal. Pumalakpak ang nasa harapan ko at umalis ang lalaki para raw may kausapin.


Hinarap ko siya at matamis na ngumiti, "Anong gagawin uli natin?"


Hay. Nakakahiya magkuwento ng buhay namin sa iba pero kung para naman kay Jose? Laban!


***


Wala namang mahirap sa ginagawa niya.


Saktong twelve ay umalis na si Anny dahil baka matraffic pa siya sa ala una niyang appointment. Ang naiwan na lang ay ako at si Ches, ayon sa narinig ko sa kaniya kanina.


Nandito lang ako sa loob ng kusina, simula nang turuan niya ako ng kung anong dapat gawin, natutunan ko rin kaagad. Oo, aaminin ko na hindi man ako nakapag-aral pero sa mga ganitong pagkakataon na desperado kang kumita, lahat makakayanan.


Magluluto lang naman ako ng anumang gusto nila sa silog na karamihan tinda ng Saksarap Kainan. Puwedeng baboy o manok ang isama, dagdag pa ang sinangag na alam ko lutuin at ang itlog.


Madali lang dahil sa halagang singkwenta, sapat na siguro sa cup lahat at bahala na sila kung dadagdagan pa nila ng sauce.


"Ossey, dalawang order ng tapsilog at hotsilog, please," sungaw ni Ches sa pinto.


"Sige!" sagot ko at nagsimula na sa pagluluto.


Sa ilang oras na magkasama kami, mukhang natutunan niya nang hindi ako tingnan na may alinlangan. Sapat na iyon sa akin, ang dapat kong gawin na sa ngayon ay ipakita sa kaniya na totoong wala akong balak manalisi, gusto lang kumita.


"Ches, ito na o," mainit man, nakaya ko ilagay sa maliit na palad ang mga order kay Ches.


"Salamat.."


Nang mawala iyon sa kamay ko, doon may pumasok na isang memorya sa akin. Memorya na kasama si David...


Tanda ko pa rin ang gulat sa mukha ko noong makuha ko na sobrang lapad ng kamay niya kaysa sa akin na kahit isang palad niya lang sa dalawang akin ay kaya niya pa ring hawakan.


Tumaas lahat ng dugo sa mukha ko at mabilis bumalik sa puwesto para hindi na mapansin ni Ches ang nangyayari sa akin.


Sumapit ang pagkagat ng gabi at nagulat ako nang makita na paalis si Ches, "Huy, saan punta?"


Kinukuha na niya ang bag na nakalagay sa monobloc na nasa likuran ng pintuan. "Ah. Tapos na toka ko rito, may papalit sa akin para mamaya.."


Napalingon ako sa orasan, malapit na mag seven. Anong oras lagi alis din ni Anny dito? "Talaga ba?"


Mukhang nabasa nito ang pagkabalisa sa mukha ko kaya agad siyang humalakhak, "Don't worry, Ossey, ipapakilala rin kita. Si Anny nga pala, usually eight o kaya nine siya umaalis. Sabihan ko na lang susunod sa akin na ibigay na lang niya kita mo para ngayong araw.."


Balak ko sana rin tanungin iyon.. mabuti na lang... "Kung ganoon, sige.." napasulyap ako sa labas. "May bibili ata.."


Tumango siya at mabilis dinaluhan iyon. Naka limang order bago siya talagang tuluyang umalis. Nasa labas na raw ang papalit sa kaniya at isa raw iyon sa may-ari ng kainan kaya inayos ko ang sarili.


"Ches ito n—"


Lumipad kaagad ang tingin ko sa labas, kung saan sabi niya ay nandoon na ang papalit at may-ari ng kainan, handa naman ako... bakit pa ako mahihiya pero...


"Wis?" halos hangin ko na iyon bitawan.


Nagtataka na si Ches sa harapan at binigay na lang ang binili ng ale. "Ossey.. kilala mo?"


Hindi nga narinig na Louise ang tawag ko kaya hindi siya nakatingin sa amin. "Ah! Of course! Sino ba namang hindi makakakilala kay Louise, hindi ba?"


"No.." singhal ko. Feeling dollar. "Si Louise Vaflor... isa sa may-ari rito?"


Gulong-gulo siyang nakatitig sa akin. Paano ko ma-e-explain sa kaniya na gulat ako hindi dahil tama nga na sikat ang may-ari rito kundi dahil si Louise iyon! Grabe! Kailan ko ba siya huling nakita ha?


"Yes.." mahinahon niyang sagot. "Siya na rito hanggang magsara mamayang twelve... Do we have a problem?"


Mariin akong umiling. Sa dinami-dami... ng pagkakataon... dito pa talaga sa lugar kung saan konektado pa rin kay David?!


Nabalot kami ng katahimikan at binasag niya iyon nang tawagin niya si Wis. May kausap ito sa tapat ng isang motorsiklo at pinanood ko na magtagpo ang tingin nila ni Ches.


Masaya siyang tumango rito at agad dumapo iyon sa akin. Ang mukha niya ay kagaya ng mukha ko kanina noong nakita siya. Bumagsak ang panga at nanlaki ang mga mata.


Humalakhak ako sa kinatatayuan at tumawid para salubingin siya.


"Talagang dito ako tinulak ng tadhana.." sabay iyon ng malamig na simoy ng hangin. "Wis... Nagkita uli tayo.."


Sa loob ng isang buwan na iyon, si Jose at ang pabrika lang nakita ko. Kung tama ako ay ang huli naming pagkikita ay noong minsan silang dumalaw at sa kasamaang palad, hindi na nasundan pa.


Si Rey huli kong namataan at nakausap noon, hindi inaakala na si Louise naman ngayon!


"What... anong ginagawa mo rito?" kahit gulat, nakaya niyang tumawa sa kalagitnaan nito.


Mabilis na lumapit sa amin si Ches, "Saglit lang, magkakilala kayo?"


Napunta sa kaniya ang tingin namin, "Konti lang.." mahina kong sagot.


Hinihintay namin si Louise na magsalita pero nasa kalagitnaan pa rin siya ng gulat kaya bumalik na lang kaming dalawa sa loob, hindi dapat iniiwan ang puwesto na walang bantay.


Nakatitig lang siya sa akin, nakaawang ang labi. May bumili kaya kinailangan ko uli bumalik sa loob. Nang lumabas ako uli para dalhin ang binibili, wala na si Ches at siya na ang nag-aasikaso.


"Enjoy your meal po.." gaya ko ng sinasabi ni Ches kanina pa.


Nang mawala ang babae, hinarap ko siya uli. "Kaya pala sabi sa akin ng nagturo na... sikat ang may-ari.. ikaw pala.."


Kinailangan ko pa pumalakpak para maalis siya sa kanina pa pagkatulala. "Is that really you, Ossey?"


"Oo nga!" humalakhak ako. "Ang tagal mo namang magulat... parang dapat ako mag ganiyan kasi ikaw nakita ko..."


"Paano ka napunta rito?" nilibot niya ang tingin. "Trabaho?"


Tumango ako at sumandal sa tabi ng malaking menu,  "Kailangan... isang buwan kami nanatili sa bahay namin.."


"Bakit?"


"Para siguraduhin.." kibit-balikat ko. "Hindi ba nakwento ni David sa'yo?"


Ngayong naisip ko si David, kumusta kaya siya? Mukhang kailangan ko na talaga ng telepono, kahit iyong luma lang, mahal mga cellphone ng banda, isang taon naming pera iyon..


"Sinabi mo ba sa kaniya kung ano ang nangyari?"


Natahimik ako. "Mukhang hindi.."


Siya naman na ang tumawa. Kumuha siya ng tissue at nilinis ang kamay. Hindi ko naiwasan mapatitig sa kaniyang kamay.. pareho lang sila ni David pero mas manipis ngunit mahahaba anh daliri.


"So... nabanggit nga sa akin ni Anny na may nag substitute sa kaniya rito.." tumango ako. "Dapat bibista ako tanghali pero nastuck ako sa building, si Kuya Rem kasi.."


Kumunot ang noo ko. Sino naman iyon?


"Ah... manager naming lima.." ngumiti siya. "Tapos ikaw pala iyong sinasabi niya.."


"Mabuti na lang nagtanong ako sa kapitbahay niya na nakakausap ko minsan, kung hindi.." tumigil ako saglit. "Pero okay na... baka pareho na kaming makakakain ni Jose ngayong gabi at bukas."


"Why?"


"Anong why?"


"Hindi ka kakain?"


"Kakain pero.." heto na naman ako... "Mas importante si Jose kaysa sa akin... Louise, isang araw lang.. bukas maghahanap na ako ng iba dahil baka wala namang gagawin si Anny para bukas.."


Saglit na nanatili sa akin ang kaniyang tingin. Sabi sa akin ni David, lahat silang apat ay may naging girlfriend na. At kahit hindi nila banggitin nang deretsahan, malinaw na hindi na sila magkakasama pa...


Bakit? Ang guwapo nila... hindi ko iyon ipagkakaila. Gaya ng pagsasalarawan ko kay David, ang mga itsura nila ay mga mukhang hindi nakakasawa tingnan... hindi kagaya ng mga nakalagay sa TV o kaya sa naglalakihang billboard na nadadaanan ko lagi..


Sana nga lahat ganoon, hindi ba? Bakit hindi sila mag-apply katulad ng mga ganoon?


Hindi na kami muli nagkausap dahil dumagsa ang mga bumibili. Siya ang nasa labas, nagsasabi sa akin kung anong mga order habang ako ay dala-dalawa ang ginagawa.


Nakakapagod pero okay lang... sayang pera na kikitain ko para mamaya...


Humupa rin kaagad ang mga bumibili kaya tumambay si Louise sa pinto. Pagtingin ko sa oras na nasa pader, malapit na pala mag-alas nueve.


Sigurado hinahanap na ako ni Jose.


"Ah Wis.." hindi natinag ang tingin niya sa akin. Nagsimula akong mag-alis ng mga pinasuot kanina. "Sabi ni Ches, kadalasan mga eight o nine umaalis si Anny.."


"Hmmm.."


"Alis na rin sana ako? Kung puwede lang..." binaba ko ang mga hawak. "Nasa bahay na siguro si Jose, hinahanap na siguro ako noon.."


Kailangan ko na sabihin na kunin ang pera na ibibigay sa akin, kahit magkano okay lang, basta huwag naman limang piso, ang hirap kaya siguraduhin na walang masunog kapag ang daming bumibili!


Pero walang lumabas sa bibig ko.


"Don't be shy, Ossey.." ngumiwi siya. "Saglit lang, kunin ko lang.."


Nakahinga ako ng maluwag. Bumalik siya sa akin na may hawak na tatlong daang piso. Nanlaki pa ang mata ko dahil... bakit ang laki naman?


Sigurado ako dalawang araw na serbisyo ni Anny 'to sa kanila!


"Sumobra ata bigay mo Wis.." binalik ko ang iba. "Kalahating oras lang naman ako nagsilbi... pang dalawa o tatlong araw na yang e.."


Kunot-noo niyang sinulyapan ang binalik kong pera. "Okay na 'to.. May bigas pa naman kami.. ulam na lang kung sakali.."


"I make no mistake.." singhal niya. "Sa'yo talaga 'yan.."


"Unfair kung sakali kay Anny.." pagpupumilit ko. "Okay na talaga 'to, Louise. Sapat na sa akin na nagkaroon ako ng kita. At saka, parang kayo rin ang malulugi? Ayoko na maging madahilan.."


"Who said I'm gonna blame you?"


"Wala naman pero..." hindi ko na alam ang itutuloy. May kumatok sa labas at akala namin bibili pero nabanggit sa akin kanina na may papalit din kay Anny kapag umaalis siya.


Mukhang iyon na nga dahil sabi ni Ches, kagaya ni Anny na chinita ang pumapalit sa kaniya. "Nandiyan na siya Wis, una na ako.. salamat talaga... ang bait ng mga staff n'yo... babalik ako.. siguro kakain kami rito ni Jose kapag nagkaipon na.."


Nagsimula na ako umalis at sumunod lang siya sa akin. Akala ko maiiwan lang siya sa loob ng tindahan pero sinundan niya pa rin ako hanggang sa daan.


"Hatid na kita.."


"Hindi na!" pigil ko. "Lakarin ko na lang, sayang gas mo.."


Wala ng bakas ng kung ano ang mukha niya, "Malayo uuwian mo, hindi ba?"


"Malapit lang.. diyan lang naman.." sumenyas ako sa kabilang kanto kahit na hindi naman doon ang uuwian.


"Daboy told me where you live, don't lie Ossey, ang layo rito sa pabrika ninyo.." mababa niyang bitaw.


Sa pagkakataon na iyon, mukha na akong walang kawala. Pero naman kasi! Sayang talaga ang gas niya at sinong maiiwan dito? Tinatawag na rin siya ng pumalit sa akin.


"Hatid na kita.."


Umiling ako lalo. "Kaya ko na nga, Wis. Sobra na 'tong nangyari ngayong araw. Baka walang matirang suwerte bukas kapag isasaid ko pa.."


Natawa ako sa sinabi pero hindi niya iyon nakuha. "Walang magiging kasama si ate roon o... Okay lang talaga, kung gusto mo, balik ako rito bukas para alam mo na safe akong nakauwi.."


'Yun lang kung nandito ba talaga siya bukas.


Mahabang katahimikan ang nanaig. May mga bumibili na at kanina pa siya tinatawag. Hindi ako makapagsalita dahil nagiging magkasing-bigat ang tingin niya sa binabaling sa akin ni David noon.


"Fine.." basag nito. "Kung ayaw mo talaga, wala na akong magagawa pa.."


Nakahinga ako. "But... you said you'll come back tomorrow..."


"Tapos?"


"Hindi na kita pipilitin pa pero..." saglit siyang pumikit. "Come back here tomorrow... I'll see you nine sharp, okay?"


Wala akong naging imik kahit na nakauwi na ako at binubuliglig na ako ni Jose kung saan ako galing. Ang plano ko lang naman sana ay magpakita para alam niya na safe ako pero bakit... parang may iba siyang ibig sabihin doon?


***


"See? Nakauwi ako na safe.."


Mataas na muli ang araw ngunit ang kaibahan, nandito si Louise kasama si Chess pero si Anny ay wala....


Malaking ngiti ang pinukol sa akin ni Wis habang si Ches ay hindi ko maipinta. Siguro dahil wala ang kasama niya at naiinis na siya dahil walang magluluto para ngayong araw?


Suot ko ang simpleng pulang blusa at kulay asul na pantalon. Nalinis ko ang isang napulot na puting sapatos ni Jose noon kaya iyon ang gamit ko. Halos kapareha ko lang silang dalawa ngunit si Wis ay naka itim at si Ches ay naka dilaw.


"Bakit mo ako pinapunta uli?" tumingin-tingin pa ako sa loob. "Nasaan si Anny? Akala ko babalik na siya?"


Umalis na naman kaya? Sino ang kasama nila? Siguro naman marunong kahit sino sa kanila, hindi ba?


"Kumain ka na?" tanong ni Wis.


"Binigyan ako ni Jose ng hindi niya naubos, oo, kanina pa.." ngumiti pa ako.


Ngayon, gusto ko malaman kung bakit niya ako pinapunta rito. Wala akong relos kaya hindi ko alam kung tama ba na alas nueve ako saktong nakapunta pero nandito na ako, o? Kapag sinabi na niya kung bakit, aalis na ako dahil maghahanap ako uli.


"I mean, decent breakfast?"


Kumunot agad noo ko, "Kumain na nga, bakit nga, Wis?"


Umalis si Ches dahil may bumili. Mukhang siya nga ang gagawa ng ginawa ko kahapon.


Hindi ko talaga makuha kung anong pinupunto ni Wis, gusto ko mang sabihin na nasasayang ang oras dahil oras din ang binabayaran pero ako naman maging masama sa kaniya..


Nang mabaryahan niya ang babae, tumawid siya para makalapit sa akin. Naamoy ko ang pabango niya at mas matapang kaysa kay David. Nasaan na kaya 'yun?


"May pupuntahan ka ba?"


"Wala.." luminga ako sa paglalakad. "Maghahanap uli, bakit?"


Mukhang hirap na hirap siya sabihin, inabot ang leeg at marahan na tumawa. Sisipain ko na talaga 'to, pareho sila ni David na kapag hindi alam ang sasabihin ay hahawakan ang likod ng leeg.


"I'm glad na you made home safe and..." tigil niya. "Anny already resigned from here earlier... Tinext na niya ako.."


Umawang labi ko. "Talaga? Natanggap siya?"


"That's what she said sa text and I think..." kumurap siya. "Puwedeng ikaw na pumalit sa kaniya?"


Tila ba may nagpatay ng sounds ng paligid dahil sa narinig ko. At ang tanging dinig lang ay ang mababang paghinga naming dalawa. Ano raw? Ako... papalit kay Anny? Ganoon kabilis?


"H-ha?"


"Not doing this because of whatever you're thinking pero..." sumulyap siya sa likod. "Wala nang kasama si Ches, and some of the customers from last night went here earlier, complimenting how good you cooked the foods we offer..."


Kumurap akong muli, "Wis, puwedeng tagalog? Hindi ako nakaabot ng high school.."


Tumawa ako para takpan ang hinayang pero mukhang siya ay hindi. Hindi ko naman sinabi iyon para sa kung ano. Hindi ko lang talaga naintindihan!


Basic na ingles lang alam ko! "Sorry... sabi ko iyong mga customer kahapon... mga pinaglutuan mo ay pinupuri ang pagkain na in-o-offer namin... Sumakto na umalis na si Anny... gusto mo ba?"


"Ako papalit?"


Kibit-balikat siya.


Nagustuhan ng mga bumili kahapon? Kaya naman pala may mga bumili uli matapos kainin ang una! Kaya pala sinabi ni Ches na minsan lang may mga bumalik para raw take two!


Akala ko wala lang iyon!


"And... I want you to stop being around, lalo na sa mga kalsada... Alam ko na... alam ko na sanay ka na pero paano kung mangyari uli?"


"Hindi na... Wala naman nang gumugulo.."


"How can you be so sure? Hawak mo ba ang tadhana? I hope that you not forgetting kung iilan ang kunwaring mababait diyan... there's possibilities, Ossey.. Baka lumala na kung anong nangyari.."


Saglit na dumaan ang nangyari noon pero wala naman na iyon sa akin. Okay na ako. Natuto na ako. Kami. Kaya wala na talaga.


Walang nagsalita hanggang sinabi ko na.... payag na ako. Sayang kaya! At tama siya, kahit papaano, hindi ko na kailangan na maghanap pa ng iba! Pero siguro kailangan ko rin maghanap ng iba sa susunod na buwan, hindi naman maganda na dito lang ako, hindi ba?


Natutuwa talaga ako kapag nakikita ko silang nakangiti, lalo na si Sean. Minsan ko lang nakitang ngumiti iyon! Dahil minsan lang kami nagkita, isang beses lang ata siya ngumiti sa akin! Noong nagpakilala siya!


Mabuti pa itong apat... naka dikit na ang ngiti sa mukha nila.


"So it's good? Can you start now?" maligaya niyang tawid.


Masaya akong tumango at inisip na hindi naman magagalit si Jose kung malaman na dito ako nanggaling kagabi! Si Wis 'to, hindi si Daboy kaya bakit siya magagalit?


At oo nga... nasaan na kaya talaga 'yun? Baka may girlfriend na. Itanong ko nga minsan kay Louise.

Comment