Chapter 10

"She'll be okay. Dapat pinunta mo na sa ospital at hindi hinayaan na dumito lang.."


"Baka kasi biglang tumakas. I know her. I almost hit her and I keep her for a while.."


"And?"


"That's only one day. After she woke up, of course, naguluhan siya kung nasaan siya. But I managed to make her feel okay... pero saglit lang iyon.."


"Galang, sisipain kita, kanina ka pa nambibitin ah?"


"No, I'm not!" may halakhak na sumunod. "Saglit lang kasi.. I offended her in one thing. It's not intended to happen, I don't expect my voice or whatever to be offending pero... tumakas siya kinagabihan.. dahil siguro sa akin."


Nagbadya muli ang mga luha sa mata ko. Wala akong ideya kung paano na naman ako napunta sa lugar na 'to, sa bahay na 'to nang hindi ko alam?!


Ang alam ko lang ay tumakbo ako nang tumakbo at tanga na ako sa parte na dito ako dinala ng mga paa ko! Bakit? Bakit dito ako napadpad?


Dahil sigurado na ang lugar na binagsakan ko kanina ay ang tapat ng bahay ng lalaking iyon. At naririnig ko siya mula sa labas, may kausap na iba.


Halos isang oras na akong gising, una kong ginawa ay magtaka kung bakit ako naparito. Pero agad kong hinanap ang marahil naiwan ko at mabuti na lang, dito ko talaga iniwan!


Kinuha ko iyon, kasabay ng pera kong dapat sana magagamit ko kay Jose, sa paghahanap sa kanya pero hindi ko nagawa!


Ngayon, naririnig ko sila sa labas at mukhang ako pa ang usapan nila!


"Hindi ko talaga sadya! At saka.. kahit na hindi ko alam ang buhay niya, dapat hindi ko pa rin sinabi. Ang gago ko lang sa part na 'yun.." ang lalaki.


"She's probably okay with you now, kasi kung hindi, bakit pa siya bumalik dito, right?" tawa ang bumalot sa paligid.


Hindi totoo 'yan! Sigaw ko sa isipan. Bakit ako babalik sa bahay ng matapobreng 'yan?


"But.. sabi mo tumakas siya sa'yo, bakit siya bumalik?"


"Wala rin akong alam. Si Rey at Raj ang nakakita sa kaniya sa labas.. Nasa trabaho ako kanina nang matanggap ko 'yung tawag.."


"Talaga?"


"Hmm.."


"Mabuti na kung tanungin mo na siya kung anong nararamdaman niya. Her skin is pale as white. Mukhang hindi pa siya nakakakain. Try feeding her before taking the possible medicines I gave to you.."


"Salamat, Vincent.."


"Ikaw pa?" isang mahabang tawanan ang dumaing sa paligid. May narinig akong yabag pababa pero tig-dalawang hakbang lang ang naririnig ko.


Bigla na lang binalot ko ang palad sa seradura at binuksan ang pintuan. Hindi ko alam kung bakit ko iyon ginawa pero...


Nakatalikod sa akin ang lalaki, nakaharap sa akin ang malapad nitong likod, na may kulay asul na polo at itim na pantalon. Parehas na nasa dalawang bulsa ang kamay at pinapanood ang siguradong kausap kanina na makababa sa bahay niya.


Ilang segundo na tila tumigil ang lahat hanggang tawagin ko siya.


"Hi.." mahina kong bitaw.


Kita ko ang pagtalon niya sa kinatatayuan hanggang lingunin niya na ako. Pinigilan ko ang sarili na mapanganga dahil doon ko lang napansin na hindi na mahaba ang buhok niya!


Mas maliit na ang gupit kaysa sa huli ko siyang nakikita. Dahil doon at kitang-kita ko bawat gilid at kamalian sa ibabaw ng kaniyang mukha.


"H-hey.." balisa niyang sabi. "May kailangan ka ba?"


Tila ba takot na takot siya habang sinasabi iyon. Hindi ko siya masisisi. Nag-iwan siya ng mapait na salita sa akin at base sa kanina, mukhang nagsisisi pa rin siya sa nangyari noong huling pagkikita namin.


"I mean, Vincent, the nurse I appointed to check you said na you should eat." pinanood ko ang pagtaas-baba ng bukol sa leeg niya. "Do you want to eat? I brought some foods and nasa baba na si-"


"Bakit ako uli nandito?"


Alam kong parang tanga na tanong iyon. Hindi pa ba sapat na dahilan na ako rin ang may kasalanan kung bakit ako nadako na naman dito?


Pero heto.. parang hindi iyon napansin ng lalaki. Ano na nga uli ngalan niya?


"Uhmm.." nag-iwas siya ng tingin. "Nakita ka ng mga kapatid ko sa tapat ng.. b-bahay.."


Tumango ako, na para bang hindi ko alam ang nangyari. Kahit tanungin ko siya bakit dito ako dinala ng landas, hindi rin naman niya masasagot iyon.


Mahabang katahimikan ang nabalot sa amin. Deretso lang tingin ko sa kaniya habang siya ay hindi mapakali kung tititigan ba ako o hindi.


"Uuwi na ako.." pinal kong sabi. Gulat na may salita pa akong kayang gawin.


"H-ha? Hindi ka ba nagugutom? Kasi.. Nag-aalala ako pati na 'yung nurse kasi namumutla ka.. Baka ka hinimatay daw kasi sa gutom at... pagod."


Sa kasamaang palad, biglang tumunog ang sikmura ko. Napahawak ako roon habang hindi mapalagay ang sarili.


Inangat ko ang sarili at nakitang walang emosyon sa mukha niya. Gusto kong malaman kung natawa ba siya o ginawa niya lamang deretso ang itsura para hindi uli ako magalit.


Pero ayoko nang alamin.


"Marami akong nabili na pagkain.." panimula niya. "Presumably, hindi ko matatapos kainin at.."


"At?" parang hangin kong bitaw.


Inalis niya ang palad sa bulsa at nilagay sa likuran iyon. Nilagyan niya ng malungkit na ngiti ang mukha sabay tagpo ng mata sa akin. "Ang lungkot din kumain mag-isa.."


***


Puwede ko nang saktan at kwestyunin ang sarili kung bakit ako pumayag sa alok niya pero nang makita ko kung gaano nga karami ang binili niya na nasa ibabaw ng gawa sa salamin na lamesa, nawala ang lahat ng naiisip ko.


"Sigurado magugustuhan ni Jose 'to..." bulong ko habang nakatitig sa kaniya na naglalabas ng mga pagkain sa kulay puting plastic.


Gumuhit ang sakit sa puso ko. Nasaan ka na ba Jose? Bakit ayaw mo magpakita sa akin?


"Ha?" biglang sabi ng lalaki.


Napailing naman ako. "Wala.."


Nanatili ang tingin niya pero agad binalewala iyon. "Upo ka na.. Kuha lang ako kubyertos.."


Sinunod ko ang kagustuhan niya. Dahan-dahan akong umupo sa upuan na gawa sa kutson o foam o ano pa man. Hindi pa ako nakakaupo sa mga ganito bukod sa higaan namin doon sa pabrika.


Pagbalik niya ay may dala-dala na nga siyang kubyertos. Pero nakabalot ng tissue ang kutsara't tinidor sa hindi malamang dahilan.


Pinanood ko siya na dahan-dahan umupo at dahan-dahan na inabutan ako ng pagkain. Kahit nakakahalina ang mga nasa harapan namin, kahit nakakatakam, ang pumukaw sa pansin ko talaga ay ang magaan niyang paggalaw at pagbaling ng tingin sa akin.


Tinagilid ko ang ulo habang nilalagyan niya ako ng ulam. "Gusto mo pa? Sige lang.. Hindi ko talaga mauubos 'to.."


Tumawa siya pero hindi nagtagumpay ikubli ang takot dahil sa sinabi.


"Bakit parang... takot na takot ka?" hindi ko na napigilan na tanungin.


Napatigil siya sa ginagawa. Madilim na ang ibang parte ng bahay, tanging dito lang sa dining area ang may ilaw dahil hindi naman pwede kumain na patay ang ilaw.


Kitang-kita ko ang pagbuo ng butil ng mga pawis sa noo niya. Ang lamig na ng bahay, dagdag pa ang malamig na gabi sa labas.


"Ha? Talaga ba? Hindi ko pansin.." iling niyang sagot.


"Dahil ba 'to sa nangyari noong huli?"


"Ha?"


"Parang dalawang beses na kitang narinig na nagsisisi habang kwinekwento mo iyong nangyari sa ating dalawa noong huli.." ngumiwi ako.


"Una ay iyong bago ako tumakas," umangat ang daliri ko at dumuro sa pamilyar na bagay. "Doon ako nagtago habang nasa tabi ka ng piano kausap ang sinuman habang nilalahad kung anong nangyari.."


Kita ko ang pabalik-balik niyang paglunok.


"Narinig ko rin kanina.." nagsimula na ako sa pagkain. "Mali na makinig sa usapan ng iba pero.. hindi ko lang napigilan.."


Naiwang nakaawang ang labi niya, kinailangan ko pang sipatin para isara niya iyon. Sa unang pagkakataon, tumawa ako.


"Ah.. That?" nilagay niya ang kamay sa likod ng leeg. "I just... You know.. I didn't know that I sound insensitive that day.. Sorry.. Ossey, right?"


Ako naman ang napaawang ang labi, tanda niya pa ang pangalan ko pero ako hindi na!


"It's not really my intention to made you feel that away. Sorry talaga.. And yeah, sinasabi ko sa iba because I really feel bad for that day.."


"Talaga?"


"Yeah.." nag-aalangan pa siya na ngumisi.


Sa totoo lang, sa dami ng nangyari, sa mga dinaaan ko para hanapin si Jose, hindi ko na rin matandaan ang buong galit ko sa kaniya noong araw na iyon.


Kagaya ng iba, kinakalimutan ko na lang ang insulto na binabato nila. Dahil wala naman akong makukuha na sentimo kung patuloy ko silang isip.


Kaya hindi ko na ginagawa.


Pero iba ngayon... limot ko na at mas nawala ang inis ko dahil... "Ikaw lang humingi ng patawad sa nangyari.."


"Sorry?"


Kumain muna ako dahil hindi ko masyadong nagalaw ang plato. Kung talagang nandito si Jose, sigurado nasa tatlong plato na siya. Pero okay lang, pangarap ko naman talaga na kumain ng marami 'yun.


Gusto ko kasi siyang lumaki. Hindi naman siya sobrang mapayat.. pero gusto ko siya sa lagay na alam kong ligtas siya sa kung anuman.


Nasaan na siya?


"Hindi na kasi bago sa akin 'yan.." kinapa ko ang utak. "Parang hindi matatapos ang araw namin kung walang insulto na isasampal sa mukha namin, David.."


Bigla siyang nasamid.


Dahil na sa sinabi kong buhay namin o dahil natandaan ko na nga ang pangalan niya? Maski ako ay nagugulumihanan sa nangyari.


Akala ko talaga... limot ko na siya.


"Sorry.." tawa niya. "Tanda mo pa pala ako..."


Iniling ko ang sinasabi niya. "Iyon nga, hinahayaan ko na lang sila kasi... para saan pa? Wala silang pera na mabibigay sa akin kung patuloy ko iisipin lahat ng sinabi nila.."


Kumalma rin siya. "Why are you letting them?"


"May choice pa ba ako?" tumawa ako sabay uminom sa juice. Sa lamig nitong dala ay nanginig ang binti ko. "Normal na iyon sa mga katulad namin. Mga tao na porke nabuhay sa magandang buhay, akala mo nasa itaas na. Pero kung alam lang nila kung gaano kahirap na.. ganito.. baka tumigil na sila.."


Si Marvin ay hindi alam ang mga ibang nangyari sa aming magkapatid. Basta alam niya lang na sa lansangan kami natutulog. Mabuti na lang busilak ang puso niya kaya binigyan niya kami ng tirahan.


Pero sa kabila noon, hindi ako vocal sa buhay namin. Wala akong ideya pero sinawalang-bahala ko na lang.


Ngayon... nagkuwekwento ako sa ibang tao.. at ang nakakatuwa ay halatang gusto niya akong marinig magkwento.


Parang may sumibol sa looban ko.


"That made me feel terrible again.." tawa niya at iling. "Pero sorry talaga, Ossey.. If you just know how much it consumed me ever since you escaped.. Gusto kong humingi ng pasensya sa'yo.. Binabagabag talaga ako, gusto humingi ng sorry pero hindi naman kita kilala nang ganoon kaya hindi ko alam.. kung paano kita makikita.."


Ngumiti ako. "Ang ganda ng bahay mo.." puri ko.


"Bahay ng mama ko 'to. Ako lang natira ngayon," inikot niya ang mata sa paligid. "Pero naintindihan kita sa sinabi mo. May kilala ako na babae rin, just like you, na minsan na ring.." suminghap siya.


"But she's okay now.. I think! Kaya naniniwala ako na magiging katulad ka rin niya.."


"Sino namang babae 'yun? Girlfriend mo?"


Nasamid na naman siya. Kumakain kasi siya nang tuloy-tuloy habang ako ay patigil-tigil. Dinamdam ang sarap at linamnam ng pagkaing ganito.


Hindi naman kasi sapat pera namin para bumili ng ganito karami.


"I don't have one.. ever.." tumawa siya. "But no, it's my brother slash bandmate's ex. Hiwalay na sila, matagal na."


Wala pa rin siyang girlfriend? Ang guwapo ng itsura niya kahit na hindi siya kagaya ng mga artista sa TV na bato-bato ang katawan.


Tumango na lang ako at nagpatuloy ang pagkain. Matapos ang usapan, doon ko na napansin ang pagkawala niya sa takot at naging komportable na rin siya pagkatapos.


"Ah.. May nabanggit kang pangalan kanina.. Pwedeng magtanong kung.. sino 'yun?"


Tapos na kami kumain at inaayos ko ang mga kinainan naming paper plates. Hinayaan niya ako kasi nagpumilit ako na mag-ayos.


"Ha?"


"Kanina? Something about.. magugustuhan ni.. but I didn't hear it clearly. May I know who it was?"


Natahimik ako bigla.


Tumigil ako pansamantala at humawak sa salamin. Sa gilid ng mata, kita ko ang biglang pag-aalala sa mukha niya na kinagulat ko rin.


"Hey.. B-bakit?" balisa ngunit banayad niyang bitaw.


Kanina ko pa iniisip si Jose, kanina ko pa iniisip ang kapakanan ng kapatid ko pero ngayong may nagbanggit lang na ibang tao tungkol sa kaniya.. para akong hihimatayin sa saya o lungkot.


Saya dahil may gustong malaman kung anong nangyari?


O lungkot dahil hanggang ngayon ay wala akong balita sa kaniya.


"Ossey, you're making me tremble with fear.." bulong nito.


Umiling ako. "S-si Jose. Oo, kapatid ko at..." pinalis ko ang luha sa mata. "Kaya dahil umalis ako kaagad dito, nawawala kasi siya David.. Nawawala ang kapatid ko."


Nang lingunin ko siya, mas lalo lang na gumulo ang titig niya. Pero ngayon ay may bahid na ng katulad sa akin. Takot at pag-aalala.


"Noong gabi na nakita mo ako, nagkahiwalay kami kasi... may nangyari. Tapos hindi ko na alam kung nasaan siya.."


May hinugot ako sa bulsa at pinakita sa kaniya. "Jose pangalan niya, Dav. Kapatid ko at nitong nakaraang araw, hinahanap ko siya. Hindi na bale kung gutom o antok ako o uhaw ang nararamdaman, nagpatuloy ako sa paghahanap. Nagtanong-tanong, umikot-umikot, pero wala akong napala.."


Napaso ako nang dumapo ang kaniyang malaking palad sa balikat. "Nabanggit ko lang kasi.. hindi kami nakakabili nito.. May pera kami pero nasa importanteng bilihin naka focus 'yun.."


Hindi siya makapagsalita. Hindi ko na rin kaya.


Nakatayo lang kami roon, hinahayaan na manhidin ng lamig sa kinatatayuan.


"Oh.. Perhaps that's explain why you escaped.." tumango ako.


Malalim akong huminga at tinuloy na lang ang ginawa. Nang matapos ko itapon sa labas ang mga pinagkainan, napatingala ako sa kalangitan. Umihip ang malamig na hangin kasama ang posibilidad na mahahanap ko rin ang kapatid.


Pagbalik sa loob, nakita ko si David na nakatalikod at mukhang kakatapos lang na may kinausap sa telepono. "David.." tawag ko.


Sumulyap siya sa akin. "Puwedeng dumito muna ako? Aalis din ako bukas, itutuloy ko paghahanap sa kaniya. Habang tumatagal kasi, baka kung ano nang nangyari kaya kailangan ko rin bumalik.."


Tiniim niya ang bagang. "Sure! Sure! But can I strike you a deal?"


"Ano?"


Lumapit siya sa mga upuan at inayos iyon sa kanina noong hindi pa kami kumakain. Pinapanood ko na gumuhit ang mga ugat sa kamay niya habang binubuhat ang malaking upuan.


Napalunok ako sa pinagmamasdan. "I get what you're saying so... naisip ko na para pambalik ko sa nagawa k-"


"Hindi na!" agap ko. "Okay lang, sapat na 'yung humingi ka ng sorry, ikaw lang nagsorry sa akin kaya okay na."


Pero mukhang hindi niya ako narinig. "Let me do this, Ossey, okay? This is the only way for me to be okay and be calm to the stupidity I made." tumawa ako.


"I still have a project to continue tomorrow but I'll see if I can ditch it for the afternoon. Tutulungan kita. Okay lang sa akin. Hahanapin natin kapatid mo."


Bumagsak ang panga ko. Parang hangin lang na dumapo saglit sa akin ang sinabi niya.


"May kakilala ako na puwedeng makatulong sa atin, alam ko na gusto mo na sarili mo ang makakahanap pero... ang laki ng Manila, Ossey. Matatagalan ka lang, at gaya nga ng sabi mo, if this went long, baka kung anong mangyari. I called my colleague about it. Pupunta tayo bukas, okay? Kaunting tulong lang 'to, sana tanggapin mo."


Nagtatalo na ang mga laman ko kung yayakapin ko ba siya o hindi ngunit nauwi lang sa pagsapo sa bibig. Paulit-ulit akong nagsabi ng thank you sa kaniya habang siya'y masaya akong pinapanood.


Ngunit ang talagang kapansin-pansin ay ang ngiti at pungay ng mata niya. Hindi ko siya kilala nang lubusan pero sa tingin niya, masasabi ko na parang ngayon lang siya naging masaya kagaya niyan.


Na para bang ngayon niya lang naramdaman maging masaya.


At hindi ko alam kung anong mararamdaman. Dahil ba sa akin? O sa iba?


"Bago matapos ang gabi, I'll drive to get you medicines that Vincent left me earlier. May allergy ka ba sa gamot? Just to make sure? You can wait me in your room, huwag ka muna matulog at inumin mo muna ang bibilhin ko."


"Para saan?"


Pumungay lalo ang mata niya, "Para malakas ka bukas. Ossey, determinado ako na tulungan ka. Hindi ko alam kung anong pakiramdam na may totoong kapatid pero may mga kaibigan ako na tinuturing kong isa. At alam ko ang pakiramdam ng nawalan pansamantala.. Nangyari na sa amin 'yan.."


Tumawa siya na para bang may naalala na naman sa nangyari noong nakaraang taon ng kaniyang buhay.


"Wait for me, okay? Uuwi rin ako. Tutulungan pa kita. Ngayon, make yourself comfortable here. Wala akong gagawing masama sa'yo, I was raised by my mother and my father and there's no way that I'm gonna disrespect someone who's same with my mother. Sige na, akyat ka na. Kakatok na lang siguro ako sa'yo mamaya."


Parang tanga akong nakatitig sa pababang David hanggang mawala na siya. Hanggang sa pagligo ay nandoon pa rin ang ngiti sa labi ko.


Lord, anong nangyayari sa akin?


***


Kinaumagahan, nagising ako na walang nakapihit sa loob ko. Hindi ko alam. Hindi ko batid kung bakit pero nang lingunin ko ang bintana, kung saan minsan na akong tumayo ay may ngiti na sa mukha ko.


Nakita ko ang pamilyar na damit, ang sinuot ko noong huli at kagaya ng dati, mabango rin ito. Wala ito kahapon at baka iniwan ni David habang tulog ako.


Suot ko na ang damit paglabas ng banyo. Nakigamit lang ako dahil hindi ako naligo kagabi. Inantok na rin ako sa binigay niyang gamot kaya sabi ko, bukas na lang.


Walang nagbago sa buong bahay, tahimik pa rin simula noong tumakas ako. Dederetso na sana ako sa baba para tingnan kung nandito pa siya ngunit may umagaw sa pansin ko.


Good morning, Ossey. By the you wake up, sigurado na wala na ako sa bahay. Told you, I still have job to finish but don't worry, babalik din ako probably by noon? I reheated the foods we had last night, pero kung lumamig uli, puwede mong gamitin kusina ng bahay, okay? See you later :)


-D


May iling sa ulo ko habang dala iyon sa pagbaba. Tama nga siya, walang ka-ebi-ebidensya na may tao sa bahay bukod sa akin.


Dinikit ko iyon sa pader at nilibot ang tingin. Ngayon ko lang napansin ang gulo ng iilang gamit sa ibang parte ng bahay, lalo na sa sala. May mga baso at plato roon na mukhang nakalimutan ligpitin.


Alas nueve na at kung totoo man ang sinabi niya na babalik siya ng tanghali, baka sakaling tapos na ako kapag nakita siyang muli.


Hindi pa naman ako nakaramdam ng gutom kaya sinimulan ko ayusin ang mga kalat sa sahig. Walang reklamo dahil sanay naman ako rito, iniisip ko na lang na trabaho 'to at ang sweldo ay ang gagawing tulong niya sa akin.


Kumuha ako ng pamunas para punasan ang mga frames na nakita ko sa isang pader. Halata kasing balot na sa alikabok at hindi nalilinisas. Ang laki ng bahay nila, bakit hindi sila kumuha ng kasambahay?


Dagdag pa na sabi niya kagabi na mag-isa lang siya rito. Hindi ba siya natatakot dito? Hindi naman ako takot sa mga multo pero kapag ganito na balot ka sa katahimikan?


Nasasabi ko lang siguro 'to dahil sanay ako sa ingay ng makina sa pabrika at ingay ng kalsada malapit sa dati naming tirahan.


Sari-saring mga litrato ang nakikita ko. May babae na may hawak na bata, na siguro si David noong baby pa siya at saka may mga lalaki siyang kasama na parang sa school nila.


Pamilyar sa akin ang itsura ng uniporme nila, nasa dulo lang ng dila ko kung anong school iyon.


May pictures uli na sa graduation, at ang nakakagulat lang ay ang isang parte ng kabinet niya ay puro litrato niya na nasa banda, at nasa tapat ng isang construction site.


Kinuha ko ang isang frame at tinitigan iyon. Nakagilid ang camera at gilid lang ng kaniyang mukha ang nakikita. Sa ibaba nito ay may tinutugtog siyang maliit na bersyon ng piano.


Nakatagis ang bagang at bakas ang ugat sa leeg habang nakatutok ang labi sa mic sa harapan. Umawang ang labi ko dahil sa sumunod na mga litrato, ganoon din.


Kasama niya ang mga lalaki na nasa ibang pictures dito, ang tatlo sa kanila ay mat hawak na gitara, si David sa piano at may isa na nasa drums.


Kasali siya sa banda?


Naghanap ako ng pwedeng sagot pero tanging mga litrato lang ang makakabigay sa akin ng mas malalim pang mga ideya.


Ang iilan naman ay nasa tapat siya ng ginagawang building. Hindi na bago sa akin iyon dahil galing din kami sa construction site bago magkanda leche leche ang buhay namin.


Malaki ang ngiti sa labi niya, kita minsan ang maayos at kumpletong ngipin at saka may iilan na nakaderetso lang mukha niya.


Ang tanong, kasali ba siya sa banda at anong ginagawa niya sa mga site sa mga nakita ko? Arkitekto ba siya? Inhinyero ba siya?


Nagselyado sa utak ko iyon hanggang matapos ako sa ginagawa. Nang maramdamam ang kagutuman, nakita ko rin kaagad ang tinutukoy niya sa sulat.


Kumain na muna ako bago bumalik sa taas. Nanatili ako roon, nagdadasal na sana.. na sana siya na talaga makakatulong sa akin. Nakalimutan ko banggitin sa kaniya iyong insidente na nangyari sa istasyon ng pulis.. pero mabuti na lang hindi ko nasabi.


Sana talaga hindi siya ganoon.


Nakatitig lang ako sa imahe ng kapatid nang marinig ko na may pumasok sa garahe sa baba. Dali-dali akong bumaba at nakita ang kakapasok na may-ari ng bahay.


"Oo. Pupunta rin ako pero hindi muna ngayon. May gagawin ako, promise, pakisabi kay Wis na siya muna bahala sa production. I'll check it when I get there, okay?"


Nakatayo lang ako roon, naghihintay sa kaniya. Nang magtagpo ang tingin namin, ngiti na naman ang namuo sa labi.


"Hi.." bati niya.


"K-kumusta?"


Kita ko rito ang iilang butil ng pawis sa noo niya. May itsura talaga siya at kung tatanungin ako, mas gusto ko siya sa mahaba niyang buhok.


Kitang-kita kasi ang malalalim niyang mata at mahabang pilik-mata. Sakto lang ang pagka pula ng labi at mapupungay na tingin.


"Good. Kumain ka na? Kasi.. pwede na tayong pumunta. My friend is waiting for us already.." malamlam niyang bitaw.


Tumango ako. "Oo. Pinainit ko ang pagkain kasi nalipasan na naman."


Ngiti ang binalik niya. "Ikaw? Kumain ka na?"


Mabilis siyang umiling. "Ah. Hindi ako kumakain kapag lunch. I am always busy at the site so there's no time to eat."


Bumulusok na parang gaas ang nararamdaman ko kapag hindi kumakain si Jose ngayon sa kinatatayuan ko. "Masama 'yun ah?"


"I know.." humalakhak siya. "But busy talaga akong tao. Dalawa kasi passion ko kaya.. ayun.. pero okay naman. Shall we?"


Pero hindi ko siya pinakinggan. Mabilis akong umalis sa harapan niya at tumakbo sa kusina. Kanina ay may nakita akong Tupperware at nagtaka dahil bakit ko napansin.


Ito pala iyon.


Kung hindi pa siya kumain, kahit papaano, dadalhan ko na lang siya mula sa binili niya. Hindi ko naman alam kung anong mangyayari mamaya kaya sana kahit hinihintay niya ako matapos hanapin ang kapatid, kumain muna siya.


Natagpuan ko siya sa pintuan at sinusundan ang bawat galaw. Tipid akong ngumiwi saka lumapit sa kaniya.


"Okay lang talaga ako.."


"Kahit mahirap kami, importante sa amin ng kapatid ko na kumain. Kaya kumain ka kasi sabi mo, galing kang trabaho." pilit ko.


Nakatitig lang siya sa akin. Nalulusaw ang mga binti. "Paano ka gaganahan na tapusin ang araw at gawin ang sabi mo, kagustuhan mo kung hindi ka kumain?"


Natawa siya at napailing na lang. "Ikaw lang nagpilit sa akin nito.."


Hindi ko alam kung anong sasabihin kaya ngumiti na lang ako. "May kukunin lang ako sa taas, huwag mo iyan ibalik, ha?" banta ko.


"Opo.." mahina niyang pagsang-ayon.


Nang makarating ako sa itaas, sumulyap ako sa baba at nakita siya na nakatitig sa aking binigay. Nakatalikod siya sa gawi ko kaya hindi ko na alam kung anong emosyon niya.


Pero lumukso ang puso ko dahil nakita kong kinuhanan niya ng litrato ang binigay ko. Kahit gamit din naman niya iyon.


Babalik na sana ako sa gagawin pero nang makita ko na naman ang ngiti sa labi niya... napatigil na lang ako bigla.


***


"Sabihin mo sa akin lahat miss para matulungan ka namin ni David. Okay lang ba?"


Malaki ang ngiti ko. Hindi dahil sa kausap ko ngayon kundi sa nakikita ko sa labas.


Mula rito sa kinauupuan ko ay kita ko si David na nasa labas. Nakaupo at may laptop sa lap niya. Ang dahilan ng pagkangiti ko ay ang pagkain niya ng binigay ko kanina.


Sinunod nga niya ang gusto ko at wala na akong maramdaman kung saya. Totoo? Bakit hindi niya binabalak kumain ng tanghalian?


Kami ay kahit wala kaming pera, gagawa talaga kami ng paraan para magpatuloy pa rin. Dahil maraming mga pwedeng pumatay sa aming mga mahihirap.


Puwede sa kahirapan.


Puwede sa kagutuman.


At lalong-lalo na sa mga taong nasa itaas na nangakong tutulong pero parang bula na nawala noong naupo sa gobyerno.


"Miss Odyssey, are you with me?"


Nahila ako sa iniisip at napalingon sa nasa harapan. Isang hindi katandaan na lalaki na may pangalan na Lean Guillermo. Base sa narinig ko, kakilala ni David 'to simula noong nasa kolehiyo pa siya.


At hindi naman ako dadalhin dito kung hindi talaga ako nito matutulungan?


"Po? Pasensya na po.."


Malalim siyang humigit ng hininga. Inulit niya ang sinabi kanina at pinilit ko na makinig sa kaniya. Kahit na parang nililipad ako sa alapaap dahil sa ginawa ni David, akin pa ring pinilit.


Baka may laptop siya dahil patuloy pa rin siyang nagtratrabaho. Hindi ko tuloy maiwasan na hindi makaramdam ng hiya. Nagulo ko siya sa buhay niya, noong muntikan niya akong mabundol...


Pero determinado siyang tulungan ako. Iniwan ang trabaho pansamantala para samahan ako sa paghahanap ng kapatid..


Ang suwerte ng magiging girlfriend niya kung sakali..


"Misa Odyssey, aaminin ko, this will be a hard case for us.." aniya nang tumayo kaming dalawa.


"A-ano po?" bigla akong ginapangan ng kaba.


"Wala kang dokumento tungkol sa kapatid mo, hindi mo rin alam kung ano buo niyang pangalan. Mahirap 'to.."


Bumagsak ang balikat ko. Masyado ba akong umasa? Anong mangyayari kung marinig 'to ni David? Susukuan niya rin ba ako kagaya ng mukhang gagawin nito sa akin o ano?


"But I will assure you, we will try our really best. I can see in your eyes na... mahal na mahal mo ang kapatid mo. We'll use that as an inspiration to find Jose. Okay lang?"


Para akong inahon sa pagkakalunod sa dagat sa narinig. "P-pinapakaba niyo ako.." tawa ko.


Natawa rin siya at humingi ng pasensya. Hinatid niya ako sa pintuan at nakita si David na agad napatayo nang makita ang pagbukas ng pinto.


"Lean.. how was it?" kahit hindi ako ang binanggit na pangalan, sa akin pa rin ang mga mata niya. Pinanood ko siyang alisin ang nilagay sa tenga niya.


Inulit ni Lean ang mga sinabi sa akin at nandoon na naman ang kakaibang ngiti sa mukha niya. Ngayon ay alam ko na bakit ko napapansin iyon.


Kasi sa mga litratong nakita ko kanina, malaki ang ngiti niya pero anong kulang? Pungay sa mata niya?


At nakikita ko lang iyon kanina, kagabi, ay ngayon lang. Anong ibig sabihin noon?


"Thank you, Lean. Babalik kami rito kung may masagap kami. But please do inform me, Ossey has no phone so it's better to tell it to me and she'll know it right away."


Tumango si Lean at nagpaalam na. Nanatili kami sa tapat ng office ni Lean, walang nagsasalita.


"So?"


"Ha... Masaya naman.. Kahit papaano, hindi na lang ako ang nagdadamdam tungkol sa kapatid ko.."


"Hmm.."


"Salamat talaga.."


"Okay lang.."


"Nakakahiya.."


Tumawa siya. "No. It's okay. I want to help. So have it."


"Nagulo ko buhay mo, kung hindi ako tumakbo sa eskinita na iyon, hindi mo ako makikita. Pero sa kabila noon, ikaw ang bumabawi kahit na ako naman dapat."


Nanumbalik lahat ng nangyari noong gabing iyon. Umukit muli sa balat ko ang lamig ng gabi at takot sa paligid noon. Pati pagod ay tila dumaan saglit para ipaalala sa akin ang sinapit.


Pero tapos na iyon. Wala naman naghahanap sa amin. At gaya nga ng sabi ni Lean kanina, walang karapatan na itali kami ng boss dahil hindi pa kami pumipirma sa kontrata.


Sabi niya, tama lang ang ginawa ko.


"I won't be here, canceling my day if it's not okay.."


Kumunot ang noo ko. "Akala ko ba para sa ngayong oras lang?"


"Yep! But natapos na ako! Tinapos ko kanina habang hinihintay ko kayo.." ngumiti na naman siya.


Lord, bakit Niyo siya pinakilala sa akin? Para saan?


"T-talaga?"


"We'll print out Jose's pictures. I will help you today, habang may oras pa ako para gawin 'to. Kailangan ko rin bumalik kasi pero okay lang! Tara na?"


Hindi ako makagalaw. "Ubos ko na iyong pagkain.." pinakita niya ang Tupperware sa akin.


Nagtalo pa ako kung sasabihin ko na alam ko iyon.. na napanood ko siya kanina...


"Kaya tara na, please? Let's not waste time, gusto na kitang makitang ngumiti kagaya ng ginagawa mo noon. Malakas loob ko na.. hinahanap ka na rin ni Jose... let's go?"


Inalok niya ang palad sa akin. Bumagsak ang mata ko roon at napalunok. Ilang segundo na ang lumipas at sigurado nangangawit na siya.


Bigla akong sinilaban sa loob dahil doon. Hindi naman bago sa akin ang makahawak ng kamay pero puro babae lang at si Jose iyon!


Pero ngayon.. kamay naman na ng lalaki... Malaki ang palad niya at sigurado na sakop niya ang akin kung ipatong ko roon.


"Ossey... time is ticking.." humalakhak siya habang taas-baba ang kilay.


May biglang humila ng takot sa loob hanggang isang segundo, hila-hila na niya ako palabas ng building. Kalabog nang kalabog ang puso habang binabalot ang buong kamay sa init ng kaniyang palad.

Comment