F O U R

7:30am pina punta kaming lahat sa gymnasium. Sobrang laki ng gym talaga at ang susyal nga naman talaga.


parang doble to ng gym namin sa dati naming school ni Ate Kim.


sa babang bleachers kami dun daw ang mga first year, sila Ate Kim nakita ko sa taas.


nagkwekwentuhan kami nila Andrea ng may biglang nagsalita sa mic


"Good morning HSIS students! how are you guys doing?"


"goooodddd!!!" sigaw naman ng mga


Good nga ba? Haha


"Today, we asked all of you to go here so we could tell you guys what are the available clubs that you can join to. You can decide tomorrow. There are minor and major clubs. For major clubs, those are the clubs that needs Application. The club moderator will be the one to tell you if you've been approved or no. For the minor ones, no need for application just go to that specific club's room and tell the moderator you want to join that club. Is that clear?"


"Yesssss!!"


"Okay, very good! I will now pass this microphone to our senior student council President."


"Hi guys!!!! I will tell you guys what are the major clubs that we have here on HSIS. Explaining this again for the transferees!


So we have our Dance Troupe, it's major because you will be needing to Audition or apply for a spot. As well as our Sports club you also need to try out for that. With sports club, we have, of course, volleyball, basketball, badminton, table tennis, swimming, golf, and soccer! You also have to apply for our Voice club you have to audition for that as well. We'll post everything you need for the application on our bulletin board near the entrance. Thank you so much for letting us take your time and for listening. We'll give all the students an hour break to think and to eat. After that, proceed to your classrooms and discussion na ulit. Thank you HSIS!"


"Anong club natin? Huhu ayokong mahiwalay sainyo huhu" ani Andrea


"Ano ka ba for sure si Rayver sports club yan." Ani ko


"Oo mag try out ako sa sports club. Basketball." Si Rayver


"Ako pagiisipan ko pa pero ang naiisip ko talaga ay mag try out for volley ball. Tutal simula grade 5 naman ako ay yun na ang club ko sa dati kong school" sabi ko.


"So sports kayo? Huhu ako na nga din! Try ko kahet di naman ako magaling" si Andrea


Nagtawanan kaming tatlo at dumeretso na sa pantry para mag snack


Kinabukasan


Woooh eto na hanapan na ng clubs! May try out kaming tatlo kasi itong si Andrea mag sports club daw kasi dun kami ni Rayver.


Papalapit palang kaming tatlo sa football field kung saan ang booth ng sports club ay nakita ko na agad si Kenneth Lee. Nakatingin lang sa mga damo sa paanan niya at hindi pinapansin si Kristine Joy na kinakausap siya at nagpapa cute sakaniya.


Ayoko namang tumawa pero hindi namin mapigilan ni Andrea. Nakakairita at nakakaawa kasi siyang kuda ng kuda hindi naman siya pinapansin.


Nakita kami ni Kristine Joy kaya napatigil kami sa tawanan namin.


"Kayo, anong tinitingin tingin niyo? Tumatawa pa kayo?!"


"Ha? Masama na bang tumawa dito?" Si Andrea


"Aba sumasagot ka pa! Alam ko namang ako ang tinatawanan niyo! Hindi niyo ba ako kilala ha?!"


"Kilala ka namin Kristine. Hindi mo na kailangang magpakilala pa samin ulit. Diyan ka naman mahilig eh. Ipamukha sa lahat na ikaw ang apo ng may ari nitong HSIS"


"Aba!" Aktong sasampalin ni Kristine si Andrea dahil sa napikon ito pero nahawakan ko yung kamay niya para pigilan siya sa pag sampal kay Andrea.


"And who the hell are you?"


"Wala kang karapatang saktan ang kaibigan ko" malumanay ngunit galit kong pagsabi


Si Rayver, si Tom at Kenneth ay hindi nangengeelam sa mga away babae. Tahimik lang silang nakatingin.


"By the way, I'm Kathleen Denise Mendoza." I smiled.


"And so?"


"And so what? Are you stupid? You asked me who am I, right?"


"Arrrggghhh!!!! Tandaan niyo tong araw na to! YOU! AND YOU! Dalawa kayo! Kung sa tingin niyong papalampasin ko to nagkakamali kayo! I will make your lives miserable dito sa HSIS! Hanggang sa umayaw na kayo" ngumiti siya at nag walk out


"Sorry Kath..."


"Ano ka ba wala ka namang masamang ginawa. Tama lang yun na sinagot mo siya. Hindi niya pwedeng ganyan ganyanin lang lahat ng mga studyante dito dahil lang apo siya ng may ari ng HSIS. Hindi lang siya ang may pera dito"


"Tara na.. Mag try out na tayo tama na yan." Si Rayver habang umakbay sakin


Napansin ko si Kenneth na nakatingin sa amin kaya nilingon ko siya. Nagkasalubong ang aming mga mata. Agad ding umiwas si kenneth.


Woohh weird! Lagi nalang kaming nagkakatitigan siya naman tong umiiwas. Ano kayang problema nun? Hmm makapag try out na nga!


"Hi sir. Mag try out po kami. Ako po si Kathleen for Volleyball po. Siya po si Rayver for basketball. Si Andrea po for Badminton."


"Okay mag log na kayo diyan sa logbook. Tuturo ko sainyo kung san kayo pupunta. For volleyball, follow me."


"Okay po, Sir."


"For basketball, dun ka sa covered court. Andon si Mr. Dela cruz. Siya ang coach ng basketball team. Sabihin mo pinapapunta kita dun and mag try out ka."


"Okay po sir, thanks!"


"Ikaw naman for badminton. Alam mo ba yung swimming pool?"


Tumango si Andrea


"Sa likod nun may covered court for badminton yun makikita mo si Mr. Sanchez. Same thing, sabihin mo pinapapunta kita and for try out ka. Okay?"


"Yes sir! Osya mauna na ako guys kita kits nalang mamaya"


Nagpaalam na kami sa isa't isa at sumunod naman ako kay Sir Mateo para sa volleyball try out


"First 6. Ikaw Kathleen, ikaw nica, ikaw Franceska, ikaw Melanie, ikaw Maxine at ikaw Kristine Joy"


Nanlaki yung mata ko hindi ko alam nandun si Kristine Joy. Nako! Bahala na.


"Kayo na bahala sa court positions niyo. Kung san kayo magaling at san kayo comfortable, dun kayo."


Ako at si Kristine Joy ang blocker. Si Melanie ang Setter.


Si Maxine ang unang titira ng bola.


Kalaban namin ang 6 na original na kasama na sa Sports club. Yung mga graduating students ng HSIS kasama si Ate Kim! Siya ang dahilan kung pano ako natuto mag volleyball.


Natapat samin ang bola, pagkasabi ko ng "mine!!" Ay hindi umalis si Kristine Joy sa likod ko so naapakan ko yung paa niya. Tumama pa sa mukha niya yung bola.


Galit na galit ito saken at pinagsisisigawan ako.


Pumito yung coach at sabing time out muna. Water break daw.


"Ano ba? May galit ka ba talaga saken ha!"


"Wala Kristine... Sabi ko nga Mine eh dapat sakin na yung bola"


"Ewan ko sayo bwisit ka! Makakaganti rin ako sayo"


Kunot noo akong uminom ng tubig. Nakakainis kahit san ako magpunta andon siya kaya kami nag babangayan eh. Pssh!


Okay girls game na! Last set na to! Galingan niyo na!


Pagkatapos ng game, pagod na pagod ako. Umupo ako sa bleacher ng paglingon ko andon na yung dalawa. Si Andrea at Rayver.


"Oh? Tapos na try outs niyo?"


"Oo. Nakapasa ako. Starting tomorrow may 2 hours practice kami every after ng school hours"


"Hala araw araw?" Ani ko


"Oo eh. Pero pag Monday wala. At syempre Saturday Sunday"


"Okay yun at least may pahinga ka... Eh ikaw Andrea, balita?"


"Ahmm.. Eh kasi..." Nakasimangot ito


Nakaramdam na ako kaya hindi ko na siya tinanong pa. Niyakap ko nalang si Andrea.


"Marami pang ibang clubs diyan na pwede mong-"


"JOKEEE!!!!! HAHAHAHAHAHAHAHA nakapasa ako Kath!!!!!"


"Ha talaga????? Yeheeeyyy!!! Ako nalang pala ang naghihintay ng results. Sana makapasa din ako..."


"Mendoza! Halika dito"


"Yes coach!!! Saglit lang guys ha?"


"Yes po coach?"


"Congratulations isa ka na sa mga kasama sa sports club. Ito ang certificate. Nakapasa kayo ni Kristine Joy, Melanie at Nica. Kayong apat lang"


"Ganun po ba coach? Sige po coach salamat"


"Starting tomorrow, maaga kayong papasok. Since 8:00 ang oras natin sa klase, dapat 5am andito na kayo. 2 hours before class hours. Ayoko kasing late kayo pinapauwi if ilalagay ko ang training during end the school hours. Mas okay na yun para maaga kayong nakakauwi. Every Monday walang training and of course, saturday sunday."


"Yes coach!!! Thank you po"


Lumapit na ako sa dalawa


"GUYSSSS!!!! NAKAPASA DIN AKO!!! SPORTS CLUB VOLLEYBALL TEAM MEMBER NA AKOOOO WOOOOHHHH!!!!!"


YEHEEEEYYYY member na kaming tatlo ng sports club. Nakakatuwa to.


Kaso magkakaiba kami ng schedule dahil sa training every day.


Malapit na kasi ang interschool competitions. Makakalaban namin ang iba't ibang school varsity players.


Kailangan kong galingan. Ayokong maupo sa mga bangko!

Comment