E L E V E N

I N T E R S C H O O L 


"Kath! kath!" pag lingon ko, si Andrea 


"Oh? bat hingal na hingal ka?" 


"Si Rayver daw na injured!"


"Ha? asan sya?"


"Na sa bleachers. andon yung medic ng Loyola"


"B..bakit? Teka.. tara punta tayo don!"


pag dating namin sa Basketball gym ay nandon si Rayver nakaupo sa bleachers. namimilipit sa sakit!


"RAYVER!!!!" napasigaw ako. dahilan para tignan ako ng lahat. Pati na rin sina Kenneth.. 


"ANONG NANGYARI? OKAY KA LANG BA? SOBRANG SAKIT BA? GUSTO MO DALHIN KA NAMIN SA OSPITAL? MAMAYA NABALIAN KA NG BUTO... MAMAYA KUNG ANONG MALA--"


"kath! haha kath ano ka ba. okay lang ako. Mahapdi lang. Normal lang to naranasan ko na ito dati. wag ka ng magalala" pagputol sakin ni 


"EH KASI NAMAN EH!"


Nakita ko Si kenneth na nakatingin sa amin. 


Hindi niya na naipasa ang bola sa kakampi nito kaya naagaw ng kalaban sakaniya ang bola 


"Kath! Relax lang. Kaya ni Rayver yan." si Andrea


"Haynako!"


"WELL WELL WELL... SOBRA NAMANG PAG AALALA NETONG GIRLFRIEND NA YAN!"


gulat namin ng biglang nagsalita si Kristine Joy. nasa harap na namin. 


"Anong-"


tinaasan lang ako ng kilay ni Kristine  


"ANONG ANO? BOYFRIEND MO SI RAYVER DIBA? HINDI KA NA NAHIYA KAY KENNETH. NAGPAPALIGAW KA SAKANYA TAPOS MAY BOYFRIEND KA PALA. KUNG DI KA NGA NAMAN TALAGA MALANDI!"  


sobrang lakas ng boses ni Kristine Joy. lahat halos ng estudyante nakarinig. ang masaklap pa don! hindi lang HSIS students ang nasa Basketball Gym  


"H-HINDI YAN TOTOO!" sigaw ko kay KJ.


"anong hindi totoo? so dinedeny mo si Rayver? HA! RAYVER OH! DINEDENY KA. Kung ako yan iiwan ko yan. napakalandi! two timer!!!"   


"TAMA NA KRISTINE!" Sigaw ni Rayver. Inirapan lang kami at nag walk out na si Kristine 


nakatingin lang sa amin si Kenneth. halatang hindi siya makapag focus sa game nila. nakakainis naman! ano bang mali kong ginawa? totoo namang hindi ko boyfriend si Rayver eh. At hindi ako malandi! Kelangan lang talagang sabihin ni Rayver na kami para tigilan ako nung mga lalaki sa Sophomore. KUNG PWEDE KO LANG SABIHIN KAY KRISTINE JOY EH! HAAAYYY 


Natapos na ang game nila Kenneth. hindi na nakabalik si Rayver dahil hindi parin nawawala ang sakit ng paa niya. 


Tumingin sakin si Kenneth. Tatawagin ko sana siya ng biglang umiwas siya ng tingin sa akin. 


"KEN--"


"KEN!" hinabol ko si Kenneth. iniwan ko muna si Andreang kasama si Rayver 


"Ken... Please..."


"Bakit?" Malamig nitong tanong sa akin


"Hindi totoo yun..."


"Alin ang hindi totoo? Na kayo ni Rayver? O na pinagmumukha mo kaming tanga dalawa?"


"Kenneth ano ba! Wala ka bang tiwala sa akin?"


"Hindi ko na alam Kath... Siguro... Siguro... Ewan!!!" Tumalikod na ito sa akin at umalis na 


KENNETH'S POV 


Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Alam kong hindi gagawin sakin ni Kath to pero bakit ganun? Araw araw nalang na parang sinasampal sa akin na niloloko ako ni Kath. May tiwala ako sakaniya. Pero hindi ko na maintindihan bakit ganito ang tadhana? Kahit san ako magpunta may ganitong eksena. 


P A N T R Y 


"Ken okay ka lang ba? Nawala ka sa sarili kaninang game. Buti nalang nanalo padin tayo" si Tom


"Sorry pre. Okay lang ako..."


"Alam kong hindi. Gusto mo bang pagusapan?"


"Mahal ko si Kath, Pre. Kaso hindi ko magets! Bakit lahat sinasabing sila ni rayver. Nagtatanga tangahan nalang ba ako? Magagawa ba sakin to ni Kath?"


"Knowing Kath, pre. Hindi ka lolokohin non... Sa tingin ko nga ay gusto ka din nun... Sa tingin ko si Tine lang talaga nagpapakalat ng balitang yan. Alam naman natin diba? Na matagal ng may gusto sayo yun."


"Anong dapat kong gawin? Napagsalitaan ko ng masama si Kath... Mag sorry kaya ako? Iniisip siguro nun wala akong tiwala sakanya.."


"Bilisan mo. Kausapin mo na siya!"


Agad agad akong lumabas at hinanap si Kath


Saktong nakita ko sila ni Andrea na nakaupo sa covered walk. Si kath nagsasalita at biglang natigil nung nakita ako. 


"Kath..."


"Alis muna ako be ha! See you mamaya sa laban mo" si Andrea. Tumango nalang ako.


"Kath... I.... I'm s-sorry."


Nakatingin lang ako kay Kenneth. Hinihintay siyang magsalita. 


"Kath... Wag mo sanang isiping wala akong tiwala sayo... Sobrang gulong gulo lang ang isip ko. Hindi ko maintindihan ang mga nangyayare. Pero ngayon alam ko na. Gawa gawa lang ni Kristine lahat to."


"Pano mo nasabi?" Ani ko 


"Nakausap ko si Tom. Baka naman kasi ginagawa lang nya to para magalit ako at tigilan ang panliligaw sayo... Kasi diba... Alam naman nating lahat na may gusto siya sa akin.. Matagal na..."


"Hmmm"


"Nalungkot lang ako Ken. Hindi pa tayo pero nagkaka roon na tayo ng problema..."


"Kath Im sorry. Hindi ko sinasadyang mahirapan ka sakin... Iingatan kita.. Una't huling beses na to. Hindi ko na hahayaang malungkot ka dahil sa akin. Tara na? 15 mins nalang start na ng laban nyo"


"Sige..."


(ಠ‿ಠ)


I N T E R S C H O O L


VOLLEYBALL GIRLS


Kasama kami sa First 6 ni Kristine Joy 


Sana mapag paliban muna namin ang galit sa isa't isa at lumaban ng maayos para manalo kami! Nanalo ang basketball boys. Dapat kami rin!!


"ANO BA MS. LEGASPI!!!! ANO BANG NANGYAYARI SAYO? FOCUS FOCUS!!!" 


Sigaw ni coach kay Kristine Joy. Kanina pa kasi natatamaan ng bola at hindi naman na sasalo para ma-set.


PRRRRTTT!!!! TIME OUT!!!! 


"KRISTINE JOY ANO BA? ANO BANG NANGYAYARI SAYO. BAKA MATALO TAYO DAHIL SA KAGAGAGAWAN MO! BAKIT BA WALA KA SA FOCUS HA? ANO BA? GUSTO MO BANG ILAGAY KITA SA BANGKO HA?"


"C-coach... S-sorry po. Babawi n-nalang po ako ngayong last set"


"OO LAST SET NA! WE CANT AFFORD TO LOSE! MAHIYA NAMAN KAYO. 5 YEARS NA TAYONG NANANALO. NANALO DIN AKO BASKETBALL BOYS KANINA. MAPAPAHIYA TAYO PAG NATALO TAYO NGAYON! OKAY GIRLS, NAIINTINDIHAN NYO BA?!"


"YES COACH!!!" sigaw naming lahat


Nagpatong patong ang mga kamay namin


"GO FIGHT HSIS FIGHT!!!" 


Last set na. Kailangan naming lumamang sakanila. Hindi ko na papalampasin to. Kung hindi makapag focus si Kristine Joy, ako nalang ang kikilos para sakanya. Nasa isip ko.


Lumingon ako sa bleachers, andon sila Kenneth, Tom, Andrea at Rayver.


Ang supportive talaga ng friends ko!


PRRRTTT


1st service ako. Nasalo na kalaban. Napunta kay Kristine Joy, na spike naman nya ito ng sobrang lakas na hindi nasalo ng Loyola. 


Halatang galit siya. Pero maganda na to! Mananalo na kami! Kampante na ako!


"GO FIGHT HSIS FIGHT!!!"


2 points nalang at magkaka 15 points na kami. Oo mananalo na kami 2 points nalang! 


PRRRRTTTTT


"WOOOOOHHHHH!!!! CONGRATS HSIS VOLLEYALL GIRLS!!!!!"


SIGAWAN KAMING LAHAT!!! NANALO KAMI!!!!! 


WOOOOHOOOOOOO


"Kristine Joy! Very good for the last set!" Si Coach


"Thanks Coach!"


"Girls. Mag 15min break muna kayo. Mamaya may laban pa kayo after 2 hours. After break niyo mag training tayo for 1 hour. After nun, pahinga na kayo"


"Yes coach!"


Agad agad akong pumunta kila Kenneth


"OMG BE!!! PANALO KAYOOOO!!!" Agad akong niyakap ni Andrea


"Hi My princess! Pawis na pawis ka. Congratulations! Anong gusto mo? Tara pantry tayo, bibili kita"


"Haha thanks Kenneth. Tara guys Pantry tayo. 15 min break lang ako. Training nanaman kami for 1 hour after..."


"Ha? Grabe walang pahinga volleyball. Tayo ba Tom may training din?" Tanong ni kenneth. 


"Wala naman. Bukas pa ulit laban natin eh."


"Buti pa kayo!" Ani ko


P A N T R Y 


"Kath, anong gusto mo?"  si Kenneth


"Gatorade tsaka tuna sandwich nalang para hindi masyadong mabigat sa tiyan"


"Okay sge. Waiter!!!"


Habang umoorder sila Tom, kenneth at Rayver naguusap kami ni Andrea


"Be. Anong nangyari kanina kay KJ? grabe noh! Out of focus. Nakita namin kanina eh" si Andrea


"True! Hindi ko din alam te. Sinigawan ni Coach saka lang tumino" sagot ko


"Haha nakakahiya siya. Ang arte arte at yabang niya. Sya tong mahina! Bwiset sya!" 


"Highblood ka nanaman!" Si Rayver


"Eh yang Kristine joy na yan eh!!"


"Are you guys talking about me?" Biglang pag singit ni Kristine Joy sa usapan namin


"Ah... Eh k-kasi Kristine--" nauutal kong sabi


"I heard my name Kathleen. Wag mong ipag tanggol ang kaibigan mo. ANONG PINAGUUSAPAN NYO?"


"Kristine, umalis ka na nga! Hindi ka naman kasama sa usapan!" Si Tom


"I KNOW IM NOT PART OF THE CONVERSATION. BUT I DESERVE TO KNOW BECAUSE YOU GUYS ARE TALKING ABOUT... ME!"


"Yes! We're talking about you!" Si Andrea


Nanlaki ang mata namin sakaniya lalo na si Kristine Joy


"We're talking about how lame you are earlier inside the court! All eyes were on you tapos hindi mo ginalingan?! I'm not sure if you were out of focus pero nakakahiya ka! Dapat sayo pinapaupo nalang sa bangko because I'm pretty sure mas magaling pa sayo yung mga nakaupo sa bangko kanina!"


"HOW DARE Y--"


"ANO SASAMPALIN MO KO? DYAN KA NAMAN MAGALING EH! you know what, KJ? kahit sampalin mo ko, that won't change the fact na nagmukha kang tanga sa court kanina! Psh!"


"Tama na yan" si Kenneth


"HINDI PA TAYO TAPOS! Pasalamat ka nandito si Kenneth. He saved your ass! Pero once na mahuli kitang magisa, lagot ka saken." Pag walk out ni Kristine Joy


Nagpalakpakan kaming lahat kay Andrea pag kaalis ni Kristine Joy


"Woooh bff ko yan!!!" Sigaw ko


"you know what, KJ? kahit sampalin mo ko, that won't change the fact na nagmukha kang tanga sa court kanina!!!" Pag gaya ni Tom sa boses ni Andrea


"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" tawanan kaming lahat 


Haaay ang bilis ng 15 minutes. Babalik nanaman ako sa volleyball court para mag training for an hour.


"Guys dito na muna kayo ha? Mauuna na ako kasi 15mins lang binigay samin eh."


"T-teka hahatid na kita dun, Kath."


"Sige."


 C O U R T


"Kath oh. Bimpo tsaka Water. Alam kong pagpapawisan ka nanaman nyan tsaka mauuhaw. Galingan mo ha. Magingat ka tsaka text mo ko if you need something puntahan agad kita."


"Haha ang sweet sweet naman po ng Kenneth na yan! Hehe sge see you later!"


Tumango lang siya. Tumalikod na ako at naglakad na papunta sa coach namin. 

Comment