T W E L V E

Tapos na ang second game namin. As usual panalo kami. Hindi na muna napag bigyan ni Coach maglaro si Kristine Joy. Umiinit yung laban dahil mainit din ang ulo ni Kristine. 


Bzzt bzzzt


Text Message from Kenneth :)


"My Princess. How's your game? Text mo ko agad pag tapos na ha? Nandito padin kami sa basketball gym kasama ko sila Tom at Rayver. Si Andrea iniwan namin sa library may pinapagawa daw si Ms. Robredo"


Agad ko naman siyang nireplyan 


"Hi Ken! Oo kakatapos lang ng game ko saktong sakto. Wala na kong gagawin. Daanan ko muna si Andrea sa library tapos daanan ka namin dyan ha?"


Bzzzt bzzzt


"Sure sige. Thanks, My Princess"


L I B R A R Y 


"Pssst Andrea!" Mahina kong tawag kay Andrea


"Oh? Be! Kamusta game? Nanalo kayo noh?"


"Haha! Alam mo  agad? Yes nanalo kami!"


"SHHHHHH!" 


"Ay sorry po. Oo nanalo kami. Hihi! Hmm. Tapos ka na ba dyan? Tara daanan natin sila Kenneth sa Gym."


"Hala sorry Kath. Matagal pa to eh. Hindi pa ako tapos. Pwede bang ikaw nalang muna? Sabihin mo nalang kay Tom Hi sabi ko."


"Abaaa sabi ko na nga ba eh crush mo si Tom eh!"


"Hala hindi ah? Hihi. Hi lang eh!"


"Haha. Osya sge una na ako. Text mo ko para alam ko kung uwian nyo na."


"Sige be. Mwah!"


naglalakad ako magisa papuntang Basketball gym 


Dumaan na muna ako sa Pantry para bilihan sila Kenneth ng gatorade. Tag isa sila nila Tom at Rayver.


Nung palakad na ako sa gym nagbubulungan na yung mga studyante.


"Sino kayang pupuntahan niya? Si Kenneth or si Rayver?"


"HAHAHAHAHA" tawanan sila


Psh! Mga walang magawa sa buhay! Pasalamat kayo hindi ko kayo papatulan!


"KATH!!" sigaw ni Kenneth at tumakbo papalapit sa akin.


"Hi Ken. Para sayo oh." Sabay abot ko ng Gatorade


Naghiyawan yung mga basketball varsity


"Nakakahiya naman  hmmm. Kenneth, pakiabot nadin to kay Rayver at kay Tom oh. Nakakahiya kasi baka ano nanaman sabihin ng iba sa akin"


"Wag mo silang pansinin. Halika samahan kita sakanila"


"Tom, Rayver! Binili satin yan ni Kath."


"Ay Kath thank you! Kanina pa kami uhaw na uhaw eh" si Tom


"You're welcome. Hanggang what time kayo dito? Malapit na end of school hours ah?"


"Pag end ng school hours, tapos na rin kami. Nakiusap kasi bigla si Coach na mag training kami. Tutal wala naman kaming gagawin. Para bukas warm up nalang."


"Ahhh. Osige hintayin ko nalang kayo dito sa bleachers. Sige na balik na kayo sa training niyo"


Habang naglalaro sila Kenneth, Rayver at Tom biglang may humablot ng buhok ko.


"Aray!" Mahina kong sabi


"Sumama ka sakin!"


"Ano ba? Kelangan ba hilahin ang buhok ko? Sino ka ba!?" Tanong ko sa babaeng humila ng buhok ko hindi ko naman siya kilala


"Aray ano ba! Close ba tayo para saktan mo ko ha!"


"SUMAMA KA NALANG PARA MATAPOS NA TO. PASENSYA NA NAPAGUTUSAN LANG!"


"NINO BA?!" 


"WAG KA NG MADAMING SINASABE KATHLEEN MENDOZA! SUMAMA KA NALANG SAKIN"


anak ng! Masakit na talaga kaya sumama nalang ako sakaniya.


Hindi ko namalayan na sa stock room na ako ng school. Ang baho! Andito lahat ng lumang libro, mga walis, dustpan at mga basahan. Ang baho! Sobrang daming alikabok!


"HOY ANO BA BAKIT NANDITO AKO?! WAG MO KONG IWAN DITO ANG BAHO BAHO!!!"


"AHHHHH!!!!!" sigaw ko 


"Diyan ka lang at hindi ka makakaalis diyan. Tignan ko lang kung may makarinig pa sayo. Lahat sila nanunuod sa interschool walang tao sa floor na to. Kaya goodluck sayo! Mamatay ka sa kakasigaw diyan!"


Nilock niya na ang stock room habang andito pa ako sa loob


"TANG--- ANO BA!!!!"


tinignan ko yung phone ko tatawagan ko sana sila Kenneth


"Kingina walang signal!!!!"


"AHHHHH TULONG!!! TULUNGAN NIYO KO!!!!" 


"HOY BABAE BUKSAN MO TO!!!! PAG MAY NANGYARING MASAMA SAKIN MALALAGOT KA SAKIN!!!!"


Nilibot ko ang stock room. Ang dilim dilim. Tanging ilaw lang ng phone ko ang nagsilbing liwanag.


3:30 PM


"Tang-- ano ba!!!!! Uwian na nila!!!! Ano dito nalang ako magdamag? Kingina naman!!!! Malaman ko lang talaga sino nagutos sa babaeng yon malalagot talaga sakin yon!!!"


Nararamdaman ko na ang luha kong pumapatak 


"Gusto ko ng lumabas dito! Natatakot na ako at nahihirapan na kong huminga. Huhuhu"


KENNETH HANAPIN MO AKO PLEASE


RAYVER HANAPIN NIYO KO HUHUUU


ANDR---


hindi ko namalayan at nahimatay pala ako 


1 hour


2 hours...


May malakas na sumipa sa pintuan. Dahilan para masira ito at bumukas. 


"KATH!!!!!!" Narinig ko si Andrea. Hindi ako nagkakamali. Si andrea yun. 


"KATH!!!" Sigaw din ni Rayver at Kenneth


Binuhat ako ni Kenneth at Rayver


Kahit anong gawin ko hindi ako maka galaw at hindi ko mabuksan ang mga mata ko


Pero naririnig ko sila. Sobrang hina ko lang talaga.


Dala lang siguro to ng gutom at pagod. May asthma pa ako. Sobrang lala kasi ng alikabok dun.


"HUHUHUHUHU" naririnig ko si Andrea na umiiyak


"SINO BANG MAY GAWA NITO!!! MAY ASTHMA ANG BFF KO!!!! NALANGHAP NIYA YANG MATINDING ALIKABOK DYAN!!! DALHIN NA NATIN SIYA SA HOSPITAL!!!"


"TARA NA SARADO NA ANG CLINIC KANINA PA UWIAN!"


"KUKUNIN KO LANG ANG KOTSE KO.  rayver, tom ihiga niyo na si Kath sa quadrangle. Sandali lang!"


KENNETH'S POV


Nakita namin si Kath na nakahandusay sa Stock room!!!


Kingina sino naman kaya ang gagong gagawa sakaniya nito! 


Pag nalaman ko lang talaga kung sino. Lagot talaga sakin yon! 


Kukunin ko na ngayon ang kotse ko para madala si Kath sa hospital


LOYOLA H O S P I T AL 


"NURSE TULONG!!!"


"sir ano pong nangyari?"


Habang sinasakay siya sa stretcher


"May asthma po siya Nurse. Ako ang bestfriend niya. May asthma po siya tapos nakulong siya sa stock room namin sa school. Naabutan nalang po namin siyang nakahandusay sa sahig at wala ng malay"


"Sige po. Dito nalang po muna kayo bawal kasi madaming tao sa loob. Babalitaan po namin kayo agad"


"NURSE PLEASE PO GAWIN NIYO LAHAT!" si Kenneth 


30 MINUTES NA KAMING NAG HIHINTAY SA LABAS.


MAY LUMABAS NA DOCTOR


"doc! Doc! Ako po yung... Ako po yung kaibigan nung pasyente. Kamusta na po siya?"


"Stable na siya ngayon. Hinimatay lang siya dahil sa kakulangan ng oxygen."


"Doc gising na ho ba siya?"


"Sa ngayon hindi pa. Kelangan namin siyang i-confine para ma monitor"


"Sige po doc. Balitaan niyo po kami."


"Sige. Excuse me"


Umalis na yung doctor


"Tangina!" Sinuntok ni Rayver ang pader


"Sino naman kayang gago ang gagawa kay Kath nito! Napaka imposibleng pumunta si Kath sa Stock room wala naman syang gagawin don! Huling kita natin sakaniya nasa bleachers sya hinihintay matapos training natin!"


"Huhuhu sana pala... Huhuhu sana sinamahan ko nalang siya huhuhu nung sinabi niyang *hik* *hik* na pupuntahan niya kayo sa basketball huhuhu gym" si Andrea


"Walang may gusto nitong nangyari guys. Wag na tayo magsisihan. Kelangan nalang natin ma make sure na maging okay si Kath at magising na siya. After nun, saka naten aalamin kung sinong tarantadong gumawa sakaniya nito." Si Tom


May nurse na lumapit sa amin


"Closest relative of Kathleen Mendoza, please."


"Ah... Ako po ako po!"


"Ano ho kayo ni Ms. Mendoza?"


"Ahhh. Uhmm... Boyfriend"


"Tch!" Si Rayver  ب_ب


"Okay sir. Hmmm kukunin ko lang po ibang info ni Ms. Mendoza, pakisulat nalang po dito para po makuhanan na din natin siya ng room. I coconfine daw po siya sabi ni doc for monitoring purposes."


"Okay sige. Ako na rin magbabayad ng hospital bills niya. Just please make sure nurse na magiging okay ang... Ang g-girlfriend ko."


"Yes po. Don't worry we'll do everything. Babalikan ko po kayo para malaman kung sang room dadalhin si Ms. Mendoza" 


"Sige po Nurse"


"Thank you" sabi naming lahat


(ᵕ≀ ̠ᵕ )


Naghintay nalang kami na bumalik ang nurse... 

Comment