T W E N T Y O N E

EK WITH FRIENDS!!!!!!!


"Good morning Ate Kim! Good morning Manang!"


"Oh? Ang ganda ng gising ng baby ha?" Si Ate Kim


"Morning din Iha. Breakfast ka na." Si Manang


"Opo. Thankyou! Yes Ate. Masaya ako. Today kami mag EK diba!!!! Gusto mo bang sumama?" 


"Naku! Gusto ko man. Kaya lang may report kami on Monday. Pag kakaabalahan ko to buong week end. Haay!" 


"Sayang naman Ate. Papasalubungan ko nalang kayo ni Manang. Ano gusto niyo?"


"Kahit ano iha. Basta magingat lang kayo dun." Si manang


"Ako baby, tshirt na may enchanted kingdom. Tapos gusto ko din yung hat nung wizard dun pati tumbler na may EK!"


"Haha ang dami naman ate! Pero sige bibili ako madami nun. Para mabigay ni Manang yung iba sa anak niya. Tapos kay Mama at Daddy yung iba"


"Haha. Sige Baby! Mag ayos ka na. Mag break fast ka muna"


Nag ayos na ako ng mga gamit ko. May mga baon akong damit kasi for sure mababasa kami sa Rio grande at Jungle log jam!


I'm soooo exciteeeed!!!!


T O W N  C E N T E R


S T A R B U C K S


"Ang aga mo bff ah?" Sabay yakap ko kay Andrea


"Haha! Hindi nga ako nakatulog bff sa sobrang excited!!!" Si Andrea 


"Girls!" Si tom. Nilingon namin siya at nakipag beso beso.


"Ang tagal naman nung dalawang Rayver at  Kenneth!" Ani ko


Saktong 9:10 ay dumating yung dalawa.


"Anong usapan?" Ani ko


"Sorry Kath. Ang traffic sa palabas ng village namin. May nagka banggan daw." Si Rayver


"Dun din daan ko sakanila. Sobrang traffic nung buong West avenue. Ano tara na? Andiyan si Manong sa tapat. Siya mag drive."


"TARAAAAA!!!!"


E N C H A N T E D  K I N G D O M 


Nakarating kami, 3:00 PM na.


Ang iniiiiiiitttt!!!


Hindi ko man nasama ang friends ko sa Hong Kong, Disneyland masayang masaya ako kasi kasama ko sila ngayon sa Enchanted Kingdom. Next time, out of the country naman kami. Hihi


"Tara! Merienda muna tayo." Si Tom


"Tara"


"San?"


"Diyan nalang sa food court nila. Madami namang kainan dun"


"Tara"


F O O D C O U R T 


"Kath, what do you like to eat?" Si Ken


"Pizza nalang then, sarsi na softdrinks. Then fries hehe" sagot ko


"Okay. Sige wait for me nalang dyan"


Nag siorderan na din silang lahat. Iba iba kami ng orders kaya iba iba din ng inorderan. 


HAAAYYY BUSOOOG!!!


"san tayo?" 


"Flying fiesta!!!!" Si Andrea


"Haha tara!"


Magkatabi kami ni Kenneth sa isang upuan.


Sila Andrea, Tom at Rayver sa single na upuan lang 


Hawak kamay kami ni Kenneth the whole ride


"Wooooooooohhhh!!!!" Sigaw naming lahat


Pag katapos nun dumeretso kami sa Realto 3d naman


Ang saya saya. Si Spongebob yung pinanuod namin tapos na 3d glasses kami


Pag bababa si Spongebob sa dagat, may tatalsik na tubig sa amin tapos yung upuan gumagalaw galaw na para ka talagang nandun sa under water.


Sobrang cool!!!


Tapos naglakad lakad na kami, sumakay kami sa roller coaster na parang mga sapatos siya. Grabe akala mo pang bata pero kung sasakyan mo mamatay matay kami kasi talagang 360 degrees yung ikot!


Kalapit naman nun, yung EKstreme!!!! Ito talaga yung ride na HINDING HINDING HINDI KO NA UULITIN SA BUONG BUHAY KO!!!! 


Grabe sobrang intense!


Habang paakyat pala kami sa EKstreme natatawa kami kay Andrea. Nagdadasal na!


"Pakisabi kay Mommy at Daddy mahal na mahal ko sila! Pati sa mga kapatid ko. Tsaka guys mamimiss ko kayo. Lord, please!!!"


Tawanan kami ng tawanan


"ANO BA SINO BA KASING NAGSABING SUMAKAYA TAYO DITOOOO HUHUHU AYOKO NA BABABA NA AKO!!! BABABA NA AKO!!!!" Si Tom


Tawa kami ng tawa para siyang bakla! Hahahaha


Ang bilis ng pagbaba nung ride! Kingina parang naiwan sa Taas yung mga kaluluwa namin! Sabi sainyo, hinding hindi ko na talaga uulitin yung ride na yon. Kahet bayaran niyo pa ako! 


Nagikot ikot kami. Kung san san kami sumakay.


Bago kami mag dinner pumila muna kami sa Space Shuttle. Malaki siyang roller coaster. Kung yung kaninang parang sapatos ay parang pang bata, ito talaga major major extreme! Parang tinitignan ko palang ayoko ng sakyan! 


Since malapit na mag 6:00PM ito last na sasakyan namin before mag dinner


Kami na ang susunod!!!!


"Kath, tara?" Pag yaya sakin ni kenneth


Tabi kami ni Kenneth


"Parang di ko kakayanin to!!! Huhuhu" si Andrea


Dinadaan namin sa tawa lahat pero sa totoo lang!!!! Takot na takot kami hahahahaha


Nag sisimula na....


Ayan na....


"WWWAAAAAHHHHHHHHHHH!!!!!"


Kahit yung boys ang lalakas ng sigaw


Mas matindi pa to sa EKstreme! Akala ko yun na ang pinaka matindi! HINDI PA PALA!!!! LOOOORRRDDD!!!! 


Pag katapos nun, ang gulo gulo ng buhok namin ni Andrea para kaming mga ginahasa! Ang ingay ingay ng mga kasabay namin lahat sila takot na takot. Pero kahet ganun, masasabe ko talagang super fun non! Yun talaga the best na ride for me. Pero hindi ko pa alam, kasi hindi pa naman kami tapos mag ikot..


D I N N E R


Lumabas muna kami ng EK para mag dinner. 


May mall naman malapit sa EK nag greenwich nalang kami. 


After 1 hour bumalik na kami sa EK. Pinapasok naman kami agad since may stamp kami.


Next?


SRRX!!!!!!! 


aminado akong matatakutin ako. Mas gugustuhin ko pa talagang ulit ulitin yung SPACE SHUTTLE kesa pumasok dito sa haunted house na to!!!! 


"Baby"  (⌒▽⌒)


Hindi ko namalayan tinatawag na pala ako ni kenneth. Ang tagal ko kasing nakatayo sa tapat ng haunted house na yun.


Mamamatay ako sa kaba. Wala akong ibang marinig kundi yung lakas ng sound system sa loob ng haunted house tapos sobrang lakas ng bass talaga namang kakabahan ka.


"A-ayoko..... H-hindi ko k-kaya.." Ani ko


Nagtawanan silang lahat kaya sumama ang tingin ko sakanila


(´∇`)(´∀`)


"Ano ka ba Kath! Daig ka pa ni Andrea oh!" Si Rayver


"HAHAHAHAHAHAHAHA"


"a-anong daig k-ko pa s-si Kath!!! H-hindi lang ako nagsasalita ano? Pero a-ayoko din pumasok.... Hindi k-ko din k-kaya!!" Nauutal utal na sabi ni Andrea


"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" tawanan ang boys


Sinundo na kami ng parang naka WITCH na costume. Pati istura niya mukha siyang witch! 


Pag bukas ng pinto SOBRANG DILIM!!!! Pula lang yung ilaw


Mamamatay na ako sobrang siksik na siksik ako kay Kenneth!


Meron malaking malaking tao na sumalubong samin dahilan para sumigaw ako ng malakas


Si Kenneth niyakap ako ng mahigpit


Sila Andrea na sa likod namin. Nasa gitna siya ni Tom at Rayver na tumatawa tawa padin samantalang si Andrea at Ako ay paiyak na!


Pag dating namin sa gitna ay parang may LRT. May matandang nakaupo sa gitna na may hawak na rosary at nagdadasal. Umuuga uga yung LRT kaya parang totoo talaga!


Pag dating namin sa dulo ay may lalaki na may hawak na itak. Winawasiwas niya yun kaya natakot talaga ako kasi parang iniisip namin, papatayin kami!!! Hahahahaha


Nalampasan namin yung Haunted house na yun.


Kahit kelan hindi na ako papasok ulit dun!


"T-thank you Ken.." Mahina kong sabi


"Haha takot na takot ka Kath. Wala na! Wag ka na matakot" sabay yakap sa akin


"Tara! Jungle log jam tayo" si Rayver


"Tara"


Sumakay kami.basang basa ako! Ako kasi yung na sa harapan.


Bali sa isang log, tatlo ang pwedeng umupo. 


Dalawa lang kami ang umupo ni Kenneth. Sa isang Log naman si Andrea, Rayver at Tom. 


Kaya siya Log Jam kasi punong kahoy yung uupuan niyo tapos parang na sa ilog kayo ganiyan. 


Basang basa ako kasi pag baba ng log jam. Tumalsik lahat ng tubig sa akin! Buti nalang naka shorts ako at may baon akong damit.


Tawanan kaming lahat after kahit lagkit na lagkit na ako sa tubig!


ヾ(*´∀`*)ノ


Anchor's away ang sunod namin sinakyan. Sikat na sikat kasi to na kelangan mo talagang sakyan sa EK. Sa dulo kami umupo. Kung titignan mo kasi parang napaka simple lang. Yun pala... HINDI NANAMAN!!!! 


mamatay matay kami sa sobrang lula tsaka nakakakilit sa tiyan pag pababa ka na. Hahahaha pero super saya nanaman!


Bago kami pumunta sa Rio Grande (kasi yun yung last na sasakyan namin dahil after nun magbibihis na kami) sumakay kami sa Wheel of Faith...


Sobrang taas at laki. Kaming dalawa lang ni Kenneth sa isang cart


Yung tatlo nanaman magkakasama. Close na close na nga sila ng sobra hahaha


Ang ganda! Dahil gabi na. Parang buong Laguna makikita mo kasi may mga ilaw naman yung mga bahay. Ang ganda tignan. Hinding hindi ko makakalimutan tong araw na to. Sobrang saya!


Nakatingin lang ako sa paligid habang namamangha. Biglang binasag ni Kenneth yung katahimikan.


"Kath?"


"Hm?'


"I'm so happy I was given the chance to go to a place like this, with you. Thank you for making me happy"


Nagulat ako! Hahahaha kahit kelan ka talaga Kenneth!


"Naku ako din sobrang happy ko Ken. Masaya akong kasama ko kayo ngayon. Lalo ka na." Napangiti naman siya.


Pag katapos namin sa Wheel of Faith, RIO GRANDE NAAAAAAA!!! 


Magkakasama na kaming lahat sa isang ride. Bago mag start, picture taking muna. Basang basa si Rayver at Tom! Tawanan kaming lahat kasi natapat sila dun sa water falls. As in sobrang basa silang dalawa. Mula ulo hanggang paa! Sa kakatawa namin, nabasa tuloy kaming tatlo. Basang basa yung mga pwet namin at damit! Hahaha 


Sobrang saya nun. The best!!!!!


Aftern nun, nag bihis na kaming lahat. Nag shopping na din ako bago kami umuwi. Namili ako ng madaming madaming souvenirs! Ganon din sila. 


Pina print namin yung picture namin, lahat kami may copy nun. Ipapa picture frame ko to at ilalagay sa kwarto ko.


After nun, nag snack kami sa labas ng EK. Hotdogs!!!!


Umuwi na kami mga 9:00 PM na. It was a long tiring day yet sobrang fun!!! I will never forget this day. 


(*≧∀≦*)





Never

Comment