F I V E

Araw araw. Ang aga aga kong magising. Buti nalang naman at 15 minutes away lang ako sa school, kung hindi mas maaga pa akong magigising. 5am expected na sa school na kami for training. Kasing aga namin yung mga guard! Nakakaloka pero mas gusto ko na yun kesa naman after school hours pa kami mag training mas mamamatay naman ako sa pagod nun. 


2 hour training...


2 hours kong kasama si Kristine Joy... 


ewan ko ba kung may mas nakakainis pa sa pag mamaldita neto eh? Sarap dukutin ng mata! Haaaayy Kath, chill ka lang! Malapit na mag interschool, pag tapos nun wala ng training masyado. Hindi mo na makikita yang si Kristine!


Whole 3 hours discussion kami 2 subjects.


Ang sakit sakit ng katawan ko dahil sa training na yan. 


"Kath, sabay tayo lunch? May gagawin pa daw kasi si Andrea mamayang lunch. Inutusan ni Ms. Robredo mag represent ng 1st Year sa meeting with Principal later."


"Oo naman sige no problem. San ba?"


"Ikaw? Kahit sa Mcdo nalang"


"Oo sige namiss ko fries and nuggets!"


kkrrriiingggggggg*


LUNCH NAAAAAAAAAAAA


"Andrea! Una na kami sa Town ha? Sabay ka pa ba?" Ani ko


"Nako hindi ko alam kung anong oras matatapos yung meeting. Pero itetext ko kayo if makakahabol ako. Pero kung hindi okay lang may snacks naman daw dun habang nagmi-meeting"


"Ah ganon, osige. Una na kami! See you later!"


*Mcdo town center*


"Bat ang tahimik mo, Ver? Haha may problema ka ba? You can share it to me."


"Ha? Wala naman. May iniisip lang.."


"Oh? Ano naman yun? Pwede mo naman siguro ishare sakin. I'll listen."


"Hmm. Kilala mo si Kenneth diba?"


Tumango ako


"Sa mahigit isang buwan natin diyan sa HSIS nakausap mo na ba sya? Kahit once?"


"Hmm. Hindi pa. Never pa. Why?"


"Ah wala..."


"Ano nga bakit nga?"


"Tinatanong niya kasi sakin kanina... Kung... Kung t-tayo d-daw bang d-dalawa..."


Natawa ako "HAHAHAHAHA"


"Bakit naman yata out of nowhere eh itatanong niya yun? At sayo pa?"


"Siguro kasi napansing nyang close tayo nila Andrea. Hindi kaya.... Hindi kaya may gusto siya sayo?"


"Ha? Saken bakit naman?"


****FLASH BACK****


andito ako ngayon sa locker. Hinihintay yung dalawa nag paganda pa sa CR.


Biglang lumapit si Kenneth sakin.


"Pare.. May itatanong lang sguro ako. Don't get me wrong... Pero yung... Yung kasama mo lagi? Si K-kathleen.... Kayo ba? I mean..."


"Ha? Bakit mo naman natanong? Pero to answer your question... NO. Hindi kami. We're just close friends. Kami nila Andrea"


"Oh.. Okay that's just what I wanted to know. Thanks"


"BAKIT? ikaw.... May gusto ka ba sakaniya?"


"Meron!" Sabat ni Tom


Siniko siya ni Kenneth


"Nako wala. Wag ka makinig dito sa gung gong na to! Hahahaha"


"Osige aalis na kami. Salamat ulit pre!"


Tumalikod na sila agad sakto pag labas nilang dalawa sa CR


***END OF FLASHBACK***


"Wala naman. Nagulat lang kasi ako out of nowhere nga biglang tinanong  wala akong ibang maisip na dahilan kundi baka gusto ka nga talaga niya..."


"Haynako Rayver! Haha hayaan mo yun. Baka naiilang lang siya na may mag bf-gf sa room. Just in case malaman nya ngang tayo. Pero hindi naman tayo so wala na yun."


"Tara na balik na tayo sa school. Hindi na nakatext si Andrea baka dun na yun kakain sa meeting"


"Okay sige."


Last 3 subjects. Haaaayyy! Last 4 hours nalang at uwian na!


Kaso nga pala si Rayver hindi namin kasabay umuwi dahil may 2 hours training sila araw araw for interschool.


**discuss


Discuss


Discuss


After 3 hours wala padin si Andrea! Grabe namang tagal na meeting yun! Lahat na yata ng pwede pagusapan, napag usapan na nila!


Isang oras nalang, end of school hours na.


Biglang napasok sa isip ko si Kenneth Lee..


Haynako Kenneth! Bakit ba inaalam mo kung kami ba ni Rayver?


Pa lihim ko siyang nilingon sa likod. Aba! Nakatingin din pala sakin. Agad akong lumingon sa harap. Jusko naman Kath!!! 


*dug dug dug dug dug dug dug dug


Ang bilis ng tibok ng puso ko. Nakakahiya yun ha! 


Sobrang di ako makapag focus sa discussion. Narinig ko nalang ay "class dismissed!"


Anak ka ng! Mag aral ka nga mabuti Kath! Tama na kakaisip ng kung ano ano! Tsss


Bzzzt bzzzt


Text message from ANDREA:


Be, mamaya pa ako makakauwi huhuhu. Ang tagal ng meeting! Andito rin Lolo ni KJ. Nakakatakot siya! See you tom ingat kayo ni Rayver"


"Ver, nagtext si Andrea. Mamaya pa daw sila makakauwi. Una na daw tayo."


"Grabe ilang oras na yun ha. Osige deretso na ako sa Gym. Training namin diba?"


"Ayyy shocks oo nga pala! Osige ako nalang pala ang uuwi. Ingat ka mamaya Ver!"


"Sige. Ikaw din. Bye!"


Parang ayaw ko pang umuwi na gusto ko na kasi kelangan kong matulog at may training pa ko bukas gagawin ko pa mga homeworks. Ugggg Lord! Para kong college student sa daming ginagawa araw araw. 


Makauwi na nga lang! Para madami akong magawa. 


Pero sisilip muna ako sa gym. Para makita ko papano maglaro si Rayver.


Pag pasok ko sa gym tumingin lahat sakin. Ngumiti nalang ako at dumeretso sa bleachers. Nag cellphone muna ako kasi wala pa naman si Rayver, baka nasa locker pa nagbibihis.


After 5 mins dumating na si Rayver. 


Kasama si Tom


At


Kenneth.


*dug dug dug dug* *dug dug dug dug*


Ano ba namang lintik na puso to! Ang bilis nanaman ng tibok nakaupo lang naman ako! Haynako ano ba to? 


Grabe ang gwapo ni Rayver pag pawis na pawis. Kung di ko lang to BFF! nako! Hahahahaha joke!


Pero iba si Kenneth... Sobrang puti niya namumula mula na yung pisngi niya at basang basa siya ng pawis. Grabe!


*dug dug dug dug* *dug dug dug dug*


Ayoko naaaaa! Isang oras na pala akong nakaupo at nanunuod dito! Jusko dapat ng umuwi! Sinenyasan ko si Rayver na uuwi na ako. Nag bye lang siya at tumakbo na ako palabas.


Haaayyy! Yung puso ko pag tumatakbo, ganito rin yung puso ko pag nakikita ko si Kenneth Lee. Ano bang problema? Hindi ko talaga maintindihan...

Comment