Prologue

:))



"Hoy Adalyn Evie tara na kanina pa tayo pinapatawag sa taas." saad naman ni Celeste na pumasok sa office ni Dr. Garcia kasunod si Mia na may hawak na juice.

"Ha? Mag-aano na naman sa taas?" Tanong nya at nakaupo pa rin.

Tuluyan na silang pumasok at nagpunta sa harapan nya.

"Pinapatawag lang naman tayo ng daddy nyo este ni Dr. President sa office. Hindi ko alam kung bakit." saad ni Mia na hawak pa rin ang juice at uminom dito.

Hinihintay nila ang magiging reaction ni Dr. Garcia. Napatango lang ito at sumenyas na mauna na sila at susunod na lamang.

"Oh you're here na pala Dr. Garcia." saad ng President of the Board. He smiled.

"Take a seat." he told Dr. Garcia to take a seat and she gladly accepted it.

"You are here because I have to tell you something." Saad ng Presidente

"Family matters of course." saad ni Adalyn at naupo.

Hindi maintidihan ni Adalyn kung bakit pati mga kaibigan nya ay kasama sa pag-uusapan.

"If you're going to ask why are your friends are also here it is because I know you have connections with this one." He calmly said.

"We have a problem, someone wants to put me down." napatingin naman kaagad ng masama si Adalyn sa kanyang tatay at nakitang may inilabas na papel.

Isa itong death threat. Papel na binilot at inilagay sa box. Maamoy mo rin ang dugo dito. Hindi lang basta dugo. Dugo ng tao.

"Dad, wala kayong balak ipahanap yan?" Saad ni Adalyn na diretsong nakatingin parin sa death threat.

"Wala. Kasi kapag ginawa ko 'yon mapapahamak kayo." Saad ng Presidente ng walang emosyon.

"Kung wala kayong balak ako meron." saad nya ng diretso at inikom ang kamay.

Nagulat na lamang din sina Celeste at Mia sa narinig nila. Ganoon din sa nakita nila.

"May makakasama kayo simula ngayon sa araw araw. Nag-aral sila ng simpleng medisina kaya maaari silang gumamot kung may mangyari sa inyo hindi katulad ninyo na pwedeng magoopera, isa pa katulad nyo rin silang marunong lumaban." huminto ito saglit at tumingin kay Adalyn. "Marunong din pumatay kung kelan gustuhin." saad nya at tumayo. "Katulad mo Adalyn." sarkastikong saad ng Presidente at medyo ngumiti.

"Sino po?" Tanong ni Mia

"Sina Aziel, Jaylen at Kane." diretsong saad ng presidente at tumayo.

"Ano?!?" Sabay na sigaw ng tatlo. At pumirmi ng upo.

"Narinig nyo naman hindi ba?"

"Pero dad--"

"Walang aangal."

"Pwede naman naming palitan daddy kami na lang hahanap sige na. 'Wag lang sila." saad ni Adalyn na konti na lang ay sasabog na sya.

"Oo nga po tito, tsaka kaya naman po namin sarili naman ah." saad ni Celeste.

"Wala na kayong magagawa dahil paparating na sila." saad nito ng walang emosyon

"Daddy pero--" aangal pa sana si Adalyn ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang tatlong lalaki.

Sumenyas ang Presidente na magsipasok. Tumuloy ang kalalakihan.

Tumayo naman kaagad si Adalyn ng nasa harapan na nya ang tatlong lalaki.
Tumayo na rin ang dalawa pa.

Tinignan ni Adalyn ang mga ito at nakangiti lamang. Sa loob loob ni Adalyn iniisip nyang parang mga walang ginawang katarantaduhan.

"Hi nice to meet you." pagpapakilala ni Aziel. Inilahad nito ang kamay.

Tinitigan lang ni Adalyn ang kamay nito. "Nice to meet you my foot!" Singhal nya at nagmadali lumabas ng office.

"Tito sundan lang po namin!" Sigaw ng dalawa at umuna na.

○○○○○

This is all a work of fiction. This was just only an imagination of the author. Names, scenes places that were used is just fiction. If ever may katulad na pangalan on other stories I'm pretty sure that it was just a coincidence. I don't have  plans to copy their works.

Thank you for reading! Enjoy!

Comment