45

:))

Kinabukasan ay maaga na muli akong nagising, buti na lamang ay madali akong nakapag adjust ng body clock.

Minsan nagigising ako ng alanganin, mga alas tres ng umaga nagigising ako pero pinipilit ko ulit matulog.

I did my morning routine, nakapagbihis na ako at sakbit ko na ang bag ko sa kanan ko habang hawak ng kaliwa ko ang phone ko saka ang painting na ginawa ko.

I make sure na nasa bag ko ang adress at notebook ko.

Lumabas na ako ng kwarto ko at naabutan ko naman yung dalawa na bihis na bihis na.

Nakacoat na rin si Mia na nagmamadali. Habang si Celeste ay nakaupo pa rin na nahigop sa kape nya, pinagmamasdan nya lang si Mia na mataranta.

“Bye! See you!” sigaw ni Mia and she stormed out of our unit.


Umupo ako sa tabi ni Celeste at uminom na rin ng nakahandang kape.

Tumingin lang sakin si Celeste at nanlaki ang mata nya ng makita ang painting na hawak ko.

Kaagad nyang ibinaba ang baso nya at kinuha sa kamay ko ang hawak kong painting.

“Para kanino 'to? Ang ganda Evie, pwede pagbenta.” saad ni Celeste na tinitignan maigi ang painting.

“Patient Levario.” sambit nya ng mabasa nya ang nakadikit sa likod na larawan at pangalan. Tinignan nya ako ng nagtataka at saka ibinaling muli sa painting ang tingin.

“She’s a patient during my internship.” saad ko sa kanya saka sumandal sa upuan.

“Speaking of Mia, what’s with her? Tarantang taranta ah?” saad ko sa kanya at napalingon naman sya sakin saka ibinalik ang painting. Sumandal din sya sa upuan at saka humigop sa kape nya.


“Ayon, something happened sa isang resident. Pinagsurgery ba naman ng chief doctor at ang katwiran ay busy daw. Imagine sis bata yung ooperahan mo in your residency pa naman.” saad ni Celeste na nakatingin pa rin sa harapan na hindi ako tinitignan.


Halos maibuga ko na ang iniinom kong kape ng marinig ko ito sa kanya. Napatayo ako sa kinatatayuan ko at tinignan nya lang ako saka nagkibit balikat.

“What?!?!”

“Napag usapan na ng board kasama daddy mo syempre and they suspended the resident and the chief doctor was sent to the hospital branch sa province. They also said na their will automatically fired them if ever anything happens to the child.” Saad ni Celeste at napahinga naman ako ng malalim. I checked my phone at naalalang may pupuntahan pa nga pala kami.

We heard a knock on the door so assumed na it was JA na. Nagpaalam na ako kay Celeste na mauuna na ako sa kanya kasi may pupuntahan pa nga.

“I’ll go ahead Celeste.” Saad ko then we bid goodbyes na.

Wala pa akong balita sa kotse ko kaya hindi ko alam kung anong gagamitin namin, siguro ay commute na lang.

Kaya ko nga isinama si JA e para may kasama ako magcommute. Akala ko naman si JA na yung kumatok, hindi pala.

“Pasok ka Jaylen, Celeste may bisita ka!!” sigaw ko naman saka pinapasok na si Jaylen na nagfistbump lang sakin.

Dumiretso ako sa unit ni JA at saka kumatok ng ilang beses. Maya maya ay nagbukas na ang pintuan at kumunot ang noo ko ng tumambad sa akin ang kagigising na Tristan.

“Si JA?” kaagad na tanong ko kay Tristan na sumandal sa pintuan na antok na antok pa.

“Maaga umalis ate, kukuhanin ata sasakyan nya.” saad sa akin ni Tristan na may paghikab pang nalalaman sa harapan ko.

“Hi Gaile!” biglang sabi ko at kunwaring may kinakawayan pero wala naman. Gusto ko lang asarin si Tristan.

Bigla namang umayos ng tayo si Tristan at inayos nya ang suot nyang damit pati buhok nya.

Konti na lang ay sasabog na ang tawa ko kay Tristan. Nang mapagtanto nyang inaasar ko lang sya ay sinamaan nya ako ng tingin. That moment I burst out laughing.

“Tigilan nyo nga si Gaile! Tatamaan kayo saken na magtropa! Tristan at Kristoff.” saad ko at saka pinitik ang noo ni Tristan.

Hihilahin ko na rin sana ang tenga ng sumingit na si Kristoff pero kaagad na nakalayo.

“Ate naman e! Tsupi nang asar ka lang ata e.” saad nya saka sinaraduhan ang pintuan. Tinawanan ko lang sya ng tinawanan hanggang makareceive ako ng text message.

From Attorney:
I’m in front of the condo, bumaba ka na ate. Tagal mo.

To Attorney: Pababa na

Ewan ko ba kung paano kami nagkakasundong magkapatid e pareho ata kaming attitude. 

Dinalian ko na ang pagbaba dahil baka mainis na naman sakin to e iwan ako. Ikli pa naman ng pasensya netong taong 'to.

“Oh bakit kinuha mo na kaagad sasakyan mo?” saad ko sa kanya pagkapasok ko ng shotgun seat.

“Alangan namang sumabay ka na naman kay Anthony, pisakin ko yun e.” saad nya as he started the engine.

“Hoy Jhun Adeo mas matanda yun sayo.” saad ko at pinitik ang tenga nya.

“K fine. Dr. Lopez. Ok na?” saad nya na bumaling pa sa akin.

“Sino bang may sabi sayong isasabay ako nung tao.” saad ko at inayos ang seat belt ko. Tumigil sya sa pagmamaneho palabas ng compound na ito.

“You see that car? It’s him waiting for you to went outside.” saad nya sa akin at ibinaba ko ang window at napagtanto na sasakyan nga na ginamit kahapon ni Dr. Lopez.

Kaagad namang itinaas ni JA ang bintana kaya napasibangot ako sa kanya. Tinitignan ko pa e, epal talaga tong kapatid ko.

“What’s the problem kung sasabay ako sa kanya?” saad ko naman habang nagmamaneho sya at iniabot ko ang business card na may address.

Hindi nya yun tinignan muna dahil abala sya sa pag mamaniobra ng sasakyan.


“I just don’t want it. I don’t like  him sticking  around you.” Saad nya sa akin ng diretso at nakalabas na kami ng compound. Napabuntong hininga na lang ako sa iniisip ng kapatid ko.

“Isa pa ate paltan mo na kasi yung pepetsugin mong BMW.” saad nya at napatingin naman ako sa kanya at tinawanan nya lang ako.Hinampas ko sya sa braso nya ng sabihin nya iyon.

Palibhasa kasi mamahalin itong sasakyan nya. Akalain mo yun Bugatti Chiron charot, Bently talaga sasakyan nitong Attorney na ito.

“Grabe naman sa pepetsugin e ito ngang sayo nasira rin e ano—”

“Mind your own car.” Sabat naman nya sa akin at umawang ang bibig ko sa narinig sa kanya. Bigla ba namang uminit ang ulo ng makita ang adress noong ibibigay ko. Ano bang problema nitong attorney na 'to.


Nakarating kami sa tapat ng isang company.

Y.Levario Company ang nakalagay sa mismong harapan. Bumaba na kami ni JA at dumiretso na sa loob at dumulog sa reception.

Eto namang si JA parang hindi ngangayon dito dahil hinahayaan nya lamang ako habang nagiikot ang paningin nya.


“Hi goodmorning mam! How can I help you?” saad sa akin ng isang babae saka ngumiti.

“Ahm can I talk to Ms. Maria Carmilla Yap Levario.” saad ko at medyo napatingin sya sa akin.


“Ahm mam do you have any schedule today?” Saad nya pero napangiwi ako kanya saka umiling.

Kinapa ko ang card na iniabot sa akin ni Nurse Maureen at iyon ang iprinisita sa receptionist. Halos manlaki ang mata nya ng na scan yung card saka lumabas ang VIP card at nakalagay doon ang pangalan ko.

May tinawag syang mga lalaki at saka lumapit sa akin, nagugulantang ako sa nangyayari ng may nakapaligid na sa aking tatlong lalaki.

“This way Dr. Garcia.” saad noong isa saka itinuro ang daan at tumabi sila.

“Ate!” ah yeah nakalimutan kong kasama ko nga pala ang kapatid ko.

Hihilahin na sana ako ni JA ng harangan ako ng tatlong lalaki. Kumunot ang noo ko sa ginawa nila. Nagpakilala naman si JA na attorney sya pero parang wala lang.

“Attorney Jhun Adeo Rivera Garcia,Jr.” saad nya saka ipinakita ang ID pero wala lang sa nakaharang sa akin.

“We were told not to make the VIP get harmed.” napatawa naman ako sa winika ng isa sa mga lalaking humarang sa harapan ko.

Tinignan lang ako ni JA ng walang emosyon ng ibaba nya ang ID nya.

“Excuse me, he’s with me. I know him.” Saad ko at kaagad naman silang umalis sa harapan ko saka hinila ko sa tabi ko si JA. Malagkit ang tingin ng ibang babae sa kanya na naandito at tumitingin sa amin.


Maya maya lamang ay nakarating kami sa isang hallway na akala mo talaga walang tao sa sobrang tahimik. May sumundo sa aming isang babae, feeling ko ay secretary sya sa suot nya at nakalagay na rin sa ID nya.

“Good morning Dr. Garcia, Madam Carmilla is waiting for you in her office.” saad nya saka kami sinamahan hanggang sa tapat ng isang office.


May nakalagay sa taas ng door na ‘CEO’ kaya napanganga ako ng kaunti.

Tamang sunod lang sakin papasok si JA ng kumatok ang sekretarya at may sumagot ng ‘come in’. Tumingin lang sa akin ang secretary saka umalis na.

“Hi Ms. Levario good morning.” saad ko dahil nakatalikod ang isang babae na nakaupo sa swivel chair nya. Umikot ito saka tumayo at tumingin sa akin.

“Goodmorning Doc!” saad naman nya sa akin.

“Hi! Are you feeling well?” tanong ko kaagad sa kanya at niyakap nya ako.

“Yes Doc! As what I promised you I’ll be okay and now surprise! I’m the CEO.” saad nya na tuwang tuwa.

“Here’s the paint—”

“Ikaw?!?”
“You?!?”

Nagulat ako ng magkaharap ang dalawa. Ang kapatid kong kapapasok lamang na nasa may pintuan at si Carmilla na nakatayo sa harapan ko na ipaglalagay sana ako ng tea.


“Why are you here?!”
“Bakit ka naandito?!”

Sabay na saad nilang dalawa. Pinagmamasdan ko lang sila na magpatayan ng tingin habang ako ay nakaupo at nakasandal na sa couch.

“Teka teka, you know each other?” saad ko naman sa dalawa na nag-iwasan na ng masamang tingin  habang nakaupo na kami sa couch.

“Hindi”
“Yes”

“Hoy ano ba? JA ano?” saad ko at napairap naman ako sa inaasta ng dalawa.

“Fine. I know her ate, the truth is hindi nasira kotse ko, nasukahan ate kaya ipinalinis ko.” saad nya and I let out a chuckle.

Napatingin naman ako kay Carmilla na yumuko lamang.


“I constantly told him sorry but he refused to accept it.” saad ni Carmilla na masama pa rin ang timpla nya.

“Wait, wait nga. Tell me what happened.” saad ko at napabuntong hininga naman habang nakatingin sa dalawa. Naguguluhan ako sa sinasabi ng mga 'to.

“I was a bit tipsy that night, I just remembered na I booked a grab and I did not that know he’s not the one I booked pero pumasok ako sa kotse kasi bukas. Kasi I thought he was my grab driver pero nagkamali ako and lasing na talaga ako non and I vomit inside his car. He just don’t want my apology, ang suplado pa nagsosorry na nga e. I even offered him a brand new car but he refused.” Saad sa akin ni Carmilla at lumipat ang tingin ko kay JA.

“I’m pissed off back then that’s why I acted like that. Me a grab driver? My car for grab? No way ate.” Saad nya saka sya sumandal sa couch and he let out a smirk. Napasapo ako sa noo kasi para silang magjowa na magkaaway.

“Ahm sorry for the inconvinience Carmilla. Here’s the painting that you requested. I’ll just talk to him na lang. Sorry for his attitude Ms. Levario.” Saad ko at tumayo na, hinila ko sa damit si JA para tunayo na rin.

“You don’t have to say sorry Doc, stop saying sorry for the things you did not do. By the way thank you doc for fullfilling your promised to me eventhough it’s a bit delayed.” saad nya saka ako niyakap. Napangiti naman ako sa kanya.


Hindi ko naiwasang hindi makita ang pag-irap nya kay JA na tinignan lamang naman ng kapatid ko. Magpapaalam na sana kami pero may itinanong pa sya.

“Ahm Dr. Garcia are you two related?” saad nya sakin bago pagbuksan ang pinto.

“Ahm yes, he’s my brother.” saad ko saka ngumiti. Umawang naman ang bibig nya.

“Ahm okay. Pero Doc hindi halata.” saad nya pambawi saka inirapan si JA.

Iimik na sana si JA pero kinurot ko na ang tagiliran nya saka na kami nagpaalam paalis.


“Taray grab driver ka pala.” asar ko kay JA ng nasa sasakyan na kami. Hindi nya ako pinapansin habang nagdadadrive sya.

“Poor car, sinusukahan lang ng lasing.” asar ko pang muli pero ng tignan nya ako ng matalim ay tumigil na ako kakaasar dahil baka bigla nya na lang akong ibaba dito sa tabing kalsada.

Tumawa na lang ako saka tumingin sa labas at pinagmamasdan mga nadadaanan namin.

“Wait for me here, I’ll just get something.” saad nya sakin ng itigil nya ang kotse sa tapat ng firm nya.

“Sama na ako hoy!” saad ko at bumaba na sa sasakyan at sinundan ko sya.

Habang paakyat ay hindi ko maiwasang hindi mapansin ang malalagkit na tingin ng ibang tao na naandito kay JA.

Narating namin ang office nya at napansin kong habang naglalakad papunta sa office nya ay malagkit ang tingin ng kababaihan sa kanya habang ang tingin sakin ay handa silang pumatay.

Napatawa naman ako ng may naisip akong kalokohan. Lumingkis ako sa braso ni JA na napapitlag sa ginawa ko. Nginitian ko lang ng matamis ang mga babaeng nakasunod ang tingin samin.

“What are you doing?” saad nya na pilit inaalis ang pagkakahawak ko sa braso nya.

Binitawan ko na sya ng tignan nya ako ng masama at pumasok na sa office nya.

Naiwan ako dito sa labas at may mga nakatingin pa rin sa aking mga babae. Yung iba sumusulyap lamang sa akin tapos aalisin na rin.

Nginitian ko lang ang secretary ni JA dahil kilala nya ako, tumango lang sya sa akin saka ngumiti.

“Chill girls! Hindi ko aagawin sa inyo ang Attorney nyo. Duh he’s my brother. Relax your ass.” saad ko naman at nagkatinginan ang mga babaeng kanina pa akong tinitignan.

Sakto namang labas ni JA at nakakunot lamang ang noo nya na tumingin sa paligid.

Ngumiti lamang ako sa kanya saka sumunod na ng hindi nya pinapansin ang mga tingin na malagkit sa kanya.

Patuloy ko syang inaasar hanggang sa maibaba na nya ako dito sa hospital namin.

“Aren’t you going to see daddy?” saad ko ng makababa ng kotse nya.

“Nope. Sawa na ako ate sa mukha ni daddy, next time na lang.” saad nya sa akin at inirapan ko lang.

“Palitan mo na pepitsugin mong BMW!” sigaw nya saka pinaharurot ang sasakyan nya paalis.


Napasinghal na lamang ako saka pumasok sa loob.

May mga bumabati naman sa akin na mga nakakasalubong ko. Dumiretso ako sa offce saka naglagay ng coat at lumabas na to check patients.

》》》》》

Comment