31

:))


I wake up ng makarinig ng nagpapatugtog sa labas. Napasimangot ako ng pang broken songs ang naririnig ko dine sa kwarto.

Sino naman kaya sa dalawa ang broken e ang aga aga pa bwisit.

Bumangon na ako at dumiretso na sa banyo and did my morning routine. Nag-apply lang ako ng liptint at powder.  I braided my hair and kinuha na sa bed ang nakapatong na bag at susi saka lumabas ng kwarto.


"Pansamantalang unan sa tuwing ika'y nahihirapan.." kumunot naman ang noo ko ng makalabas ako at ito ang naririnig kong kanta ni Borealis habang nag-aayos ng pagkain.


Naglakad ako palapit sa kanila at nilagay sa coffee table ang gamit ko muna. Hindi kaagad ako napansin noong dalawa kaya pinagmasdan ko muna sila.


"Pansamantala...." dugtong pa ni Borealis. Tinignan ko naman si Mia na nakabusangot lang din ang mukha.


"Hoy ang aga aga anong kantahan yan?" Saad ko at medyo napatalon si Borealis sa tayo nya.

Nagulat siguro sakin dahil hindi nila ako napansin.

"Ewan ko ba diyan sa babaeng yaan, nagising na lang ako at paglabas ko ganyan na yan." saad ni Mia at naupo na kami para kumain.

Sinamaan lang kami ni Borealis ng tingin at nagmake face pa na ikinatawa namin.


"Ano yan? Wazzup! Good morning sa lahat maliban sa hindi pinili! Ganun?" Saad ko at itinaas pa ang kamay na kunwaring may hawak na camera, ikinatawa naming tatlo ang ginawa kong kalokohan.

"Tangina nyo talaga mga sadista." saad nya at nagsimula na kaming kumain.

Iniwan na namin muna ang pinagkainan sa lababo at mamaya na lamang pagbalik namin aayusin. Kinuha na namin gamit namin at sabay sabay na ring lumabas at nagtungo sa lobby.


Pagkarating namin dito ay nag-iintay na sa amin ang service namin. Sumakay na kaming tatlo sa likod, sa may bintana ako nakapwesto. Inaasar pa rin namin si Borealis na kunwari ay nagbavlog kami.

"Wazzup mga ka broken!"
"Kung bago kayong broken, pwes ako din!"
"Ano pang hinihintay nyo?! Subscribe na!"

Kulang na lang ay patayin na kami ni Borealis sa pinaggagawa namin sa kanya. Hanggang makarating dito sa hospital ay inaasar parin namin sya.


"See you later!" Saad naming tatlo sa isa't isa. May lunch kami at hindi ko alam kung papaano napapayag ni Mia na sumama si Borealis kahit kasama si Jaylen.


Walang bago sa routine namin dito sa hospital. May iba't ibang tao na nakakakilala sakin dahil ng daddy ko.

This is what somehow I hate the most, when people just know you because of someone not because of who you are.


I'm currently here seating and I'm just drawing something on my notebook. Sometimes I draw some organs based on what I've read or based on notes ko.

May ilang drawings rin dito ng ilang anime characters or cartoon characters like blossom, buttercup, bubbles, and others.

"What?!?" Singhal ko ng may umagaw ng notebook na pinagdradrawingan ko.


Pagtunghay ko ay bumungad sa akin ang pagkakakulit kong kaklase kaya napabuga na lang ako sa hangin.

"What do you need Aliyah Gaile Ferrer?" Saad ko at tinignan sya na napatingin sakin ng buoin ko pangalan nya.

"Chill ka lang, init kaagad ulo neto e.." saad nya at tumingin muli sa notebook ko.

"Ganda mo naman magdrawing bakit hindi mo na lang i pursue 'to?" Saad nya at bumaling sakin ang tingin nya at napangiwi sya ng salubungin ko sya ng tingin.



Kinuha ko ang notebook ko sa kanya at tinignan lamang sya na nakangisi parin sakin.

"What?" Saad ko sa kanya ng tignan ko ang oras sa relo ko at lunch na.


"Oo na eto na.. may naghahanap sayo sa baba." saad nya sakin kaya napabaling ako kaagad.


"Sino daw?" Saad ko at lumabas na roon na kasunod ko parin si Gaile.


"Kristoff daw pangalan nya sabihin ko daw na may poging naghahanap sayo." saad ni Gaile kaya napatigil ako at tinignan sya.


From Mia:
Una na kami Adea, dito kami sa kabila dumaan. Dating kinakainan parin tayo. Sunod ka na lang. Ingat!


Napabuga ako sa hangin ng mabasa ko ang tinext ni Mia sa akin. Hindi talaga makapaghintay ang babaeng to na makita si Drix.

"Gaile wala kang pupuntahan?" Tanong ko rito ng matanaw ko sa may labas na maraming nagtitinginan.

"Sa ICU may pinapacheck bakit?" Saad nya at pumantay ng lakad sakin..


"Bakit ka pa sumusunod sakin? May kelangan ka pa?" Saad ko sa kanya para lubayan na nya ako.

"Pakilala mo naman ako dun sa Kristoff, gwapo e hihi" saad nya na tuwang tuwa pa.


Napasapo ako sa noo ng makitang nagpapapogi na naman si Kristoff sa labas. Bwisit na batang to ay kainaman naman ang kakulitan din.

"Kristoff!" Tawag ko sa kanya at lumapit naman ako saka pinitik ang tenga nya.

"Aray naman!"

"Ano bang ginagawa mo dito?" Saad ko sa kanya and I crossed my arms.

"Binibisita ka, bawal ba?" Saad nya at nakarinig ako ng bulungan sa likod. Na kesyo lakas daw ng loob at dito pa sa hospital ni daddy ganito ganyan. Napatawa naman ako sa iniisip nila.

Kumunot ang noo ko ng tumingin sa likudan ko si Kristoff at si Gaile ay nasa likod ko parin. Jusko Kristoff hahambalusin na kita tignan mo.

"Hi! Kristoff nga pala!--" napairap ako ng sumigaw si Kristoff at kumaway kay Gaile. Inakbayan ko na sya at umalis na doon dahil naiirita na ako sa tinginan ng nga tao doon.


"Ate naman papakilala lang e damot." saad nya at sumibangot pa sakin.

Ginulo ko naman ang buhok nya pilit nya itong inaalis. Napatigil ako sa nakita ko sa di kalayuan kaya nabitawan ko na rin ang buhok nya.

Nakita ko na naman yung lalaking araw araw na lang sinusundan ako.

"Hoy ate!" Sigaw nya kaya napabaling ako sa kanya.


"Ha? May sinasabi ka?" Saad ko at napaisod naman ako ng humakbang sya sa harap ko at sinundan ang tinignan ko kanina.

"Para kang timang dyan, sino ba tinitignan mo?" Saad nya at patuloy na tinitignan ang gawi ko kanina.


"Teka nga! Ano ba kasing ginagawa mo nga dito?" Saad ko sa kanya at hinila na sya paliban ng kalsada.

"May pinabibigay kasi si Oliver kay ate Mia e." saad nya at inilabas nya ang isang kanina pa pala nyang hawak na sobre.

"Akin na ako na magbibigay." Saad ko at kinuha ang iniaro nyang sobre. Nilagay ko iyon sa bulsa ng coat ko. Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad. Nakaramdam ako ng may sumusunod parin sakin.

"Ano na naman ba Kristoff?!?" Saad ko ng pagbaling ko ay mukha ni Kristoff na busangot.

"Tomguts na ako ate!" Saad nya sakin at nagmamakaawa pa na isama ko na daw sya sa kakainan.

"Para kang timang dyan! Wag mo nga akong ngusuan paduguin ko yan e." saad ko tumango na lamang at sumunod na sya sakin.

Nagulat ako ng para syang bata na nakakapit sa bisig ko. Wala na akong magawa dahil maiirita lang ako sa isang ito.


Pumasok na ako sa isang resto at nakita ko naman kaagad sila. Nakakunot ang noo nina Drix sakin at sumama din ang tingin ni Aziel ng makita nya ako.

"Lods! Dyan ka na pala." saad naman sakin ni Jaylen kaya napatingin sakin sina Borealis.

"Kristoff!!" Saad ni Borealis ng makita nya si Kristoff at nagyakapan ang dalawa.

Ngumiti naman kaagad ako kay Aziel pero iniwasan nya lang ako ng tingin. Anong meron sa lalaking to napakamoody. Untog ko 'to eh.


"Pinabibigay ni kuys Oliver." bulong ni Kristoff na tamang kami lang ang nakarinig, ng yakapin nya si Mia. Nanlaki naman ang mata ni Drix ng makita nya iyon. Tatayo na sana sya ng pigilan ko sya at nginitian.


"Hoy Aziel hindi ka kakain?" Saad ko ng mapansing hindi nya ginagalaw ang pagkain nya. Napatingin din sa kanya ang iba.


"Wala akong gana." saad nya ng diretso at walang emosyon saka umiwas ng tingin.

Tinignan ako nina Drix at nagkibit balikat lang ako.


"Pakuha ng sauce." saad ni Mia at napatingin kami kung asaan ang sauce. Nasa harap ito nina Jaylen at Borealis.

Sinipa ko sa ilalim ng mesa si Mia na napatingin sakin at umiling lang. "Yung sauce oy." saad ulit nya.


Napatigil kami nina Drix ng magkasabay ng dampot sina Jaylen at Borealis kaya nagkatinginan sila pero nagiwas din.

Pareho nilang binitawan yung sauce. Napaumis naman kami nina Mia at Drix pati na rin si Aziel.


"Ako na nga tss." saad ni Kristoff ng kunin nya ang sauce. Nakita ko namang nag-igting ang panga ni Drix ng iabot ito ni Kristoff kay Mia.


"Oh ang sauce may akward ata dito ate Mia e." saad ni Kristoff at nahampas sya ni Borealis na tinawanan lang ni Kristoff.


"Relax ka lang Drix, wag mo ngang pagselosan ang bestfriend ng kapatid ko haha duh we're engaged." saad ni Mia at ipinakita ang singsing nya.

Napatawa naman kami sa sinabi nya kay Drix at tumawa lang ng sarkastiko.

"Sana ol" saad naman ni Kristoff na mas tinawanan namin.

Halos tapos na kaming lahat sa pagkain pero hindi parin ginagalaw ni Aziel ang pagkain nya.

Tinitigan ko sya ng makuha ang atensyon nya pero nagiwas lang sya tingin.

Busy sila mag-usap usap dahil sa kadaldalan ni Kristoff.

"Basta ate ah abay ako sa kasal nyo."

"Kedric Aziel." Tawag ko rito at napatingin naman sya sakin kaagad na nakakunot ang noo.

Napatahimik din ang table namin at nasa amin ang atensyon.

"Adalyn Evie." He fired back at me. He's pissing me off. Naiirita ako sa kanyang pakana.


"Why aren't you eating?" Saad ko at tinignan nya lang ako at ang pagkain nya.

"I told you wala akong gana, busog pa ako." saad nya ng walang emosyon. Napatahimik ang table namin at wala talagang umimiik.

"Then you shouldn't have come kung hindi ka rin pala kakain." saad ko at tumayo na saka kinuha ang coat ko. "I'm going." Inayos ko ito at narinig ko pa ang usapan nila.

"If you're jealous of me don't be, she's my ate. And if ever man na I like her baka mapatay lang ako nyan. I know you're courting her, minus points ka sakin dun pre." saad ni Kristoff na tumayo na at hinila na ako ng tuluyan palabas.


Pinasakay ko na si Kristoff sa labas at kumaway na sya sakin ng paalis na ang sasakyan nya. I smiled at him saka naglakad na paalis.

I was taken a back when the girls were now infront of me kaya napabuga ako sa hangin.

"What?" Saad ko at naglakad na muli.

"So your plans are working huh." saad ni Borealis sakin kaya napatingin ako sa kanya pati na rin si Mia.

"Psh wag mo kong tignan ng ganyan Adalyn Evie, alam kong planado mo yun dahil birthday na ni Kendric sa sabado hindi ba?" Saad nya kaya wala akong nagawa at napangiti na lang at tumango.


"How did you know it?" Tanong ni Mia habang papalapit na kami sa hospital.

"I know Adea she won't do it to Aziel to the point na magwalwalk out yan? No way. Alam naman natin Mia na hindi gawain ng isang Adea yun hindi ba?" Saad ni Borealis na nakapagpatango kay Mia at nagtawanan naman kami.


I smiled on the thought of how much they know me. Sarap sa pakiramdam na kilala ka talaga ng mga kaibigan mo na sa kahit maliit na bagay alam nila tungkol sakin. Swerte ko dahil nakilala ko sila.

Napatigil kaming tatlo ng may tumawag sakin habang papasok kami ng hospital. Hindi ko kaagad ito nilingon at tanging sina Mia lang ang lumingon sa tumawag.

"Adea, baby boss..."

Comment