24

:))


Walang umawat sa kanya dahil kilala si Aziel dito.


Walang nagtatangkang awatin sila. Maraming nakatingin at kitang kita ko ang galit sa mata ni Aziel.


"Sino ka ba bitawan mo nga ako!" Saad ng lalaki kay Aziel. Alam mong baguhan dito e.


"Ako si Drake! Hindi mo ako nakilala sino ka ba ha para pakealaman ako?!" Sigaw nung Drake kay Aziel.


Lumapit lang ako sa kanila at hinila ko yung babae papalapit kina Borealis para pakalmahin.


"Aziel nga pala pangalan ko at itatak mo yan sa kokote mo! ke bago bago mo pa lang dito ganyan na ang asta mo! Kala mo kung sino!" Saad ng matiim ni Aziel at nginisian lang sya ni Drake.


"Haha! Kilala nyo ba tong pakealamero na 'to?" Saad ni Drake ng sarkastiko.



"Aziel daw mga tsong oh." saad nya at kita kong nag-igting ang panga nya sa narinig.


Nilibot ko ang paningin ko at lahat sila ay nagtalikuran at parang walang naririnig.



Yung iba ay umiling iling pa. Biglang dating naman ni Red kasama ang tropa nya.


Hinarangan ko sila at tumayo sa harap nila. Napatigil sila ng makita nila ako.



"Adea." saad ni Red na hindi makapaniwala.



Tinignan ko lang sila at nakuha nila ang tingin kong wag makekealam.


Tumalikod ako at lumapit kay Aziel na hawak parin sa kwelyo si Drake.


Tinignan ako ni Aziel at kita ko ang mata nya na nagaapoy sa galit. Binaling ko ang tingin kay Drake na nakakunot ang noo sakin.



"Bitaw." Saad ko at napatingin sakin ng diretso si Aziel.



Tinignan ko lang sa mata nya na parang pinakikiusapan at pinapakalma.



"Bitaw Aziel." saad ko ng seryosong seryoso at unti unti nyang binitawan.




Nagpagpag naman ng damit si Drake at tinignan ako at ngumiti.



Mas lalo akong nairita sa ngiti ng bastos.




Tumalikod si Aziel at bigla akong inakbayan ni Drake.




"Salamat babe." saad sakin ni Drake at napapikit sina Red ng makitang hawak na ako sa bewang ni Drake.



Akmang lalapitan na sana ako ni Aziel ng pigilan ko sya.



"Red bagong chicks oh." saad ni Drake ng makalapit kami sa kinatatayuan ni Red.




Nginisian ko lang si Red, kilala nila ako pag ganito na ako umakto.



Nang maramdaman kong pababa ng pababa ang hawak nya sakin ay mabilis akong humarap sa kanya at sinakal sya.



Nagulat sina Red sa ginawa ko, hindi nila inaasahan iyon. Pasalamat 'to at wala akong dalang baril kung hindi sabog na utak nito kung meron man.




Dinikit ko si Drake sa pader at sakal ko parin sya. "Ibaba mo ko." saad ni Drake pero mas lalo ko lang sya diniin.



Namumula na sya dahil hindi na makahinga ng ayos.




"Sa susunod kikilalanin mo ang kaharap mo." saad ko ng matiim sa kanya.



"Di na kita kailangan-- ehem-- kilalanin pa sa ganda--ehem-- at sexy mong 'yan sa---ehem-- suot mo, dapat kasi hindi ganyan--ehem-- suot mo para di ka mabastos--ehem--" saad nya ng tignan ako hanggang baba, lalo lamang uminit ang ulo ko kaya ibinaba ko sya.




Hindi pa ako tapos. Tumalikod ako at kumuha ng beer ng hawakan nya ang balikat ko.



Mabilis ko syang hinarap at sinakal at dinikit ulit sa pader. Binasag ko sa lamesang katabi ang beer at tinutok sa leeg nya ang hawak ko.




Nakita kong lumunok sya ng sariling laway. Ramdam ko ring maraming nagulat sa ginawa ko pero yung iba ay sanay na sa ganito.





"Wag na wag mong sasabihin saming mga babae kung paano kami dapat manamit. Kung bastos kang tangina ka bastos ka. Kung manyak kang hayop ka manyak ka!" Saad ko at idiniin sa leeg nya ang boteng basag at nagsugat ito ng maliit.




Tinignan ko ang itsura nya at di maipinta ang kaniyang mukha sa takot na tuluyan ko sya.





Iniipod ko ang bote sa may malaking ugat sa leeg nya. Tumawa ako ng bahagya sa kanya na mas lalo nyang ikinatakot, lalo na sina Red na walang magawa.




"Mamili ka, hihingi ka ng tawad at mangangakong hindi na uulitin ang ginawa mong kahayupan sa kahit na kanino sa harap naming lahat o.." tigil ko saglit at diniin ng kaunti sa leeg nya ang bote.


"o maghuhukay ka ng sarili mong libingan." saad ko at tinitigan sya ng matiim.




"Sorry--" saad nya at binitawan ko na sya. Ibinaba ko na rin ang boteng hawak ko ng magsimula na syang magsorry.



Nang matapos sya ay tumayo na ulit ako at kinaladkad sya papunta sa harap nina Red.



Ibinato ko si Drake sa harapan ni Red at tinignan sya. "Adea nga pala. Tandaan mo yan." Saad ko at napaatras naman si Drake at humawak kay Red na napapikit na lang.



"Red alam mo na ang gagawin dyan. May batas tayo dito Red alam mo 'yan. Kilala mo ako Red, alam mo ang ginagawa ko sa hindi sumusunod sa batas. Sa susunod na magpasok ka pa ng bastos dito ikaw ang pupuruhan ko, pasensyahan tayo." saad ko at nagcross arms sa harap nya.




"Ako na bahala dito Adea." at tinanguan ko na lang sya.



Nawala na sila sa paningin ko at nakita kong ginagamot ni Red sa isang tabi ang sugat sa leeg ni Drake.




Bumulong ako sa ilang tauhan dito na bantayan ang grupo ni Red sa gagawin nila.



"Makinig kayong lahat!" Saad ko at nagsitigil sila sa ginagawa nila at lahat ng atensyon ay nasa akin.



"Makarinig pa ako at makakita ng nambabastos di ako magdadalawang isip na pasabugin ang ulo sa kinatatayuan nya." saad ko sa kanila at tumango na at nagtuloy na sila sa kani kanilang ginagawa kanina na parang walang nangyari.




"Okay ka lang? Nasaktan ka ba?" Saad ni Aziel ng hawakan nya ako sa balikat ko. Kanina lang dark aura sya tapos biglang naging light pagdating sakin.




"Okay lang ako don't worry." saad ko at ngumiti. Hinalikan nya lang ako sa noo at binitawan na.



Alam kong pinapanuod kami nina Jaylen. Naupo na kaming lahat sa table namin kanina.




"Kanina lang cap para kang papatay anytime tapos ngayon para kang anghel na parang walang ginawa ah." saad ni Jaylen at binato sya ng tissue ni Aziel, nagtawanan naman kami sa inasta nila.




"Salute talaga ako sayo Adea katakot ka kanina." saad sakin ni Drix na parang mangha na mangha sakin.



Tinawanan ko lang sila at kung ano ano ng ginawang asaran nila habang umiinom.




"May gagawin ka bukas?" Tanong sakin ni Aziel pagkahatid nya sakin sa tapat ng condo ko.



Inihiga na nina Jaylen at Drix sina Mia at Borealis sa loob at nakababa na rin ang dalawa.


"Wala naman." saad ko sa kanya na nagtataka sa tanong nya.




"Sunduin kita bukas, I'll just text you later what time." saad sakin ni Aziel at hinalikan na ako sa noo at kumaway na paalis.




Pumasok na ako sa loob and I did my night care routine. Pagkatapos ko ay dumiretso ako sa kwarto ko at umupo sa study table.



Nagiisip ako kung anong plano ko sa nangyayari.


From Aziel:
I'll see you tomorrow at 8am I'll fetch you don't worry.
Wear something casual
Good night baby

To Aziel:
See you!
Goodnight!



Yun na lamang ang inireply ko sa kanya  dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Sunday naman bukas so walang problema kung may lakad.



Himala at hindi ako hinahanap nina Mama at Daddy ngayon siguro ay busy na naman sila sa isang bussiness nila pareho sa probinsya namin.



Parang gusto ko ngang umuwi sa probinsya e makalanghap man laang ng fresh air kahit sandali.



Kailan kaya ulit iyon. Isa pa hindi pa namin pala nakukuha kay Boss Tito Kevin ang task namin.


Dami naman kasing nangyayari e. Balita ko ay umalis si daddy pansamantala sa hospital e kaya hindi na ako nagtaka sa kanya kung asaan.




Nareceive ko na ang email at tinignan iyon. Napangiti ako ng makita ang resulta.



Makakaganti na rin ako sayo James Dan, pagsisihan mong ako ang binangga mo at si Thea ang kinampihan mo.



Hahayaan kitang gawin ang gusto mo ngayon pero maghanda ka na 'pag ako na ang umatake sayo. Nakaramdam na ako ng antok kaya natulog na ako.



Maaga akong nagising at halos sabay sabay lang kaming tatlo dahil sa alarm ni Mia na hindi naman napatay.



Sinamaan namin sya ng tingin at ngumisi lang samin ni Borealis at nagdiretso na sa bathroom.


Nagdalidali na rin ako dahil alam kong mayamaya lamang ay naandiyan na sa baba si Aziel at naghihintay.


I wear my spaghetti strap peach dress na pinatungan ko ng denim jacket paired with a sneakers.


Hindi ako fan ng heels kaya bihira mo kong makikita na nakaheels.



I just put powder and liptint and I just styled my hair a half  braid.



"Una na kami sis nasa baba na daw sina Aziel!" Sigaw ni Mia na hindi ko alam na pare pareho pala kami ng lakad.



Tinanong ko sila kung pasaan at hindi naman daw nila alam kung saan din sila dadalhin.



Nilock ko na ang pinto at bumaba na. Nadatingan ko sila na nagpipicture habang nag-aantay.



Nakita ko naman si Aziel na nakasandal sa kotse nya at nakatingin lang kina Jaylen na nagkukulitan.


He's wearing a  linen button down shirt paired with a kaki chinos and his white sneakers.


Tumingin sya sakin kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad at nakarating sa tapat nila.


"Ganda mo naman baby boss." saad naman sakin ni Jaylen pagkarating ko kaya inirapan ko lang sya.


Picture naman dyan. Ngumiti lang ako ng kuhanan nya ako ng picture katabi sina Mia at nakaakbay sakin si Borealis.



"Mas maganda yang katabi mo." saad ko at ngumisi kay Borealis ng tignan sya ni Jaylen.



"Walang duda." saad ni Jaylen at hinampas naman sya ni Borealis at nagkulitan na sila.



"Ngayon ka lang nagdress baby boss ah." saad naman sakin ni Drix. Bakit naman kasi pinansin pa Drix.



"Sinabi mo pa Drix, kaya dapat Kendric lagi mong inaaya to lumabas para magamit naman dresses nyan sa kwarto nya." saad ni Mia na tumawa at nakipag-apir kay Drix.



"Ikaw din dapat lagi ka inaaya ni Drix para more dates to come, huli pero di kulong." saad ko at nginisian si Mia kaya naman inismiran na nya lamang ako.



Sumakay na kami sa kanikanilang kotse. Syempre kasama ni Mia si Drix, si Borealis at Jaylen at kami ni Aziel.


Pinagbuksan nya ako ng pinto at saka pinasakay. Umikot sya para makaupo sa driver's seat.


"You look handsome today in your outfit, Aziel." saad ko at iniiwas na ang tingin ng lingunin nya ako.



"What did you say? Pakilakas nga hindi ko narinig e." saad nya sakin at tinigil pa talaga sa tabi ang sasakyan.



"What? Did I say something?" Saad ko naman sa kanya pagdedepensa.



"May sinabi ka e, ano ulit yun?" pangungulit nya pa sakin at nakangiting nang-aasar pa.


"Ha? Guni guni mo lang yun. Tara na." saad ko na natatawa pa at hindi na sya nilingon. Alam kong nakatingin pa sya sakin pero naalis rin iyon.



Mas lalo akong natawa ng magdrive sya at sumeryoso ang mukha.


Hindi na nya ako pinansin hanggang makarating kami dito.


Hindi ko napansin na sa simabahan nila kami dinala.


Namiss ko magsimba kasama si mama at daddy. Nakita ko rin ang pamilya nya kasama si Kiel kaya kaagad ko syang nilapitan.


Nagmano naman ako kay tita Lilia at tito Je.

Comment