32

:))

Kilala ko ang boses na iyon kaya kahit hindi ko lingunin kilala ko.

Umalis na yung dalawa at nginitian lang ako saka ngumuso sa likod ko at kumindat bago magsara ang elevator.

Napahinga ako ng malalim at nagbalik beastmode na ulit.

Lumingon na ako sa kanya at makikita ko sa mata nya ang sakit.

Sorry but it was all a plan. Lumapit ako sa kanya at hindi pa ako nakakahakbang ay kaagad naman nya akong niyakap.

"Sorry baby, I did not mean it. I admit I was jealous. I did not know him at first, sorry baby." saad nya and konti na lang parang hindi ko yata kakayanin pang magpanggap.

Bumitaw na ako sa yakap at hinarap sya.

"It's fine, go back to the hospital we'll just talk later." Saad ko sa kanya at malungkot na ngumiti lang.

Hindi dapat tayo marupok today kasi masisira ang plano natin mga sis. Tinanguan ko lang sya and for the last time he hugged me before he left.

Nakahinga ako ng malalim at naglakad na paakyat sa floor namin. Pagkarating ko dito ay ganuon parin naman ang gagawin namin.

Natapos ang maghapon ko at wala namang bago sa hospital na ito. May mga dumarating na pasyente at may mga nadidischarged din.

Naandito na ako sa locker room para magpalit na ng damit at makuha ang gamit. Diretso na ako sa condo since kanina pa pala nakaalis sina Mia at Borealis.

Nagmadali na ako dahil medyo kumikidlat so baka abutan pa ako ng ulan.

Nakarating naman kaagad ako dito sa condo and medyo umaambon na sa labas kaya tinakbo ko na papasok.

Umakyat na ako sa condo unit namin at pagkapasok ko ay nakita ko naman yung dalawa na nakaupo sa coffee table at may pinaguusapan. May beer pa silang kaharap kaya napangiwi ako.

"Hey Adea you're here na pala." saad ni Borealis sakin and she stood up para itapon yung bote na pinag-inuman.

"How did it go?" Saad muli nya sakin.

"Ha? Ang alin?" Saad ko at napakunot ang noo ng magtinginan sila ni Mia.

"Yung usap nyo ni Aziel kanina duh." singit naman ni Mia at prenteng umupo.

"Ah yun? Ok naman muntik na ako bwisit." saad ko at napairap na lang.

Iniwan ko na muna sila na nagtatawanan pa dahil alam kong aasarin lang nila ako. Dumiretso na ako sa kwarto para magpalit na ng pambahay saka lumabas ulit.

"Congrats, medyo di ka rumupok sa part na yon." salubong naman sakin ni Borealis at umupo na kami para kumain ng hapunan.

Nagpadeliver na lang kami kasi kung magluluto e mas matatagalan pa.

"Congrats rin si Kristoff nag-abot ng sauce kanina." saad ko at tinignan ako ng masama ni Borealis saka naman tumawa si Mia.

"Epal kase neto pwede namang sya na lang kumuha ipapaabot pa." saad ni Borealis at sinipa pa sa ilalim si Mia.

"Aba di ko kasalanang mabait kayo pareho e haha" saad ni Mia at itinaas na ang paa ng hindi maabot ni Borealis.

Halos nagtawanan na lang at nag-asaran habang kumakain kami.

"Ano nga palang balak mo sa birthday ni Aziel?" Tanong ni Mia ng makalapit sya sa amin ni Borealis na nakatambay lang sa balcony.

"Simple surprise lang siguro naman maaappreciate na yun kahit papaano." Saad ko sa kanila at itinuloy ang pagdadrawing sa digital sketchpad ko.

"What's your gift?" Tanong sakin ni Mia kaya napaharap kaagad ako sa kanila.

"Do I really have to give him a gift. Am I not enough to be the gift?" Saad ko sa kanila at nagkatinginan naman yung dalawa.

"Just kidding haha, syempre naman meron" saad ko sa kanila at medyo napatawa sa reaction nila.

Pumasok na kami sa loob since malalim na ang gabi. Inaantok na rin ako kaya papasok na sana ako sa kwarto ko when suddenly nagtanong si Mia sakin.

"Adea, I'm curious. Sasagutin mo na si Aziel?" Saad nya kaya medyo nagulat ako sa tanong nya.

"Ahm he's not asking me yet and also I'm not in a rush naman since I have to be a doctor muna. Isa pa I don't want a relationship na kung gaano kabilis naging kami ganoon rin kabilis nawala." Saad ko sa kanya and I also saw Borealis na nakikinig.

Ayokong magsisi sa huli.

Pumasok kaagad ako sa kwarto at nagsara ng babatuhin ako ni Borealis ng unan. Narinig ko naman ang tawanan sa labas. Dumiretso ako para gawin na ang night routine ko saka nahiga sa kama.

From Aziel:

Hey baby, are you up?
Babyyy
Adeaaa heyy
I'm sorry about earlier

To Aziel:
I'm off to bed
I said it's now fine diba

From Aziel:
Sorry for bothering you but I just can't sleep knowing na we're not in good terms
Kanina kasi you sound mad parin sakin e

To Aziel:
I said we're good Aziel nothing to worry
We should sleep, maaga pa tayo bukas sa hospital.
Goodnight! Sleep well!

From Aziel:
Okay fine baby
Goodnight! I love you baby

I did not even bother to reply kasi baka di ko na mapigilan sarili ko at masira ko pa sarili kong plano. I have to stick with it para worth it naman.


》》》》

Dumaan ang araw and ganoon parin sa hospital lang aral dito aral doon.

Aziel gets even sweeter after the day we fought. Today is his birthday and I'm nervous hindi ko alam kung gagana pa talaga tong plano ko.

Kinakabahan ako kasi he might not like it since his parents will be there also mine para sa kaunting salo salo manlang. Kausap ko na rin iba nyang friends to come for a mini party.

Ibinabalot ko na ngayon sa isang wrapper ang regalo ko. I painted him and I also painted a miniature photo of ours on the left side of the painting. I personally maid it since ayokong bumili ng bagay bagay ewan ko ba but I love to give people gifts when it was personally made.

We're now here at the venue where we are going to surprise Aziel. Hindi ko sinasagot texts and calls nya kanina. Isang beses lang sinabi ko na busy ako tapos nag end na ako. Kasama ko ngayon sina Mia at friends ni Aziel, nag-aayos na kami dito. Actually patapos na sya nilalagyan lang ng ilaw.

"Lods! Papasok na daw si Aziel at parents nya!" Sigaw ni Drix kaya kaagad silang nagtago sa may tabi at pinatay ang ilaw.

Naiwan ako dito sa may gitna hawak ang isang cake at lighter. Naririnig ko pang naggagakagulo sina Mia dahil ng camera.

"Ma? Tay? Ano bang gagawin natin dito e madilim dito sa garden patay ang ilaw--" hindi ko maiwasang hindi matawa sa reaksyon nya ng wala na syang kasunod sa likod.

"Ma! Tay! Walang kasama si Kiel doon, hahanapin ko pa si Adea." Sigaw nya at nagpalinga linga. Naglakad sya papalapit at ng masanggi nya ang isang tali ay unti unting nagbubukas ang ilaw kaya napa atras sya.

Sa pwesto ko huling bumukas ang ilaw. Pagkabukas noon ay sabay sabay kaming lumabas at tinakpan na nila ako.

"Happy Birthday Kendric!!!" Sigaw naming lahat. Medyo nagulat sya sa nangyayari at unti unti ng ngumiti.

Isa isa silang lumapit at bumati kay Aziel. Lumapit na rin parents nya at nakita ko pang sumimangot sya dahil sangkot din pala ang parents nya sa pakana.

"Drix! Si Adea?" Tanong nya kaagad at napalingon naman sina Drix. Ngumiti sila saka ngumuso sa akin na unti unting nagtatabihan ang mga kaibigan namin.

"Happy Birthday Aziel!" Saad ko ng tuluyan na syang makalapit sakin.

"I thought you were mad at me." saad nya sakin at nagulat ako when he suddenly hugged me.

"I'm not haha, sige na blow your candle and make a wish" saad ko ng tuluyan na syang bumitaw sa yakap.

"Happy Birthday!!" Sigaw ng mga kaibigan namin.

Nagtipon tipon na kami at nagsimula na rin ang kainan. Nagmano lang ako sa parents nya saka umupo na rin. Katabi ko si Aziel at nasa tapat namin ang parents nya.

"Iha nasan sina mommy mo? Wala pa ba?" Saad naman sakin ni tito Je.

"Ah eh Papa Je susunod na lang daw po sila e, sana nga po makaabot e." saad ko at ngumiti lang sa kanila.

"Oh ayan na pala sina mareng Lyn e." saad ni papa Je at paglingon ko ay nakita ko na si mama at daddy na palapit na.

Tumayo na ako at sinalubong na sila. Nagmano ako kay daddy at nagkiss kay mama. "Sorry anak we're late, si Aziel asan?" Saad naman sakin ni Mama and I smiled at her at tinuro si Aziel.

Binati ni mama at daddy si Aziel. Nagpaalam kami ni Aziel na aalis muna saglit para makapag-usap silang mga oldies. Dito kami sa may bench umupo ni Aziel at pinagmamasdan lang namin mga kaibigan namin na nag-aasaran.

"Did you like it?" Saad ko na nakatingin parin sa harapan namin. Matagal sya sumagot kaya napalingon na ako sa kanya.

Saktong paglingon ko ay nakatitig sya sakin kaya kumunot ang noo ko.

"Why? You don't like it?" Saad ko at mas tinitigan pa sya.

Ngumiti sya sakin kaya mas kumunot lang ang noo ko sa kanya.

My brows furrowed when he genuinely smiled at me.

"I really like it." Saad nya and he smiled at me.


"Did you prepare all of this?" He asked me and I looked away smiling.

"Huwag mong sabihin na pakana mo rin yung hindi pagpansin sakin?" Saad nya sakin kaya napatawa ako.

"Alam mo bang sobrang namiss kita. Inisip ko na lang na kelangan mo rin ng oras sa sarili mo di lang saken." saad nya then he hugged me. Wala akong masabi sa kanya.


"Kap regalo namin sayo oh." saad naman ni Drix na nasa harapan na namin.


"Istorbo ka." saad ni Aziel na masama ang tingin kay Drix.


Ngumiwi lamang si Drix at iniabot na ang regalo. Nagpasalamat naman si Aziel at nag fist bump pa ang dalawa.

Nagpaalam na rin ang mga oldies at yung ibang kaibigan namin kaya kami kami na lang nina Borealis, Mia, Jaylen, at Drix.


Iniabot na rin noong iba ang regalo nila, sinadya ko talagang magpahuli.

"Kap hindi mo pa ba tatanungin si Adea?" Saad ni Jaylen at muntik ko ng maibuga ang iniinom ko.

Nakaupo kami dito sa table at nakapaikot dito.

Tumingin sakin si Aziel at ngumiti. Umiwas ako ng tingin at tumingin kina  Mia na natatawa lang kasi tinanong na nila sakin yun.

"Not yet, hindi naman ako nagmamadali." saad ni Aziel at inakbayan pa ako.

Napatigil ako at medyo kinabahan sa hindi ko malamang dahilan.

"I'll wait for her when I know she's ready and we're both successful na para we won't depend on our parents na rin." saad ni Aziel at medyo napangiti ako don.


Nag-asaran pa at nagkwentuhan ng mga throwbacks nila dati. Kakailangan parin sina Jaylen at Borealis. Hindi pa namin sila nakikitang mag-usap.

I froze when suddenly Aziel intertwined our hands. Napatingin ako don at lumipat ang tingin kay Aziel na ngumiti lang sa akin at nakipagasaran na rin.

.The tables turn at sina Jaylen na ang pinagtritripan.

"Wag kasing magbestfriend e haha"
"Wazzup mga broken!"

Nagtuloy tuloy ang asaran hanggang sa magkayayaan na maguwian dahil may mga pasok pa bukas.

Hinatid kami ng boys sa condo. Before Aziel left he kissed me on my forehead. "Happy Birthday! This is my gift." saad ko at iniabot sa kanya ang gift.


"Thank you baby." saad nya at akmang bubuksan ng pigilan ko ito.

"Err no, open it when you got home then text me your reaction. I'll read it tomorrow since antok na ako haha. Goodnight!" I immediately ran papuntang elevator kasi I kissed his side lips, just a peck.

Comment