CHAPTER 53

Faridha's POV

What am I doing here?!

Sino'ng tanga ang pupunta sa pugad ng kalaban ng mag-isa?

Nakamasid ako ngayon sa tinutuluyang lugar ng mga Titans. Damn! Ang dami na nila. And may mga kawal pa na ang hirap patayin.

I tried to sleep kanina pero ayaw talagang matulog ng mata ko. Inabot pa 'ko hanggang alas-tres na nakapikit pero walang nangyari.

Kanina pa 'ko rito. Madilim pa nga kanina eh ng makarating ako rito.

Hindi ko alam kung ilang oras na 'kong nakatayo at nakamasid sa kanila. Never naman liliwanag sa lugar na 'to.

'Yung mundo lang ba talaga na ito ang gustong mabawi ng Titans? Or gusto talaga nilang mawala ang mga Diyos dahil sa pagkatalo nila noon.

Kung wala sila Zeus magiging madali ang mga plano nila.

Nakikita ko silang nakaupo habang naguusap-usap. Twelve chairs but someone is missing. Mnemosyne, where are you?

I feel the chills run down my skin when Cronus look at my direction. Tss!

Mabilis pa sa alas-kwatrong nag teleport ako sa harap ng palasyo.

Bumungad sa akin ang isang boses na tila nagwawala. And I know that voice so well.

Nasa gitna ito habang nakaduro ang kamay kila Zeus. Ang tabang talaga nito. At saka, bakit andito na naman ang mga Diyos na 'to? Masyado naman atang walang pinoproblema.

"Alas-tres na ng hapon! Nag-aalala na 'ko! Kanina ko pa siya hinahanap!!"

Damn! Three?! Tumagal ako ng gano'n doon?

"Paggising ko wala na siya! At first time nangyari 'yun sa loob ng limang taon!"

"Bakit dito mo siya hinahanap?"

"Saan pa ba pupunta 'yun?! Eh 'di dito!"

"Wala nga!"

"Huwag niyo 'kong iniinis!"

Ang eskandalosa niya.

"Nanay! Wala nga raw kasi rito!"

"Hindi! Ilabas niyo siya!"

"Wala nga kase rito!"

"Ilabas ni--"

"Masqui"

Napunta na sa 'kin ang atensyon nila.

Damn! Bakit ba alalang-alala siya?

Masqui let go the hand of her son. Umaalog ang balikat na tumakbo siya papunta sa akin. Tumalon pa ito ng makalapit saka ako hinagkan.

"S-Saan ka ba galing?!"

"Diyan lang,"

"S-Saan nga?! Alam mo bang sobrang nag-alala ako sa 'yo?!"

Wow! Daig niya pa ang panahon sa pag change ng mood. Kung kanina umiiyak ngayon naman galit na nakatingin sa akin.

"Somewhe--"

"Tell me the truth."

"Fine!"

Tiningnan ko siya. Hindi lang siya ang naghihintay sa sagot ko. Lahat din sila.

"Sa kalaban."

"Ano?! Solo ka?!"

I nodded.

"Hibang ka na ba?!"

Wala talaga siyang maitatagong sikreto eh. Megaphone ang bibig kahit saan kami mapunta.

"Ano namang ginawa mo ro'n?!"

"Nakipag sparring."

"Hayup na 'to?! Kung sabihin parang wala lang!"

"Naniwala ka naman?"

"Kaltukan kaya kita?!"

Umamba siyang kakaltukan ako kaya umiwas na lang ako.

"Nagmanman lang siya, huwag ka ng magalit diyan."

Huh?

"Hoy! Wrath plano niyo?!"

"Nope! Nauna kami ro'n kanina bago siya dumating."

Nando'n sila? Hindi ko man lang naramdaman presence nila.

"Lady, ang lalim ng iniisip mo kanina. Kung nakakapagpasabog lang ang tingin ubos na ang Titans."

Still, I can't believe na halos kalahating araw akong nakatayo at nakamanman lang. Hindi naman ako nakaramdam ng pangangalay ng paa.

"Limang taon na kaming nagmamanman doon."

"Kung gano'n, nakita niyo na ba si Mnemosyne?"

"Hindi, wala siya."

Where the hell are you? Don't tell me ginagamit ka lang talaga para mapalakas ang hukbo nila. Ginagamit ka nila, ang utak mo. You're memories.

I need to find and talk to you.

"Who's Mnemosyne?!"

"You don't know her?"

Kunot noong tanong ni Gluttony kay Masqui. He's eating again.

"Kaya nga nagtatanong 'di ba?"

"I can't believe it."

Pagtataka ang makikita mo sa mukha ng tatlo. Lahat sila parang tangang nakatingin sa kaniya.

"What?! I really don't know her."

"Malala na 'to mga pre."

"Paano mo makikilala eh wala kang ibang ginawa noon eh manglandi."

"H-Hoy! Faridha! Foul 'yun ah! Sama ng ugali mo."

Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko alam pero kusang umangat ang tingin ko sa taas.

Luh? Ano namang titingnan ko sa taas? Kulay blue na langit? Mga puting ulap na gumagalaw?

May milagro bang dadaan?

THIRD Persons POV

Lahat natulala sa babaeng nakatingala habang pinapanood ang galaw ng ulap.

Isa lang ang nasa isip nila, ang ganda.

Ilang minuto na itong nakatingala. Busog na busog naman sila sa kagandahan nito.

"Mama,"

Bigkas nito habang nakatingin pa rin sa taas.

Mama? Tanong nila.

Suddenly gold glitters and feathers appeared. Nahulog ito sa paanan ng dalaga na nakatingala pa rin.

Damn not now!

Iyan ang naisip ni Masqui. She knows what's happening. Her friend will literally transform.

Ilang sandali pa nangyari na nga. A black and white wing appeared. Tila isang alitaptap na kumikinang ang dalaga. Ang damit nito ay napalitan ng daring and revealing na suot.

Sa ulo niya naman ay tila may bumukas na portal. Kulay puti ito at ilang segundo lang ay hinigop ang dalaga.

Faridha's POV

When was the last time I came here?

"Tita or apo?"

Hindi pa rin siya nagbabago. I smiled at them. My parents and grandparents. Kompleto sila...

Yumakap muna ako bago naupo sa bakanteng upuan.

Bago makapunta rito ay kailangan munang nakalabas ang pakpak. 'Yan ang rules nila, apakaarte. Kaya tuwing pinapatawag nila ako nangyayari ang gano'n kanina.

Nakita pa tuloy nila ang isa sa ayaw kong transformation. Ang revealing, tangina.

"What's the matter?"

"How are you?"

"I'm more than okay, po."

Tinaasan nila ako ng kilay. Ahhh! Kilala nila ako.

"Enough of that."

Deym! Nakakatakot talaga boses nila kapag seryoso.

"Kailan ka ba mag-aasawa?"

"Huh?"

Speechless, gago. Ano 'to interview about sa buhay ko?

"I just want to inform you na sasakit ang ulo mo simula mamaya hanggang sa mga susunod na araw."

"Why do you mean by that po?"

I need to use the word po. Pinapagalitan nila ako kapag hindi ko 'yun ginagamit.

"Luci or Wrath?"

"What the hell?!"

"Greatest love or new love?"

"La?! Ano bang sinasabi mo?"

"Choose wisely apo. Kahit sino kung saan ka masaya."

Magsasalita pa sana ako ng nawala na sila. Nakabalik na 'ko.

Ang eme! Hindi ba ikinasal si Luci?

Kahit sino? The hell?! Don't tell me sila magpapasakit ng ulo ko?!

"Hoy beh! Tulala ka na naman!"

"Huh?"

"Tulala nga."

I shake my head. Wala lang 'yun. Don't over think.

"Magbihis ka na nga. Busog na busog na kami diyan sa katawan mo."

H-Huh? Damn! Ito parin pala suot ko. Ang revealing!

Kinumpas ko ang kamay para magkaroon ako ng maayos na damit.

Wala dapat akong ibang isipin kundi kung paano matatapos lahat ng 'to. Pagod na pagod na 'ko sa ganitong set up.

Dahil nga tulala ako, someone used his power. Napunta kami sa isang kwarto. Damn! Nasa loob kami ng palasyo kung saan nagaganap ang pagpupulong.

"Everyone, please take your seat."

Naupo ako sa pinakadulong parte ng mahabang mesa.

"Set aside the tension please. We're here to make a plan."

Sa bibig mo pa talaga nangaling 'yan Faris? Kanina ko pa kaya ramdam ang tensyon sa pagitan mo at ng mag-ina.

Nanatili ang tingin ko sa mesa. Ito naman ang gusto ko 'di ba?

"So... you successfully completed the process? Lumabas na pala ang pakpak mo."

"Yes,"

"How?"

"Kasi wala ka Rhea."

I may be sound rude but hell, I mean it. She seems shocked when I answered her just like that.

"Ehem, so any idea about defeating the Titans?"

"Natalo niyo na sila dati 'di ba?"

Wrath's question.

"Yes, but that was thousands of years ago."

"And it was a hell of a fight. An endless battle in a battlefield."

Sagot ni Zeus at Poseidon.

An endless battle. Ubusan ng pasensya at lakas kung gano'n?

"Kaya niyo pa ba silang kalabanin?"

"In our age? Hindi na kami tatagal."

Humihina rin kami. Lalo na kapag sobrang tagal ng nabubuhay.

"Sa ilang taon naming pagmanman masasabi kong sobrang lakas na nila."

"Wrath's right, eleven Titans and thousands of goons."

Twelve, they're twelve. I need to find Mnemosyne. I need to talk to her. But what if she's in a dungeon?

Damn it!

"Eleven? We fought twelve Titans."

"But we only saw eleven of them."

"One Titan is missing?"

"I don't know, Cronus is the only Titan I know. He's your father."

Yeah, Cronus is the popular Titan. Kilala talaga siya.

Nabalik ako sa ulirat ng nay humawak sa pisngi ko.

The hell?

Inalis ko ang kamay ni Wrath na nakahawak ngayon sa pisngi ko.

"Ginagawa mo?"

"You're spacing out."

"Don't touch me."

Binigyan ko siya ng masamang tingin.

"Twelve sila. Mnemosyne's missing."

"How?"

"Pumunta ako kanina 'di ba? Hindi ko man siya nakita, nararamdaman ko naman ang aura niya. Nandito lang siya."

"Idha, Mnemosyne is a very difficult Titan. Magaling siyang magtago."

"She's not hiding Artemis. Cronus and the others is using her memories for them to gain more strength."

"Damn! You're right."

I'm talking to them but hindi ibig sabihin no'n bati na kami.

"Ako na bahala. Hahanapin ko siya."

"Sasama ako!"

I raised by brows. Lucifer, Wrath and friends shout those words.

"Walang sasama."

"Beh,"

"I can handle myself."

"Bu-"

"Wala ng kokontra."

"Saan mo naman siya hahanapin?!"

For the first time na nagpakita ako sa kanila, ngayon ko lang narinig ang boses ng babaeng 'to. Lilith.

"Kung kailangang lusubin ko ang pugad nila gagawin ko."

"Ano?!"

Damn! Sigaw nila. Sabay-sabay pa.

"Hibang ka ba?!"

This time si Zeus na ang sumigaw. Nakatayo ito habang masamang nakatingin sa akin.

Parehas na kaming nakatayo. I clenched my jaw.

Wala na talaga akong desisyon kapag kasama ko sila.






Comment