CHAPTER 40

Faridha's POV

Normal lang ba na umiikot talaga ang pagtingin ko sa kaniya? Kanina pa ako natutulala at tila nablangko ang isip.

Tama ba ang narinig ko? Kailan pa nagkaroon ng anghel ang pamilya namin?

"Y-You're joking r-right?" I asked. Almost a whisper to me.

She smiled at me. Nakita ko pa ang pagkislap ng kaliwang mata niya. "I'm an angel, I can't lie." Tumaas ang isa kong kilay. Tss! Kahit anghel nagkakaroon ng kasalanan... lalo na kung tungkol sa pagkainggit.

"An angel can also lie."

"Okay okay, you win."

"But trust me, you have it. Kailangan mo lang palabasin."

"How?" Nawala ang nararamdaman kong kaba kanina at pagkabigla.

"Ilang beses na may nangyari sa inyo ng batang 'yon?" Wala man siyang nabanggit na pangalan pero may isang pangalan na pumasok sa isip ko. Si Lucifer.

Bakit niya tinatanong? Pinamulahan ako ng mukha at hindi makatingin sa kaniya.

"A-Anong connect?"

"It will be helpful if he mark you three times." She smirked at me. "Like this," pinakita niya sa akin ang tatlo niyang daliri.

"P-Paano naman 'yan makakatulong?"

Putangina! Ang sakit kaya ng ano niya! And he's fucking insatiable!

"Once he mark you three times," binitin niya ang sasabihin at masayang tumingala sa mga ulap. "Tuluyan ka ng magiging bampira. And it means, mas lalo kang lalakas." Posible ba 'yon? Para akong tangang nakatulala sa kaniya habang nakanganga pa.

"Goddess Rhea, alam kong maganda ka pero... okay ka lang?"

"You think I'm joking? I'm not," depensa niya. Pero hindi pa rin ako naniniwala. "I almost do it with Cronus every day." Dagdag pa nito. Nanlaki ang mga mata ko.

"Stop! Too much information!"

"Because of that... napabilis ang pagpapalabas ko ng pakpak."

"Napabilis nga, pumalpak ka naman." Sinamaan niya 'ko ng tingin.

"Totoo 'yon, just do it."

"Talaga ba?"

"Yes, I'm not going to train you if you don't make it."

"Is that a threat?"

"Yes,"

Napangiwi ako. Pucha seryoso talaga siya! What to do?

"After you do it, that mark on your neck," tinuro niya ang maliit na marka sa leeg ko. "It will bloom. Magiging rosas 'yan."

"Meron ka ba?"

"Yes, here." Tinaas niya ang braso at pinakita sa akin ang kulay pulang rosas sa palapulsuhan niya. Kumunot ang noo ko.

"Ba't sa leeg ang akin?"

"Ehh diyan ka kinagat." Ang halay naman. "I will bring you back, after two days magpapakita ulit ako and I hope nagawa mo na." Nginitian niya ako na may kasabay pang wave ng kamay.

"H-Hoy! Sandali!" Nakabalik ako sa pwesto ko kanina. Pero 'yo ng timitingnan ko ay wala na. Wala na siya... peste naman ang dami ko pang tanong. Wala bang topic na hindi mabibring out ang sex? Inangyan!

"Idha!" Nabalik lang ako sa katotohanan ng may sumigaw at niyugyog pa ang balikat ko. "Ayos ka lang?!" Nag-aalalang tanong ni Joanna. Tumango ako at iniisip pa rin kung paano ko saaabihin kay Luci ang nga sinabi ni Rhea. "Sigurado ka? Sa itsura mo mukhang may hindi ginawang maganda 'yon." Salubong ang kulay nito at parang nanay ko kung paano silipin kung nagsisinungaling ba 'ko.

"I'm okay," sagot ko witch matching hand gesture.

"Okay,"

Ngumiti ako sa kaniya pero alam kong hindi iyon ngiti kundi isang ngiwi. Nagmamadali akong bumalik at pumasok ng kaharian.

"S-Susundan pa lang sana kita." Nadatnan ko si Luci na palabas pa lang kaya naman mabilis kong hinawakan ang kamay niya at hinila. "M-May problema ba?" Ba't parang nanginginig naman yata boses niya? Pinasok ko siya sa kwarto ko at ni-lock ko naman ang pinto.

Huminga ako ng malalim at naiilang na tumingin sa kaniya. Kita ko ang takot at kaba sa dalawang mata niya kahit wala pa naman akong sinasabi.

"Rhea talked to me."

His eyes went wide. "H-Ha?"

Napakamot ako sa ulo. "She talked to me a while ago."

"H-How?"

"Paano ba mag-usap?"

"I-I mean sa ganoong kabilis na oras?"

"Bakit?"

"FIY hindi ka nga nawala ng limang minuto,"

"Ha?! Ehh halos isang oras kaming nag-usap."

"Paano naman nangyari 'yon?" Nagtataka nitong tanong. Naupo ako sa kama, sa dulo.

"She brought me in her world," I crossed my legs. "I think mabilis oras do'n." Dagdag ko pa.

"Anong sinabi niya sa 'yo?" I looked at him. Nakatingala ako dahil nakasandal siya sa pinto.

"She's not the last angel, Lucifer." His forehead wrinkled, and confusion became visible in his face. "D-Did you lied to me?" I can't even said that words loud. His face became soft while looking at me

He walked towards me and knelt in front of me. Hinawakan niya rin ang dalawang kamay ko na nakapatong sa dalawa kong hita.

"I-I cannot lie to you. I didn't know that she's not the last okay?" Ngumiti ako... I thought he lied to me about it. It seems na hindi niya talaga alam. "How's the conversation? Is it good?" Matagal bago ako nakasagot. Tinitigan ko muna siya ng mahaba-haba.

Ngumuso ako. "It's a big problem Luci,"

"Handa akong makinig."

"She told me that I have it."

"You have... what?" Kukurap-kurap nitong tanong.

"The wing,"

"Eh 'di ayos--what?!!" Bigla itong napatayo at hindi makapaniwalang tumingin sa akin. "T-The hell?!" Umirap ako.

"Ba't sumisigaw ka?"

"I'm not! I'm just shocked okay?"

"What do you think?"

"Is it possible?" Punyeta! Sinagot ako ng tanong. "Wala kayong lahi," sinamaan ko siya ng tingin.

"Hindi ka nakakatulong." I rolled my eyes.

"But it is for better right?"

"Ha?"

"You can defeat that bitch."

"It's not easy," huminga ako ng malalim. "Rhea told me that. Maraming bagay ang kailangan kong gawin." I looked at him. Naupo naman siya sa tabi ko. Lumubog pa ang parte kung saan siya umupo.

"Marami?... like what?" Yikes eto na! Sasabihin ko ba? "About back 'yan sa pagpapalabas sa pakpak?" Curious na tanong nito.

I touched his mark. Ramdam ko ito kahit mahirap itong makita kapag malayo.

Sinunod niya ng tingin ang daliri ko.

"It looks good on you." His smile reach his eyes. Napangiti ako dahil do'n. Nawawala talaga ang dalawa niyang mata kapag ngumingiti ng malaki.

"This mark... kailangan niyang maging rosas." Nanlaki ang mata niya.

"But! You will become a vampire if that happens." Alam ko na 'yon. Mamimiss ko ang pag-inom ng iba't-ibang klase ng liquid. More on wine, blood at tubig na lang ako kapag na convert ako. Wow! Convert!

"It is the easiest way, and I think I need it too."

"A-Are you sure?"

"Ba't parang ikaw 'yong ayaw?"

"I-Its not that I don't want, I'm worried." Nag-aalala siya? Sa akin? Bakit naman? Magtatanong na sana ako nang makita ko ang pilyo niyang ngiti. "You'll become wild." I face palmed. Tarantado talaga! Inis kong hinampas ang unang bagay na nahawakan ko. Which is unan. "W-What? Haha! I'm saying the truth!"

"Stop smiling!"

"I can't wait to break a bed every time we're doing it."

"Hindi ka titigil?!"

"Pikon naman misis ko!"

"Shut up!"

"Vampire x vampire! The energy is overflowing!"

"Hindi ka talaga titigil?!"

He stopped teasing me but he never stop laughing at me. Kaya naman pinagsasapak ko siya gamit ang dalawang kamay. Paulit-ulit naman siyang sumasangga.

"Pucha!" Hinawakan niya ang dalawang kamay ko saka ako inihiga sa kama habang nasa ibabaw ko siya. Balak kong umalis pero inipit niya na 'ko gamit ang napakalaki niyang katawan. "Ano?!" Sigaw ko sa kaniya tila nanghahamon ako ng away at talaga namang pinalaki ko ang mata ko.

"Wala 'yang yabang mo kapag hinalikan na kita." Ngumiwi pa ako para ipakitang wala akong pake. Nilapit niya ang bibig sa kaliwang tenga ko para bumulong. "Pabor sa akin ang nais ni Rhea babe, dalawang beses nating gagawin ngayon para maging rosas kaagad 'yan." Nang tinaas niya ang mukha para tingnan ang reaksyon ko ay piningot ko ang bibig niya.

"A-Aray! Ano ba?! Labi mo lang dapat nakakapanakit diyan!"

"Manyak mo," tanging naibulong ko. "Dalawang beses... dalawang beses mo pa ba akong kakagatin?" Inosente kong tanong sa kaniya.

He chuckled. "You're cute babe."

"Hindi 'yan hinihingi kong sagot."

"Ako na bahala,"

"Wai-"

He attacked me by his fiery kisses. Malakas kong tinapik ang balikat niya. "S-Sandali nga kasi!" Kunot noo siyang tumigil.

"What?"

"Ilan nga kasi!"

He smirked and he attacked me again. His kisses are deep kaya naman madiin akong napapikit sa sobrang inis. Tangina hindi talaga ako sinagot.

....................

Hindi pa man matagal matapos naming ggawiang bagay na iyon ay may naramdaman kaagad akong kakaiba na nangyayari sa katawan ko. May gustong lumabas at hindi ko mawari kung ano ito.

"Idha anak, kanina pa kita tinatanong," nabalik ako sa ulirat ng may tumapik sa balikat ko. Si mama, katabi ko kasi siya ngayon sa mahabang mesa. Gabi na at kumakain na kami ng dinner. "Ayos ka lang ba?" Gusto kong sagutin ng hindi ang tanong niya pero baka lalo lang siyang mag-alala.

Napapikit ako ng maramdaman ko ang pag-init ng marka sa leeg ko. Masakit ito lalo pa't sariwa pa ito mula sa pagkagat sa akin niya Luci kanina.

"S-Shit!" Nanginginig ang kamay ko ngayong may hawak ng kutsara at nanlalabo rin ang paningin ko. Peste!

Alam kong ito na ang sinasabi sa akin niya Rhea na mangyayari kapag natapos ko ang dapat gawin. Pero wala siyang sinabi na ganito kasakit. Putangina!

Tumunog ang kutsarang hawak ko. Nabitawan ko ito at napahawak sa leeg. Mabilis akong tumayo. Masamang sa harap ng pagkain ako magkaganito.

Hindi pa ako nakakalayo sa mesa ng matumba ako at magpagulong-gulong sa sahig. Hawak ko pa rin ang leeg na mas lalo yatang uminit. Tila meron ding maliliit na tumutusok at tila may hinuhulma itong isang bagay.

"A-Arghhh!!" Napasigaw ako sa sobrang sakit. Masakit naman talaga kasi!! Hindi ko na alam kung ilang beses akong gumulong sa sahig. Basta natapos ang paghihirap ko na hinihingal.

Unti-unting luminaw ang paningin ko. Nakahawak sa leeg na umupo ako. Ilang butil ng pawis ang tumulo sa suot ko ng shorts. It was hell! Sa kaunting sandaling 'yon parang naramdaman ko kung paano masunog sa impyerno.

"Ayos ka lang?!"

"Nakita mo ng hindi 'di ba?!"

"Bakit naninigaw ka?!"

Hindi ko alam pero mahina naman boses nila pero parang nagsisigawan sila sa pandinig ko. Parang lumakas ng todo ang lahat ng senses ko. Fuck! I'm now a vampire. Shit!

"Holy shit! With fuck!" Nanlalaking mata na tumitig sa akin si Tan. "Yellow and red na may pagkaitim? Hoy! Sino ka?!" Fuck! Parang mababasag eardrums ko. Hindi ako sanay. Ganito ba ang araw-araw ni Luci? Shit!

Even my eye sight, parang mas luminaw ang mata ko.

The weird thing is that I can hear some little noises na alam kong gawa ng mga hayop sa kagubatan. Wow! Malayo na pero naririnig ko pa rin. How about my speed? May nagbago kaya? What if I try it?

I smirked before running around. Yeah! Success! It's freaking awesome!

Kita ko ang pag-ikot ng mga ulo nila para mahanap at masundan ang bawat kilos ko.

I stopped behind Tan. I purposely held his neck.

Fuck! I'm craving for something... blood.  Ilang beses akong napalunok habang nakatitig sa leeg ni Tan. Mas lumakas ang crave ko ng may nakita akong tila ugat at dugo sa leeg niya. Nakikita ko ito at parang mas sumasarap kapag tumatagal.

I immediately closed my eyes to stop me from doing something I would regret. Alam kong napigilan ko na ang sarili na kagatin si Tan pero may dalawang malaking braso ang biglang humila sa akin palayo kay Tan.

"Stop," it's Lucifer. Siya ang humila sa akin at nilagay sa likod niya.

"I already controlled myself,"

"Nope, you did not." Conviction is evident in his voice.

"Woah! Ang astig! Bampira ka na prinsesa?!" Bumaling ako sa sumigaw na iyon. Anak ni Tan. Fuck! Luci's right. I didn't control myself. Gusto ko pa rin ng dugo! Napalala lang iyon ng maamoy ko ang sariwang dugo ng bata.

"I'll be back. Mamaya na 'ko magpapaliwanag ma!"

Mabilis kong hinila si Luci at ginamit ang vampire speed. Kaya niya naman eh. Bampira rin siya.

Dinala ko siya sa  paborito naming lugar. The place where I fell for him and the place where he also broke my heart.










Comment