CHAPTER 30

Faridha's POV

Kailan pa ako natulog ng may katabi? Tiningnan ko ang wall clock sa ding ding. Midnight? Fuck! Hindi pa ako kumakain ng dinner.

Hinawakan ko ang braso na nakayakap sa bewang ko. Tumingin ako sa likod at nakita ang mukha ni Lucifer na payapang natutulog. Tinanggal ko ang braso niya sa bewang ko saka ako naupo.

Hinawakan ko ang mata ko baka kasi may muta. Naramdaman yata ni Luci na wala na siyang kayakap. Gumalaw ito saka nagmulat ng mata. Ginala niya ang paningin hanggang tumigil sa akin.

"Mmm k-kanina ka pa gising?" he asked me using his husky voice. Umiling ako... ayaw kong magsalita baka may amoy ang bibig ko. Nakakahiya...

I'm shocked when he pulled me. Napahiga ulit ako sa tabi niya. Niyakap niya ako ng mahigpit at dinantay pa talaga ang malaki niyang hita sa akin. Putcha! Ginawa ba naman akong unan.

"I'm hungry..." tiningala ko siya.

"Mmmm... you want food or... "

"Or?"

"Me?"

Nasapak ko siya bigla. Ang landi niya talaga. Tumawa ito ng malakas saka kinuha ang dalawang kamay ko. He pinned them on the bed. He's hovering me right now.

"Clingy mo."

"Sa 'yo lang." tumingin ako sa mata niya.

He's a gentle dog right now. He slowly closed his eyes before kissing me. Ako naman ay ilang beses kumurap. Mahihiya pa ba ako? Ilang beses na naming ginawa 'to.

I closed my eyes and start kissing him back. Nagulat yata siya kaya humiwalay siya at inalis ang pagkakahawak niya sa dalawang kamay ko.

Yeah he's shocked. Why? Because I kissed him back?

"It's the first time you kissed me back."

"Nope"

"Yeah, hinahalikan mo lang ako when I'm aggressive." gago! "Kaya inisip kong you liked aggressive one." tinampal ko ang mukha niya. Tinawanan niya lang ako. Anong akala niya sa akin hard core? Pucha!

"Taba naman ng utak mo."

"Mmm mataba sa kakaisip sa 'yo. Ikaw lang laman niyan."

"Corny m--" he kissed me before I finish talking. Ngumiti ako kaya alam kong ramdam niya iyon. I encircled my arms on his neck. Mas lalong dumikit ang katawan niya sa akin. Mas ramdam ko ngayon ang bigat niya.

Dumiin ang halik niya sa akin. His kisses turned into an aggressive one. He bit my lower lip so that his tongue can freely move inside my mouth.

He pushed his tongue inside meeting mine. Naglaro ang dila namin sa loob ng bibig ko. I can even hear our kisses. Fuck!

Hinihingal ako nang bumitiw siya. Siya rin ay hinihingal.

"You've become sexy."

"W-What?"

He touched my waist. Ilang beses niyang pinadaan ang isang palad doon.

"Your true body perfectly fits on you."

"You compare it?"

"Of course, every curve of you I know it."

He kissed me again. He put his hand under my head before pulling me to sit in his lap.

Napunta sa pisngi ko ang halik niya. I can feel his tongue licking my cheeks. He reached my right ear. He's kissing it!

"Mmm" after I moaned he kissed me again. Attacking my lips while his hands are roaming inside my t-shirt. He was about to reached my breast when I pushed him. Salubong ang kilay na tiningnan niya ako. Parang bata na hindi binigyan ng lollipop. "This is not what I meant when I said I'm hungry."

"B-But!"

"But what?"

"My member is awake." I know. It poking my butts right now.

"Anong gagawin ko kung gano'n?"

"Patahanin mo." he smirked.

"Gago! Ano 'yan umiiyak na bata?"

"But"

"Magsarili ka muna." tinuro ko ang pinto. "CR 'yan."

"But he wants you."

"Makulit ka rin eh no?" tumayo ako saka bumaba ng kama. Tiningnan ko siya na hanggang ngayon ay nakasimangot. "Sumunod ka na lang sa baba kung tapos ka na." I smirked. Hahahaha!

Binuksan ko ang pinto saka ako bumaba. Tanging mga lampara na lang sa gilid ang may sindi. Nakapatay lahat ng ilaw. Kung kanina midnight siguro ngayon mga one na ng umaga.

Dumiretso ako ng kusina. May naabutan akong note sa mesa at may katabi itong plato na natatakpan.

Faridha my daughter, this food is for you. Eat well.

Sino kaya? Mama o papa?

Sa ibabaw ng takip ay may nakalagay ng kutsara at tinidor. Tinanggal ko ang takip. Bumungad sa akin ang pagkaing pinupuno ang plato.

Akala niya ba maloloko niya 'ko? This fucking food... merong lason. Kaya hindi 'to galing sa magulang ko. Someone wants me dead?

Hindi man halata sa pagkain, naamoy ko naman.

Pinakiramdaman ko ang paligid. Someone's here...

Tumakbo ako papunta ro'n ngunit tanging itim na usok na lamang ang naabutan kong unti-unting nawawala. Fuck!

"Hey are you okay?" napatalon ako sa gulat. Ikaw ba naman parang horror scene ang ganap tapos biglang may magsasalita? "You okay?"

"Yeah"

Bumalik ako sa mesa.

"Fuck! May lason?"

I nodded.

"Did you eat?"

"No, buti na lang naamoy ko."

Kinuha ko ang plato saka lumapit sa lababo. I flushed it. Baka may makakain pa.

"Sino namang gustong pumatay sa 'yo?"

"Marami..."

Wala akong choice kundi kainin ang mga prutas sa ibabaw ng mesa. At least masustansya naman 'to.

Nakatatlong apple ako at limang orange. Tinatawanan pa nga ako ni Lucifer.

Dahil mahaba ang tulog ko kanina alam kong hindi na ako makakatulog kapag plinano kong mahiga ulit.

Kung saan ako magpunta parang tutang sumusunod si Luci. Nakalabas ako ng kaharian. May mga kawal na nagbabantay sa labas. Nagpapalitan naman siguro sila.

Ilaw lang ng buwan ang nagbibigay liwanag sa labas.

I can build a swimming pool here. Two swimming pools to be exact. Para sa bata at matanda. Bumaba ako ng hagdan.

Imagine sa gitna ng kaharian ay merong hagdan pababa. Sa labas ah hindi sa loob.

Pwedeng ilagay ang pool sa magkabilaang gilid ng hagdan. Pwede!

"Luci, maghanap ka nga ng pala. Tali tapos pako."

"Huh?"

"Dali na."

"Anong gagawin mo?"

"Basta!"

"Gabi magpupukpok ka?"

"May nabanggit ba 'kong martilyo?"

Kamot ulo naman itong umalis. Ilang hakbang ang ginawa ko para masukat ko kung gaano kahaba. I think kaya ang one hundred meters per pool. Mahaba na 'yun!

Dumating si Luci na may dalang basket. Binuksan ko ito saka kumuha ng walong pako. Saka ang panali.

Isang metro ang layo ng pool mula sa gilid ng hagdan. Tinali ko ang lubid sa isang pako bago ito inapakan. 'Yung hindi masyadong diniin sa lupa. Para kita ang lubid. Paulit-ulit ko iyong ginawa hanngang makabuo ako ng dalawang rectangle.

Pinanood lang ako ni Luci hanggang natapos ako. Pwedeng palahin ang lupa. Malambot ito dahil basa.

"Ano naman 'yan?"

"Pala?"

"Gabing-gabi na! Matulog tayo."

"Hindi na ako makakatulog."

"Ano ba 'yan!"

"Huwag kang magdabog. Alam ko plano mo."

Nagsimula akong maghukay ng lupa.

"Akala ko ba matutulog ka?"

"Tss! Mas gusto kitang kasama."

Tinulungan niya akong maghukay. Hindi pa nagtatagal ang paghuhukay namin nang dumating ang napakaraming kawal. Lahat sila may dalang pala.

"Prinsesa, ano hong gagawin?"

"Ahh kuya, 'yung iba po doon na sa kabila." tinuro ko ang lubid sa baba. "Pasabi po huwag lalagpas sa tali." yumuko naman ito. "Kuya tatlong talampakan lang po ang lalim." pahabol ko pa.

Mas marami ang pinaiwan ko sa pwesto namin. Mas malalim eh.

"Hoy, gaano ka katangkad?"

"Six-three feet, bakit?"

"Matangkad ka pala?" hindi halata.

"Kung ikaw kasama ko hindi halata."

"Why?"

"Matangkad ka."

Yeah, that's right. I'm about five-ten?

"Mga kuya! Kasing tangkad niya po." tinuro ko si Luci.

Nang mapagod ako ay nagpahinga ako sa pinakunang baitang ng hagdan. Nagpatuloy sila kuya sa paghuhukay.

"'Di ka talaga matutulog?"

"Ba't ba ang kulit mo?"

"Gusto ko lang katabi eh!"

"Mas maganda 'tong ginagawa natin."

"Talaga? Mas maganda sa 'yo?"

Inis ko siyang tinulak na halos ikahulog niya sa parte ng hinuhukay.

"Sungit mo naman."

Matagal ang naging pahinga namin bago tumulong ulit. Dahil nga sama-sama kami mabilis ang naging proseso.

Pataas na ang araw ng matapos kaming maghukay. Hindi ko naman inaasahang maaga palang gumigising sila mama.

Naabutan nila kaming madumi ang damit at katawan.

"Faridha baby, what are you doing?" baby? Ehhh? Si mama naman oh!

"Are you trying to find gold? We have so much gold inside." isa pa 'tong si papa. Natatawa akong nagpagpag ng tuhod. Umakyat ako.

"Pa, I'm not trying to find gold."

"Then what is this?"

"Swimming pool papa."

"Swimming pool? What's that?"

"Stop asking okay? Just watch and relax." I gave them my smile as an assurance.

Nagpakuha na rin ako sa mga kawal ng semento, bato at kung ano pang ginagamit sa paghalo. Pati mga tiles ay pinakuha ko.

Naghalo sila ng semento habang nagbibigay ako ng instructions. Naglagay na muna pala kami ng bakal para sa lalagyan ng semento sa loob.

For safety purposes...

Ako naman ay hinati ang ilang tiles para ilagay sa itaas na parte ng pool.

Bago matuyo ang semento ay nilagay namin ang tiles. Pati sa gilid ay naglagay kami. Shit! Ang ganda!

I'm excited!

Umakyat ako para tingnan ang finish product. Parehaa na pool na ang tapos. Kulang na lang ay tubig.

Nagpalagay ako ng apat na malaking tubo. Apat sa isa at sa isa pa. Para madaling mapuno. Hindi pa ako naliligo dahil gusto kong mauna mag swimming.

Pinaandar nila kuya ang apat na makina para makuha ang tubig na galing sa ilalim ng lupa. Mabuti na lang marami ditong makukuhanan ng tubig.

Ang pwede lang kasing paliguan dito ay mga lawa o kaya ilog. Kaso hassle nga lang kasi sa malayo pa ito matatagpuan o kaya naman sa mga bundok pa.

Naghatid ng pagkain sila mama para sa aming lahat. Kanina niya pa ako pinapaligo pero tanggi lang ako nang tanggi.

"Hindi kayo natulog?"

Umiling ako kay mama. Muntik pa niyang maabot ang singit ko kaya buti na lang nakailag ako kaagad. Ayaw kong makurot!

"Iho, anong oras kayo nagsimula?" kay Luci naman siya nagtanong this time. Kamot ulo namang sumagot si Lucifer.

"Madaling araw po."

"Kita mo? Nandamay ka pa?"

Kamot ulo akong tumingin kay mama. "Ehh mama, buong puso naman silang tumulong" tumingin ako sa mga kawal na kumakain at nagpapahinga. "'Di ba kuya?" kaagad namang tumango sila kuyang kawal. Walang nagawa si mama kundi tumango.

"Prinsesa, puno na po. May gagawin pa po ba?" really? Tumingin ako sa baba. Puno na nga... Kanina ko pang hinihintay mapuno ang malalim. Nauna na kasing mapuno ang pangbata.

"Paki linisan na po ng lugar. Salamat mga kuya!!" mabilis na kumilos ang mga kawal. Hinintay ko talagang maalis ang mga gamit bago hubarin ang damit. Nakasuot na lang ako ng shorts at sports bra.

Nagmukha akong batang excited. Mula sa hagdan ay tumalon ako ng mataas. Sa gitna ng pool ako nahulog. Narinig ko ang sigas nila mama. Fuck! So refreshing!

Sa dulo na ako ng pool umahon. Pagtingin ko sa taas nakatingin sa akin sila mama.

"Ma! Ligo tayo!"

"Aatekihin ako sa 'yong bata ka!" hawak hawak ni mama ang kaliwang dibdib.

Samantalang ako ay sumisid ulit.

Napakasarap!!

Comment