CHAPTER 24

Faridha's POV

Sa apat na araw na lumipas hindi ko na siya kinausap pa. Inis na inis ako sa lahat ng pinagsasabi niya. Putangina! Ayos pa naman kami bago ako umalis para malaman ang tungkol sa portal tapos pagbalik ko gumanon bigla ang tabas ng bibig niya? Kingina!

Wala tuloy akong ginawa kundi magemote. Nasaktan ako. Oo! Porket nagpahalik whore na kaagad? Ehh sa kaniya nga lang ako nagpahalik. Punyeta talaga!

Hanggang ngayon at gigil pa rin ako. Gusto kong mang gigil sa isang bagay pero wala akong makita. Kawawa nga noong isang araw 'yung unan ko. Nabasa na pinagsusuntok ko pa.

Dala ang maleta, lumabas ako ng dorm. Nilibot ko ang buong kwarto. Bye for now, hindi ko alam kung ilang araw kami doon. Sinara ko ang pinto saka naglakad palabas. Pinagtitinginan ako ng lahat. Manonood sila habang lumilipad kami pataas.

Marami ng estudyante sa field. Ako na lang ang hinihintay... nakita ko na kasi si Tan.

Lumapit ako at hinanap ang maleta niyang dala. Pero ni isang gamit wala akong makita na dala niya.

"Your things?"

"E-Ehhh princess hindi yata ako makakasama."

Nawindang ako. "Ha?!"

"M-May sakit si mama. A-Ayaw kong umalis na may sakit siya. Ba-Baka lumala." anak naman ng teteng! Ba't ngayon pa? Ayos na ang usapan namin kahapon ah? Pero wala naman akong magagawa. Kapag pamilya na ang pinag-uusapan kailangang magsakripisyo kahit ikakaganda mo pa. Napabuntong hininga na lang ako ng malalim.

"Okay... so ako na lang pala?"

"Good luck princess, hihintayin ka namin." tumango ako. Biglang may pumasok sa utak ko na pang-aasar. "Masaya ka na niyan?"

"H-Ha?"

"Hindi ka na magseselos."

"P-Princess naman!"

Nahiya pa. Masaya akong nakilala at nakasama ko sila kahit sa ikli lang ng panahon.

"Princess it's time." nandito na pala ang susundo sa akin.

"Two minutes, please?" tumango naman ito at umatras ng kaunti.

"Dapat pagdating ko... marami na ulit. "

"Makakaasa ka prinsesa. Hindi ka namin bibiguin."

"Ikaw muna ang leader Tan."

"Yes princess. I'll do my best." I hugged them. Umiyak pa ang iba kesyo mamimiss daw nila ako. Marami pa akong binigay na paalala lalo na kay Tan. Nakaatang sa kaniya ang obligasyon na dapat sa akin. Alam ko naman kaya niya.

In my pheriperal view, nakita ko sila ate. Pero hindi man lang ako tumingin sa kanila. Kahit kasama pa nila ang magulang namin. I guessed they're happy.

Hinawakan ako ng lalaki sa balikat hanggang maramdaman kong unti-unti na kaming umaangat pataas. Nanatili sa baba ang tingin ko. Lalo na kila Anna na kumakaway ngayon. Sana safe sila palagi habang wala ako. Tuluyan silang nawala sa paningin ko at napalitan ng ulap. This is it!

Inaasahan kong ulap ang maaapakan ko pagdating ko. At puro ginto at kulay puti ang makikita ko. Ngunit matatawag ang lugat na ito na paraiso. Pinaka paraiso sa lahat ng paraiso. Awesome!

Ang nilalakaran naman namin ngayon ay umiilaw! Kada tapak may lumalabas na parang kumikinang na confetti. Ito ang totoong magical world.

"Hanggang dito na lang po ako. Isang diretso lang po." nagpaalam siya sa akin ng makapasok na ako sa gintong gate. Para siyang gate to heaven. 'Yung mga nakikita ko sa pelikula.

Katulad ng sinabi niya dumiretso lang talaga ako. Putangina! Ang layo naman! Hello! May dala akong maleta oh!!

Sa wakas ay nakakita ako ng palasyo. Gawa ito sa ginto at kulay puting pintura. Ginto at puti ang palaging na sa suot ng gods and goddesses kaya hindi na ako magtataka kung ganito rin ang lahat ng gusali. Magtataka pa ako kung may kulay itim dito. Kung gano'n si Hades ang nagmamay-ari no'n.

Para akong napunta sa kawalan. Papasok na ba ako? May susundo ba sa akin?

Gayunpaman pumasok na lang ako sa gusaling nasa harap ko. Napakalaki ng pintuan at hula ko kasya ang Cerberus kapag papasok dito.

I stopped when I saw them seating in a very very very very long table. Paanong hindi hahaba? Lahat sila nandito. Welcoming ba this?

Ba't ngayon pa ineschedule ang dating ko kung may meeting naman pala sila? Hindi ba makakaistorbo nag pagdating ko?

May dalang inumin si Zeus ng tumayo ito.

"Cheers to our new goddess!"

"Cheers!!"

Pinatunog nila ang mga baso sa pamamagitan ng pag-umpog sa bawat isa. Kinuha ni Zeus ang isa pang baso at naglakad papaunta sa akin. Ano 'yan? Papainumin ako?

Papainumin nga ako!

"Hindi ako umiinom."

"Just one?"

Umiling ako. Ang pait kaya ng lasa niyan. Siya na ang uminom ng dapat sa akin.

"Anong gagawin ko dito?"

"We will train you."

Ha? Kailangan ko pa ba 'yun?

"Lahat kayo?"

"Fortunately, yes."

"Fuck!"

"Language!!"

"Ang dami niyo kaya! Tapos ako isa lang?"

"That's a requirement." anu-ano namang ituturo nila sa akin. Proper etiquette?

"Kung proper etiquette lang naman... I quit." naupo ako sa maletang dala. Kanina pa kaya ako nakatayo!

"Something else... like power."

"We have the same power."

"Nope your different. Very different." paano naman ako naiba sa kanila? "For now let's eat first." iginiya niya ako sa isang bakanteng upuan na malapit sa sa kaniya.

"Fucking shit! Your food! Kagaya ng sa earth?!"

"Language!!"

"Oooppsss! Sorry."

"Wow!" pumapalakpak ang isa. "May katapat na ang dakilang si Zeus!" kaagad akong naupo at nilantakan ang adobo. I miss everything!! Mula unahan hinanap ko ang isa pang na miss kong pagkain pero wala. Ang mahiwagang lumpia lang naman ang hinahanap ko.

Pinanood nila akong kumain hanggang matapos ako. Tutok na tutok sila tila ba aalis ako sa lamesa na walang kinakain.

Hinatid ako ng goddess of love na si Aphrodite. Tila isa ring malaking eskwelahan ang tahanan nila. May dorm sila para sa mga katulad ko.

Napakaganda ng kwarto ko ngayon kesa sa nandoon. Umaalingasaw ang kayaman dito. Hindi ko alam kung sino ang nakatira sa katabi kong room. Maybe I'll meet them later.

"After you unpacked, pumunta ka ulit do'n... okay?" tumango ako kay Aphrodite. Her voice... parang ang sarap marinig bago matulog. Para bang magiging maganda ang panaginip mo kapag narinig mo ang boses niya.

Mahinhin niyang sinara ang pinto. Wala ka talagang maririnig na tunog. Ang flawless naman niya! Samantalang ako parang lalaki kung gumalaw.

Kaunti lang ang dala kong mga damit at gamit. Ayaw kong ma hassle lalo na kung uuwi na. Nilagay ko ang mga gamit sa maliit na kabinet na gawa sa kahoy. Dinala ko rin pala ang laptop at cellphone ko. Baka may pumasok sa kwartong 'yun kunin pa ang mga 'to.

Inayos ko ang lahat bago lumabas ulit. Nakapamulsa lang akong naglalakad. I stopped when I see students talking noisily. Nawala ang kaninang mesa. Matagal na ba sila dito? Kung mag-usap kasi parang matagal ng magkakakilala. Napasimangot ako... may kasama naman sana ako may nangyari pa.

Lonely... I'm feeling so lonely. I have no buddy huhuhuhu!

"Hi miss!!" nagulat ako ng biglang may sumulpot sa unahan ko habang kumakaway. Fuck! Sino ba 'to? "Ooooppsss! Nagulat ba kita?" halata naman 'di ba? Tarantado 'to ah! "I'm Drix!" nilahad naman nito ang kamay. I accepted it. "Your name?"

"A-Ahhh Faridha."

Ngumuso ito. "Too long..." siya ata ang kauna-unahang nagsabi na mahaba ang pangalan ko.

"Idha na lang." (Ida) tumango ito sabay hila sa akin. Napunta kaming unahan. Nakita ko sila Zeus na nakatayo sa gitna kung saan ako nagtagal kanina sa pagmamasid.

"The training starts now." bumaling ako kay Drix. Ngayon na mismo? Hindi bukas?! Grave naman! Hindi man lang ako makakapagpahinga muna?

"Seryoso?" tumango ito. Fuck! Baka mas trained sila sa akin. Feel ko talaga matagal na sila dito. Hindi ko magawang magtanong kay Drix. Hindi sa nahihiya ako... baka sabihin niyang madaldal ako.

Kahit ang mga babae parang mga brusko! Trinained na sila nila Zeus!! Ang dadaya!!

Sa ganitong suot ko?

Pinaliwanag ni Zeus ang gagawin. Kailangan lang naming tumakbo ng mabilis. Two hundred meters I guess? We can use our power.

Tanging ang mananalo dito ay ang may power of speed. Just like me... I can travel as fast as lightning. Who knows kung sino sa kanila ang descendants nina Nike and Hermes.

Lahat ng nauna ay puro lakas lamang ang ginamit para makatakbo ng mabilis. Fuck! Maiipon pa yata sa batch ko.

Drix beside me is patiently waiting. Kanino niya kaya nakuha power niya?

"Last batch, on your line." kalaban nga. Katabi ko si Drix sa kanan at babae naman sa kaliwas. Based on their aura, malakas sila.

In a blink of an eye, andito na kaagad ako sa finish line. With the two. Drix and the girl. Gulat silang tumingin sa akin. Alam ko na kung saan galing powers nila.

Nike and Hermes, two gods of speed.

But who really is the first? Ako, ang babae O si Drix?

"Congratulations!!" napangiwi ako. Pati pala rito may confetti. "Go to your rooms and see you tomorrow." mas lalong akong ngumiwi. 'Yun na 'yun? Wala man lang thrill!!

Sa inis ko ay nag teleport ako. Pero nawala din bigla ang inis ng makita ko ang pagkain sa gitna ng kama. Lumpia!!

Nilantakan ko ito at kaagad na naubos. Freaking good!

Nahiga ako sa kama at ginawang unan ang dalawang kamay. Aabutin ba ako dito ng taon? What kind of trainings are we here for?

Living alone without someone accompanying you is very hard. Mag-isa ka lang palagi, walang makausap at higit sa lahat kakaiba ka sa mata ng lahat ng tao.

Iniisip mo pa lang mapapangiwi ka na kasi alam mong mahirap.

Para tuloy akong magsisimula na naman sa una. No friends at walang clue kung ano ang mangyayari dito.

Gods and goddesses are my only choice here.

Pinikit ko ang mata at sinikap na matulog.

Comment