CHAPTER 52

Faridha's POV

KRU... KRU... KRU... KRU...

Pwede na bang umuwi? Kasalukuyan kaming nakaipon sa isang bulwagan na walang bubong. Kumbaga nasa labas kami.

Wala naman araw saka mahangin kaya hindi mainit.

Magkatabi kami ni Maqui habang kalong niya naman ang anak.

Nakamasid ako ngayon sa mga mamamayan na nakapila para mabigyan ng pera para makapatayo ulit ng bahay.

Mabait na pala ang gobyerno rito?

After maglaho ni Atlas, saka lang dumating ang mga Diyos. In fairness, lagi ata silang kumpleto? Himalang kumpleto silang pumupunta rito sa baba, at iniiwan ang Olympus.

Kanina pa sila tingin nang tingin sa aming tatlo. Ramdam ko ang titig nila lalo na sa apat na babaeng kadugo ko. Ang apat na kapatid kong babae.

Nandito rin ang ex ko. Ex nga ba? Wala ngang nangyari sa aming closure. Ba't hindi niya kasama si Lilith?

"Psst!"

"Ano?"

"Ang ganda mo."

"Wala ka bang matinong sasabihin diyan?"

"Ganda mo kasi, hindi maalis ni Wrath tingin sa 'yo."

Gamit ang bibig tinuro niya si Wrath na nakatingin nga sa akin. Katabi nito si Gluttony na kumakain na naman. Samantalang tahimik naman si Envy.

"May dumi ba 'ko sa mukha?"

"Meron," tinaasan ko siya ng kilay. "Haba ng hair mo."

"Tangina! Ano'ng connect?"

"Gusto ko lang sabihin ba't ba?"

Inirapan ko ito.

Si Wrath lang ba napapansin niyang nakatitig? Nakatitig rin kaya sa kaniya si Faris. Tumitingin sa mukha niya pati sa batang kalong niya. Nagbago na kaya 'to?

Malay mo hindi na siya player. Five years din ang lumipas.

"Ano pa ba kasing inaantay natin dito?"

Hindi ko talaga kinakaya utak neto eh. Siya pa lang nagsabing huwag muna kaming aalis kanina tapos ngayon nagtatanong? May saltik talaga.

Pinagmasdan ko siya, hindi niya ba nahalatang umalis sa kandungan niya ang anak niya?

"Hey mister! You're my tatay right?!"

Haha! Patay kang babae ka. Tatlong hakbang ang ginawa ng pamangkin ko saka sumigaw. Siguro mga benteng hakbang ng bata ang kailangan mula sa pwesto ni Faris.

Medyo malapit kung hakbang ng matanda ang gagamitin. Pero dahil bata tinamad maglakad kaya sinigaw na lang.

Tulala ka pa ah! Hahaha!

Nanlalaki ang mata na tumingin sa anak si Masqui. Tila pinagbagsakan siya ng lupa. Walang langit, masama ugali niyan.

"Hoy bata ka! Bumalik ka rito!"

"Ayaw nanay!"

"Sabing bumalik ka rito eh!"

"Answer me first! He's my tatay right?!"

He's cute. Hindi tumatagilid ang dila kapag galit. Straight siya ngayon magsalita! Hindi nabubulol.

"No! He's not!"

"Don't lie to me nanay! Lahat ng panaginip ko totoo! Someone told me he's my tatay!"

Magkasalubong ang kilay ng bata habang masamang nakatingin sa nanay nito. Should I go?

No, I need to protect them. Lahat na ata nakatingin sa amin ngayon. Mag nanay na nagsisigawan.

All of them is in shocked right now. Their king is a father?

Nagulat kami ng biglang ngumawa si MacMac. I'm soft when it comes to the two of them.

"T-Tell me the truth n-nanay, please."

Damn!

Hindi na 'ko nagulat ng tuluyan na ring tumulo ang luha ni Masqui. Sinong unang lalapitan ko sa kanila?

"Y-Yes,"

Sagot ni Masqui na may kasama pang tango. Tuluyan na itong humagulhol.

Nilipat ko ang tingin kay Faris. Like them, he's also shocked. Mas malala nga lang ang gulat niya.

Nabitawan nito ang hawak na espada. Nagmamadali itong lumapit kay MacMac ngunit lumayo ang bata.

"I just want my mother to tell me the truth. Don't come near me asshole!"

"MacMac!"

It's not right. My voice echoed. Where the hell he know that word?

"I'm sorry tata."

Kung kanina ang tapang ng mukha niya ngayon naman takot na nakatingin sa akin. Ramdam ko rin ang nginig sa boses nito.

Damn! Paano ko 'to papagalitan kung ganito siya ka cute?

"Ano'ng sasabihin?"

Lumabi ito saka nagsalubong ang kilay saka tumingin sa kapatid ko. Damn! Ang bilis niya magpalit ng mood.

"S-Sorry!"

Labas sa ilong ang putek.

"But still, don't come near me! Kahit kay nanay! I don't need a father!" Ano bang sinasabi nito? Napatayo na ako ng nanginig ang labi nitong nakalabi kanina. Nagsimula na ring tumulo ang luha nito ulit. "My nanay and my tata is okay to me." Gumalaw ang balikat nito senyales na grabe na ang pag-iyak niya. "I'm complete! I-I considered tata as my f-father figure na!" Gamit ang maliit na kamay, nagpunas ito ng luha at sipon. Kumalat tuloy sa mukha nito ang sipon.

Dugyot...

"You don't know how I always wished and wait for you to find my nanay so that you can see me too."

Damn!

Tumakbo si MacMac palapit sa ina saka tumalon para magpakarga. The child also whispered something. Tumango na lang si Masqui saka tumingin sa akin.

I think they want to go home.

I casted a spell na makakapagpa-teleport sa kanila sa bahay. Hindi pa 'ko sumama. I need to fix something pa.

MacMac is a bright child. Palaging nakangiti, masigla at hindi mo makikitaan ng lungkot sa mata.

Pati ba naman pagtago ng totoong nararamdaman nakuha niya sa akin? Hindi ko akalaing may tinatago itong hinanakit.

"D-Damn! I-I have a child?!"

Is this a downfall of a king I'm seeing right now? He's on his knees while crying. Nakatingin pa rin ito sa pwesto ni MacMac kanina.

He's hurting... pero kulang pa 'yan sa naramdaman ni Masqui at ng anak nila.

Tss! Maliban na lang kung marupok ang dalawa.

Ano pa nga bang gagawin ko rito? May gagawin ako! Pero ayokong ako ang mag first move!

"Ang galing niyong magtago ni Masqui huh?"

"What do you mean Zeus?"

"Sa loob ng five years wala akong nabalitaan na ganito."

Paano mo mababalitaan eh, hindi nga ninyo kami binisita. Alam niyo naman kung saan ako tumutuloy.

"Bakit? Naalala mo ba kami?" Natahimik siya. "I really wonder why, what is the reason? Bakit ni isang dalaw hindi mo nagawa? Hindi niyo ginawa?" Bawat salitang binibigkas ko ay may diin.

Nagkakatinginan pa talaga sila eh. Ibig sabihin ba nito wala talagang malalim na dahilan?

"See? Kayo ang nang iwan hindi ako."

"Let's just talk about this okay?"

"No, I don't want this topic Zeus. Makikipag-usap lang ako kapag ang pag-uusapan ay tungkol sa pagplano kung paano tatalunin ang kalaban."

Naabutan ko si Masqui na umiiyak. Katabi niya si MacMac. Tulog ang bata habang hinahaplos ni Masqui ang mukha nito.

"Am I a bad mother?"

"No,"

"Bakit hindi ko man lang napansin na may hinanakit siya?"

"Don't blame yourself. Magaling magtago ang anak mo."

"But still, I'm the mother."

Alam kong hindi pa siya titigil sa kakatanong at kakaiyak. Kaya nag cast na 'ko ng spell na makakapagpatulog sa kaniya.

Malaki ang sofa kaya pinagtabi ko na lang sila. I even kissed their foreheads before teleporting again.

Hi, my safe haven. Na miss mo ba 'ko?

I miss this place.

Naupo ako sa kahoy na palagi kong inuupuan noon.

"I'm complete! I-I considered tata as my f-father figure na!"

I'm sorry MacMac. Even me, hindi ko naramdaman na may ganito ka palang hinanakit.

You considered me as your father figure? Akala ko naibigay naming lahat ni Masqui ang mga kailangan mo. Naghahanap ka pa rin pala ng kalinga ng isang Ama.

You didn't mean to say those words kanina. Alam kong nadala ka lang ng hinanakit mo MacMac.

Tingnan natin kung hanggang saan ang kakayanin niyo ng nanay mo kapag sumuyo na ang kapatid ko.

Sana... ayusin niya.

Shit! Ba't nandito siya?

He's aura is familiar! Everything about him is familiar!

"You're here."

Ang hina ko pa rin talaga pagdating sa kaniya. Sino bang nagsabi na naka move on na 'ko? Andito pa rin ang kirot eh.

"Bawal na ba 'ko rito?"

Nasa gilid ko siya. Ngunit hindi ko siya tinapunan ng tingin. Nanatili ang tingin ko sa mga isda na lumalangoy.

"N-No,"

Can I just teleport again back to our house? Ang awkward. Pati yata mga isda nararamdaman eh. Chismoso ba sila? Bakit nakatingin sila sa amin?

"H-How are you?"

"I'm good, how about you?"

Naghintay ako na magsalita siya. Ngunit lumipas na ang ang ilang minuto wala akong narinig.

I decided to go back kaya tumayo na ako.

"It's nice to talk to you, I guess?"

This time tiningnan ko na ito. Hindi ko naman inaasahang nakatingin pala ito sa akin.

"I'll go ahead."

"I-I'm s-sorry."

Hindi 'yan ang gusto kong marinig mula sa bibig mo.

Kung ano'ng pwesto ng dalawa ng iwan ko kanina ay parehas pa rin pagbalik ko.

Naupo ako sa isa pang sofa.

Why the hell he's not wearing a ring? Hindi pa sila ikinasal?

Damn! What am I thinking?!

Comment