SPECIAL CHAPTER

VINCE & FATE FRIENDSHIP

"Vince, why didn't you choose me to be part of your group?" Fate is sulking just because Vince didn't let her join their group for the group activity.

"Just because."

"Just because what?! You are so nakakainis talaga!"

"Cut that conyo shit of yours Fate. You've been living for 10 years here in the Philippines. Pero baliko pa rin yang dila mo." He said that made her chuckled.

"Pake mo. I kept on forgetting some Tagalog words eh." Umiling na lang si Vince.

Paglabas nila ng gate ng school ay nagiintay na si Faye sa kanila.

"Hi, Mom! You are the one who's magsusundo pala us. I thought si Dad." Vince rolled his eyes dahil sa ka-conyo-han ng kasama.

"Yes. Cindy is busy kasi sa ospital. Alam niyo naman yun, halos doon na tumira. Dad is busy sa airlines and Jax is busy sa company. Since wala naman akong ginagawa ay ako na ang sumundo sa inyo." Faye said. "By the way, Vince. Your Mom told me na linisin mo raw ang room mo. It turns out na umuwi siya sa inyo kanina to take a shower. Dumaan siya sa room mo and nagkakalat daw sa kung saan saan ang mga gamit mo. Later uuwi daw ulit siya before dinner."

Vince smiled.

Finally. She's going home. He thought.

Habang nasa sasakyan ay tahimik sila.

"Ate drop me off po pala sa mall. May bibilhin po kasi ako sa boom store for our project." Vince said.

"Okay. We'll wait for you na lang."

"No need na po. I'll commute na lang. May cab naman po sa labas ng mall."

"You sure? Do you have money ba?"

"Actually, can I ask for some?"

"Sure. You can get some dyan s wallet ko." Vince smiled at kinuha ang wallet nito.

"Wala ka bang one hundred lang, Ate?"

Faye smiled. "Hehe. Wala. Kumuha ka ng 5k dyan. Bilhin mo na lahat ng gusto mo. Promise, I won't tell your Mom na I'm spoiling you again. Shhh." Vince chuckled dahil sa Ate niya.

Pagdating sa harap ng mall ay nagpaalam na si Vince at bumaba na.

Pagpasok sa mall ay nagulat siya dahil bigla na lang may umakbay sa kaniya.

"Why are you here?"

"Mom suddenly got a text from Dad to come to his office so I told her na sasama na lang rin ako sayo. She also give me 5k." She said kaya umiling na lang si Vince.

"Are you hungry?" Vince asked.

"Not really. Bili muna us nung kailangan natin for our project." Fate suggested kaya tumango si Vince at dumiretso na sila sa book store.

Vince ended up buying what they need sa project nila kasi si Fate umiral ang pagiging fangirl at nasa kahilang stall siya nabili ng mga merch at albums.

Since Vince and Fate are partners naman sa project ay hindi na lang nag-reklamo si Vince.

Natapos na si Vince sa pagbili ng kailangan para sa project nila, pero si Fate ay nasa kabila pa rin at nagiisip kung ano ang bibilhin niya.

Being a multistan is difficult. Bakit ba kasi sabay sabay ang paglapag nila ng merch?

Inis na tanong ni Fate sa sarili.

Fate ended up buying three sets of album sa tatlong group na ini-stan niya.

Enhypen, Treasure and TxT

She's still happy rin naman kasi kahit papano nakabili siya ng tig-isang set.

"Ang tagal mo naman."

"깜짝이야. Ano ba?! Bakit ka ba nanggugulat?!" (Kkamjjagiya! / Oh my!)

"Natapos na ako't lahat lahat dito ikaw nagtitingin ka pa rin dyan. Di pa ba sapat yang mga binili mo?" Tanong ni Vince pero nginitian lang siya ni Fate.

"Tara na nga. Nagugutom na ako." Hinila na siya ni Fate papunta sa makakainan.

Kapag magkasama sila ay mas gusto nila na kumain sa fastfood.

"Bawal ka sa pork." Paalala ni Vince kaya bahagyang natawa si Fate. "Anong nakakatawa?"

"Wala lang. Hindi mo naman kailangan ipaalala kasi alam ko naman na yun." Fate said.

Umorder lang sila ng beef steak at extra rice na rin. Fate also ordered one choco fudge sundae at large fries.

"Vince,"

"Hmm?? He hummed while eating.

"Thank you." Nabilaukan naman si Vince kaya bahagyang natawa si Fate bago nag-abot ng drinks sa kaniya.

"Wag ka nga manggulat ng ganun." Sabi sa kaniya ni Vince kaya lalo siyang natawa.

"Seryoso na. Salamat talaga, Vince. Sa ilang taon kong pag-tira dito walang kaibigan na nagtagal sakin kundi ikaw lang."

"Maarte ka kasi." Anito kaya pabiro siyang hinampas ni Fate sa balikat nito pero natawa lang siya. "Jokes aside. Of course I will always stay sa tabi mo. We are family. Ako lang rin ang mas lubos na nakakakilala sayo. Lahat ng secrets natin sa isa't isa lang natin sinasabi. So sino pa ba ang magkakampihan kundi tayo lang."

"Right. But still thank you kasi you understand me. Natiis mo yung ugali ko."

Ginulo naman ni Vince ang buhok ni Fate at ngumiti.

"I will always protect you, Fate. Para mo na rin akong kapatid. Hindi man naging maganda yung una nating pagkikita ang importante naman ay yung ngayon." Fate nodded.

"CONGRATULATIONS!!!" Sabay sabay na sigaw nina Faye, Cindy, Jax, Elviro at Lili.

Sabay kasi na pumasa si Vince at Fate sa university na gustong gusto nila. Ang UST.

"Thank you!" Sabay na sabi ng dalawa.

"Paano na yan? UST is too far from here. Iiwan na nila tayo." Nagda-dramang ani Faye.

"Just let them be, Faye. They have to be independent. Isa pa magkasama naman sila." Elviro said.

"I know naman Dad. Vince you have to protect her okay? Ayoko na maulit yung nangyari sa inyo noon na napapasama kayo sa gulo. Although alam naman namin na wala kayong kasalanan pero as much as possible umuwi kayo ng maaga para di niyo na yun maranasan pa." Sabay naman na tumango ang dalawa.

"Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang, asal aso't pusa ang dalawang yan. Ngayon magaaral na sila sa UST. Kaunti na lang ga-graduate na sila." Cindy said.

"True. Ang bilis lumipas ng panahon." Pagsangayon ni Faye.

"Babalik naman kami every weekends, Mom. Wag kayo masyado mag-drama. Ang cringe." Sabi ni Fate kaya natawa sila.

"Mom, nagugutom na po ako. Kailan pa po tayo kakain?" Tanong ni Lili kaya nagdesisyon na silang kumain.

Pagpasok sa unit ay agad nilang chineck ang mga kwarto. Bago lumipat ay nagplano muna sila sa arrangements.

Kay Fate yung kwartong malaki since marami siyang gamit kaysa kay Vince.

2 bedroom and 3 common comfort room. Yung C.R ay tatlo since tig-isa sa mga kwarto and may isa pa malapit sa kitchen for visitors if ever man.

May living room and kitchen na may island counter and dining table good for four people kahit na dalawa lang naman sila.

May maliit rin na balcony, if ever gusto nilang mag-coffee sa labas ay may mauupuan doon at may coffee table.

Malaki ang buong unit nila since ayaw nilang dumoble pa ng unit para mas tipid sa gastos. Since gusto nilang maging independent ay ayaw nila na masyadong umasa sa parents nila.


NASA hypermarket sila ngayon namimili ng mga pagkain na kailangan nila.

"Gusto ko nga nun eh! Bakit ba binabalik mo yung mga kinukuha ko?" Pagmamaktol ni Fate.

"Puro chichirya lang naman binibili mo eh. Yung kailangan natin ay pagkain natin for everyday life." Vince said.

"Kinakain ko rin naman yun everyday eh."

"Exactly, puro junk foods ka everyday. Magkakasakit ka nun." Vince said at naglagay ng tatlong pack ng Chuckie sa cart nila.

"Okay fine. Pero gusto ko ng chocolate."

"Pero hindi ko aaraw-arawin yun ah. Masisira ngipin mo."

"Promise!" Itinaas pa ni Fate ang kamay niya na parang nangangako talaga.

"Sige na. Wag chichirya ah." Bilin ni Vince kaya agad tumakbo si Fate para kumuha ng mga gusto niya.

Naglagay rin si Vince ng mga ice cream since mahilig silang dalawa doon.

Naglagay rin siya ng mga gatas since mahilig si Fate sa gatas. Mayroon silang malaking fridge sa unit nila na wala pang laman kaya ngayon ay sila ang namimili ng ilalagay doon.

Pagbalik ni Fate ay napanganga na lang si Vince dahil sa dami nitong kinuhanh snacks na nakalagay pa sa basket.

"Please... Promise hindi ko talaga dadamihan ang kain. Tataba ako kapag marami eh. Sige na kasi Vince." Vince just sighed at tumango na lang, napa-yey naman si Fate.

"Ako na bahala dito." Presinta ni Fate.

"Ikaw naman talaga." Ani Vince at umalis matapos ipasok sa unit nila lahat ng pinamili nila.

Fate loves organizing anything. While Vince is the messy one.

After arranging the food they bought ay nakaramdam na sila ng gutom.

"Vince magluto ka na nga! Nagugutom na ako eh!" Sigaw ni Fate.

Lumabas naman si Vince sa kwarto niya at nagluto.

"Don't you still know how to cook?" Vince asked.

"Nope. I don't know how to cook. I only know how to make rice. You know, saing." Vince rolled his eyes.

"Edi mag-saing ka na."

"Done na. Malapit na yun maluto." Umupo naman si Fate sa upuan ng island counter habang may kinakain.

"Matamis agad. Kapag nawalan ka ng gana kumain itatapon ko talaga lahat ng chocolates dyan."

"Grabe ka naman! Isa lang naman ito eh!" Pagmamaktol ni Fate at ibinalik na lang ang chocolate sa fridge na nakagatan na niya.

Comment