CHAPTER 46

JAX'S POV

Nang makatulog na si Fate ay inasikaso ko muna yung aso niya. Pinakain ko nung binili kong dog food kahapon at binilhan ko rin siya ng kama at nilagay iyon sa kwarto kung nasaan natutulog si Fate.

Nung nasa ospital kasi everytime na magigising siya ay si Eli agad ang hinahanap niya.

Kaya kahapon bumili ako ng mga kailangan ng aso at bumili rin ako ng mga damit na susuotin ni Fate. Pinaayos ko rin ang kwarto niya kahapon.

Matagal ko ng pinalagyan iyon ng kwarto dahil umaasa ako noon na babalik sila. At nagkatotoo na nga.

Nang matapos ay kinuha ko ang laptop ko at umupo sa living room kung saan may sofa at tumingin ng ticket.

Gusto ko dalhin sa Enchanted Kingdom ang mag-ina ko para kahit papano ay sumaya sila kasama ako.

Last week ay inasikaso ko rin yung papers ni Eli yung aso para kapag napunta sa ibang bansa ay makasama namin ito at hindi ma-miss ni Xena.

Sunod kong tinapos ay yung mga gawain ko sa trabaho ko.

Mag-a-alas dos na ng gabi nang matapos ko iyon.

Naligo na muna ako at matutulog na sana nang may tumawag.

Unknown number pero sinagot ko pa rin.

"Jax? This is Elviro. Can you come to the address that I'll text to you."

"Why po?"

"Si Cindy kasi tsaka si Elvira tumakas and pumunta sila sa club. Ito lasing na lasing. Hinahanap ko si Vira pero masyadong maraming tao."

"Sige po papunta na ako." Sabi ko at umalis na kahit naka-pantulog na ako.

Pagdating sa club na sinasabi ni Mr. Elviro ay nakita ko sila sa isang table.

"Mr. Elviro." Pagtawag ko kaya nilingon ako nito.

"Dad ang itawag mo sakin. Anyways, nasa bathroom daw si Elvira. Puntahan mo na, iuuwi ko na ito. Sabihin mo na lang."

"Sige po.... Dad." Sabi ko kaya tumango siya at binuhat na si Cindy.

Kinuha naman nito ang isang bag at umalis na sila. Kinuha ko naman yung tingin ko ay bag ni Faye.

Pumunta ako kung nasaan ang restroom. Pero papunta pa lang ako nang makita si Faye na nakaupo.

Nilapitan ko siya at kinalabit.

"Faye," pagtawag ko pero di ako nito pinapansin.

"Faye, let's go. Iuuwi na kita." Sabi ko at itinayo na siya.

"Don't touch me! I have a husband!" Natigilan ako sandali dahil sa sinabi niya.

Husband? Si Aries?

"Come on, Faye. Let's go!"

"I said don't touch me! I love my husband even though he cheated on me! So back off!" Nang ma-realize ang sinabi niya ay nasaktan ako.

"It's me! So let's go! I'll explain to you everything when you are not drunk anymore."

I did not cheat. I swear.

"It's me? I don't know someone that his name is it's me." Nasampal ko na lang ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Look mister, if you just want to fuck me, back off! I have a husband." She added.

"It's me nga eh. Si Jax."

"Jack? The guy I dance with earlier? No thanks, my husband is Jax. Not Jack." What?! Sino yun? Hahanapin ko yun bukas.

"Silly you woman. My name is Jax Agustus. And I am your husband."

Dumilat siya saglit at tinitigan ako.

"Ohh!! You are Jax! No! Go away! You asshole! You are a cheater."

"I did not. I swear. I'll explain to you if hindi ka na lasing. Let's go." Sabi ko ag itinayo na siya at naglakad na kami.

"Wait! Wait! Cindy!"

"Your Dad already fetch her. So let's go."

Pero nung makita niya ang table nila ay kinuha niya yung isang bote ng alak at tinungga iyon.

Lord bakit mas naging makulit itong babaeng ito?

"Aish! Uminom pa nga. Halika na."

"No drink." Binuhos nito ang alak sa akin kaya agad kong ininom iyon. Natapon pa yung iba sa damit ko pero okay lang yun.

I don't know but I found her hot doing this to me. Nang makita ang damit nito ay mas doon siya mas nag-mukhang hot.

"Now let's go."

"More!!" Inis na kinuha ko yung bote at tinungga iyon hanggang sa maubos.

Ramdam ko tuloy ang hilo dahil halos kalahati pa yung laman nun at inubos ko pa.

"Ngayon halika na. Ubos na. Tara na. Kailangan muna natin uminom ng coffee bago umalis." Sabi ko dahil hindi pwedeng hihilo hilo ako na magda-drive.

Sa inis ay binuhat ko na lang siya na parang bata.

Pinalibot nito ang paa niya sa bewang ko at sinubsob pa ang mukha niya sa leeg ko at inamoy iyon na ikinatigil ko.

"You're smell, it's familiar. My husband used to smell like this. I miss him so much."

"I am your husband."

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. She said earlier that she still love me and ngayon tinatawag niya akong husband niya.

Napapaisip tuloy ako kung boyfriend niya ba talaga si Aries o hindi.

Paglabas ng club ay isinakay ko na siya sa sasakyan.

May malapit na cafe dito na bukas pa. Saglit lang naman yun kaya kaya ko pa mag-drive.

Kailangan muna namin magpawala ng hilo, lalo na si Faye. Bago ko i-explain sa kaniya lahat at bago kami umuwi.

Pagdating sa cafe ay tumakbo ako papasok sa loob at umorder ng dalawang hot coffee.

Paglabas ay nakita ko si Faye na sumusuka sa malapit sa gulong ng sasakyan ko.

"Halika umupo na muan tayo doon sa upuan." Sabi ko nang matapos siyang sumuka inalalayan ko siya pumunta doon sa may upuan at pinaupu siya doon.

Binigay ko ang kape sa kaniya para mainom niya. "Dahan dahan mainit yan." Sabi ko bago umupo.

"Ahh! Shit! Ang init." Sigaw nito.

Napailing na lang ako at natawa. "Kakasabi lang eh."

Umupo ako sa harap niya ay ininom rin ang kape ko.

Ilang minuto nang maubos namin ang kape ay natahimik kami.

"Now explain." Sabi nito makaraan ang ilang minutong katahimikan.

"Saan mo gusto akong magsimula?" I asked.

"Mula doon sa umpisa."

"Dad, kapag nag-over time po ba ako, may makukuha akong sahod?" Tanong ko kay Dad.

"Yes. Kapag nagawa mo ng maayos bakit hindi." Sabi nito kaya napa-yes naman ako.

Nang magumpisa nag training namin sa mga kumpanya ay mas pinili ko yung La Cuesta Airlines.

Gusto kong makakuha ng sahod para naman may pera ako at maipon iyon nang may magastos ako kapag nanganak na si Faye.

Tahimik akong nagta-trabaho ay masyado ko yatang na-e-enjoy kaya palagi kong hindi namamalayan ang oras.

Isama mo pa si Elena na palaging napunta dito sa office pero araw-araw ko siyang pinagtatabuyan.

Sa ilang buwan na nakasama ko si Faye ay ngayon masasabi ko na talagang mahal ko na siya.

Mahal ko siya kaya di ko hahayaang may sumira nun.

Not until dumating si Elena at may dalang alak.

Pinilit niya akong uminom at sabi niya aalis lang siya kapag uminom ako.

Kaya napilitan ko yun na ininom.

Pero saglit lang ng makaramdam ako ng pagkahilo at nainitan na rin ako.

Tinanggal ko na muna ang coat na suot ko at niluwagan ang necktie at tinanggal sa pagkakabutones ang ilan sa damit ko bago pinagpatuloy ang trabaho.

Pero di yun nagtagal ng mas nakaramdam pa ako ng init. Lumala lang iyon nang may umupo sa lap ko at gumiling.

Tinignan ko iyon pero nanlalabo na ang paningin ko.

"Hon, do you like it?" She asked.

"Love?"

"Yes it's me."

"Oh god, Faye!" Hindi ko napigilan ang ungol ko nang maramdamang paghawak nito sa pagkalalaki ko.

"Faye? Okay then think that I am Faye." She said at bigla akong hinalikan.

Di ko namalayan na gumaganti na ako ng halik sa kaniya.

Akmang huhubaran ko na siya ng tumigil ito at may nilingon kaya tinignan ko iyon.

Napatayo ako nang makita doon si Faye.

"Love? Y-you're here. I-i t-thought," napatingin ako sa katabi ko at nagulat nang makita kung sino iyon. "What the fuck?! Elena what are you doing here?!"

"I was about to explain it to you but you didn't let me. Hindi ko alam kung anong nilagay niya sa alak nung araw na iyon. Pero nung makita kita doon ko na-realize ang nangyari." Pagtatapos ko sa paliwanag ko.

Habang nagpapaliwanag ay hindi na napigilan ni Faye na maiyak.

"Dapat kasi sinabi mo!" She shouted.

"Paano ko sasabihin, sa tuwing pinipigilan kitang umalis ay mas lumalayo ka. Mas natakot ako na hindi masabi sayo lahat nung umalis ka ng bahay nun.

Pero lalo akong nawalan ng pag-asa nang malaman ko na patay ka na. Na-guilty ako sa nagawa kong iyon. Sobra sobra. Gabi gabi lagi akong binabangungot. Dumating sa point na muntik ko na tapusin ang buhay ko dahil wala ng saysay iyon!"

"Bakit mo naman naisip yun?! Di ka ba nag-iisip na may mga maiiwan ka pa?! Sina Nanay at Tatay mo?! Di mo ba sila naisip?!"

"Hindi ko alam. Basta ang iniisip ko nung mga araw na iyon ay sumunod kung nasaan ka man. Pero pinigilana ko nina Nanay. Sabi nila hindi pa daw natatapos ang buhay ko nung nawala ka. Pinatunayan ko sa sarili ko na kaya ko. Nagtapos ako ng pag-aaral at binili sa pag-aari nh Dad mo yung kumpanya at yung bahay at ako ang nagtapos. Umasa ako na babalik ka noon kahit alam kong imposibble eh." Sabi ko kaya naiyak siya lalo.

"Bakit di mo naisip na baka nasa ibang bansa lang?"

"Pina-DNA namin yung bangkay na nakita–"

"Ilang beses?"

"Isa."

"Gagu naniwala naman kayo agad?"

"Eh kasi bunti–"

"Porket?! Ako lang ba buntis nung mga oras na yun? Paano na yung totoong pamilya nun. Di manlang nila alam kung nasaan yung babaeng pinaglamayan niyo!" Sigaw nito kaya natahimik ako.

Yumuko na lang siya sa mesa at naririnig ko naman ang iyak niya.

Nag-intay pa ako ng ilang minuto nang wala na akong marinig sa kaniya.

Tinignan ko siya at nakatulog na pala kaya binuhat ko na siya at isinakay na sa sasakyan. Sinuotan ko rin siya ng seatbelt at ako naman, okay na rin ako kaya sumakay na ako at nagmaneho na pabalik sa bahay ko.

PAGDATING SA bahay ko ay agad ko siyang dinala sa higaan ko at doon inihiga.

Paalis na sana ako para kumuha ng towel at tubig nang mapunasan siya pero hinawakan niya ang kamay ko.

Tinignan ko siya at nakadilat na ulit ito.

"Make love with me."

"Ha?!" Gulat na tanong ko.

"I said make love with me. If you still love me then sex with me." She said that made me more shocked.

Lasing lang siya. Lasing lang siya. Baka nahihilo pa siya.

"Lasing ka–"

Hindi na ako natatapos sa sasabihin ko nang hatakin ako nito kaya napaibabaw ako sa kaniya, tinukod ko ang siko ko sa gilid niya para di siya mabigatan.

Hindi ko alam kung paano niya ako nahila ng ganun ganun lang.

"Don't you love me anymore?"

"I do. I really do. But you have a boyfriend–"

"Who the hell told you I have a boyfriend?!"

"Ikaw."

"I did not told you that."

"Yes you did."

"Ano ba?! Ayaw mo na ba talaga sakin?! Gusto mo ba doon na lang sa Elen–"

Di ko na siya pinatapos sa pagsasalita nang halikan ko siya. Agad naman siyang gumanti.

"Masyado ka ng madaldal."

Comment