CHAPTER 07

IT'S MY birthday today and nasa mall kami ni Cindy nagiikot. I wanna buy her a dress to use later for our dinner with Dad.

"Ang mamahal naman ng dress dito." Sabi niya habang natingin sa mga dresses kaya natawa ako.

"You are free to pick what you want, Cindy. It's my treat." Nakangiting sabi ko.

"Ako ba may birthday satin para i-treat. Malaki na nga naitulong niyo ng Dad mo sa ampunan eh." Sabi niya pa.

Dati kasi, I convinced my Dad to donate some foods, clothes and financial support sa ampunan kung nasaan nakatira si Cindy.

Dati ay may mga butas ang mga bubong, kulang sa pagkain at halos walng pang-suporta sa pagaaral ang mga madre sa ampunan pero ngayon ay may malaking pagbabago na.

In just a few months ay kitang kita na, na ang mga bata ay tumataba na dahil sa dami ng pagkain nila at kumakain na sila 3x a day.

"It's nothing. Just go pick something you want." Pamimilit ko at ako na mismo naghanap ng dress for her.

May nakita naman ako na off-shoulder floral dress na above the knee na babagay sa kaniya.

"Here sukat mo yan," sabi ko at inabot ang dress sa kaniya at pinagtulakan siya papasok sa fitting area.

Naghanap din ako ng heels for her. May blue heels akong nakita na sa tingin ko ay babagay sa damit at pangalan niya.

Inabot ko lang sa kaniya ang sandals at umupo na ulit at nagbasa ng magazine habang inaantay siya.

Pero habang nagiintay ako ay may napansin akong dalawang pamilyar sakin.

It'e Jax and Elena.

Medyo malayo sila sakin at nakatalikod rin sa direksyon ko.

Lumapit ako doon at nagpanggap na may inaantay para lang marinig ang usapan nila.

"Hindi ka pa rin ba tinitigilan nung babaeng nagcha-chat sayo?" Tanong ni Jax. Napangisi ako dahil alam kong ako ang pinauusapan nila.

"Hindi pa nga eh. Pero tahimik siya this days na pinagpasalamat ko. Ang creepy niya." Sabi pa nito kaya napangiwi ako.

"Hayaan mo na lang. But trust me wala akong iba." Sabi pa ni Jax.

"I trust you naman. Sa babae lang talaga. Mukhang yayamanin siya eh. Nakaka-insecure rin kasi ang ganda ng katawan at kutis niya. Natatakot ako na baka-"

"Sshh, wag ka mag-isip ng kung ano-ano. Hinding hindi mangyayari yang iniisip mo." Sabi ni Jax sa kaniya.

Edi wow.

"Kilala ko rin naman kung sino yun eh." Teka ano raw? Bulong lang yun pero rinig ko dahil malapit lang ako sa kanila. So kilala niya pala ako. Kaya siguro palaging masama ang tingin niya sakin.

But I don't care.

Umalis na ako doon at bumalik na nang makita ko si Cindy na kakalabas lang.

"Perfect!" Sabi ko kaya natawa pa siya. "Let's pay for that na. Punta tayo sa salon para maayusan ka. Isuot mo na lang yan after mo ayusan para di madumihan then after nun didiretso na tayo sa bahay para maka-kain na." Sabi ko kaya tumango siya at nagpalitna ult.

NASA fastfood chain na kami at nakain nang makita ko nanaman yung dalawa.

But Jax is glaring at me. Nakatalikod naman sa pwesto ko si Elena.

I waved at him at kinindatan pa siya. I chuckled when he winced at umiwas ng tingin.

Tinuloy ko lang ang pagkain ko habang nakatingin sa kaniya. Alam kong napapansin na ako ni Cindy pero she's unbothered dahil alam na niya lahat about sa nararamdaman ko this past few months.

But syempre di siya support sa plano ko pero pinagsasabihan niya namana ko. Sadyang matigas lang talaga ang ulo ko.

Nilingon ko ulit si Jax at nag-flying kiss pero lalo lang siyang napangiwi kaya napatingin sa direksyon namin si Elena pero umiwas ako ng tingin at pinagpatuloy ang pagkain ko na para bang walang nangyari.

"Stop flirting, Elvira." Bulong ni Cindy.

"I'm not." I exclaimed.

"Yes you are. Kumain ka na lang diyan." Sabi niya kaya kumain na lang ako.

Dessert lang naman binili namin kasj may dinner pa kami later. Medyo matatagalan kasi pagpasalon namin mamaya kaya dapat may laman ang tiyan namin.

PAGKATAPOS NAMIN kumain ay pumunta na kami sa salon.

Walang walang rules sa university na iyon na bawala ng walang kulay sa buhok so we will make a legend.

AFTER SO MANY HOURS at natapos na rin. Mula sa makeup hanggang sa buhom hanggang sa outfit.

ELVIRA☝🏻 CINDYπŸ‘‡πŸ» (HAIR COLOR)

ELVIRA☝🏻 CINDYπŸ‘‡πŸ» (MAKEUP)

ELVIRA☝🏻 CINDYπŸ‘‡πŸ» (DRESS AND SHOES)

"Hi, beautiful!" Pagtawag ni Cindy sakin pero may halong pangangasar.

"Hello, innocent looking girl!" I called back.

"Shut up. Nawala tuloy angas ko sa dress at makeup ko. Pero ganda ko sa blue hair ah." Sabi niya at chineck pa ang sarili sa salamin. "Ikaw rin ang ganda ng buhok mo, blue na may pink naman." Sabi niya kaya tumango ako.

"Tapos ang hot ko tignan sa damit ko with matching red lippie and shinny makeup." Sabi ko na sinangayunan niya.

UMALIS NA KAMI pagkatapos namin magbayad.

Pero kung suswertihin ka nga naman dahil nakasalubong pa namin sina Jax.

"Hi!" Pagbati ko kay Jax na para bang wala lang at mag-kaibigan lang kami.

His girlfriend is clueless but she looks so amazed by looking at me.

"Are you free tonight? I'm inviting you to my birthday celebration this night. Simple lang. Since kaming tatlo lang sumama na kayo." Mabait na sabi ko.

"No thank-"

"Sige! Happy birthday rin! Since tatlo lang naman kayo sasama na kami!" Nakangiting sabi ni Elena.

I smiled innocently.

"Really?! That's nice of you!" Sabi ko pa at natuwa naman ang gaga.

"Let's go!" Excited na sabi pa nito at hinila na Jax.

I smirked. Napagitnaan namin ni Elena si Jax at nasa kanan ko naman si Cindy. Pasimple kong inabot ang kamay ni Jax at pasimple rin niyang inilalayo iyon. Nakurot pa tuloy ako ni Cindy.

Pagdating sa parking lot ay nalaman kong hindi pala dala ni Jax ang motor niya kaya nakasakay sila ngayon sa sasakyan ko, kasama sila namin ni Cindy.

Ilang minuto lang ay nasa bahay na kami kaya bumaba na kami.

"Wow! Ang laki ng bahay niyo!" Agad na sabi ni Elena na para bang ngayon lang nakapunta sa ganitong lugar.

"Let's go! Dad is waiting for us." Nakangiting sabi ko at nauna na kami ni Cindy.

"May binabalak ka ba?" Bulong ni Cindy sakin.

"Of course." Nakangising sagot ko.

Napatingin naman siya sakin at napangiwi nang makita ang ngisi ko.

Pagpasok sa pinto ay nagiintay doon si Dad.

"Woah! Woah! Woah!" Agad na sabi nito nang makita kami ni Cindy. Natawa naman kami sa reaksyon niya.

Napalabas tuloy ang maids sa kung saan saang parte ng bahay at nagulat rin.

"Sir, may heater po ba ang bahay niyo? Umiinit po kasi eh simula nang dumating ang dalawang hottie na ito." Sabi ng isa sa mga maid kaya natawa kaming tatlo ni Dad at ni Cindy kasama na rin ang ibang maids.

"I don't know. Ang alam ko lang, hindi ito ang anak at Cindy na kilala ko. My daughter doesn't looked innocent anymore, and there is Cindy who doesn't looked astig anymore. Nagkapalit yata sila ng personality." Dad dramatically said.

"Ayyy! Stop over reacting, Dad. By the way we have another guests." Sabi ko at tinignan sina Jax na tahimik at diretso lang ang tingin at si Elena na malikot ang mga mata kakatingin sa loob ng bahay.

Napairap naman ako at nagtama ang mata namin ni Jax and he's glaring at me nanaman.

"What?" I mouthed pero siya naman ang umirap.

"Hi! Tuloy kayo wag kayo mahiya. I'm glad may iba pang kasama itong dalawa. Halina kayo at kumain na tayo." Sabi ni Dad at naunang naglakad samin kaya sumunod kami ni Cindy doon at nasa likod namin yung dalawa.

"May alak ba mamaya?" Bulong ni Cindy kaya mahina ko siyang hinampas.

"Makikitulog ka lang eh." Sabi ko kaya natawa siya.

The last time we had a drink here is dito siya natulog. Di naman siya madali malasing kaso gabi na rin kaya dito ko na siya pinatulog, ako yung lasing nung gabing yun.

Nag-sleep over na rin siya dito ng ilang beses tuwing weekends. Nag-girl bonding kami.

"Oohh daming pagkain." Sabi ni Cindy kaya natawa si Dad.

"Sit down ladies." Pinaghila naman kami ni Dad ng upuan at si Jax naman ang naghila ng upuan ni Elena.

"Kain kayo. Masarap ang mga 'yan. Karamihan diyan ay favorite ni Elvira lalo na yang Ginataang Crabs." Pagmamalaki pa ni Dad.

"Talaga po?! Si Agustus din po favorite niya yun. Minsan na po niya akong pinagluto nun kaso allergic ako sa ganun kaya siya lang anh umubos." Pagsabat ni Elena.

"Aww that's bad. But that's okay, there's another dishes pa rin naman like meats and veggies so eat na. But let's prat first." Dad said so we prayed and thanked the god for foods.

And after nun ay kumain na kami. Ayokong magmukhang dumihing bata ngayon kaya dahan dahan ako sa pagkain ng crabs.

Natatawa pa si Cindy at Dad nang makita nila kung paano ko maarte at dahan dahang hawakan ang crab na nasa plato ko.

"Seems like someone is not making a mess, Tito." Sabi ni Cindy kaya tumango naman si Dad.

"Yeah. Masisira yata ang look niya at angas niya ngayon kaya let her be." Sabi nito at natawa pa silang dalawa.

"Ay hijo, anak ka ni Mang August di ba?" Tanong ni Dad kay Jax.

"Agustin po. At opo, Tatay ko po siya." Magalang na sagot nito kay Dad.

"Ahh oo nga Agustin nga. Nasanay kasj kami na August ang tawag sa kaniya. But anyways how is your mother's mini sari-sari store?" He asked again.

"So far so good po. Lumalago rin." Sagot naman niya.

"That's good. Tell them not to worry about their debt to me, I don't mind if hindi pa sila nakakabayad last month." Nakangiting sabi ni Dad kaya ngumiti rin si Jax.

"Sige po. Salamat po." Sabi niya.

KUMAIN LANG KAMI ng kumain at pagkatapos ay pumunta kami sa living room kung saan nandoon ang mga mamahaling alak.

Nakita ko naman ang kaba ni Elena kaya napangisi ako.

I know something you don't, I know something you will know later.

May mga beer mugs na doon na malalaki at puno ng alak.

Umupo na kami at kinuha ko yung baso ko at ganun din si Cindy.

Umaayos naman sa plano ko ang lahat dahil ang kinuha ni Jax ay yung baso mismo na para sa kaniya. At yung kinuha ni Elena ay ang baso na for her.

Si Dad ay umakyat na dahil may trabaho pa daw siya bukas at marami siyang dapat tapusin kaya kami-kami na lang ang magiinuman.

"Cheers for our birthday celebrant! Congratulations for you 22nd birthday!" Pag-cheer ni Cindy.

"Cheers!"

Comment