CHAPTER 32

ELVIRA'S POV

"Ohhh. Here comes the bloated girl." She said.

Hindi na ako nakapagtimpi pa at malakas siyang itinulak dahilan para malakas na bumagsak siya sa sahig namin.

"I LITERALLY HELP YOU TO ESCAPED TO YOUR MANIPULATIVE HUSBAND AT ITO ANG IGAGANTI MO?!" I shouted.

But she just laughed at makapal na mukhang tumayo.

"Ikaw ang unang nang-agaw sa boyfriend ko. Ipinapaalala ko lang. Binabawi ko lang ang lalaking dapat sakin nagpakasal at hindi sa isang gaya mo! Binulag mo lang naman siya ng pera niyo eh! Ginamit niyo ang pera niyo para bulagin ang pamilya ni Jax–" naputol ang sinasabi niya ng malakas na sampal galing kay Cindy ang natanggap niya.

"Ilabas niyo ang babaeng ito dito!" Sigaw nito sa mga guards na agad namang lumapit kay Elena at hinawakan ang dalawang braso nito.

"Bitiwan niyo ako! Bitaw di pa ako tapos!" Sigaw nito.

"Hoy babaeng higad umalis ka na dito!" Sigaw pa ni Cindy.

"Ohh look who's talking. Yung babaeng pinatulan lang naman ang Dad ng best friend niya at nagpabuntis para makuha ang lahat ng mana." Pagiinsulto nito.

"Sorry girl pero hindi ako ganung klaseng babae. Sino kaya satin ang nagpabuntis sa anak ng mayor para lang sumikat sa lugar nila." Pangiinsulto rin nito kay Elena dahilan para matahimik siya.

"Babalikan ko kayo. Sisiguraduhin ko na mababawi ko ang lalaking para sakin. Babawiin kita mahal ko, wag ka mag-alala." Parang baliw na sabi nito bago siya mailabas ng guards.

"Love, are you oka–"

"Don't touch me!" Galit na sigaw ko.

"Love,"

"And don't you dare call me that again. I saw it, she kissed you. Nagdikit ang mga labi niyo. Anong ini-expect mong gawin ko? Magbait-baitan?" Inis na tanong ko at tinalikuran na siya.

"Love, pinagtulakan ko naman siya eh. Hindi ko ginusto yun. Love–"

"Wag kang sumunod! Wag kang matutulog sa tabi ko ngayon!"


WEEKS HAD passed ay hindi ko siya pinapansin. Oo alam kong hindi nga niya ginusto yun, pero the fact that I saw their lips kissed each other, nandidiri ako.

He even tried a lot of times to kiss me, but I always refused it. Minsan pa nga ay kapag ninanakawan niya ako ng halik ay binunura ko iyon at nagsasabi ng, "disgusting!"

At sa paglipas rin ng araw ay hindi ko maiwasang mag-over think kasi this past few days ay umuuwi na siya lagi ng late.

I know na may intern siya kasi 3rd year na. Pero dapat manlang nagsasabi siya na mala-late siya ng uwi di ba?

Kaya ngayon ay pupunta ako sa airlines kung saan siya pumasok para makita kung anong ginagawa niya.

Pagdating sa airport ay madali lang akong pinapasok ng mga crew. Nagsisiyuko pa nga yung iba kapag nakakasalubong nila ako.

Pumunta ako sa office na inuukupa niya pero to my surprised ay nandoon si Elena. Naka-kandong sa kaniya.

And what surprised me more, is they are kissing each other.

May nakita rin akong bote ng alak sa mesa niya.

Nang mapansing tatanggalin na ni Jax ang damit nito ay agad akong pumasok dahilan para matigil sila sa ginagawa nila at mapatayo sila.

"Love? Y-you're here. I-i t-thought, what the fuck?! Elena what are you doing here?!" Gulat na tanong pa nito nang makita si Elena.

"Ohh babe, we are just making out. Let's continue what we are doing." She said at hinawakan pa ang bumabakat na pagkalalaki ni Jax, sa harap ko pa talaga mismo.

Tinampal naman ni Jax ang kamay nito at agad na lumapit sakin pero nandidiring umatras ako.

"So this is what you are doing kaya lagi kang late umuuwi."

"Love, let me explain–"

"Explain?! Anong ipapaliwanag mo?! Kitang kita ko Jax! Kitang kita ko kung paano mo siya muntik hubaran! Really?! Dito pa talaga sa lugar na pagaari ng Dad ko?! You're disgusting!" Inis na sigaw ko sa kaniya.

Napansin ko na marami ng taong nakiki-usyuso pero di ko sila pinansin.

"Love, let me explain, please!" Pagmamakaawa pa nito pero umiling ako.

"No Jax. Tapos na tayo. Oo kasal tayo pero madali lang para sakin ang makipaghiwalay sayo! Don't worry, ibibigay ko sayo ang annulment. Magsama kayo ng babaeng yan!" Sigaw ko at malakas siyang sinampal at lumabas na ng office.

"Love! Please wag naman ganito please! Let me explain please!" Sabi nito habang nasunod sakin pero di ko siya pinapansin.

"Love please–"

"Don't you dare touch me! Nandidiri ako sayo!" Sigaw ko nang hawakan niya ako.

"Love–"

"We are done, Jax!" I shouted at sumakay na sa elevator.

Nakita ko na sasakay na sana siya pero buti at sumara na ang pinto.

"Aahhh!!!" I shouted.

"Fuck you! Fuck you, Jax!" Paulit ulit na sabi ko habang patuloy na bumabagsak ang mga luha ko.

Ilang beses ko na siyang sinusundan nung mga nakaraang araw. At ilang beses ko na ring nakikita si Elena sa office na iyon pero pinagsawalang bahala ko at umaalis na lang ako na parang walang nakita pero deep inside ay puro what if na ang nasa isip ko.

Pagbukas ng elevator ay agad akong lumabas at nagmadaling umalis sa airport na iyon.

"Umuwi na tayo!" Inis na sigaw ko sa driver ko na agad namang minaneho paalis ang sasakyan.

Pagbalik sa bahay ay sumalubong sakin sina Dad at Cindy.

"Saan ka pumunta ng ganitong oras? Gabing gabi na. Anong nangyari bakit ka umiiyak? May nangyari ba? Elvira!" Sunod sunod na tanong ni Dad.

"Elvira." Dinig ko pang tawag ni Cindy pero nagmadali akong umakyat at dumiretso sa kwarto.

Nilabas ko ang mga damit ni Jax at itinapon iyon sa mula sa veranda. Nakita ko naman ang sasakyan nito na parating kaya inis na tinapon ko yung mga vase na nakita ko sa kwarto.

"Love! Please! Stop it! I'll explain please!" Sigaw ni Jax nang makita ako.

"Explain what?! We are done, Jax! Lumayas ka!" Sigaw ko at pumasok ulit sa kwarto at kinuha ang maleta na tinago ko sa ilalim ng kama.

Kinuha ko rin ang bag kung saan may mga nilagay akong gamit for my baby if ever na tama ang iniisip ko noon.

At hindi nga ako nagkamali.

Lumabas ako ng kwarto at nakita ko namang paakyat si Jax.

"Love, please! Faye! Faye naman wag namang ganito please!" Sabi nito habang sumusunod sakin.

Inis na sinipa ko ang pagkalalaki niya dahilan para mapatigil siya dahil sa sakit.

"Deserve!" Sigaw ko at inis na nilaglag na lang ang maleta ko sa hagdan.

"Sweetie, what happened? Care to tell this to Dad please!" Sabi ni Dad.

"Aalis muna ako, Dad. And don't you ever find me!" Sigaw ko at hinila palabas ang maleta ko.

"Umalis na tayo, bilis!" Utos ko sa driver ko.

Tinulungan ako nito sa maleta ko na isakay iyon sa sasakyan.

"Elvira! Elvira! Sabihin mo naman samin ang nangyayari please!" Nakahabol naman sakin si Cindy kaya bumaba ako saglit.

"Alagaan mo ang magiging kapatid ko at si Dad. Palayasin niyo na rin si Jax sa bahay. I saw him cheating with Elena. They are making out at muntik ng may mangyari sa kanila kung hindi pa ako dumating ay baka kung ano na ang nangyari." Mabilis na pagpapaliwanag ko.

Tumingin ako sa bahay at nakitang pababa na si Jax.

"What?! Bakit ikaw ang aalis? Siya dapat!" Sigaw pa niya.

I smiled at her even though natulo na ang luha ko.

"Babalik ako. Pero di ko maipapangako. At di ko masasabi kung kailan. Basta alagaan mo si Dad at ang magiging baby mo. Di ko papabayaan ang sarili ko promise." Huling bilin ko bago sumakay ng sasakyan nang makitang nakalabas na si Jax ng bahay.

"Umalis na tayo." Utos ko na agad nitong sinunod.

Nakita ko pa na humabol si Jax pero napigilan siya ni Dad at sinuntok ito.

Hindi ko na napigilang mapaiyak dahil sa sakit na nararamdaman ko.

Minahal ko siya ng lubusan eh pero niloko pa rin niya ako.

Never ko pa nga siyang narinig na nagsabi saking mahal niya ako eh.

Pagdating sa airport ay agad na akong bumaba.

"Ingat po, Ma'am." Sabi ni Mang Dado, ang matagal ko ng driver.

"Please take care of Dad and Cindy for me." Sabi ko.

"Yes, Ma'am. Sana ho bumalik po kayo. Hihintayin ko po ulit na maihatid sundo ulit kayo sa kung saan pa man. At bilang lalaki ho, ako na po ang humihingi ng tawad sa nagawa ng kapwa ko lalaki sa iyo." Sabi nito dahilan para maluha ako.

"Wala ka naman pong kasalanan kaya wala po kayong dapat na ika-sorry. Alis na po ako. Ingat rin po. Salamat rin po sa lahat." I hugged him for the last time and naglakad na papunta sa loob.

I pull some strings para may maghatid sakin papuntang ibang bansa. And I made them promise na wala silang pagsasabihan kung saan ako pupunta. Well dalawa lang naman sila na sinabihan ko.

Nag-text muna ako kina Dad bago sumakay sa private plane.

Dad, sorry for everything. Sorry kung iiwan kita. I will come back, but I don't know when. Be safe. Alagaan mo po si Cindy at ang magiging anak niyo. Always make her happy for me. And thank you for everything.

Please tell Cindy to take care. And happy first anniversary for us as a besties. I love her so much and thank you for staying with me.

And please please please, tell Jax that even though he did that to me. I still love him, but I can't say that I trust him anymore. I love him but maybe this is the end of our relationship. He can enjoy his life again, he is now free.

Bye, Dad. Bye Cindy. And goodbye Jax.

Comment