Chapter: 21


" Ehhh?! Teka?! Totoo?!" sigaw ni Amanda. Walang gana naman akong tumingin sa kanya. Si Kin naman ay nagpapalipat lipat ng tingin saming dalawa. Halatang naguguluhan.


" Omy Mayumi. Tama ka. Dapat hindi na ako magsalita! Parang laging nagkakatotoo yung sinasabi ko sayo eh!" nakangusong aniya. Napabuntong hininga nalang ako.


" Ano bang pinag-uusapan nyo?" tanong ni Kin. Nagkatinginan naman kami ni Amanda. " Wala Baby. Girls talk. Kami lang magkakaintindihan" sabay kindat. Nakita ko namang namula si Kin at nag-iwas ng tingin! Wews! Ngayon ko lang nakitang ganito sya kiligin kay Amanda.


" Baby! May tanong ako!" nagmamadaling sabi ni Amanda. Agad namang tumingin si Kin. " Anything Baby" ngiting sagot nya. Halata namang kinilig si Amanda at baka nakalimutan na nya yung itatanong nya. Napahigop naman ako ng maraming hangin! Gusto ko nang umalis ditooo!


" Uhm, kasi Baby... May girlfriend na ba si Thomas?"


Mabilis naman akong napatingin kay Amanda! Halata sa kanya ang pagiging determinado. Naptingin naman ako kay Kin na kunot-nuong nakatitig kay Amanda.


Gusto kong tumayo at umalis pero meron saking humihila pabalik. Taka naman akong nakatingin kay Kin dahil hindi ito sumasagot at kunot-nuo lang na nakatitig kay Amanda. Halos tumirik naman ang mata ni Amanda at pinandilatan nya si Kin! ng mata.


Teka! Ano bang nangyayare?!


Mayamaya pa ay napangiti si Kin na halatang pinipigilan nya kanina. Hindi din nagtagal nahawa na rin si Amanda. Napasapo pa si Kin sa mukha nya habang tatawa tawa naman si Amanda.


-.-


Leche! Mauubusan ako ng pasensya sa dalawang ito!


" Bye guys see you latur" dire-diretsong sabi ko saka tumayo.


" Wait!" pigil ni Amanda sakin. Bagsak ang balikat naman akong napatingin sa kanya.


" So ano nga Baby? May gf ba?"


Napabuntong hininga ako. Bakit ko ba kaylangang malaman? Wala naman akong pake don.


" Bakit Baby? Do you like him ba?" nakangusong tanong ni Kin.


" Baket? Selos ka? Hahaha" sabay hampas kay Kin. Natawa nalang si Kin sa kanya.


Ayan nanaman po sila.


" Guys---"


" Hmmm..." natigilan ako ng mapaisip si Kin.


" Ano?"


" Hmmm... Wala naman syang girlfriend"


Nakahinga naman ako ng maluwag.


Ha?!


" Si Mayumi lang naman nakikita kong babaeng nakakausap ni Cap." dagdag pa nya. Ngumiti si Amanda sakin ng may nanunuksong tingin. Inismiran ko nalang sya.


" Ay... sandali...Oo nga pala! Meron pa e" napapaisip ulit na sabi ni Kin. Nagkatinginan kami ni Amanda.


" Ay oo. Yung babae nung nakaraa---"


" Babae?! Sinong babae?!" sigaw ni Amanda na kinagulat ko. Nagsalubong naman ang kilay ni Kin.


" Baby, wala ba talaga?" inis na sabi ni Kin. Nabalik naman sa ulirat si Amanda. Napanguso naman si Kin. "Para kasing..."


" Baby I'm sorry. Nadala lang---"


" Tss" putol sa kanya ni Kin saka sya nagkrus ng braso. Napalunok ako. Parang nangangamoy away ah? Kasalanan ko ba?


" Baby, mali iniisip mo... kase" natatarantang paliwanag ni Amanda saka natingin sakin. Napalunok naman ako. A-anong gagawin ko?


" Bakit di mo tanungin sa kanya ng personal? Hindi yung sakin ka pa nagtatanong" malamig na sabi ni Kin saka tumayo. Natigilan ako.Napatingin naman ako kay Amanda na kagat-kagat ang ibabang labi at halatang nagpipigil umiyak!


Kasalanan ko ba?!


" Sandali Kin!" sigaw ko! Natataranta na kase ako! Kahit di pa sya nakakaalis grabe yung sigaw ko! Nakakahiya.


Walang gana naman syang lumingon. " Bakit Mayumi?"


" A-Ako! Ako ang may gusto sa kanya! Kaya wag ka nang magalit kay Amanda!" dirediretsong sabi ko saka tumayo at lumapit kay Kin. Tinulak tulak ko sya para makabalik sa pagkakaupo.


Gulat namang nakatingin sakin si Amanda lalong lalo na si Kin na nakanganga pa. " S-sige na. Mag-usap na kayo. Wag kayong maghihiwalay ah?! Stay! S-strong!" sigaw ko saka nag-salute sa kanila ! Para akong timang! Dahil sa kahihiyan agad akong umalis sa canteen!


" Hoy tulungan mo ko!" sigaw ni Bansot na nasa pintuan na pala ng classroom. Tinaasan ko naman sya ng kilay.


" Bahala ka dyan" saka ako nagdere-deretso ng pasok sa classroom. Inis.


---


" Ayaw ko nga kase" iritableng sabi ko kay Amanda habang hila-hila ako papunta sa gym! Uwian na namin ngayon. Pinipilit nya kase akong pumunta don para daw malaman namin kung sino yung babaeng umaaligid kay Bansot!


" Ano ka ba?! Papayag ka nalang ba na makuha sya sayo?!" bakas ang inis na sabi ni Amanda. Mayamaya pa, nakarating na kami sa gym.


" Babyyy!" sigaw nya kaya napalingon ang mga players samin! Gulat namang napalingon si Kin na halatang nagtataka kung bakit nandito ang girlfriend nya.


" Amanda" mahinang bulong ko para pigilan sya. Hindi ko namalayang nakalapit na pala si Kin samin.


" Baby? Bakit nandito ka? Akala ko ba bawal--- "


Nakita ko namang kumindat si Amanda sa kanya saka iinilagay ang hintuturo sa bibig.


" Ahh... Hahaha" napapatangong ani ni Kin habang nakatingin sakin. Napaiwas naman ako ng tingin. Nakakainis.


Napatingin naman ako sa paligid. Hinahanap sya ng mata ko. Nakita kong nakangiti ang ibang members habang nagdi-dribble ng bola. Mayamaya pa nakita ko si Bansot na salubong ang kilay at diretsong nakatingin sakin!


Naalala kong hindi ko nga pala sya pinapansin kanina! Tapos nasisigawan ko pa sya! Hindi ko alam kung bakit badtrip na badtrip ako kanina.


" Hoy, Bat ka nandito Poste? Akala ko ba may importante kang gagawin ngayon?" takang tanong ni Bansot habang papalapit samin. Napalunok naman ako. Dinahilan ko kasing may importante akong gagawin kaya di muna ako magpapatutor.Basta naiinis ako! Putek naman kasi si Amanda!


" Mamaya aalis din a---"


" Actually Bansot. Dahilan lang yun ni Mayumi para makasama ako! Hahaha!" singit ni Amanda! Pipigilan ko sana sya pero nagsalita uli sya.


" Pwede dito muna kame? Ayaw ko pang umuwe eh. " dagdag pa nya. Pasimple ko namang hinila ang braso nya para pigilan sya!


" Sure"mabilis na sabi ni Bansot saka ako mabilis na tiningnan ni Bansot! Kinilabutan ako sa tingin nyang yun. Para kasing sinasabi nya na " Tinatamad ka lang talagang mag-aral. Magliliwaliw ka lang pala, dami mo pang dahilan"


Buset!


Agad bumalik sa practice ang team nila. Nasa gilid parin si Elvin na nagpapractise nang kung ano. Habang yung iba naglalaro. Seryosong seryoso si Bansot habang tinitingnan ang team nila. Kung iisipin parang coach na sya ng team!


Mabilis lumipas ang oras pero wala parin yung taong hinihintay namin. Nagtataka nga ako e. Ang pagkakaalam ko,tuwing may practice sila, laging nandito yun. Tapos inaasikaso si Bansot!


" Bat wala parin yun?" takang tanong ni Amanda habang tumitingin sa paligid. Napabuntong hininga nalang ako.


" Paabot nga ng tubig" maya-mayay sabi ni Bansot kaya naman napaangat ako ng tingin. Pawisan sya habang nakalahad ang kamay. Kinabahan naman ako sa di malamang dahilan.


" B-bat ako?" utal kong tanong. Bumuntong hininga naman sya at walang ganang tumingin sakin. " Nasa likod mo kaya"


Agad akong napalingon sa likod at nandoon nga ang dalawang bottle ng tubig. Agad kong inabot sa kanya yun. Hindi sinasadya pero bigla nyang nahawakan ang kamay ko.Parang may kung anong kuryente ang dumaloy sakin. Titig na titig akong pinagmamasdan si bansot habang umiinom. Kumikinang ang balat nyang puno ng pawis. Bawat paglagok nya ay nakikita ko ang adams apple nya. Sa totoo lang, sobrang gwapo nya. Kaya naman hindi na ako magtataka, kung may magkagusto sa kanyang maraming babae.


" Asan na yung towel?" takang tanong ni Bansot sa team mate nya. Nagkibit balikat naman sila. Nangunot naman ang nuo ni Bansot!


" Hanapin mo nalang" ani ni Kin sa gilid habang pinupunasan ni Amanda ang mukha nya. Tss sana ol no?


" Wala ba talaga sa inyo nakakita?" tanong muli nya pero nagkibit balikat parin yung mga kasama nya. " Ikaw? Di mo ba nakita?"


Gulat akong napatingala sa kanya. " Wala. Wala akong nakita."


" Tch. Andito lang yun e!" inis na sabi nya habang nakatingin sakin! Loko to ah? Ako ba sinisisi nya?!


" Hoy! Wag mo kong sisihin!" inis na sabi ko! Kunot-nuo habang nakanguso naman syang nakatingin. " Wala akong sinabi"


" E bat sakin ka nakatingin?!"


" Whatever" aniya saka nya biglang hinubad ang t-shirt nyang white! Nanlaki naman ang mata ko sa gulat!


S-sa harapan ko pa talaga?!


" Kyaaah!" sigaw ko sabay takip sa mga mata ko!


" What the---"- Kin


" Omy g---" -Amanda


" Baby! Hoy Cap!" si Kin nang nakasigaw!


" B-bakit?! Bakit ba kayo nagsisigawan?!" rinig kong sabi ni Bansot.


" Leche ka! B-bat dito pa kasi sa--- Kyaaah!" sigaw ko. Nakalimutan ko palang nakahubad si Bansot sa harap ko kaya napatakit ulit ako ng mata!


" Hahaha!" tawanan ng team mates nya! Nakakainis! Tuwang tuwa pa sila! Samantalang ako, halo halo na nararamdaman ko dahil nandito banaman mismo sa harap ko! Kailan ba sya aalis dyan leche!


"Tch! Anong gagawin ko? Pawisan na ko! Tas nawawala pa yung... Teka?"


Mayamaya nakaramdam ako ng pagtapik. Agad kong tinanggal ang kamay ko sa mukha ko at saka nanlalaking matang napatingin kay Bansot na sobrang lapit na sakin!


" Tabe!" sigaw nya. Agad naman akong napaatras sa gulat! "Sabi ko, tabe! Alis!" sigaw nya ulit! Nakakainis na ah! Bat ba nya ako sinisigawan! Kaya naman bago pa mag-init ang ulo ko ay inis akong tumayo.


" Mayumi!" sigaw nya ulit kaya napalingon ako. Laking gulat ko nang tumambad sa inupuan ko kanina ang towel na puti! Napalunok ako. Salubong naman ang kilay ni Bansot habang nakatingin sakin. Galit na nga sya.


Naupuan ko pala.


Gusto kong murahin ang sarili ko! Nakakahiya! Mayamaya pa ay kinuha na nya ang towel kaya agad akong lumapit para agawin! Nakakahiya!


" Bat mo kinuha?!" inis na sabi nito sakin. Napaiwas naman ako ng tingin.


" Lalabhan ko!"


" Anak ng. Bat mo pa lalabhan! Gagamitin ko na ngayon!"


" Eh kas--- Ah basta!"


Gusto ko nang lamunin ng lupa dahil sa kahihiyan! Bat pa nya gagamitin eh naupuan ko na nga! Nakakaasar!


" Captain!"


Bigla akong napalingon sa likod dahil sa sigaw. Agad kong natanaw ang babaeng nakangiti at patakbong lumapit samin.


" Sorry na-late ako, cleaners kasi eh" aniya habang naglalakad papalapit kay Bansot.


" Milliana! Akala ko di ka na dadating!" sigaw ni J-mar na kateam-mate ni Bansot pero di sya pinansin ni Milliana at dire-diretso lang itong naglakad papalapit kay Bansot.


S-sya ba yun? Yung love letter at yung babaeng sinasabi ni Kin?


Pantay lang ang tangkad nya kay Bansot. Mahaba ang buhok nya, rebonded. Nakaheadband na kulay blue at may ribbon. Bilugan ang mata nya at yung pilik nya makapal. Medyo red yung pisngi nya, gawa ata ng makeup pero bumagay sa kanya. Nakaliptint din. Sobrang ganda.


" Bakit ka pumunta dito?" takang tanong ni Bansot. Nagngitian naman ang mga ka-teamates nya.


" Captain talaga! Ilang beses ko bang sasabihin. Gus---"


"O-oo na! Wag mo nang..."iritableng sabi ni Bansot. Nanlaki naman ang mata ko.


A-anong ibig nyang sabihin?


Natigilan ako ng maglabas si Milliana ng towel na pink at pinunasan ang mukha ni Bansot!


" Woaaaah!!!"


"Captain, bakit nagpapatuyo ka ng pawis?" ngiting sabi nya. Nanlalaki naman ang mata ni Bansot. Rinig ko rin ang sigawan ng mga ka-teammate nya. Teka?! Ano bang ginagawa nya?!


" Hoy" napalingon ako ng sikuhin ako ni Amanda. Salubong ang kilay nya habang nakatingin kay Milliana. Napatingin din ako sa kanila. Nakakainis! Bakit ba namumula si Bansot?! Kunwari pa sya! Gustong gusto naman nya yung ginagawa sa kanya ni Milliana!


" Kelan pa pumupunta yang babaeng yan dito?" rinig kong sabi ni Amanda sa gilid ko. Tinatanong nya yata si Kin.


" Noong nakaraang araw lang. Nakalimutan ko Baby, yung exact date. Pero madalas nakakakuha si Cap ng loveletter mula sa kanya, last year pa." mabilis akong napalingon kay Kin.


Ibig sabihin, matagal ng nagugustuhan ni Milliana si Bansot? Nung nagkagusto ba si Milliana kay Bansot, may gusto na ba si Bansot kay Amanda?


" Hoy Mayumi tara na" nakasimagot na ani ni Amanda. Napatingin ako sa harapan munit wala na silang lahat.


" Nandoon na sila"


Napalingon ako sa itinuro ni Amanda at nakita kong naglalakad na silang lahat palabas. Nag-aasaran parin sila habang si Milliana ay nakasabit ang braso kay Bansot.


Wow ha?! Hindi na talaga nila kami pinansin! Nasa babaeng yun na ang atensyon nila!At yung babaeng yun! Daig pa ang higad kung makadikit kay Bansot!


" Nakakainis talaga ang bruhang yun!" galit na sabi ni Amanda. Napatingin naman ako sa direksyon nila.


Sarap sambunutan!


" Mayumi..." may bahid na lungkot na sabi ni Amanda. Taka ko naman syang tiningnan.


" Bakit?"


" Di ka ba naiinis? Tingnan mo oh! Grabe! Hindi na nahiya may pasabit sabit pa sa braso ni Bansot oh!" matagal ko syang tinitigan.


" Tch. Gusto naman nya eh" diretso kong sagot.Umalma naman si Amanda. Kesyo bat di ko daw pigilan. Agad ko syang pinapunta kay Kin na nasa tabi nya lang. Alam ko namang eto yung first time na pumunta si Amanda sa gym kaya gusto kong magkaroon sila ng time sa isa't isa. Taka naman akong tiningnan ni Kin. Nginitian ko lang sya. Sa ngayon nasa likuran na nila akong lahat. Napapabuntong hininga ako habang nakatingin kung saan.


Hindi ko alam. Basta inis na inis lang ako! Naiinis ako dun sa babae pero mas naiinis ako kay Bansot! Hinahayaan nya lang si Milliana na sumakbit sa braso nya!


At nakakainis pa,alam kong naggagalit galitan lang yang si Bansot. Naalala ko yung love letter  na binigay sa kanya, proud na proud nya pang pinagyabang samin!


" Mayumi! Bye! Ingat ka!" sigaw ni Amanda at Kin. Tumawid na sila sa kabilang kalsada para sumakay. Habang yung ibang team mate naman nya nakasakay na at syempre sinabay na nila si Milliana. Nakakainis nga e!  Kahit sa pag-alis nung babae di manlang mahiwalay kay Bansot! Queen of Higad pa nga!


" Hoy, sa Mon---" at syempre kami lang ang naiwan ni Bansot. Nakatingin lang ako sa kabilang kalsada kung saan umalis na sila Kin.


" Oo lalabhan ko" pilit  kong tinatago ang pagkainis ko. Bwisit. Gusto ko talaga syang bangasan ngayon!


Mayamaya pa may huminto nang jeep. Agad akong naglakad para sumkay. Narinig ko namang nagmaktol si Bansot.


" Bayad po" mabilis kong sabi saka tumingin sa labas. Nakakairita.


" Poste! Ano bang ginawa ko?! Galit ka nanaman ba?! Kanina ka pa ha!" rinig kong sabi nya sa likuran ko. Hindi ko nalang sya pinansin. Basta ayoko syang pansinin dahil naiinis ako!


Mayamaya narinig ko syang nagbayad na. Inaabot nya sakin ang kaso sa inis ko nga di ko sya pinapansin! Ewan ko kung bakit!


" Sabi ko bayad po!"sigaw nya sa tenga ko kaya agad akong lumingon at sinamaan sya ng tingin!


" Manahimik ka na nga lang!" sigaw ko at kuha ang bayad nya. "Bayad po!" sigaw ko. Sinamaan ako ng tingin nung nasa harap ko.


" Pucha Poste. Problema mo?! Kanina ka pa! Sa room di ka namamansin! Pagkatapos ngayon galit ka?! May ginawa ba ko?! Sa pagkakaalam ko wala!" inis ko naman syang nilingon.


" Pake mo kung galit! Wala kang pake! Manahimik kanalang malandi!" sigaw ko! Agad akong natigilan sa sinabi!


" Malandi? Malandi?!" kunot nuong aniya. Napalunok ako. Wala na! Kaya ayokong magsalita e!


Wala na, nasabi ko na kaya wala nang atrasan to!


" Oo! Malandi ka! Manahimik ka nalang!"


---


Sankyuu ♡

Comment