Chapter 40

Aray!


Pinitik nya ang nuo ko! Marahas nya kasing pinaharap ang mukha ko sa kanya.


"Kung ano-ano kasing iniisip mo!" 


Napahawak ako sa nuo ko! Ang sakit ah! Sinamaan ko sya ng tingin. Tinukod naman nya ang isang  paa nya sa sahig saka nya ako niyakap. Ang isang kamay nya ay nakahawak sa ulo ko.


"I love you"


Bumilis ang tibok ng puso ko ng ibinaon nya pa ang ulo ko sa dibdib nya. "I'm sorry, kung naging uncomfortable ka. Mataas respeto ko sayo Mayumi."


Kumalas sya sa pagkakayakap saka hinawakan ng dalawang kamay ang mukha ko. Nakita kong ngumiti sya kaya napangiti rin ako. Inayos nya ang buhok na nakaharang sa mukha ko.


" I love you too" ngiting sabi ko rin sa kanya. Lumawak naman ang ngiti nya saka inilapit ang mukha nya sakin. Automatico naman akong napapikit saka ko naramdaman ang marahan nyang halik sa nuo ko.


"Aral ka na, tulungan kita."


Kahit papaano, nawala ang kabang nararamdaman ko kanina. Gumaan ang pakiramdam ko. Sobrang light ng puso ko. Seryoso akong tinuruan ni Bansot. Seryoso ko ding inaral lahat. Kahit pa minsan nadidistract ako sa mukha nya. Ang pogi kase!


Pakiramdam ko,tataas talaga grade ko ngayong quarter! Kapag natapos kami sa exam, at nalaman ko na grade ko,sasagutin ko na si Bansot.


Napapahimas ko ang dalawang palad ko sa kaba. Noong isang araw pa namin natapos ang exam at ngayon lang binabalik ang test paper!


"Bansot!" tawag ko sa kanya sa rooftop. Pinauna ko na kasi sya roon.  Agad ko syang niyakap!


"M-mayumi! Ibaba mo ako!"


"Ooops!" natatawa kong sabi. Di ko namalayang nailipad ko na sya sa ere!


"Look! Ang tataas ng score ko!" excited na sabi ko sa kanya. Ngumiti naman sya at kinuha ang test paper ko.


"Wow!"nanlalaking matang sabi nya na napapahawak pa sa dibdib! Siraulo talaga!


"Iba ka talaga Master!" agad ko syang hinampas sa braso sa mga pinagsasabi nya!


" I'm proud of you." sinserong sabi nya. "Sabi ko na, magagawa mo eh"


"Thank you. Ikaw din! Sa tingin ko,magiging successful ka rin balang araw!" nginitian nya naman ako ng malawak.


"Ano? Bakit? Ano bang ginawa ko?" naiiyak kong sabi kay Bansot. Patuloy pa rin sya sa pag-iwas sakin. Ilang araw na matapos ang exam sa hindi malamang dahilan, iniiwasan na ako ni Bansot.


"Sumagot ka naman oh! May nagawa ba ako sayo?"dagdag ko pa. Nagsalubong naman ang kilay nya saka hinarap ako. "Wala. Ako ang mali. I- I need space"


Natigilan ako. Ano bang pinagsasabi nya? Wala naman akong ginawa ah? Wala kaming pinag-awayan.


"Bansot! Ano ba?! Di ka na nakakatuwa!"


"Mayumi,seryoso ako. A-aalis na ako. May gagawin pa ako" matapos noon ay umalis sya sa room. Naiwan akong lumuluha. Clueless.


"Bat mo ba 'to ginagawa sakin?" napasapo nalang ako sa nuo ko habang pinupunasan ang luha.


Tatlong araw ang nakakalipas, hindi manlang nya ako tinatapunan ng tingin. Sobrang sakit sa puso. Hindi ko maintindihan. Lagi daw syang busy. Bakit busy? Matatapos na nga ang school year. Tapos narin ang clearance.


"May gaganaping prom ang mga grade 9! Omg! Akala ko pang grade 10 lang yun" bakas kay Amanda ang tuwa habang nakasakbit kay Kin ang braso.


"Ano,di ka parin ba kinakausap ni Bansot?" nakataas ang kilay na sabi ni Amanda. Napangiti nalang ako ng kaunti. Nagkatinginan naman silang dalawa.


"Paano yan, sino magiging partner mo sa prom?" dagdag na tanong nya. Napailing nalang ako. Kahit siguro yayain ko si Bansot, di papayag yun. Mukhang ayaw na nya sakin. Todo iwas eh. Baka lalo lang akong masaktan kung ipipilit ko pa ang sarili ko sa kanya.


"Hoy! Ano? Grabe san ka na nakapunta? Sa Mars?"sarkastikong sabi ni Amanda.


"Hindi nalang siguro ako sasama" pilit na ngiting sabi ko.


"Ano?! Hindi pwede! Kailangan mong sumama!"


"Ayoko. Wala naman akong partner."dismayado parin.


"Mayumi! Uuwi ka na?" tanong ni Amanda sa labas ng pinto. Ako nalang natira dito. Inis na inis ako dahil parehas kaming cleaners ni Bansot pero di nya ako tinulungan! Tumakas sya!


"Uuwi na malamang! Tapos na ako maglinis. Teka? Bat ka nandito?" taka kong tanong. Himala, pinuntahan nya ako ng uwian.


"Tara! May pupuntahan tayo!" magsasalita pa sana ako ng hilain nya ako agad.


"Ano ba! San ba tayo pupunta?! Uuwi na ko!" inis kong sabi pero natigilan din ako ng hindi kami lumabas sa gate! Dumiretso kami papunta sa gym! Teka? May practice ba? Eh tapos na nga diba? Ano nanaman ba 'to?!


Mayamaya ay tinulak ako ni Amanda papunta sa gitna ng gym. Inis akong napalingon sa kanya pero bigla nalang syang nawala! Teka?! Multo ba yun?! Mamaaaaa!!!


Napapikit ako ng may ilaw na tumama sakin. Unti-unti kong iminulat ang mata ko at laking gulat ko nang saakin na naka-focus lahat ng ilaw! Ano bang nangyayari?!


Mayamaya pa ay may narinig akong strum ng gitara. Agad kong hinanap yun. Napako ang tingin ko sa stage. Kinakabahan ako. At hindi ko alam kung bakit! Bakit ako nandito? Anong plano ni Amanda? Pinagtitripan nanaman ba ako ni Gelo? Hindi rin. Nakita kong kasama nya si Shataff kanina pag-uwi. Nagpaalam pa nga sakin yun.


"Di ko man maamin.. Ikaw ay mahalaga saakin"


Agad kumabog ang puso ko nang marinig ang boses na yun. Kilala ko kung sino yun! Hindi ako pwedeng magkamali! Biglang may ilaw na lumabas sa stage at nakita kong nasa gitna si Bansot at nakaupo habang nagsa-strum ng gitara. A-ano ba 'to?!


"Di ko man maisip.. Sa pagtulog ikaw ang panaginip"


Nagtama ang paningin namin na mas lalong nagpakabog ng puso ko. Ngumiti sya sakin. Totoo ba 'to? Hindi ba ako nanaginip? Akala ko ba...


"Malabo man ang aking pag-iisip sana'y pakinggan mo ang sigaw nitong damdamin.."


"Ako'y alipin mo kahit hindi batid.. Aaminin kong minsan ako'y manhid"


Nagwawala ang puso ko habang nakatitig sa mga mata nya. Kitang kita kong dinadama nya ang kanta habang nakatingin sakin.


"Sana ay iyong naririnig.. Sa yong yakap ako'y nasasabik..Pagka't ikaw lang ang nais makatabi.."


Maganda ang boses ni Bansot. Feeling ko nga lahat ng babaeng makakarinig sa kanya mahuhulog agad.



"Malamig man o mainit ang gabi..Nais ko sanang iparating na ikaw lang ang syang aking.. Iibigin"



Nawala na ang lahat ng inis at pagtatampo ko sa kanya. Sa isang iglap, napalitan ng kilig. I don't know! Halo halo ang emosyon ko! Plinano nya ba ito?



Nilapag nya ang gitara at may kinuha sya mula sa likuran nya.Hinawi nya ang buhok nya at  muli syang tumingin sakin habang pinipigilan ang ngiti. Napakagat pa ako sa labi dahil di ko rin mapigilan ang sarili ko. Gusto syang yakapin. Miss na miss ko na sya.


"Ehem.."pag-ubo nya kunwari. Sumimangot ako. "Ano 'to ha?!"


"Ay wala lang 'to" sarkastikong sabi nya. Napa-irap nalang ako. Matapos nya akong iwasan buong linggo maattitude pa sya?! Wow ha!


"Oh" tiningnan ko naman ang inabot nya saking plastic. Nangunot ang nuo ko nang makita ang laman non! Tumawa naman sya nang malakas! Siraulo talaga!



"Praktikal lang Mayumi, praktikal" saka nya inabot sakin ang supot ng bigas na merong mga de lata at mga noodles. Diba? Binigyan ako ng ayuda!



"Sana sinamahan mo na rin ng itlog saka kape't asukal" bigla naman syang natawa.


"Choosy ka pa ah?"


"Tsk! Thank you!"natatawang sabi ko habang tinitingnan ang supot.


"E-ehem..."


Nakunot ang nuo ko. "Ano ba para ka namang may ub---" natigilan ako at kinabahan ng lumuhod sya sa harapan ko!



"B-bansot! Masyado ka naman atang mabili---"



"Yes or no?" pinipigilan ang ngiti. Teka?! Ano bang gagawin ko! Mahal ko sya oo! Pero wala pa sa isip kong magpakasal! Lagot ako kay Mama't Papa kapag nalaman nilang engage na ko! What the heck?!





"Sagutin mo na ako"natatawang sabi nya. Ewan ko ba kung seryoso sya o hindi! Nakakainis!


"Anong sagutin? Wala ka namang tanong!"napapairap pang sabi ko pero ang totoo kinakabahan ako! Anong isasagot ko? Baka madissapoint sya sakin pag humindi ako.



"Okay. Will you be my.."bitin nya. Napapakagat labi pa. Putek! Gusto ko nang lumipad sa outer space dahil yung puso ko nagwawala!



"Ano ba?! Pabitin ka naman! Nakakainis!"



"Will you be my girlfriend?"


---


Comment