Chapter:31

" Okay, date"


Tulala ako habang nakatingin sa bubungan namin. Hanggang ngayon hindi maalis ang ngiti ko sa labi. Hanggang ngayon ramdam ko parin ang bilis ng tibok ng puso ko.


" My gas" impit na kilig ko saka nagpagulong gulong sa papag.


" Ma! Si Ate nabaliw na!"


Agad ako napaupo nang marinig ang sigaw ni Kisig!


" Hoy, ikaw. May girlfriend kana at lahat, sumbungero ka pa rin!"


" Ikaw nga, matanda na wala paring boyfriend. Ahhh wawa" puchak! Agad ko syang binato ng unan kaya napalabas sya!


" Siraulo!Sumbong kita kay Lily makita mo!"


" Joke lang! Joke lang!" sigaw nya mula sa labas. Napabalik nalang ulit ako sa pagkakahiga at nagtakip ng kumot. Kinikilig parin talaga ako! Hindi kaya... May nararamdaman na rin sya sakin?


Naku. Ayoko nang isipin! Bahala na!


Agad akong nagbukas ng fb dahil maaga pa naman. Agad ko syang hinanap at sinuswerte nga naman, online sya. Kinikilig nanaman ang poste nyo!


Poste


Bat ikaw online ka?


Poste
Kapal nang mukha. Tingnan mo ginawa mo sa name ko!



Bansot


Hahaha! Ikaw rin naman ah, binago mo sakin. Nauna ka



Poste


Yung date natin ah!


Bansot


Di ka talaga makatulog ano?


Poste


Paka-prangka ah. Oo na. Baka kasi, di ka nanaman matuloy


Bansot


Matutuloy yan


Poste


Ibig sabihin ba nan, gusto mo narin ako? Niyaya mo ako e


Bansot


😴


Poste


Nagreply daw ang tulog


Bansot


Medyo


Poste


Anong medyo?


Bansot


Antok na ako tulog na


Poste


Wait! Ano yun? Medyo? May feelings? Onti? Anooo!


Bansot


Ingay mo


Poste


Rinig ba puso ko dyan? Sorry naman 😉


Bansot


Goodnight




Poste


Pucha ka!!!


Napaka nag-out na


Bukas mag-uusap tayong duwende ka!


Goodnight!


Kanina pa ako nagpapagulong gulong sa papag dahil di ako makatili. Ano ba kasi ginagawa ni Bansot! Wala na. Lubog na lubog na ako sa nararamdaman ko. Ngayon lang ako nakaranas ng ganito. Ang saya sa feeling, mainlove.


---


Nakangiti akong pumasok sa school. Maaga talaga ako kasi di ako makatulog. Saka nag-aga din ako para makatakas kay Kisig. Inaasar nanaman ako ng kumag. Clown daw kuno ako kakangiti. Tapos sabi pa ni Mama, ipapadala na ako sa mental. Paano daw sobrang aga ko. Naunahan ko daw sya. Alas singko ako nagising ng umaga. Mamaya pang ala una klase namin. Alas dose palang andito na ako. Umupo ako sa hallway kasi may upuan naman doon. Pero laking gulat ko nang makita si Bansot na kakalabas lang galing canteen. Napahinto rin sya ng makita ako. May bitbit pa 'tong magnolia. Agad akong umayos ng upo ng tumabi sya sakin. Tiningnan ko sya habang di ko mapigilan ang ngiti ko. Sumisimsim naman sya habang nakatingin lang sa mga dumadaan. Nangunot ang nuo nya saka tumingin sakin. Napangiti lalo ako.


" Bakit? Gusto mo?" kunot nuo nyang tanong. Tumango tango naman ako. Ngumisi naman sya.


" Bumili ka"


Nawala ang ngiti ko sa labi at di namalayang nabatukan ko na sya. Nagalit naman sya pero tinawanan ko lang. Nag-agawan kami hanggang sa pumutok ang plastic at sumaboy saming parehas ang kulay pink na inumin. Napanganga kaming parehas.


" Kasalanan mo kasi" paninisi nya matapos kaming makapagpalit ng P.E uniform. Medyo masikip na sakin P.E ko leche.


" Tumangkad ba ako? Grabe di man lang umabot sa talampakan haba ng P.E ko."


" Tara na." inis na sabi nya kaya napasunod ako.


---


" Uy... Couple of the year" asar samin ng classmates namin. Pinagalitan kasi kami ng adviser namin dahil naka-PE kami.


" Baliw" agad na sabi ko saka tumakbong upuan. Di ko mapigilan ang ngiti ko at baka mas lalo lang kaming asarin.


" Iba ang ngiti ah" walang buhay na ani ni Shataff. Nginiwian ko naman sya.


" Kung mang-aasar ka wag naman ganyan. Nakakatakot eh, mumurderin mo ba ko?"  seryosong ani ko. Tiningnan nya naman ako ng masama.


" Chop-chop , sako o freezer?"





" Tangina"


---


" Okay maupo na kayo" ani ni Ms. Vasquez. Nakakapagtaka at nakangiti ito ngayon. Palagi ba naman nakasimangot yan si Ma'am.


" May bago kayong magiging kaklase"


Taka akong napatingin kay Ma'am. Putek ano yun? Magpo-fourth grading na, nagtransfer pa?


" Wag nyong aawayin ah" natatawang sabi pa ng teacher. Okay, unusual na 'to. Iba ngiti ni Ma'am nasapian ata.


" Tita naman"bulong nya pero rinig naman namin. Napatingin ako sa pinto ng makita ang ko yung legs nung lalaki na papasok.  Agad nanlaki ang mata ko dahil sa pamilyar nyang tindig. Parang yung lalaki sa event? Pero hindi eh. Hindi naman ganyan yung buhok nya. Hindi mahaba at hindi kulot. Baka nagkamali lang ako. Saka Tita daw? Sana all, Tita!


" Pogi" rinig kong bulungan. Infairness, matangkad si Kuya.


" Hello everyone. I'm Gelo. Nice to meet you" ngiting sabi nya. Napatingin nalang ako sa labas ng bintana. Nag-uusap pa lang naman sila ni Ma'am. Ka-bored amp.


" Okay, isulat nyo nalang 'to para sa next lesson"


Pusa pasulat nanaman. Ayan ayaw ko kay Ma'am eh. Inis kong kinuha notebook ko at napatingin sa unahan. Pero laking gulat ko ng makita ang lalaking transferee na ngiting ngiti sakin habang nasa tapat ng upuan ko. Napalingon-lingon naman ako.


" Tanga. Sayo nakatingin" bulong ni Shataff. Kumunot naman ang nuo ko. Maiinis na sana ako kay Shataff dahil sa sinabi nya sakin pero di ko na naalis ang tingin ko kay Gelo.Nagulat ako lalo ng lumapit pa ito sakin nang di parin inaalis ang ngiti. Ngayon ko lang napansin na nakatingin na silang lahat sa direksyon namin.


" B-bakit po?" taka kong tanong nang ituro nya sakin ang hintuturo nya. Nangunot naman ang nuo nya habang di parin inaalis ang ngiti. Creepy ah?


" Hindi mo ba ako naalala?"


Taka akong napatingin. Sino ba 'to? Di ko daw sya naalala?


Hala! Baka childhood friend ko 'to!


Tinitigan ko syang mabuti.


" Ahh! Ikaw nga! Gelo! Oo! Yung inaasar kong yelo nung mga bata pa tayo!" natatawang sabi ko sabay hampas pa kunwari sa wrist nya. Lalong nangunot ang nuo nya.


"Ha-ha-ha..."  ibig sabihin, hindi. Hindi ko sya childhood friend? Eh ano? Puchaaa! Nakakahiya!


"Ahhh, okay di mo nga ako makikilala" matapos sabihin ay tinanggal nya ang pagkakaipit sa buhok nya kaya nanlaki ang mata ko. Inayos ayos naman nya ang buhok nya habang ang mga babae ay napapasinghap na. Sya nga!


" Si Kuyang pogi na walang mata!" turo ko. Napatakip ako sa labi ko ng makita ang reaction nya. Shayt! Naisigaw ko pa. Napatatingin ako sa sahig. Susme.


" Poging walang mata?" pag-uulit nya saka natawa. Tumingala naman ako saka nagpumilit ang ngiti. Hindi ko namalayang lumihis ang mata ko at napatingin sa upuan ni Bansot. Napalunok ako ng magtama ang paningin namin. Wala naman syang reaksyon at tumingin nalang sa board. Kainis.


" Dito ka nalang. Malabo mata ko. Sa unahan na ko uupo" nangunot ang nuo ko sa sinabi ni Shataff!


" Kailan pa lumabo paningin mo?" alma ko. Napabuntong hininga naman sya.


" Ikaw lang naman ang kilala nya diba? So, comfortable na sya sayo. Wag mo na syang pahirapan lalo't first day palang nya" dire-diretsong sabi nya nang walang ekspresyon. Paano nya nagagawa yun?


" Thank you. Anong name mo?"


" Shataff" pagkatapos tumalikod na sya. Walang manners! Pero natawa ako.


" Bakit?" takang tanong ni Gelo. Nakita ko narin sa wakas ang mata nya. Pa-almond shape. Gwapo nga.


" Parang pinatahimik ka nya hahaha"


" Hahaha,oo nga. Shataff daw ako" natatawang sabi nya at saka umupo. Inayos naman uli nya ang buhok nya. Bawal kaya yung ganyang haircut. Naku.


" Sorry ah? Di kita nakilala. Paano kasi gabi na nun tapos, di ko pa makita mata mo" maya-maya sabi ko.


" Understandable naman. Saka nakita naman kita uli ngayon" ngiting sagot nya.


" Bat ka lumipat? 4rth grading na ah? Teka, nagsasalamin ka?" hala. Hala! Kamukha nya si Tsukishima ng Haikyuu! Sya yung crush ko dun eh! Please no! Ayokong magtaksil!


" Ahh... Tungkol sa Family---eto ba? Oo, nakakalimutan kong suotin. Di parin kasi ako sanay" sabay hawak nya sa gitna nito para ayusin. " Ayan kita ko na"


Peste. Dear,Bathala. Please, wag naman maging eto ang pagsubok ko oh!


" Hindi makakauwi ang hindi tapos!" sigaw ni Bansot sa unahan kaya napatingin ako. Tumingin naman sya sa direksyon ko saka kumunot ang nuo. Nginitian ko sya pero nagsalubong lang kilay nya! Problema nya?!


" President?"


Napalingon ako sa gilid "Oo" ngiting sabi ko.


" Bat ka nga pala naka-P.E uniform?" casual na tanong nya. " Ahh, kase nasabugan ng magnolia yung uniform ko" natatawang sagot ko.


" Sya din?" turo nya kay Bansot. Napatango ako sabay natawa. Nakakahiya yung nangyare pero parang komportable akong kausap si Gelo. Parang matagal ko na syang friend.


" Ay, wait!" excited na sabi ko saka may kinuha sa bag.


"Chereeen!"


" Ahaha! Dinala mo?" natatawang sabi nya habang napapatakip pa sa bibig ng kamao nya.


" Dito ko pala nailagay pagkauwe eh! Salamat dito ulit"ngiting sabi ko. May hinalungkat naman sya sa bag nya.


" Oh,sayo nalang"


" Hala... Talaga ba?! Grabe ka, dami mo nang binibigay sakin" feeling ko maiiyak na ako. Sakto kasing pamaypay ang ibinigay nya na nakaimprenta ang MNL48. Napakainit ba naman kasi!


" Welcome" ngiting sabi nya sabay labas pa ng isa.


" Yung totoo? Bag ba yan ni Doraemon?" natawa naman sya saka may inilabas uli sa bag nya na pagkarami raming post cards. Tae inggit na kung inggit!


" Dami men" nasisilaw na sabi ko. Feeling ko natulo na laway ko. " Uy, ganda ni Sheki oh?" turo ko kay Sheki. Napahigop ako sa laway ko at mi-noist ko pa ang labi ko. Mamaya ka sakin...


" Gusto mo?" agad akong napatingin sa kanya. Napalunok ako saka napatango-tango.


" Amin na notebook mo" nagtaasan ang balahibo ko ng marinig ang boses ni Bansot. Napatingala ako at nakita ko syang walang ekspresyon na nakatingin sakin. Kinabahan ako  dahil sa totoo lang, wala pa akong nasusulat!


" Sorry, ako may kasalanan Mr. Pre---"


" Itago mo yan. Di mo ba alam na bawal yan pag may klase?" nagkatinginan kami ni Gelo. Nakunot ang nuo ko habang sya ay napapailing nalang habang natatawang ibinabalik sa bag nya ang mga post cards.


"At ikaw. Di ka makakauwi" walang ekspresyon na sabi nya kaya nainis ako. Tae, nahawa na ba sya kay Shataff?


" Bansot, galit ka ba?" kinakabang sabi ko. Baka galit eh. May something sa awra nya na di ko ma-gets. Bigla kong narinig ang bungisngis ni Gelo.


" W-wag mo na akong tatawaging ganun" biglang sabi nya saka bumalik sa upuan.


Taka ko naman syang sinundan ng tingin. Galit parin ba sya dahil nasabugan sya ng magnolia? Grabe ha? Maliit na bagay lang eh. Agad agad akong nagsulat matapos nyang tumingin ulit sakin ng masama.


"Po? Bakit po ako?" gulat na tanong ko sa adviser. Hindi naman ako matalino. Bakit ako pa napiling maging sidekick ni Gelo para sa mga klase nyang kailangan habulin?


" Ikaw lang naman kasi ang kilala nya Alcantara. Para narin di mahirapan si Mr.Vasquez at saka matalino yang batang yan. Baka makakuha ka manlang ng konting talino." napangiwi ako. Makasabi ah, kala mo di humihingi ng pabor.


" May bayad p--- este yes!" tarantang sabi ko ng kumunot na ang nakakatakot na kilay ni Ma'am.


" I'm sorry. Ikaw pa tuloy napag-utusan. Don't worry. Ako na bahala." and he smiled assuringly. Umiling ako.


" Hindi. Saka tama si Ma'am,ako palang ka-close mo rito kaya talagang ako dapat para mabilis kang maka-catch up."


" Thanks" ngiting aniya.


" Talaga? Kaya mo?" agad akong napahinto nang marinig si Bansot. Hindi ko alam nakarating na kami sa room galing faculty dahil pinatawag ako. Nakatayo naman si Bansot sa pinto habang hawak ang bag ko.


" Nakikisali ka na ah? Alam mo ba pinag-uusapan?" taas kilay kong sabi. Imposible naman. Kararating lang namin dito.


" Ah... I think, kaya naman nya" ngiting singit ni Gelo. Biglang kumunot ang nuo ni Bansot.


" Walang utak yan e" napanganga ako sa sinabi nya. " Ang sama mo talaga." inis na sabi ko saka marahas na kinuha ang bag ko sa kanya. Kainis. Bakit kailangang sabihin nya pa yun? Nakakahiya kay Gelo!


" Galit ka na nyan?" habol nya.


" Inaano ba kita?" inis na baling ko sa kanya. Nakita ko naman na gusto kaming awatin ni Gelo.


" It's okay. Pwede namang magtanong tanong ako" ngiting sabi ulit ni Gelo. Tingnan mo,ang bait-bait. Tapos etong Bansot na 'to napaka sungit ngayon!


" Hindi Gelo. Hindi man ako matalino,meron naman akong utak. Sino bang tanga ang nagsabing walang utak ang tao diba?"


" R-righ---"


" Eh hayop k---" sinamaan ko na sya ng tingin. Kinuha ko na ang wrist ni Gelo at hinila sya paalis don. Ayoko nang marinig pa si Bansot at baka di ko pa mapigilan ang luha ko.


" I'm sorry" biglang sabi ni Gelo. Napailing ako. Kawawa. Nadamay pa kabago-bago palang. Tsk, kainis talaga yung Bansot na yun.


" Wag ka umiyak"


" Ha?" intiningala ko ang mukha ko at nakita kong lumapit sya saka pinunasan ang luha ko. Gagi. Umiiyak pala ko? Ew! Bakit nya hinahawakan! Nakakahiya!


" M-madumi" giit ko.


" Anong madumi?" patuloy parin sa pagpunas.


" Y-yung mukha ko" bigla syang natawa.


" Mas madumi kamay ko" tawang sabi nya kaya ko pinalo ang kamay nya. Gulat kaming parehas na napatingin sa isa't isa.


" Hala! Sorry!"


" Hahaha sakit ah?" birong aniya.


"Sana all." nagulat ako sa boses ni Shataff sa likod. Walang ekspresyon na naglakad sa gitna namin at sumakay sa jeep na huminto. Tulala kong sinundan ang jeep nang makaalis.


" Weird hahaha" tawa nalang ni Gelo.


---


:<

Comment