Chapter: 11

"Pag nag-wish ka daw ng eksaktong 11:11 Am matutupad ang mga wish mo!"


Kaya buong araw akong binabangungot ng chismisang yun sa isip ko. Weekend ngayon at mag-aalas nuwebe na hindi parin ako bumabangon. Nakakatamad kasi!


Bigla akong napabalikwas sa pagkakahiga dahil sa malakas na katok!


" Yumi! Gumising kana! Anong oras na! Magligpit-ligpit ka naman! Hindi ka anak mayaman!" sigaw ni mama mula sa labas sabay malakas na kalampag sa pinto! Mabilis naman akong napatayo.


---


Andito ako ngayon sa palengke. Paano binungangaan ako ni Mama kanina! Syempre pagkatapos magbunganga inutusan ako.


Sa totoo lang, ayoko nang makita si Kin. Baka pag nakita ko sya mapahiya lang ako. Baka iwasan ko pati sya. Mahalata nya pa. Kaya mag-wiwish ako! Sakto mag 11:11 na. Pinagdaop ko ang dalawa kong kamay na may hawak na eco bag at saka nag-wish!



'Sana po! Sana po hindi na magtagpo ang landas namin ni Kin! '


*beep* *beep*



Bigla akong napaatras sa malakas na busina!


"Aba ate! Magpapakamatay ka ba?!" sigaw nung mamang nasa tricycle! Kainis! Eh bakit kasi dito pa sila dumadaan! Nasa gitna ba naman ng pamilihan eh!


" Oo na nga po e!"sigaw ko pagalit saka tumabi sa gilid pero napaaray din ako ng may nabangga nanaman ako! Ano ba yan! Ke malas malas naman oh!



" Sorry po" mahinahong sabi ko. Napatingin naman ang lalaki sakin at parehas kaming nagulat ng makita ang isa't isa!



" Mayumi!" ngiting sabi nya!



" What the" bigla kong natutop ang bibig ko! Kasasabi ko lang di ba?! Nananadya yata si tadhana eh! Oh baka kaming dalaqa talaga ang tinadhana? Wait? Is this a sign?





---


" Galit ka ba sakin?" diretsong tanong ni Kin. Napalunok naman ako. Nandito kami ngayon sa jollibee. Ang sabi nya kasi, ililibre nya ko. Sabi nya kasi sa jollibee eh paborito ko yung fried chicken don!



" B-bakit mo... Na-naitanong?"utal kong tanong. Grabe! Namamawis ako kahit sobrang lamig dito sa loob!



" Eh kasi... Umalis ka don sa canteen nung kausap kita. So I thought na galit ka because...you know..."napapahimas batok nyang tanong.



" Wala yun" nasabi ko nalang nang di tumitingin sa kanya.



" I'm sorry kung di ko sinabi. At... sorry kung nagkagusto ako sa kaib---"



" Ano ka ba Kin? Masama ba yun? Masama bang magkagusto? Alam mo, kung inaakala mong galit ako dahil nagkagusto ka kay Amanda ng di sinasabi sakin, nagkakamali ka. Hindi ako galit. Sadyang... Masama lang talaga pakiramdam ko nung time na yun." diretso kong sabi sabay kagat sa drumstick.



" Sige, kain ka pa" ngiting sabi nya. Dyan ako nadadale sa ngiting yan eh!



" Ubusin ko lang toh ah, aalis na ko. Baka pagalitan ako ng mama ko e" dire-diretsong sabi ko at natawa naman sya! Loko to ah?


" I'm sorry. Sobrang honest mo kasi..." nangingiting sabi nya.



"Pero di honest sa feelings"bulong ko. Gusto kong umirap. Pero baka iba maisip nya.




" Ha?"




" Wala. Sige ha? Gotta go! Chat chat nalang!Muah muah---"luh! Ano yern?! Bigla tuloy syang natawa!


" Hahaha! I wonder, meron ka na kayang nagugustuhan? Or may nanliligaw na ba sayo?" pahabol nyang tanong. Bakas naman sa mukha ko ang pagkadismaya.



" Bakit? Gusto mo ba akong ligawan? Hahaha! C-charot!" pilit na ngiting sabi ko. Leche! Makaalis na nga!




"Sige! Bye bye!"





---


Bahay.




" Ate, bagay ba?" mahinang tanong ni Kisig. May bago kasi syang binili na eyeglasses. Ewan ko ba dyan? Ayos pa naman yung isa nyang eyeglasses eh.



" Oo! Pogi!" ngiting sabi ko saka nag-thumbs up. Bakas naman sa mukha nya ang pandidiri. Napasimangot tuloy ako. Nakakainis yan minsan! Tahimik nga pero kapag nagsalita nakakaasar!




Mayamaya dumating na si Mama galing laba.




" Ma. Kain na po!"




" Mauna na kayo! Madaming labahin! Bla bla bla" basta madami syang sinabi! Nagdadal dal nanaman yun!





" Ikaw ba nagluto nito?"turo nya sa sinigang. Napangiti naman ako ng malawak.




" Oo!" proud na sabi ko. Wala naman reaksyon ang mukha nya saka sumubo ulit. Napakunot naman ako.




"Anong lasa?" ngiting tanong ko. Napahinto naman sya sa pagkain saka tumingin sakin. Binaba nya ang kutsara saka umayos ng umupo.



" Maasim"walang ganang sabi nya. Napasinghot naman ako ng hangin sa inis. Malamang! Sinigang yan kaya maasim!





" Ano? Yun lang?! Wala nabang iba?!" di ko na naitago ang inis ko! Muli syang huminto sa pagsubo at ibinaba ang kutsarang hawak nya. Napabuntong hininga at saka walang ganang tumingin sakin!




" Okay."





"Anong okay?"







" Maasim. Kasing asim ng kilikili mo." walang ganang sabi nya na ikinulo ng dugo ko!




" Yung totoo?!"




" Yun yung totoo ate"




" Bwisit ka!"





" Maasim naman talaga e--- Ma!" biglang sigaw nya kay Mama! Akma ko kasi syang hahampasin! Sumbungero!




" Di pa tayo tapos Kisig!"



" Wag mo kong tawagin sa name na yan."




" At baket?!"




" Cringe"




" Ma! Si Kisig oh!"




"Shhh. Napakaingay mo talaga ate" chill pang sabi nya saka kumain. Hindi ko alam kung bakit sikat sya sa mga grade 7 at grade 8. Grabe umabot na ata ng grade 9 ang pangalan nya! Akala kasi nila kasing edad lang nila si Kisig dahil matangkad!



Pagkatapos, niyaya ko pa si Kisig na magtik-tok. Eh kasi baka sumikat din ako pag sinama ko sya sa video.Kaso nabwisit ako dahil halatang napilitan lang syang sumayaw at kita yun sa video! Kaya ayun pinagsasambunutan ko sya! Ending hindi na ako nagpost dahil baka ma-bash lang ako dahil kita rin sa video ang pagsambunot ko.



Natapos ang weekend ng walang kwenta. Walang kwentang kaganapan sa buhay ko. Medyo boring pero keri lang. Hays. Iba talaga kapag walang inspirasyon. Nakakawalang gana.


---


Sankyuuu <3

Comment