CHAPTER TWENTY - NINE

A/N: Update is hereeee...

Road to 3k reads na tayooooo 🎉🎉🎊 Thank you so much sa pagsupport mga babiess koooo💕💕

Napublished ko na din ang series ng story ng Isa sa mga Deam Geminae na si Lilianic sana supportahan niyo din...

-----------

CLYMENE POV

Pagkatapos naming maghapunan, napagisip isip ko na sabihin na sa kanila yung totoo, ayoko na rin pahirapan silang lahat lalo na 'siya'.

Nasa garden kaming lahat ngayon.

Inutusan ko kasi si Scarlett kanina na papuntahin silang lahat dito dahil may mahalaga akong sasabihin sa kanilang lahat.

"Cly, anong mahalagang sasabihin mo sa'min?" curios na tanong ni Shy sa akin.

Binigyan ko ito ng isang ngiti bago ko tiningnan ang bawat isa. God knows how much i missed them. Gustong gusto ko silang ihug pero sa ngayon kaylangan ko muna masabi ito.

Huminga muna ako ng malalim saka umayos ng tayo. "I called all of you...." kinakabahan akong tumingin sa kanila. "because I have something to say. It's all about my memories." simula ko.

"I know na nabanggit na nila Scar yung about sa pagka-alala ko sa nakaraan ko and... I have to say na isa kayo sa mga naaalala ko." nakita kong paano sila nagugulahan na tumingin sa akin pero may isang tao lang na tahimik at seryosong nakatingin sa'kin.

Mariin kong ipinikit ang mata ko at napabuga ng hangin.

'I'm sorry' sabi ko sa isip ko.

"Nagkakilala na ba tayo noon Cly? bakit wala kaming maalala na nakilala ka namin." idinilat ko yung mata ko at ngumiting tumingin ako kay Mina bago ako nagsalita ulit.

This is it. Kaylangan ko na mahaba habang kwento para maalala nila.

"May apat na magkakaybigan. Hindi lang sila ordinaryong tao lang dahil yung apat na magkakaybigan ay isang gangster... Pinakamalakas na gangster, assassin, at mafia sa buong mundo.... —Umuwi ang apat na magkakaybigan sa pili—pinas d-ahil —nalaman nila nandoon yung pumatay sa mga minamahal n—ila...  Nag-aral sila sa isa sa paaralan ng kaybigan nila at iyon ang—Fujiwara academy." I'm just waiting to them na iprocess yung mga kinukwento ko. Huminga muna ako nang malalim bago ko ipagpatuloy yung sinasabi ko.

"Habang nag-aral sila— gumagawa na agad sila ng plano kung paano nila mapapatay yung mga taong yun... Ha—hanggang sa nakilala nila ang i-isang grupo na naging dahilan ng pagbabago nila... At yun ay ang G—God of Hell." nanatiling nakatitig lang ako sa kanila ng lumaki yung mga mata nila at hindi makapaniwalang nakatingin sa akin maliban kay Alexei na walang reaksyon.

"W-wait. Tama ba i-itong naiisip ko? O-o nalilito lang ako." naiiyak na sambit ni Mina habang naguguluhan na tumingin sa akin.

Ngumiti ko ng malungkot sa kanila.

"Anong nasa isip mo Mina?" malungkot at mahinang boses na tanong ko sa kan'ya.

Napayuko siyang ulo at nagdadalawang isip siya magsalita.

"H-h-hirai?" mahinang sagot niya.

Inangat niya bigla yung ulo niya. Hindi ako sumagot pero tiningnan ko silang lahat na nagaantay ng magiging sagot ko pero binigyan ko lang silang lahat ng isang ngiti na magpapaalala sa kanila.

"I-ikaw nga!" masayang aniya ni Zy saka tumayo at niyakap ako ng mahigpit.

"H-hirai!!." napahagulgol na si Zy habang nakayakap sa'kin. Napangiti ako ng maramdaman kong namamasa na yung balikat ko dahil sa mga luha niya.

"Shhhh." pagpapatahan ko sa kan'ya, hinagod ko yung likuran niya.

Tumayo naman sila Mina at Shy habang nakatingin sa'kin ng may saya sa mga mukha nila at naggigilid na ang mga luha. Inangat ko yung kamay ko at pinalapit ko silang dalawa saka binigyan sila ng mahigpit na yakap kasabay nun ang pagtulo ng mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

"I-I'm s-sorry kung hindi ko kayo na-alala agad." umiiyak na sorry ko sa kanilang lahat. Mas humigpit yung yakap ko sa kanilang tatlo.

"Okay lang Hirai. Ang mahalaga naaalala mo na kami." nakangiting sambit ni Mina.

Ngumiting tumango ako.

Napabaling ako sa mga boys na nakatingin at parang hindi pa rin makapaniwala sa nalaman nila kani-kanina lang. Napadako yung tingin ko kay... A-alexei na malungkot akong pinagmasdan pero nandoon pa rin yung seryosong mukha nito na pilit na inaalis ng lungkot na nasa mata nito.

Napabuntong hininga ako ng tumayo siya saka umalis at pumasok sa loob ng mansion. I guess kaylangan na rin namin nagusap ng kaming dalawa lang.

Napakunot yung noo ko ng lumingon ako sa mga boys na hindi pa rin nagbabago yung expression nila na ikinatawa ko.

"Ang papanget ng mga reaksyon niyo. Hindi niyo ba ako bibigyan ng hug jan." natatawang saad ko sa kanilang tatlo.

Napakurap kurap silang tatlo na nakatitig sa'kin, wala pang ilang minuto ay sabay sabay silang tumakbao at sabay din nila akong niyakap na mas lalo kong ikinatawa.

"Akala namin wala kana Hirai." nakangusong saad ni Hachi. Napangiti ako at hindi ko maiwasan na pisilin yung pisngi niya na ikinanguso niya lalo.

"Akala ko rin.. Pero salamat na lang din at may tumulong sa akin." sambit ko sa kanilang lahat.

"Sino naman yung tumulong sa'yo Hirai?" tanong ni Ulap.

"Hindi ko alam eh. Basta ang alam ko ibinigay nila ako kila Mom and Dad ng mga araw na yun." nalaman ko lang din yun nung tanungin ko kanina sila Mom and Dad about duon.

Masayang niyakap ulit nila akong tatlo. Sobrang namiss ko silang lahat.

Nakipagkwentuhan muna ako sa kanila dahil na rin sa pagkamiss ko sa kanilang lahat samantalang bumalik naman sa loob sila Scar at Kai kasama si Zack.

Ilang oras din kaming nagkwentuhan at nagtawanan hanggang sa naisipan ko nang magpaalam na sa kanila dahil may isang tao pa akong dapat kausapin, agad naman na naintindihan nila iyon. Umalis na ako at pumunta sa isang lugar na alam kong pwede niyang puntahan.

Rooftop.

Tahimik lang akong pumasok sa rooftop kung saan nakita ko agad siya na nakatanaw sa langit na punong puno ng mga nagkikinangan na mga bituwin.

Lumapit ako sa pwesto niya saka ginaya yung ginawa niya. Alam kong alam niyang nasa tabi niya ako pero hindi lang siya lumingon. Tanging simoy ng hangin lang ang tanging naririnig sa paligid namin dahil sa sobrang tahimik ng paligid. Napabaling ako ng basagin niyo yung katahimikan.

"I'm happy. I'm happy that you're alive." pabulong na sambit nito habang nakatanaw pa rin sa langit.

"But.. But at the same time I'm hurt." inilingon niya yung ulo niya sa'kin at malungkot na tiningnan ako pero nandoon pa rin yung ngiti sa labi nito.

"Nasasaktan ako kasi alam kong hindi na ako yung mahal mo. Na—nakalimutan mo na yung pagmamahal na dapat sa'kin." napansin kong nanggigilid na yung luha sa mga mata ni Alex. Lumapit ako sa kinatatayuan niya saka tinaas yung kamay at malumnay kong hinaplos yung pisngi niya saka pinagmamasdan ko siya sa mga mata niya.

"I'm s-orry Alexei... Pero kahit na h-hindi na ikaw ang mahal ko..." huminga ako ng malalim at itinuro ko yung puso ko. "naging parte ka pa rin nito. Ikaw pa rin yung unang minahal ko noon." pinunansan ko yung luhang tumulo sa mga mata niya.

Fuck! Ang sakit makitang umiiyak sa harapan ko yung taong unang minahal ko. Ramdam na ramdam ko yung bigat at sakit sa dibdib ko habang nakikita ko siyang umiiyak.

"H-hindi na b-ba m-mababalik pa yung p-pagmamahal mo s-sa'kin?" pagmamakaawang tanong niya sa akin.

Naiiyak na umiling ako. Napakagat labi akong pinipigilan kong humagulgol habang tinititigan siya.

"I'm really sorry... Sinubukan ko pero... Hindi na talaga Alex." mahinang sambit ko habang humihikbi ako ng iyak. 

Pinunasan nito yung mga luhang patuloy pa rin lumalabas sa mata niya at inangat niya yung ulo at tiningnan ako sa mga mata ko saka binigyan ng isang ngiting malungkot.

"Dahil ba si Z-zack na ang ma—mahal mo?" malungkot akong tumango sa tanong niya.

Sobrang higpit na nang pagkakakuyom ng mga kamay ko sa pagpipigil na hindi lalong umiyak at sinusubukan kong magpakatatag sa harap niya kahit na nasasaktan akong makita siyang ganyan.

Ipinikit niya yung mga mata niya at huminga ng malalim saka nito idinilat at tiningnan ako.

"Maari ba kitang... m-mayakap sa huling p-pagkakataon."  agad na tumango ako sa gusto niya at ngumiti.

Lumapit siya sa pwesto ko saka binigyan ako ng isang napakahigpit na yakap. Niyakap ko rin siya ng mahigpit at buong puso kong pinaramdaman na naging importante rin siya sa buong buhay ko at hinding hindi mawawala na naging parte siya ng pagkatao ko.

Ipinikit ko yung mata ko saka ipinatong sa balikat niya yung ulo ko at inalala lahat lahat ng memories na meron kami.

'I love you Hirai'

'You will always be my Queen'

'I love you baby Hirai'

Bumitaw na siya sa pagkakayakap sa'kin saka hinaplos yung mukha ko saka pinunasan ang mga luha kong nagngingilid. Binigyan niya ako ng isang ngiting may bahid ng lungkot sa mga mata niya.

"I love you Hirai."

Sa paglisan niya, hindi ko na napigilan na mapaluha sa huling sinambit niya. Nasasaktan ako hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kirot ng sabihin niya yun. Maybe i still loved him pero hindi na katulad ngayon dahil ang pagmamahal na meron na ako ay para kay Zack na yon.

Nasasaktan ako dahil nakasakit ako ng taong alam kong minahal ako kahit na nawala ako sa tabi niya pero anong magagawa ko hindi na siya yung tinitibok ng puso ko. Ngayon bumalik man ang alaala ko pero hindi na kasama ang pagmamahal na meron ako sa kan'ya noon..

Ilang oras din akong nagstay sa rooftop hanggang sa maisipan kong bumaba na at pumunta na lang sa kwarto para makapagpahinga ako. Pagbaba ko ng hagdan, nakita kong nag-aantay si Zack dun, nang makita niya ako ay binigyan ko ito ng isang ngiti. Lumapit naman siya sa'kin saka hinawakan yung kamay ko at sabay kaming nagtungo sa kwarto ko.



---

Q_M

Comment