CHAPTER FORTY - SEVEN

THIRD PERSON POV

Handa na ang lahat sa huling laban na magaganap ngayong araw na to. Hindi matatapos ang gabing ito na hindi mamatay at matatalo ang mga Vescoso at La Corporacion dahil sinisigurado ng Goddesses of Angeles na mananalo sila. 

"HANDA NA BA ANG LAHAT?" tanong ni Athena sa mga kasamahan nito.

"Handa na kami...."

Napagusapan na nila na sila mismo ang susugod sa kuta ng mga kalaban. Hera gave them instructions for the leaders she assigned.

Sa west ang Margaux sister's kasama ang mga Devereux Clan. Sa South naman ang mga Phoenix Crest King kasama ang Cleo Organization habang sa East naman ang God of Hell kasama ang iba pang tauhan na kabilang sa Kingdom of Royalty.  Samantalang main entrance dadaan ang Goddesses of Angeles kasama ang mga Councils ng Cleo. 

Naiwan si butler Craig sa Mlmansion para bantayan si Zero at para na rin may maglead sa kanila papasok ng headquarters ng kalaban. 

'Kaya namin ito. ' aniya ni Athena sa isip niya habang seryosong nakatingin sa harap. 

'Mapapatay na rin kita Kenneth at Vincent ' madiin na bigkas sa isipan ni Hera. 

Nag-antay sila ng ilang minuto para sa paghahanda sa pagsalakay nilang lahat. 

Samantalang, walang kaalam alam ang mga tao sa loob lalo na ang dalawang leader na prenteng nakaupo at naglalaro ng chess sa loob ng opisina nito. 

Isang napakalas na pagsabog na naging hudyat ng lahat para sumugod. Napatayong nagulat ang dalawa ng makarinig sila ng malakas na pagsabog.

"ANONG NANGYAYARI SA LABAS?" galit na tanong ni Vincent sa mga tauhan nito. 

"Boss sumusugod tayo ng mga kalaban. " natatarantang anya nito. Nagulat naman silang dalawa sa balita nito kaya agad na lumabas ito at kinuha ang mga armas nila.

"Boss anong gagawin natin? " tanong ng isang tauhan niya.

"PATAYIN LAHAT SILA! LAHAT NG MGA KALABAN NA MADADAAN NIYO, WALA KAYONG ITITIRA MALIWANAG! " Mautoridad na utos nito sa lahat habang kinakasa ang baril na hawak niya. Tumango silang lahat biglang pagsunod sa pinuno nila, samantalang magkasama ang dalawa sa pagtahak sa isang sulok ng daan kasama ang ibang mga tauhan nito.

Tangining maririnig lang nila ay mga pagsabog at mga putok ng baril sa bawat sulok na madadaanan nila.

"butler Craig ano nakita mo na ba kung nasaan sila?" tanong ni Hera sa earpiece na suot nito habang tumitingin sa paligid nito.

"Yeah. They are on the rooftop may mga kasama sila kaya mag-iingat kayo. " hindi na nagsalita pa si Hera at agad na tinahak nilang mga kasamahan niya yung rooftop. Habang nagmamadaling naglalakad sila may mga nakakasalubong sila na mga kalaban pero bago pa sila matamaan ang katana na ni Hera ang unang lumalapit sa kanila. 

"Nakapasok na kami. " anya ng Margaux sisters sa kabilang linya.

"Good. Gawin niyo na yung inutos ko. " balak pasabugin ni Hera ang buong lugar nito para masiguradong walang kahit na isa man ang makakaligtas.. 

Magkabilaan ang mga tunog na maririnig na pagsabog at tunog ng mga baril. Tila parang lumilindol na yung buong ligar dahil sa mga malalakas na pagsabog na nagaganap.

"BOSS DUMARAMI ANG MGA KALABAN NA PUMAPASOK. " natatarantang balita nito sa boss nila. 

"FUCK! MAGBABAYAD KA HERA PAPATAYIN KITA!"" sigaw niya sa galit habang nakakuyom ang mga kamao nito. 


MARGAUX SISTERS POV

"FUCK!" mura ko ng matamaan ako nang baril sa tagiliran. Lumapit naman agad sa akin si Nic. 

"Ayos ka lang sis " tanong niya. Tumango na napangiwi naman ako ng maramdaman kong sumakit yung sugat ko. 

Tinulungan ako ni sis na tumayo habang hawak ko naman ang tagiliran ko na patuloy na umaagos ang dugo.

"Dalian na natin bago pa sila dumami. " anya ko saka kinasa muli yung baril na hawak ko. 

Nahihirapan man ako pero patuloy lang akong bumabaril sa mga kalaban na nadadaan namin. 

Napasulyap ako sa likuran ko ng makita kong dumarami ang mga kalaban na lumalapit kay Nic. Nakita ko sa gilid ko yung isang kalaban na nakatutok ang baril sa likod ni Nic, hindi na ako nagaksaya ng oras at agad na tumakbo sa kan'ya at hinarang ang sarili ko. 

"NIC!"

Napapikit ako ng mariin ng sunod sunod na tama ng baril ang tumama sa'kin habang nakayakap sa kakambal ko.

"Shittt, why did you do this. " naluluhang hindi makapaniwalang tanong niya sa'kin habang dahan dahan na inihiga ako sa mga hita niya. 

"Shh I-I'm f-fine." nahihirapan na saad ko at binigyan ng isang ngiti.

"No!  you're not fine sis!" buti na lang din may mga iba kaming kasama na mga tauhan nila Hirai na patuloy na nakikipaglaban at pumoprotecta sa'min.

"W-wag ka n-nga———umiyak h-hindi b-bagay sayo. " sinubukan kong pagaanin yung pakiramdam niya kahit na sumusuka na ako ng dugo.

"Please don't talk sis." umiiyak na pakiusap niya sa'kin.

Magsasalita pa sana ulit ako nang marinig namin na may nagsasalita sa kabilang linya.

"Nica? Nic? anong nangyari? " sunod sunod na tanong sa'min ni Hirai sa earpiece

"Nica got shot. We need backup. " pigil na luha ni Nic habang sinusubukan na patatagin ang boses nito.

"Fuck! sige sige papapuntahin ko jan si Scar at Kai. " narinig pa namin kung paano utusan ni Hirai yung dalawa. Medyo kumalma na ako dahil alam kong darating naman na sila Scarlett dito..

Hindi ko akalain na mangyayari na ang mabiril ako at iligtas ang kakambal ko.

"Don't you dare to sleep, Nica. I swear hindi kita titigilan na guluhin kapag iniwan moko!"hagulgol na pagbabanta niya sa'kin. Napangiti naman ako ng sambitin niya iyon habang umaagos ang mga luha sa mga mata nito.

"Silly g-girl h-hindi kita iiwan. " ngiting anya ko sa kan'ya. Sinusubukan ko na abutin ang mukha nito upang punasan ang mga luhang naglalabasan parin sa mga mata niya. 

Habang tumatagal mas lalong bumibigat yung pakiramdam ko dahil na rin sa madaming dugo na ang nawala sa akin. Nahihirapan man ako pero pinilit kong punasan ang basang pisngi nito bago ako tuluyang mawalan ng malay. 

*Everything is black*

"NICAA!!" hagulgol kong iyak ng mawalan na ito ng malay.  Hawak hawak ko ang kamay nito habang umiiyak ako.

"Please don't leave me sis pleasee. " walang sawang pagmamakaawa ko.

Iyak lang ako ng Iyak, wala na akong paki sa paligid ko kahit na sinusubukan na akong barilin ng mga kalaban.

"NIC! " napaangat ako ng ulo ko nang marinig ko na yung boses ni Scarlett. Tumakbo siya patungo sa'kin habang si Kairo naman ay nasa likuran bumabaril sa ibang kalaban. 

Hinawakan ni Scarlett yung pulso ni Nica at pinakinggan.

"Buhay pa siya. Nawalan lang siya ng malay dahil sa daming dugo na nawala sa kan'ya." paliwanag niya sa'kin. Nakahinga naman ako ng maluwag sa balita ni Scarlett. Buti naman kung ganun dahil baka hindi ko na alam gagawin ko kung mamatay yung kakambal ko.

"Tara dalhin na natin siya sa kotse para maibalik sa mansion at magamot duon. " tinulungan siya ni Kairo na buhatin si Nica. Paalis na sila ng mapansin ni Scarlett na hindi ako gumalaw sa pwesto ko.

"Nic tara na! " sigaw nito sa akin ngunit umiling lang ako saka ngumiti sa kanila. 

"Mauna na kayo dun. Tatapusin ko lang yung task namin at gusto ko rin makapaghigante para sa kakambal ko. " malungkot na aniya ko. Ngumiti at tumango naman sila saka tumalikod na at naglakad papalayo.  

Nang makalayo na sila, pinunasan ko yung mga luha ko at pinulot ang baril na hawak ko kanina lang atska kinasa ito. 

Humanda kayo dahil uubusin at papatayin ko kayong lahat.

"I'll make sure you'll taste my devilish revenge," I said with my very cold voice and walked towards them.



-----

𝐑𝐨𝐬𝐞 𝐚𝐫𝐞 𝐑𝐞𝐝
𝐕𝐢𝐨𝐥𝐞𝐭 𝐢𝐬 𝐁𝐥𝐮𝐞
𝐋𝐨𝐬𝐢𝐧𝐠 𝐲𝐨𝐮𝐫 𝐥𝐨𝐯𝐞 𝐢𝐬
𝐦𝐚𝐤𝐞 𝐲𝐨𝐮 𝐃𝐞𝐯𝐢𝐥

Q_M

Love Yahhh

Comment