CHAPTER FOURTEEN

SANTANIX POV

Walang halong pagod yung nararamdaman naming tatlo, si Shy at Mina ang kalaban ko. Hindi makakaila na malakas silang dalawa, maliksi rin silang kumilos at yung bawat atake nila sobrang bigat. Walang kahit sino sa'min anh gustong magpatalo.

Nagpapalitan lang kami ng mga atake sa isa't isa, pero mas lamang pa rin ako dahil kahit paano natataman ko pa rin silang dalawa.

"Nice move, Athena and Artemis." I sincerely praised them while looking at them both seriously and coldly.

"Ang creepy. pinuri mo kami pero yung tingin mo malamig." She told me that with narrowed eyes.

"Take that as a compliment, darling." I gave them a smirk. Napanganga naman sila nang sabihin ko yon.

Lumapit ako sa kanila at binigyan ng isang suntok. Napailing sila habang napahawak sa katawan nila. Ngumisi lang ako saka muling inatake ulit silang dalawa.

"Fight me. " seryosong utos ko. Nagkatingin naman sila saka tumungo at sabay na inatake ako. They're really both strong and good when it comes to combat, talaga makikita mong tinuruan at tiniraing sila nang dating leader nila.

*Flashback*

"Ano ba umayos nga kayo.."

"LUMABAN KAYO NG MAAYOS..."

"Yes/opo ate hirai."

*Flashback End*

Napatigil ako nang mag flashbacks na naman sa'kin, mariin kong ipinikit yung mga mata ko. Bago ko ipikit yung mata ko, nakita ko rin yung pagtigil nila Shy at Mina at nakakunot na tiningnan ako.

*Flashback*

"Ayoko na ate Hirai. Pagod na kami." nakangusong reklamo ng isang babae sa tinatawag niyang ate.

"Kaya nga, tama na yung training." sang-ayon naman ulit ng isang babae.

Tinitigan lang sila nung babaeng nagngangalang Hirai, napabuntong hininga silang walang nagawa sila kundi magpatuloy sa ginagawa nila.

*Flashback end*

Nanghihinang napahawak ako sa ulo ko nang may nagflashback na naman sa akin. "AHHHHHH!!" hindi mo napigilan mapasigaw dahil sa sakit na idinudulot nito sa'kin. Napaluhod na ako habang patuloy na nagpapapakita yung mga iba't ibang imahe sa utak ko.

*Flashback*

"Queen Hera." all of them bowed as they respected her.

"ang galing talaga ni Queen Hera."

*Flashback end*

"ARGH! TAMA NA!!" naiiyak na pakiusap ko habang sinasabunutan ko yung sarili ko. Hindi ko na makontrol pa yung sakit na idinudulot nito. Parang ipinipiga lalo nito yung kaloob looban ng ulo niya.

Naramdaman ko na lang na yung paglapit sa akin nila Nyx at Lucifer kasunod si Grim reaper. Inangat ko yung ulo ko saka naluluhang tiningnan sila, bakas sa mga mukha nila yung pag-aalala sa akin.

"We need to take her now." maawtoridad na sambit ni Grim reaper sa dalawa.

Nakahawak pa rin ako sa ulo ko dahil sobrang kirot talaga nito. Hindi ko na naiintindihan yung mga ibang sinasabi nila dahil habang tumatagal nagblublurd na yung paningin ko hanggang sa lamunin na nang dilim yung paligid at nawalan ako nang malay.

THIRD PERSON POV

Dahil sa hindi inaasahan na pangyayari kay Santanix nang sumigaw ito, napahinto sa ingay yung mga nanunuod habang hindi alam ni Athena at Artemis ang gagawin nila. Samantalang mabilis na lumingon at napatilg sila Nyx at Lucifer nang marinig nila yung pagsigaw ni Santanix. Tumayo agad si Grim reaper at nilapit si Santanix, lumapit na rin sila Nyx at Lucifer para tingnan ito kung ayos lang ba o hindi.

"We need to take her now." mautoridad na utos ni Grim reaper sa dalawa nang makita nilang namimilipit na ito sa sakit.

Mabuti na lang at mabilis yung reflection ni Grim reaper at mabilis niyang nasalo yung ulo nito nang mawalan ng malay si Santanix. Nakiusap silang tatlo sa emcee na pansamantalang itigil muna yung laban at icocontinue na lang sa susunod na pagkikita nila. Tumango sumang-ayon ang lahat, habang yung dalawa na si Red At Demon ay nag-aalalang pinagmamasdan si Santanix na walang malay.

"Where will you take her?" tanong ni Red nang lumapit ito sa tatlo. Lumingon sila saka tinitigan siya sa mata.

"None of your business." malamig na sagot ni Grim reaper sa kan'ya. Napakuyom naman ng kamao sa inis si Red dahil hindi nito sinagot yung tanong niya.

Gustong pigilan ng dalawa ito dahil gusto nila sila ang magbubuhat kay Santanix pero wala silang magawa dahil hindi rin sila pinayagan at wag na lang daw silang makielam.

"Let's go." seryosong aniya ni Grim Reaper sa dalawa. Tumango naman sila saka nagmamadaling lumabas na nang arena at sumakay sa Kotse nito at pinaandar ng sobrang bilis. Habang nagmamaneho ay may hindi sila inaasahan na pangyayari.

Napayuko sila nang may bumabaril sa kanila. "Shit!" malutong na mura ni Lucifer. Napahinto sila saka tiningnan sa likuran nila kung sino yun. "WHAT THE FUCK!" mura nito nang makita nilang huminto sa harapan nila yung mga bumaril. Buti na lang din at may mga baril silang dala kaya hindi sila mahihirapan at mamomoblema na harapin ang mga taong yon. Bumaba naman silang tatlo at iniwan nila sa likuran si Cly na walang malay pa rin.

"What do you want?" bungad na tanong ni Kai sa mga ito.

Ngumisi muna ito bago nagsalita."Easy boy. We just want that girl inside your car." sabay turo kay Cly na nasa loob ng kotse. Nakapamulsang tumayo lang si Kai at Grim reaper habang nasa bandang likuran nila si Scarlett na nakikinig lang.

"What if we don't want to give her to you?" malamig na sagot nito. Ngumisi naman lalo yung lalaki saka nakipagtagisan ito nang tingin. "It's easy. We will kill you." inangat niya yung kaliwang kamay niya saka inutusan yung mga kasama niya na sugurin sila at patayin.

Naging alerto naman silang tatlo at hinanda yung sarili nila sa laban.

"sa likod, Nyx!" rinig na sigaw ni Kai sa kan'ya kaya agad na nakaiwas si Nyx sa atake na galing sa likuran at mabilis na binaril ito sa ulo ito.

Wala lang sa kan'ya yung pagtalsik ng dugo sa pisingi niya. Pinunasan niya lang ito at nakipaglaban ulit.

Sa kabilang banda, nung umalis sila Lucifer, Nyx at Grim reaper ay hindi sila mapakali kaya naman umalis sila saka mabilis na sinundan yung kotse nung tatlo. Habang nagdadrive, nakarinig sila ng putok ng baril kaya naman agad na pinaharurot nila yung kotse.

Napalaki yung mga mata nila nang maabutan nila na nakikipaglaban yung tatlo sa mga grupo ng mga kalalakihan.

"Dali, tulungan natin sila Scar at Kai." nagmamadaling lumabas sila saka tumakbo para matulungan sila.

"NYXX!" sigaw na tawag ni Aphrodite sa kan'ya. Naapalingon naman ito sa kanila, napailag ito nang may umatake sa kan'ya pagkatapos ay binaril ni Nyx sa ulo yung lalaki. Napangiwi silang lahat nang tumalsik sa pisingi ni Scarlett yung dugo pero parang wala lang na pinunasan niya lang ito at nilapitan sila.

"Anong ginagawa niyo dito?" nagtatakang tanong ni Scarlett sa kanila habang binabaril yung mga nagtatangka na lumapit sa kanila.

Hindi sila nakapagsalita dahil biglang dumating yung ibang mga kasama ng mga kalalakihan. Walang nagawa si Scarlett at hinayaan silang tumulong dahil hindi rin nila kakayanin kung tatlo lang sila.

"Just be careful." seryosong sambit ni Scarlett sa kanila. Tumango naman silang lahat sa sinabi niya.

"Ano bang gusto nila sa inyo?" tanong ni Shy sa kanila habang nakikipaglaban.

"Cly." simpleng sagot nila. Napahinto naman sila saka napasulyap kung na saan si Cly na walang malay. "Then, we will never let them take her away." malamig na sambit ni Alex saka tumakbo at sinipa yung isang lalaki.

ALEXEI POV

Habol hininga akong napahawak sa gilid ko dahil sa sobrang pagod ko. Ramdam ko na rin na napapagod na kaming lahat kakalaban. Napasulyap ako kila Shy at Cloud na patuloy na nakikipaglaban sa mga kalalakihan na hindi maubos ubos, alam kong nanghihina na sila lalo't na medyo naubos yung lakas naming apat nung nakipaglaban kami kila Cly.

"TANGINA! BAKIT PARANG HINDI MAUBOS UBOS MGA PESTENG KALABAN NA TO." malutong na mura ni Ulap. Tama siya parang hindi nga sila nauubos kahit kami naiinis na rin sa kanila.

Dahil sa pagod ko hindi ko naramdaman na may paparating na kalaban sa'kin, nabigla ako kaya nasuntok ko ito sa mukha.

"Alex okay ka lang?" nag-aalalang tanong sa akin ni Mina nang makalapit ito.

Tumango lang ako at agad na tumayo at nakipaglaban ulit sa kanila. Mabuti na lang at may mga extra sila Scarlett na dalang baril habang nakikipaglaban sila.

"DAMN IT!" malutong kong mura. Tangina napapagod na talaga ako at nararamdaman ko na anytime babagsak na yung katawan ko sa sahig.

Napaatras ako at napatumba nang hindi ko na naiwasan yung pagsipa sa akin. Hinihingal na napayuko ako habang sapo sapo yung tagiliran ko.

"ARGHHH!!" rinig kong sigaw ng isang lalaki. Inangat ko yung ulo ko at napalaki yung mata ko nang makita ko na naputol yung mga daliri nito at sumisirit yung napakaraming dugo. Napalingon ako, kami kung sino ang may kagagawan nun.

C-cly...

Her eyes were cold as she sent a darkened stare in our direction. Shit! She has such murderous eyes that seem to tear our souls apart. Our eyes widened as she pulled something from the back of the car and showed it to us.

"K-katana ba yang h-hawak n-niya?" Cloud stuttered and gulped as he looked at Cly's hand. Hindi ko nasagot yung tanong niya dahil nakatuon lang yung mga mata ko sa kan'ya.

"MOVE." As she walked up to where we were, she gave us a stern order. Because we were scared for her, we all immediately followed her orders.

"I'm going to end this shit." madiin na pagkakasabi niya saka iwinasik ang katana na hawak hawak niya.

Kalmadong lumakad si Cly sa mga kalakihan at pinagpapatay ito. "You want me. Then, take me." aniya nito sa mga kalalakihan. Hindi namin masikmura yung mga pinaggagawa niya sa mga ito. Napaka brutal yung pagkakapatay niya sa mga lalaki. Parang sumasayaw lang si Cly habang umiikot at sinasalag ang mga atake sa kan'ya ng mga lalaki. Marumi at naliligo na rin yung buong katawan niya sa mg dugong tumatalsik sa kan'ya pero balewala lang yun sa kan'ya.

Napasulyap ako sa direksyon nila Scar pero parang sanay na sanay na sila at balewala lang sakanila yung mga ginagawa ni Cly.

"S-Shetttt.. T-tao pa b-b-ba siya?" kinakabahan at nauutal na tanong niya habang pinapanuod itong pinapatay isa isa yung mga kalaban.

"Grabe napakabrutal ni Cly nakakatakot siya." takot na bulong ni Zy sa boyfriend niya.

"Don't show or let it be heard that you are afraid of her." Scarlett looked at us seriously.

"Why?" curious na tanong ni Zy. "because you will not like it even more." sagot ni Scarlett. Napalunok naman sila sa takot saka mariin na ipinikit ang mga mata nila. Samantalang si Hachi at Mina naman ay hindi na kinaya yung nakikita niya kaya tumalikod na lang sila at hindi na tumingin.

Sa huling katawan na binawian nang buhay, napabuga ako nang hangin ng matapos na rin yung pagpatay niya. Napasulyap ako sa relo ko, nagulat ako saglit nang makita kong ilang minuto lang niyang tinapos yung pagpatay sa kanila. Humarap ito sa amin na ikinaatras namin nila Shy, lumapit siya kila Scarlett at tiningnan ito nang malamig.

"Clean that mess." utos nito kila Scarlett. Agad naman tumungo ito saka may mga tinawagan sila na hindi ko alam kung sino yun.

"CLYY!" napatingin ako ng marinig kong sumigaw si Shy. Nakahandusay sa lapag si Cly, i think napagod lang ito kaya nawalan ng malay.

"Kai ipasok mo na sa kotse si Cly. Ako nang bahala dito dumeretso na kayo nang mansion." kumilos naman si Kai at Scarlett para ipasok sa kotse si Cly. Kami naman ay nagpaalam na rin dahil gabi na rin, kaylangan pa namin ihatid yung mga girls sa mansion nila.

Habang nagmamaneho ako hindi ko pa rin makalimutan kung pano niya pinatay lahat ng ganun ganun na lang. Ibang iba talaga siya sa Cly na kalmado lang kesa kanina na parang walang pake sa nakapaligid at sobrang dilim at bigat ng aura niya.

"Grabe parang hindi ako makakatulog ng maayos ngayon dahil kanina." biglang salita ni Zero. "Same bro. Kinikilabutan ako." baklang saad ni Ulap dito.

Yung mga girls naman tahimik lang na iniisip pa rin yung mga nangyari ngayong gabi. Kahit ako parang hindi basta basta makakatulog ngayon.

----

Q_M

Comment