Kabanata 6

Kabanata 6


Sabi ng bruha kong nanay, napakawalang kuwenta ko raw. Ngayon ko lang nalaman ang dahilan. Wala akong kuwenta dahil wala man lang akong alam sa gawaing bahay. Kahit ang simpleng pagsaing ay hindi ko magawa. Kinailangan ko pang tawagin si Bernadette dahil nagliliyab na kanina ang kaldero ng pinagsasaingan ko. Kinaltukan niya pa ako sa ulo at nakalimutan niya pa sigurong ako ang nagbigay sa kaniya ng trabaho, dahil bakit hindi ko raw ginamit ang rice cooker na binili niya pa para sa akin? Mayaman lang ako pero hindi ako marunong gumamit ng appliances, okay? Takte. Mukha nga akong bobo. What a shame.


Ngayon ko lang napagtanto na sa business at academics lang ako magaling, pero sa gan'tong gawain? Lagapak ako. Punyemas na kabobohan. Kawawang nilalang.


"Ano bang naisip mo babae at nagluluto ka?" Pinagkrus ko ang mga braso ko at inirapan na lang si Bernadette. Ayokong sabihin ang dahilan dahil baka tawanan niya lang ako at baka pasarapin niya lalo ang luto niya.


"Nako Cleo. Hindi ko alam na gan'to ka pala ka-vuvu. Tama nga si Pear na wala kang alam. Tingnan mo naman at sinunog mo pa ang bagong biling kaldero. Balak mo pa atang pasabugin itong rest house mo dahil sa pinaggagagawa mo." Buti na lang at tulog pa si Tristan kundi kukunyatan ko ang babaeng ito. Ang sarap himurin ang malibag niyang leeg. Nakalimutan niya na ata kung sinong kausap niya.


"Dzuh, gusto ko lang matutong magluto okay? Napag-isip isip ko lang na mas masarap kumain kung ako mismo magluluto para sa sarili ko." Tama, 'yon ang dahilan. Hindi ako magluluto para kay Tristan.


"Hay nako, bahala ka nga." Kinuha niya ang phone ko na nasa ibabaw lang ng dining table. Nandito kasi kami sa kitchen ng rest house ko at binabantayan ko ang sinasaing KO. Huh! Akala niya hindi ako marunong.


"Anong gagawin mo?" Hindi niya ako inintindi at maya-maya lang ay binigay niya na sa akin ang phone ko. Bumalandra agad sa akin ang video kung paano magsaing sa kaldero. Nag-search ang ate mo sa youtube. Aba. Napakagaling. Bakit hindi ko 'yon naisip? Gano'n ba ako ka-bobo sa life?


"Ayan, nilunod mo kasi ang sarili mo sa trabaho kaya napag-iwanan ka na ng panahon. Simpleng pagsaing, hindi ka marunong," naiiling na sabi nito. Sinundan ko lang ito ng tingin nang lumabas na ito. Aba, akala niya ata nakakatuwa pero buti na lang talaga at naisipan niya ito, kundi, hindi ko matatanggap na wala talaga akong alam. Nakakaasar.


---


Nakalapag na sa dining table ang mga niluto KO. Tama, magaling na ako magluto. Buti na lang at may frozen goods sa refrigerator kaya hindi na ako nahirapan pa. Nakakaloka, ang pagluluto pala ay parang pagiging isang kabalyero. Kailangan gumamit ng shield for mantika na tumatalsik. Ang dami ko tuloy paso.


Habang hinihintay si Tristan ay hindi ko maiwasang mapangiti. Ang sarap pala kasi sa feeling na magluto para sa isang special na tao. I mean, hindi naman special si Tristan. Sarili ko ang tinutukoy ko at hindi ang Tristan na 'yon. Tama. Tama ako. Palagi naman akong tama e'. 'Yon nga ang palaging sinasabi ng tatay ko e', palagi akong may tama.


"Anong me'ron?" Nagulat naman ako nang sumulpot si Tristan sa harapan ko. Natatakpan niya na tuloy ang magandang view ng dagat dahil hinarang niya ito ng kanyang hot na katawan. Nakagat ko ang labi ko dahil naka-boxer shorts lang ito at kabog, dahil Lee pa ang tatak nito. Nakakaloka. Kitang-kita ko ang v-line niya at ang masasarap na pandesal na sobrang sarap din sigurong isawsaw sa Americano coffee. Oh, lala. Kita ko rin ang magaganda niyang muscular na braso at grabe, hindi ko maiwasang mapatitig sa nakaumbok na ahas. What a shame. Bakit gan'to? Napaka-illegal ng ginagawa niya, tho, wala naman siyang ginagawa.


"Cleo." Pati ang pagtawag niya sa akin ay napaka-sexy pakinggan. Parang mas gusto ko tuloy mahiga sa kama habang pinapakinggan kung paano niya ako tawagin.


Tiningnan ko ang perpektong wangis ng mukha ni Tristan at hindi ko maiwasang lunukin ang sarili kong laway dahil sa mga titig na pinupukol niya. Lalo na nang unti-unti siyang ngumiti,


"Para mo naman akong linulunod sa mga titig mo. Anong balak mo?" Napaiwas na lang ako ng tingin sa sinabi niya.


"Kumain ka na nga." Inayos ko na ang plato ko at umupo naman siya sa harapan ko. Alam kong tinitingnan lang ni Tristan ang bawat kilos ko kaya hindi ko na lang pinansin pero nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko nang kukuha na sana ako ng kanin.


"Anong nangyari dito?" Hinawakan niya ang paso ko kaya hindi ko maiwasang mapa-aray. Malamang napaso. Bwiset kasi 'yan, tumilamsik 'yong mantika kanina nang ihulog ko 'yong hotdog sa kawali. Hindi ko naman alam na gano'n ang mangyayari kasi hindi naman gano'n 'yong nangyari sa napanood kong video kaya nagulat din ako.


Kung alam lang ni Tristan na sumugod ako kanina sa food wars dahil sa pagluluto kong medyo epic fail. Nakakatakot pala ang matalsikan ng mantika, grabe. Naging medyo purple ang balat ko at ang dami ko ng dots sa kamay ko.


"Nakipagbuno lang naman ako kanina sa mantika, kaya ganiyan. Hindi kasi ako marunong magluto." Binawi ko agad ang kamay ko at pilit ngumiti. Bakit ko ba sinabing hindi ako marunong magluto? Mamaya niyan, ma-turn off siya sa akin. Pero ano bang pake ko kung ma-turn off siya sa akin?


"Kaya pala gan'to ang itsura ng hotdog pati itlog," sabi nito habang pinagmamasdan ang kulay itim na hotdog at sunog na durog na itlog. Nakakahiya naman.


"Huwag mo nang kainin, baka malason ka pa sa ginawa ko. Pumunta ka na lang sa resto ni Bernadette at hayaan mong lutuan ka niya. Nakakahiya naman sa 'yo e'." Sa tanang buhay ko ay wala pa akong pinaglutuan kaya matatanggap ko kung hindi kainin ni Tristan ang niluto ko.


"Wala naman akong sinasabi." Hindi ko na lang siya pinansin pero tiningnan ko si Tristan nang magsubo na siya ng pagkain. Nakangiti itong nakatingin sa akin kahit alam kong mapait ang hotdog na niluto ko. Hindi niya niluwa ito at nilunok lang saka uminom ng tubig. What a shame.


"Masarap naman e'." Manloloko. Magkukunwari pa siyang masarap kahit hindi naman. Sumubo nga ako ng kanin at napangiwi na lang dahil matigas ito.


Tumayo na lang ako kaya tumingin sa akin si Tristan. "Huwag mo na 'yan kainin, ayoko na. Doon na lang tayo kay Bernadette at doon, mabubusog ka pa."


Buong buhay ko ay never pa akong nadismaya sa sarili ko. Pinalaki ata ako ng magulang ko na mapagmataas kaya gan'to na lang ang nararamdaman ko. Sobrang nakakababa sa sarili. Sa lahat naman ng gawain ko, magaling ako pero lagapak pala talaga ako pagdating sa gawaing bahay. Gan'to ata ang nangyari sa akin matapos kong mabuhay at masanay na lahat ng bagay na kailangan ko ay nakahanda na sa harapan ko at gagamitin ko na lang. Mga pagkain na mahirap palang lutuin ay hinahanda na lang sa akin. Bigla tuloy akong nakaramdam ng asar dahil nabuhay ako na walang hirap sa buhay.


Sa katunayan ay dapat pa akong magpasalamat dahil maganda ang buhay ko, pero ngayon ko lang ito hindi nagustuhan. Ngayon lang ako nakaramdam ng gan'to, dahil hindi man lang ako nahirapan sa buhay ko kaya ngayon, para akong batang nangangapa sa simpleng pagsaing at pagprito ng itlog. Mas gusto kong matuto sa oras na ito. Ayaw kong makasama si Tristan na wala siyang ipagmamayabang sa iba na nakasama niya ako. Ayokong masira ang kung anong pagkakakilala sa akin ni Tristan.


Ewan, nababaliw na ata ako. Nakalimutan ko na bigla kung ano ang pinunta ko rito at kung sino ako bago pumasok si Pax Tristan sa buhay ko.

Comment