Kabanata 17

Kabanata 17


Hindi ko inaakalang dito ko pa makikita ang lalaking miss na miss ko na. Oh, sinong miss ko? No. Hindi ko siya namimiss. I was just saying na dito ko pa pala makikita ang taong iniwan ako without even saying goodbye. So, he is Mr. Mendiola? He's Pax Tristan Mendiola?


Bahagya ko siyang tinulak dahil nakikiliti ako sa paghinga niya sa may tainga ko. Bwiset. Chars lang 'yon. Bahagya ko siyang tinulak dahil ayoko sa presensya niya. Ayoko sa kaniya na napakalapit sa akin. Kahit isang buwan kaming magkasama sa beach resort na 'yon ay hindi ko makakalimutan ang nangyari. Iniwan niya ako, remember? Bakit nandito siya? Siya na ba ang tinatawag nilang "Dark" Mendiola?


"If you want to have a meeting with me, please have a sit Mr. Mendiola." Hindi ko siya tiningnan nang sabihin ko 'yon. Ayoko siyang tingnan. Hindi dahil nao-awkward ako pero dahil natatakot ako na baka yakapin ko siya dahil sa sobrang miss ko sa kaniya at hindi ko mapigilan ang sarili ko.


Alam kong nakatingin lang siya sa akin pero lumapit sa amin si Valene at ipinaupo si Paxy sa couch na nandito sa loob. Tumayo ako nang maayos at kinuha ang folder sa mesa ko na naglalaman ng kontrata.


Hindi ko pa nababasa ang laman nito pero nagkaroon na ako ng dahilan para hindi i-sign ang contract. Pero biglang pumasok ang sinabi ng ama ko sa akin. My personal feelings should not intervene the business matters. Wala akong karapatan na gawing dahilan ang nararamdaman ko to take their offers down. This is not me. Kung gagawin ko 'yon ay parang naging selfish ako at hindi ko inisip ang pwedeng consequences na haharapin ng kumpanya ko.


Umupo ako sa harapan ni Tristan--- I mean, Mr. Mendiola and showed him my sweetest smile. Ang klase ng ngiti na ipinapakita ko sa bawat kasama ko sa isang meeting.


Hindi ako nagpapakapeke pero isa akong professional kaya naman I should act like one.


"Good morning Ms. Guevarra," seryosong sabi ni Tristan. Parang ibang tao tuloy ang kaharap ko, at hindi ang Tristan na nakilala ko sa beach resort. Hindi ang Tristan na pinagluto ko, ang Tristan na nakatabi ko sa kubo or ang Tristan na nagbuhat sa akin na parang sako.


TRISTAN'S POV,


Nang batiin ko si Ms. Guevarra ay bahagya siyang natigil, nawala rin ang mga ngiting pinakita niya. She avoided my gazes at parang wala siya sa kondisyon. Damn it. While looking at her, I couldn't help it but remember everything we did sa beach resort. Hindi niya alam kung paano ko kagustong yakapin siya ngayon dahil namiss ko ang lahat sa kaniya.


Siguro galit siya dahil iniwan ko siya, pero may rason naman ako. May rason ako at hindi niya na kailangan pang malaman dahil baka kamuhian niya lang ako at baka pangarapin niyang hindi na ako makita kahit kailan. God. I just want to stop the time now, just to kiss her forehead and hold her hand.


"Ms. Guevarra, before we discuss, gusto ko munang magpakilala." Pinipigilan ko lang ang sarili ko pero nanginginig ako. Fuck. Kailan pa ako naging ganito sa harap ng babae? Kaya nga ako ang pinadala ni Kuya e.


"No need. Let's just finish this quick. I'm afraid dahil baka maabala pa ng meeting na ito ang iba mong appointments, Mr. Mendiola." Cold. Ibang-iba ang kaharap ko sa medyo masungit na Guevarra sa beach. She looks hot yet professional with her above the knee fitted off-shoulder black dress. Ang sexy ding tingnan ng naka-pony niyang buhok kaya hindi ko maiwasang mapatingin sa leeg niya. Oh god. I want to bit every inch of her. I should stop this but I can't help it.


"It's fine. Supposedly, ang Kuya ko ang kaharap mo ngayon. He just send me here alone, because he already know that you will just sign the contract." Nakita ko ang mahigpit na paghawak ni Cleopatra sa ballpen niya habang pumipirma. Woah. She's swift.


Hindi niya ba binasa ang contract? So, payag siya?


"Okay, I'm done." Pagkapirma niya ay nilapag niya agad ang kontrata sa lamesang nasa pagitan naming dalawa. Saka lang din nilapag ng Secretary niya ang coffee sa harap namin. Good, then. At least hindi ako mapapalayas agad dito sa office niya nang walang dahilan.


"Hindi ka na dapat nag-abala, Valene. Aalis na rin naman si Mr. Mendiola," rinig kong sabi ni Cleopatra sa secretary niya. Nginitian ko lang ang secretary niya.


"It's fine, thank you. Uubusin ko na lang muna itong kape para hindi sayang and I'm off," sabi ko na lang. Tiningnan ko nga si Cleopatra at inirapan lang ako nito. Lusot ang excuse ko.


Yumuko ang secretary ni Cleo at lumabas na. Kaming dalawa na lang ang nasa loob at sobrang tahimik ni Cleo. Hindi ako mapakali. Tiningnan ko ang kamay ni Cleo pero nadismaya ako dahil hindi niya suot ang bracelet na iniwan ko sa kaniya. Hindi ba siya pumunta sa kubo? Fuck. Ako pa naman ang nag-engrave ng pangalan niya doon. It took me a while to finish that thing tapos hindi niya rin pala makukuha? Sinayang ko lang ang oras ko.


"Hindi mo nakuha 'yong bracelet?" Nagtanong pa rin ako para makasiguro. Tumingin naman si Cleopatra sa kamay niya at binalik ang tingin sa akin,


"Aling bracelet?" tanong nito kaya nakumpirma kong hindi niya nga nakuha. What the hell. I'm so pissed. Magiging masaya sana ako kung makikita ko itong suot niya pero na-disappoint lang ako sa sarili ko. Sana pala nilagay ko na lang sa may side table niya para pagkagising niya ay makikita niya agad pero hindi. Ano ba naman kasing pumasok sa utak ko para pumunta pa sa kubo at iwan yon doon? Tss. Akala ko ba, pupunta siya sa kubo at hahanapin ako? Umasa lang ako. Mukha namang maayos siya at hindi ako namiss.


Akala ko naman nakuha ko na ang puso niya. Pero hindi ko alam kung bakit gigil na gigil ako. Marami naman akong babae sa paligid ko. Bakit parang 'yon lang e' big deal para sa akin? Tss.


"Hindi ka pa ba tapos magkape? Marami pa akong kailangan tapusin, bilisan mo na," malamig na sabi ni Cleopatra.


"Parang iba ka ah. Did something happened? Anong nangyari? You know, you can always share anything to me." What the hell, Pax. Paano pa magsasabi sa 'yo 'yan kung iniwan mo nga siya sa beach.


"Nevermind," pagbawi ko agad sa sinabi ko. Hindi na lang siya nagsalita at tumayo na. Akala ko lalabas siya pero dumiretso lang siya sa kaniyang mesa at kung ano na ang ginawa sa laptop niya. Pinagmamasdan ko lang siya mula dito sa couch at hindi ko alam kung bakit parang masakit. Lol. Nasasaktan ako? Imposible. Siguro, hindi lang ako sanay dahil lahat ng babae ko e' sa akin lang ang atensyon. Si Cleopatra lang ang naiiba, kasi kahit pagtingin sa akin ay hindi niya ginawa, pero hindi naman siya kabilang sa mga babae ko.


Napailing na lang ako. Ayaw niya lang sigurong sayangin ang oras niya sa akin.


Agad namang tumunog ang phone ko kaya bago ko pa man ito sagutin ay kinuha ko na ang signed papers na nakapaloob sa folder. Tumayo na rin ako at lumapit kay Guevarra. Tiningnan lang ako nito at bumalik muli sa ginagawa,


"I'm going. Bye, see you next time." Paalam ko dito. Hindi ko na siya pinansin at lumabas na ng office niya. Doon ko lang sinagot ang tawag ni Kuya,


"So? Any news?" Napangisi ako. Pumasok ako agad sa elevator at hinintay itong magsara.


"Good, bro. She signed it. Sabihin mo na agad kay Lolo, I know he will be happy," nakangising sabi ko rito. Good grief, tapos na ang trabaho ko. Binuksan ko ang folder na naglalaman ng kontrata. Siguro nga ay hindi ito nabasa ni Cleopatra at basta na lang pumirma, tho, wala naman talagang special masyado sa contract.


Napailing na lang ako. Dapat sa gan'tong meeting ay dini-discuss namin ang nakapaloob sa contract pero hindi. Ayaw siguro talaga akong makita ni Cleopatra at basta na lang itong pinirmahan. Para tuloy akong nasa book signing event ---or no, para siyang nagpipirma ng wedding contract namin.


Damn it. I miss my kitten.

Comment