Kabanata 23

Kabanata 23


Kinabukasan ay badtrip akong pumasok ng trabaho. Alam ko na ramdam din ng mga employees ko na wala ako sa mood ngayon kaya walang nangangahas na lumapit sa akin. Kahit si Valene ay hindi ako ginulo tulad nang madalas niyang ginagawa at sinabi lang niya na wala akong appointment ngayong araw pero marami raw akong dapat pirmahan na papers sa table ko.


Pagkapasok ko sa office ay pasalampak akong umupo sa swivel chair at pinaikot ito para makita ko ang magandang view mula rito. Kahit man lang sa gan'tong tanawin ay gumaan ang pakiramdam ko.


Sobrang badtrip ako dahil matapos ng nangyari kahapon ay hindi man lang ako tinawagan at tinext ni Tristan na parang pinapahiwatig niya na wala siyang pakealam sa nararamdaman ko or kung ano mang mararamdaman ko sa nakita ko kahapon.


Kotang-kota na si Tristan sa akin. Palagi ko na lang pinapalampas. Kahit isang sorry, wala akong narinig mula sa kaniya kapag nagagalit ako. Kaya sobra akong naiinis, hindi kay Tristan, pero sa sarili ko. Naiinis ako kasi kahit gano'n ang nangyari kahapon at kahit hindi niya ako tinawagan o tinext man lang ay namimiss ko pa rin siya. Nangingibabaw pa rin 'yong pagkamiss ko sa kaniya kaya naaasar akong lalo.


Panatag ba si Tristan na ayos lang sa akin ang nangyari? Iniisip niya ba na pahupain niya lang ang galit ko para pagbalik niya, gano'n pa rin? Ayos na ulit ako? Na kunwari walang nangyari kahapon na ikakaselos ko? Gano'n ba?


Pinaikot ko ulit ang swivel chair ko at napatingin ako sa phone ko na nagriring sa mesa at agad itong kinuha para lang makitang si mommy ang tumawag. Muli kong pinaikot ang inuupuan ko para makaharap ang ganda ng tanawin. Syempre, nadismaya ako nang hindi very light pero sobra pa sa very. Psh. Akala ko si Tristan ang tumatawag at sasabihin niyang miss niya na ako.


"Hello, magaling kong ina," agad kong bungad dito.


"Anakis! Miss na kita, Patra anak!" Ayan na naman siya. Kaya ayaw kong naririnig na tinatawag ako ng bruha kong ina dahil sa ganda ng palayaw niya sa akin. Patra. Ganda noh? Ganda.


"Aba, tigilan mo ako tanging ina ko." Gan'to talaga kami. Nasanay na ako dahil feeling teenager ang mama ko. Palagi niya rin kasing kachismisan ang mayordoma sa bahay na bakla, kaya ayan. Nag-reflect na.


"Eto naman oo. Kailan mo ba ako bibigyan ng apo, anak kong maganda? Alam mo na, matanda na ang maganda mong ina kaya gusto ko na makita ang magmamana ng kaguwapuhan ng ama mo." Wow. Si papa ba ang mapapangasawa ko? At bakit hindi si Kuya ang sabihan niya?


"Ma naman. You know that I'm not ready yet for that matter," saad ko.


"Hindi ready, or wala pang nobyo? Anak, siyam na buwan kang tumambay sa sinapupunan ko at ilang taon kitang inalagaan para maging ganiyan. Hindi mo kailangan magsinungaling kasi kahit gano'n ang gawin mo, hindi 'yan uubra sa akin. Ako ang mommy mo," sabi niya na may paglalambing. This is what I love and at the same time hate about my mom. I love how she tells me all this pero I hate it dahil dinadaan niya ako sa gan'to para hingian ako ng apo na akala mo'y maibibigay ko on the spot.


"Mom, I'll tell you na lang kung ano mangyayari, or I'll visit you na lang one of these days ta's pakulay tayo buhok. I miss you and I love you," sabi ko rito. After all, she's my best mom at kahit medj matanda na ang ina ko ay palagi siyang best para kausap for my problems. Ang tangi lang naming bonding always ay pagpapakulay ng buhok at sabay na pagpapa-pedicure at manicure.


"Anak, kapag buntis ka na nga tapos manganganak, make sure to give your anakisses the bests names like yours, okay?" I couldn't help but to smile. Kuya Eros' name has its meaning, mine also has and Sol's name also has a meaning. That's what I love about it. Kaya kahit Patra ang tawag sa akin ng nanay ko, hindi ako nagagalit. After all, my name means Glory of the Father and an Ancient Queen of Egypt.


"Of course mom, pero hindi ka pa magkakaapo." Napailing na lang ako matapos no'n at pinatay ang tawag. Napabuntong hininga ako at pinikit ko ang mata ko. I just felt so stressed. Grabe. Ano ba ang dahilan ng mga ito?


Pinaikot ko na lang ulit ang swivel chair and I was surprised to see Tristan standing in front of my table. But of course, niloloko ko lang ang sarili ko. Tulad ng ginawa ni Tristan last time ay hindi pa siya sa akin tumatawag or nagtitext man lang. Hindi ko na lang pinansin at hinayaan kong lumipas ang oras. Nagkunwari ako na parang hindi naghihintay dahil ayokong maging marupok.


Iniisip ko si Tristan. Iniisip ko na naman siya. Kung pupuntahan niya man ako ngayon ay sigurado akong papatawarin ko na naman siya ulit kahit never naman siyang nag-sorry sa akin. Bakit? May nabasa ba kayong nagsorry siya sa akin kahit once? Wala 'di ba? He never apologized at parang pinaramdam niya lang na he doesn't care about my feelings and siguro'y akala niya, okay lang sa akin lahat. At sa mga nakaraang araw? Mas lalo lang lumalala. Nakakalimutan niya na rin magparamdam.


Pero kahit gano'n, mahal ko talaga e'. Totoo ang nararamdaman ko. Sobrang lakas ng cheering squad ng puso ko every time na may ginagawa siyang bago sa akin. Kapag hinahapit niya ang bewang ko ay parang may bolta-boltaheng kuryenteng dumadaloy sa katawan ko. At para bang ayaw niya akong maangkin ng iba. Pinaparamdam niya rin sa akin na safe ako kapag kasama ko siya, at sobrang gentle niya gumalaw. Minsan, hinihiling ko na 24/7 kaming magkasama. Gusto kong siya ang bubungad sa akin bawat umaga at siya ang huling taong makikita ko bago matulog sa gabi. Gusto ko siyang makasama hindi lang sa pagtulog, pero pati sa hapag, sa pagligo, at sa kahit saan. Gusto ko siyang pakasalan at gusto kong bumuo ng pamilya kasama siya. Those things... Siya lang ang lalaking nakikita ko na kasama kong ginagawa ang mga bagay na 'yon. Siya lang ang nakikita ko sa future ko. At sa bawat araw na dumadaan? Mas lalo lang lumalalim ang nararamdaman ko at nadadagdagan lang ito lalo kapag hindi ko siya nakikita o nakakausap man lang. I'm lost without him, and he completes me everytime he's around. He was my missing piece.


Pero siya ba? Pareho ba kami ng nararamdaman? Kasi, sa mga lumipas na araw? Mas na-realize ko lang kung gaano ko siya hindi kilala. Yes, I might know his favorite color, food, hobby, or his past pero paano 'yong present? Hindi ko man lang alam kung anong iniisip niya. I don't even know if he was just plotting these all along para paglaruan ako. Yes, Pear already told me to trust Tristan but how will I trust him kung siya mismo ay parang pinipigilan ang bawat pagtry kong pasukin ang buhay niya? Ano ba talaga 'yong gusto niyang gawin? Should I play along para masayahan siya? Or hayaan ko lang siya tapos makikita ko na lang ang sarili kong nasasaktan dahil sa kaniya?


Gusto kong maliwanagan. Gustong-gusto ko, pero paano? Anong dapat kong gawin?


Napabuntong hininga na lamang ako at maya-maya lang ay may tumawag na sa akin. Si Pear. Anong kailangan nito?


"Baks! Huhu inom tayo! Dali! Samahan mo akong maging wasted ngayong gabi!" Ano na namang problema nito?


"Bakit? Ano nangyari?"


"Iniwan na ako ng boyfriend ko!" Tiningnan ko ulit kung sino ang caller, pero si Pear nga. Ang kulit ko.


"May boyfriend ka? Talaga? Kailan pa?" naibulalas ko na lang sa gulat. Naging sobrang busy ba ako sa sarili ko para hindi malaman kung ano na ang buhay ng kaibigan ko? O wala naman talaga siyang jowa at gusto niya lang uminom?


"Ihh, mas pinapasakit mo lang ang hearteu ko ih!" Napairap na lang ako. Sa sagot nito ay nakumpirma kong hindi ito broken. Gusto lang nitong uminom at lumandi. Siguro, dahil wala na naman itong manliligaw. Kasalanan na naman siguro ng Kuya ko ito. Nako. Bahala sila. Me'ron din naman silang sariling kwento pero sa ngayon, sasamahan ko muna ang atribida kong kaibigan dahil nagyayaya na naman at ibig-sabihin, makakalimutan ko na naman ng medj si Tristan!


"Oo na, oo na. Sige, saan ba? Sa dati lang?" tanong ko rito. Tumili pa ito sa kabilang linya kaya nailayo ko nang bahagya ang phone sa aking precious ears.


"Arat! Sa One Piece ulit!" Napangiti na lang ako nang pilit. Doon na naman? Hay nako. Baka magkita na naman kami doon ni Tristan ah. Pero ano naman? Psh. Kailangan ko talaga siyang makita dahil siya lang ang gamot ko sa may sakit kong araw. Iw. Kadiring banat.


Napailing na lang ako. Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Ay, bahala na nga.

Comment