Kabanata 31

Kabanata 31


Nakuwento ko na lahat sa ina ko at eto siya sa harap ko, kasalukuyang pinapaypayan ng kaniyang best mayordomang baklang si Vicks. Hay nako. Nawalan ng malay ang ina nang ikuwento ko ang lahat at nang sabihin ko sa kaniya ang sinabi sa akin ni Tristan na dapat kong sabihin, "I'm getting married." Ayan at bigla si inang nahimatay sa sahig.


"Kabigla-bigla ka naman kasi Patrang!" naibulalas na lang ni Vicks. Pinanlakihan ko nga ng mata dahil palagi niya akong tinatawag na Patrang. Hmp. Akala niya ba close kami medj?


"Eh sabi ng boyfriend ko 'yon ang sabihin ko kay mom e'. Dzuh, ano magagawa ko? Isa akong masunuring girlfriend," tugon ko rito.


"Kabogabols ah! No'ng nakaraan lang nakuwento ni mamc mo na wala kang nobyo, ngayon, papakasal ka na! Aba ija, hindi minamadali ang kasal," sabi nito.


"At hindi minamadali ang apo, Vicks. Ngayong mag-aasawa na ako, parang tutol pa ang ina ko. Ano bang dapat kong gawin? Aish." Napailing na lang si Vicks sa sinabi ko. Maya-maya lang ay nagising na si mama at agad ako nitong niyakap nang mahigpit.


"Anakis, nako. Hindi ko naman alam na gan'to ang magiging balita mo. Isang pasabog naman iyon anak, hindi ka man lang nagdahan-dahan!" naibulalas ng ina ko at itinaas pa ang kamay na parang 'pasabog'. Gano'n.


"Mom, gusto ko lang hingin ang basbas mo. Hindi rin magtatagal ay pupunta dito si Kuya at siya na ang bahala sa kumpanya. Kaya ayan mom, hinihintay ko na lang talaga ang sasabihin mo. Alam ko naman na papayag ka e'. Si Tristan lang talaga ang nagsabi na pumunta ako sa 'yo dito at magpaalam." Matapos kong sabihin 'yon ay nagkatinginan ang dalawa. Si mayordoma at si mama.


"Tristan?!" sabay pa nilang sabi. Tumango tango naman ako dahil dito.


"Opo. Pax Tristan Mendiola, po."


"Pax Tristan Mendiola!?" sabay ulit sila. Teka, anong me'ron? Bakit sila gan'to? Ayos ang reaksyon nila ah. Parang well trained dogs. High breed dogs.


"Omg anakis, 'yong tinutukoy mo ba, 'yong lalaking may mapupulang labi?" sabi ni mama kaya tumango ako.


"'Yong matambok ang puwet?" sabi naman ni Vicks. Sinamaan ko nga ng tingin. Bakit alam niyang matambok ang puwet ng boyfriend ko!?


"Bakit mo alam?" Nag-flip ito ng hair at umupo sa sofa. Oo nga pala, nasa sahig pa rin kami. Si mama kasi!


"Duh, nandito 'yon noong nakaraan at nililigawan ako!" Nakita ko ang pagkalabit ni mama kay Vicks kaya pinanliitan ko 'to ng mata. Niligawan?


"Anong niligawan?" Napaiwas siya ng tingin kaya tiningnan ko si mama. Umiwas din si mama ng tingin kaya tumayo ako at umupo sa couch at ipinagkrus ang mga braso ko. Aba, may tinatago ang dalawang ito.


"Sabihin niyo ngang dalawa, pumunta ba dito si Tristan?" Sabay naman silang tumango. Oh?


"Anong ginawa niya dito?" Ghad.


"Hmm, madalas siyang pumunta dito para bigyan kami ni mamc ng flowers tapos pinagluluto niya kami. Pinapasok namin kasi sabi niya boyfriend mo raw siya at ayon, may mga plans na daw kayo tapos ang dami niya pang sinabi na kung ano-ano. Kaya nga itong mama mo ih, hiningian ka ng apo no'ng nakaraan kasi guwapo raw si Pax Tristan kaya gusto niya na bigla magkaapo." Nahilot ko ang sintido ko sa mga narinig. Madalas pumunta dito si Tristan? Tapos hindi ko alam? Tapos gulat na gulat pa sila kanina sa sinabi ko? Tapos ano, habang nililigawan niya ako, nililigawan niya rin ang dalawang ito?


So 'yong mga iniisip kong masama sa kaniya noon, na baka ipagpalit niya ako sa iba, na baka nangbababae siya kahit nililigawan niya palang ako e' hindi talaga totoo? I mean, puro duda lang sila? Sila mama ang nilalandi niya? Oh god, Tristan. Iba ka magtrabaho aba. Ang dami ko talagang tanong diyan kay Tristan 'pag nagkita kami. Lagot 'yan sa akin.


"Oo anak, at alam mo ba? Ang sarap ni Tristan magluto. Kabog na kabog!" Inirapan ko nga si mom. Chars. Hindi 'yan maganda. Huminga na lang ako nang malalim dahil sobrang inaantok na ako. Anong oras na ba? Alas onse na ng gabi.


"Hay nako mom, basta bukas, aalis ako nang maaga. Okay?" Tumango naman ito at tumabi sa akin. Niyakap ako ni mom kaya niyakap ko rin siya pabalik.


"Ingat ka anak. Ako na ang bahala kay Kuya mo. Ayusin mo ang buhay mo, okay? 'Wag kang papakalunod sa dagat. Nako anak, balik kayo ni Tristan dito okay?" Nako ang ina ko. Masyado akong mamimiss oo.


"Ma naman, hindi ako magpapakamatay doon. And yes, babalik din kami dito ni Tristan, mom. Hindi lang agad-agad." Ngumiti lang ang ina ko at napatingin naman ako kay Vicks. Nagpupunas ito ng imaginary luha kaya inirapan ko lang ito. Hay nako.


Nakagawa ko na ang unang utos ni Tristan. Bukas ay maaga akong aalis at dapat maunahan ko si Tristan na makapunta doon. Napailing na lang ako dahil trip kong mailing. Miss ko na agad ang boyfriend ko. Nasaan na kaya siya? Ano na kayang ginagawa niya?


TRISTAN'S POV,


"Kuya, tapos na ang trabaho ko kay Kathy. Ano pang gusto mong malaman?" Nakatingin lang si Phoenix sa basong hawak niya na may lamang alak at saka ako binalingan ng tingin.


"Wala. Gusto ko lang pag-tripan ka." Napailing na lang ako sa narinig at naupo sa upuang nakaharap sa lamesa ni Kuya. Tss.


"You know Pax, we've been working about mom and dad's case pero I think we should stop it already," seryosong sabi ni Kuya. Naghihintay lang ako ng mga sasabihin niya.


"I just realized, kung buhay sila mom, hindi nila magugustuhan ang ginagawa natin." Syempre dahil kung buhay sila, hindi sila patay. Probably, wala kaming kailangang hanapin na tao na naging dahilan sa pagkamatay nila.


"And Lolo told me to learn how to let go. Hindi rin daw kasi tayo makaka-move forward without letting go the past. Let the past be our lesson. Let's just be happy and forget it dahil I'm pretty sure, that's what mom wants, and dad? He will for sure be just quiet about this. Kahit tahimik lang naman si dad noon, I know sasabihin niya sa atin, this is nonsense e'." Hindi ko alam kung anong ire-react ko sa sinasabi ni Kuya. Grabe. This is so not him. All these years, Phoenix was so eager to know who are the suspects sa pagkamatay ng parents namin. Kaya nga nabuo ang Black Org. e'. Black means despair for Kuya. Siya 'yong sobrang naapektuhan noon.


"Now, Pax Tristan, I want you to be happy. Kahit kayo na lang ni Lolo ang kasama ko at balak mo na akong iwan, gusto ko pa rin na magkaroon ka ng masayang buhay at gusto ko rin magkaroon ng pamangkin haha." Napailing na lang ako. Tss.


"Kuya, paano 'yong kaibigan ni Cleopatra? I mean, that florist woman you were talking about?" Napangisi naman si Kuya sa narinig.


"I'll surely give her hell," sabi nito na seryoso. Give her hell? Sounds familiar. I think, I just heard that from a song.


"So..." Tumayo na ako at inalis ang hikaw ko sa tainga.


"So, 'pag sinaktan mo si Cleopatra, aagawin ko siya sa 'yo." Tumayo din si Kuya at inalis ang tainga niya--- I mean, ang hikaw niya.


Sinamaan ko nga ng tingin. Tumawa lang siya at binaba ang hikaw sa mesa niya, kaya ginawa ko rin. I placed the piercing on his table.


"Cleopatra's a big catch, bro. Anong balak mo sa kaniya?" I shrugged and looked at him grinning.


"Parang ayoko ng ngiti mo, bro ah." Of course, I always have plans in my head at si Cleopatra ang dahilan ng lahat ng ito.


I never gave so much efforts noon pero ngayon, parang gusto kong ibigay lahat kay Cleopatra. Gusto ko siyang bigyan ng magandang buhay kasama ako. Fuck. I can't wait to see my girlfriend turn to be my wife and the mother of my sperms.


"You know bro, I want to sell my bar sa murang halaga lang." Nagulat naman si Phoenix at maya-maya lang ay ngumiti saka ginulo ang buhok ko.


"Kuya! Hindi na ako bata!" Tss. Hindi ko na napigilang hindi mapangiti. Lumapit ito sa akin at inakbayan ako.


"Alam mo Pax, you should be good to your Kuya. After all, bibigyan ko ng tig-iisang sariling kotse ang mga magiging anak mo 'pag kapanganak ni Cleopatra. I will spoil them tapos, kapag hihingi sila sa akin ng ice cream, bibigyan ko sila ng isang cart ng ice cream." Sinamaan ko nga ng tingin. Tss.


"It's my job to spoil my kids, Kuya at kung gusto mo rin ng batang i-spoil mo, gumawa ka ng sarili mo. Tss." Wala pa nga akong anak, gan'to na naiisip ni Kuya. Inuunahan pa ako.


"I was just kidding bro. Don't worry, ako naman sunod but now? Let's have some fun." Hinila na ako ni Kuya palabas ng office niya habang naka-akbay pa rin sa akin. Hindi na ako umalma dahil baka last na ito. But I know what he meant about having fun. He'll just bring me to the pool to swim with him. Hay nako. My bad-ass Kuya is being sweet dahil aalis na ang kapatid niya. Siguro ay kung ano-ano na naman sinabi ni Lolo sa kaniya.


Pero kamusta na kaya ang asawa ko? Naks. Asawa. Hindi pa pala kami kasal. Pero kamusta na si Cleo? Sobrang dami ko pang kailangang tapusin na nasa plans ko e'. Hindi pa ako agad makakasunod.


Baby, wait for me.

Comment